It is very timely na tayo ay nasa kalagitnaan ng pag-aaral ng Exodus dahil mula sa linggong ito hanggang sa mga susunod na buwan, tayo ay pupunta sa bahagi ng Hebrews kung saan tinatalakay ang iba’t ibang element at key figures ng Exodus. Ilan dito ay sina Moses, Aaron, at maging ang mga punong pari na last week lang ay pinag-usapan din natin. At ngayong umaga, mabibigyan din tayo ng pagkakataon na makita kung paanong sa pagdating ni Cristo, nai-reveal o naipakita sa atin ang complete fulfillment at significance ng mga naunang figures na ito. Magsisimula tayo ngayong linggo kay Moises.

Kung babasahin po ninyo ang passage natin ngayong umaga, may makikita kayong heading sa taas ng verse 1 na nagsasabing, Jesus, higit na dakila kay Moses. And that’s true. Pagbubulayan natin ngayon kung sa paanong mga paraan. Pero the question we need to answer is: bakit nga ba ikinukumpara ng author ng Hebrews si Jesus at si Moses? Anong dahilan o nag-uudyok sa kanya para i-address ito? It is imperative—napakahalaga—na ating makita ang background o context ng Hebrews dahil ito rin ay mahalaga para sa primary audience ng sulat na ito.

Again, ang primary audience ng author dito ay mga Christians na may Jewish backgrounds. Actually, ang salitang Hebrews na siyang title ng librong inaaral natin ay ginagamit din to identify people na binibilang ang sarili nilang na bahagi ng lineage nina Abraham, Moses, and David. In short, may Jewish descent. Noong panahon na ito, maaaring marami sa kanila ang nanggaling sa Judaism o Judaistic belief. Isa sa mga pangunahing itinuturo ng Judaism patungkol sa kaligtasan na makalalapit o maliligtas lamang ang tao sa Diyos kung susundin niya lahat ng iniutos ng Diyos sa kanya, perfectly. Again, mahalaga ang law o ang kautusan sa Judaistic belief dahil ang pagsunod dito ang siyang daan para maligtas. At ito ‘yung isa sa dahilan kaya din naman si Moses ay napakahalagang figure para sa kanila. Dahil sa pamamagitan ni Moses naipahayag ang mga kautusang ito mula sa Diyos.

Maaaring ‘yung iba sa kanila ay kumbinsido nang mas higit si Jesus kaysa mga anghel pero kung ikukumpara sa isang towering at very important na OT figure katulad ni Moses, e parang ibang usapan na ‘yan. Sabi ng isang scholar, to all Jews, Moses was simply the greatest. Kino-compare ng author si Jesus at si Moses dahil kailangan maunawaan ng mga Kristiyano dito na higit ang kadakilaan ni Jesus. At dahil sa mataas na reverence o pagkamangha kay Moses, maaaring mas nagtitiwala na sila kay Moses kaysa kay Jesus. John 5:45, “May isang nagpaparatang sa inyo, si Moises, siya na inyong inaasahan. Sapagkat kung kayo’y sumasampalataya kay Moises ay sasampalataya kayo sa akin, sapagkat siya’y sumulat tungkol sa akin. Sa ESV, sinabi na, “Moses, on whom you have set your hope.” Maaari na ilan sa mga Kristiyanong kinakausap dito ng author ang natutukso na magtiwala hindi lang sa mga dati nilang beliefs but trust more in Moses, a created being, rather than God who created them—sa Diyos na siyang lumikha sa kanila. Again, it is an imperative from the author na makita ng kanyang audience na si Jesus ay nakahihigit kay Moises.

Ngayon, paanong ang mga bagay na ito ay significant sa ating mga buhay at sa buhay ng church? Similar to the Hebrew Christians, tayo ay pinaaalalahanan na i-evaluate ang ating mga sarili at tignan kung kanino o saan nga ba talaga nakalagak ang ating pagtitiwala. Ask yourself. Nasa Diyos ba ang iyong tiwala? Gaya ng mga kausap ng author ng Hebrews, baka sa ibang tao o bagay mo na ibinibigay ang iyong tiwala? O baka sa pagkamangha mo sa ibang mga key people ay you fail to see the majesty of Christ?

‘Yung estado ng Hebrews, hindi lang ito issue ng unbelief. Ito ay issue ng idolatry. Ito ang sinabi ni Augustine. Itinranslate ko ito sa Filipino. Sabi niya, “Ngunit ang aking kasalanan ay ito, na hinanap ko ang kasiyahan, kagandahan, at katotohanan hindi sa Diyos kundi sa aking sarili at sa Kanyang mga nilalang, at ang paghahanap ay nagdala sa akin sa sakit, pagkalito, at pagkakamali.”

Kapag mas pinipili natin na magtiwala sa ibang mga bagay, tao, o kahit sa ating mga sarili whether for our confidence, para sa assurance sa mga bagay na inaasahan natin, o kaya naman ay para sa mga bagay na makapagsa-satisfy sa atin, nagkakasala tayo. Nagkakasala tayo dahil ipinagpapalit natin ang napakalaki at pangwalang-hanggang Diyos para sa mga mas maliit at panandaliang karanasan. We sin because we exchange our big and eternal God for lesser temporary things.

Again, saan o kanino mo inilalagak ang iyong pag-asa at katiyakan para sa mga bagay na darating? At kung after careful evaluation, makita mo ang estado ng iyong puso na nagkukulang sa pagtitiwala sa Panginoon, ito ‘yung command sa atin ng author.

Gaya ng panimula ng chapter 2, ang chapter 3 ay nag-umpisa din sa isang command. Isang command na nakatali sa mga doctrinal truths.

Let’s read verse 1. (ESV), “Therefore, holy brothers, you who share in a heavenly calling, consider Jesus, the apostle and high priest of our confession.

May ilang mga bagay na dapat nating makita rito. Una, tayo ay tinatawag ng Diyos. Sabi diyan, heavenly calling o makalangit na pagkatawag. Bilang mga makasalanan na parurusahan ng Diyos, mayroon tayong dalawang pangunahing pangangailangan. Revelation and reconciliation from God. Bilang mga makasalanan, kailangan nating maligtas mula sa parusa ng Diyos at para mangyari ‘yun, kailangang ipakilala ng Diyos ang kanyang sarili sa atin. Kailangan nating makita kung sino ang banal na Diyos at kung paano tayo nagkasala laban sa kanya. At bilang mga makasalanan na nakikita at nauunawaan ang kanyang estado sa harap ng banal na Diyos, kailangan natin ngayon na muling mapagkasundo sa Diyos. Dahil kung tayo ay mananatiling kaaway niya, tayo ay mamatay at tiyak na tatanggap ng poot ng Diyos. Again, kailangan natin ng revelation from God at reconciliation with God.

At ‘yung ating heavenly calling ang siyang daan para matanggap natin ang mga bagay na ito. What is God calling us to do? Tinatawag tayo ng Diyos to consider Jesus. But what does it mean to consider Jesus? Sa tagalog ang sabi, isaalang-alang o isipin. Let me read sa NIV dahil I think mas malinaw na itinuro sa atin dito kung ano at paano natin magagawa ‘yung sinasabi rito na consider Jesus.

“Therefore, holy brothers and sisters, who share in the heavenly calling, fix your thoughts on Jesus.” Again, to consider Jesus is to fix our thoughts on him. Fix your eyes on him. Hindi lang basta tumingin kay Jesus kundi locked-in, permanent, walang pikitan. ‘Wag kang babaling sa iba. ‘Wag kang titingin sa iba. Kung gusto natin na makilala ang revelation ng Diyos, titingin tayo kay Jesus. Kung gusto nating malaman ang daan sa kaligtasan, titingin tayo kay Jesus. Ito ‘yung command na paulit-ulit ine-establish sa Hebrews. ‘Wag mong kaliligtaan si Jesus. Chapter 2:1, pay your utmost attention to Christ. ‘Wag sa ibang bagay, ‘wag sa mundong ito, ‘wag sa trabaho, o mga anak, o sa career. Hindi natin sinasabi na bawal isipin ang bagay na ‘yun pero when we consider Jesus, nakikita natin dapat ang lahat ng bagay at bawat bahagi ng ating buhay kay Cristo and in light of what he did for us.

Ngayon, ‘yung command o heavenly calling sa atin ng Diyos ay hindi lang basta isipin at tignan si Jesus. Sinabihan tayo dito ng author na consider Jesus, the apostle and high priest of our confession. At hindi lang basta nito ina-address ‘yung pangangailangan natin sa revelation at reconciliation with God. Para sa mga original audience nito, binabasag ng author ‘yung kanilang maliit na pagtingin sa Diyos at labis na pagpapahalaga kay Moses.  Sa paanong paraan? Una, tignan at isipin natin si Jesus na karapat-dapat sa higit na kaluwalhatian o worthy of greater glory kaysa kay Moses bilang apostol.

As Our Apostle

Consider Jesus as our apostle. Sa buong Bibliya, isang beses lang in-identify si Jesus bilang apostol. At ‘yun ay to compare him with Moses at i-establish ‘yung halaga ng mga sasabihin niya rito. Bakit? Dahil para sa maraming Jewish Christians o Hebrews, si Moses ang kanilang dakilang apostol. Kapag sinabi nating apostol, ibig sabihin nito tinawag, pinili, at ipinadala. Isa pang malalim na definition nito ay ambassador or representative. Mayroong ipinadadala to represent someone, at sa kasong ito, ang Diyos. Kapag ang isa ay naging ambassador, ang mga sasabihin at gagawin niya ay ‘yun lamang nanggaling sa nagpadala sa kanya. Hindi pwedeng may sariling opinyon o dagdag na gawa.

Para sa mga Israelites nung panahon ng Exodus, si Moses ang kanilang dakilang apostol dahil siya ang tinawag, pinili, at ipinadala ng Diyos para sa kanila. Siya ang representative ng Diyos sa mga Israelites at sa pharoah. Pinapakilala ng Diyos ang kanyang sarili sa Israel pero ginagamit niya si Moses, bilang apostol, para lubos na makita ng mga Israelites at ng paraon ‘yung kanyang kapangyarihan at katapan sa kanila. Kapag may sasabihin ang Diyos, sinasabi niya ‘yun sa pamamagitan ni Moses. Kapag may iuutos ang Diyos, sinasabi niya ‘yun through Moses. Si Moses ay hindi lang basta messenger kundi siya din ay may prophetic office o function. At hindi kagaya ng ibang mga propeta na kinausap ng Diyos gamit ang iba’t ibang pamamaraan, si Moses ay kinakausap mismo ng Diyos. Pinapakita ng Diyos ang kanyang sarili sa kanya. Sabi sa Number 12:6-8, At kanyang sinabi,Pakinggan ninyo ngayon ang aking mga salita. Kung mayroon sa gitna ninyo na isang propeta, akong Panginoon ay magpapakilala sa kanya sa pangitain, at kakausapin ko siya sa panaginip. 7 Ang aking lingkod na si Moises ay hindi gayon; ipinagkatiwala ko sa kanya ang aking buong sambahayan. 8 Sa kanya’y nakikipag-usap ako nang harapan, nang maliwanag, at hindi sa malabong salitaan; at ang anyo ng Panginoon ay kanyang nakikita. Bakit hindi kayo natakot na magsalita laban sa aking lingkod na si Moises?”

Nakikita ninyo ‘yung favor ng Diyos kay Moses? Nakikipag-usap ang Diyos sa kanya ng harapan at malinaw. Maliban sa mga bagay na ‘yun, si Moses din ay tinuring na lawgiver ng mga Hudyo. Tama na ang Diyos ang nagbigay ng mga kautusan ngunit sa pamamagitan ni Moses, ibinigay ng Diyos ang kanyang mga utos na ‘yun sa mga Israelita.

‘Yung mga bagay na ito ang gustong i-address ng author. Mataas ang pagtingin ng mga Hebrews kay Moses pero kailangan nilang makita na ang lahat ng ginawa ni Moses ay nagtuturo sa isang mas dakilang apostol na darating. At dumating na ‘yun para sa kanila. Dumating na siya para sa atin. Walang iba kundi si Cristo.

Consider Jesus as our apostle. Anong ibig-sabihin nito? Kung si Moses ang pinili at pinadala ng Diyos para sa kanyang bayan ng Israel, si Jesus ang pinili at pinadala ng Diyos para sa lahat ng taong magtitiwala sa kanya. Sa pamamagitan ni Jesus, nakilala natin ang Diyos. Kung kay Moses, nakita ng mga Israelites ang katarungan at kahabagan ng Diyos, dahil kay Cristo at sa ginawa niya sa krus ay lubos nating nakilala ang pagka-Diyos ng ating Panginoon. John 14:9, “Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama.” Si Jesus ang fullness ng Diyos. Hindi niya lang sinabi ang mga gustong sabihin sa atin ng Diyos, siya mismo ang buhay na Salita ng Diyos na lubos na ipinakikilala ang Diyos Ama sa atin.

Kung si Moses, nung ipinadala siya, he is favored by God na ipakita ‘yung kanyang sarili sa kanya, sa pamamagitan ni Cristo, hindi lang si Jesus na ating representative ang makakalapit at makakausap ng Diyos. Lahat tayo. Naaalala ninyo ‘yung kwento sa burning bush. Diba pinatanggal pa ‘yung sandalyas ni Moses dahil siya ay nasa banal na presensya ng Diyos. Iyon ay reflection ng kabanalan ng Diyos at karumihan ng tao. At kailanman ay hindi tayo makakalapit sa Diyos, kahabagan niya tayo gaya ng ginawa niya kay Moses. At ‘yung kahabagan na ‘yun ay naranasan natin kay Cristo. Nung mamatay si Cristo, nahati ‘yung tabing na kurtina sa templo to represent na dahil sa kanyang ginawa, tayo ngayon ay makakalapit na sa Panginoon.

Kung si Moses ang tinuturing ng Israel na lawgiver, si Jesus ay hindi lang lawgiver. Bilang Diyos, siya ang gumawa, sumulat, at nagbigay ng mga utos na ‘yun. Pero hindi lang siya lawgiver, siya din ang law-follower, perfectly obeying ang lahat ng utos na binigay ng Diyos sa atin.

Ito ‘yung paalala nung author sa mga Hebrews at para sa atin kung paanong nakahihigit sa kaluwalhatian si Jesus. Muli, consider Jesus as our apostle.

As Our High Priest

            Kasamang sinabi sa verse 1 na consider Jesus hindi lang bilang apostol kundi bilang ating dakilang punong pari. Our high priest. I hope naaalala ninyo ‘yung mga pinag-usapan natin last week patungkol sa mga high priests. Si Moses ba ay tinatawag na pari noong panahon nila? No. ‘Yung office ng mga pari ay ibinigay kina Aaron at sa mga Levites. Sabi ng isang Scottish scholar at theologian na si Frederick Bruce, “Ang kanyang kapatid na si Aaron, at hindi siya, ang naging mataas na pari ng Israel pagdating sa titulo at pagkatalaga; ngunit si Moises, at hindi si Aaron, ang tunay na tagapamagitan ng Israel sa Diyos.”  Makikita natin ‘yan in different scenes na si Moses ang pangunahing namamagitan sa Diyos at Israel. Exodus 16-17, si Moses ang nag-intercede sa gusto at hinaing ng mga Israelites sa Diyos. Siya din ang nanalangin para sa kanila. Naaalala ninyo ‘yung laban nila sa mga Amalekita. ‘Yung pagsuporta nila Aaron sa kanyang kamay habang hawak ‘yung tungkod ay representation ng kanyang priestly function at intercession. Noong nagalit ang Diyos sa mga Israelita dahil gumawa sila ng ginintuang guya o golden calf sa Exodus 32, si Moses din ang nakiusap sa Panginoon na alalahanin ang kanyang mga pangako. Sabi sa verse 11 and 13, “Ngunit nagsumamo si Moises sa Panginoon niyang Diyos, at sinabi, “ Panginoon, bakit ang iyong poot ay pinag-aalab mo laban sa iyong bayan na iyong inilabas sa lupain ng Ehipto sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan at ng makapangyarihang kamay? Alalahanin mo si Abraham, si Isaac, at si Israel na iyong mga lingkod. Sa kanila ay sumumpa ka sa iyong sarili, at sinabi mo sa kanila, ‘Aking pararamihin ang inyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at lahat ng lupaing ito na aking ipinangako ay aking ibibigay sa inyong binhi, at kanilang mamanahin ito magpakailanman.’”

            Hindi man si Moses ang itinalaga na high priest ng Israel pero ‘yung function ng isang punong pari ay nagampanan nya din to some degree. At kinikilala ‘yun ng mga Hebrews. Kaya din naman, ipinapaalala ng author kung paanong si Jesus ang mas dakilang punong pari para sa ating lahat.

            Hebrews 2:17-18. “Kaya’t kailangang siya ay maging kagaya ng kanyang mga kapatid sa lahat ng mga bagay, upang siya ay maging isang maawain at tapat na pinakapunong pari sa mga bagay na nauukol sa Diyos, upang gumawa ng handog na pantubos sa mga kasalanan ng mga tao. 18 Palibhasa’y nagtiis siya sa pagkatukso, siya’y makasasaklolo sa mga tinutukso.”

            Ang nararapat na representative ng isang lahi o bayan ay isang tao na nagmula sa kanila. Isang tao na kinikilalang kabilang sa kanila at mayroong mga katangian na kapareho nila. Kaya naman si Cristo na isang tunay na Diyos ay nagkatawang tao at ibinihis niya sa kanyang sarili ‘yung kapakumbabaan o humility at ‘yung laman na mayroon tayo. 1 Timothy 3:16. “He was manifested in the flesh.” Ginawa niya ito para maiharap ang ating lugmok na kalalagayan sa banal na Diyos. Bagamat si Cristo ay tunay na Diyos, siya ay naging tunay na tao rin at kanyang nirepresenta ‘yung ating kaso sa Panginoon. “We have this as a sure and steadfast anchor of the soul, a hope that enters into the inner place behind the curtain, 20 where Jesus has gone as a forerunner on our behalf, having become a high priest forever after the order of Melchizedek.”

Kanina ay binanggit natin na si Jesus ay lawgiver at law-follower. Pero hindi lang ‘yun. Siya din ang ating lawyer representing hindi lang ang Diyos sa mga tao kundi tayong mga tao sa harapan ng Diyos. At ito ay biyaya sa atin ng Panginoon. Dahil sa perfect obedience o perpektong pagsunod ni Cristo sa lahat ng iniutos ng Diyos, tayo na punong puno ang criminal record ay tinitignan ngayon ng Diyos as if nasunod natin ang lahat ng sinabi ng Diyos. Kung ikaw ay nakay Cristo, ‘yung napakalinis niyang record ang tinitignan ng Diyos Ama at hindi na ‘yung sayo. This is the grace of God. Sa kanyang kabanalan, nasa Diyos ang lahat ng karapatan para patayin ka right on the spot at parusahan ka for eternity in hell. And you deserve that. In light of your sins. At makikilala ang katarungan ng Diyos sa bagay na ‘yun. Pero sa kanyang biyaya at kahabagan, pinili niyang ialay ‘yung kanyang sariling anak para ikaw at ako, tayo na mga undeserving na makalapit sa Diyos, ay mapagkasundong muli sa kanya at magkaroon ng relationship sa kanya. He did not just revealed himself, he reconciled himself to us.

Araw-araw ay may napakalaking danger na makalimutan natin ang mga katotohanang ito gaya ng mga Hebrews. Kaya God is calling us to consider Jesus. Na panghawakan at panatilihin ‘yung ating mga paningin kay Jesus at sa kanyang mga ginawa para sa atin. Kung naaalala ninyo last week, technically speaking, wala tayong mga pari ngayon na tinatawag o tinatalaga pero ‘yung function ng isang pari ay ibinigay sa atin ng Diyos. Na ipanalangin ang bawat isa. Na ipaalala ang mensahe ng Diyos at ng mabuting balita sa isa’t isa. And we will fail to do that perfectly, pero lagi tayong may kumpiyansa na mayroon tayong great high priest in Jesus na nakauunawa sa atin at nanalangin para sa atin ngayon sa kanang trono ng Diyos Ama.

At dahil tinawag tayo ng Diyos to intercede for one another, ang prayer ko ngayon para sa bawat isa sa inyo at para sa aking sarili is for us to really see Jesus. Na makita si Jesus sa kung sino talaga siya. Pero hindi lang ‘yun. Panalangin ko rin na sa ating palagiang pagtingin sa kanya ay hindi mawala ‘yung pagkamangha at pag-appreciate natin sa biyaya ng gospel sa buhay natin. Minsan, kahit na tayo ay laging nakatingin sa isang bagay, nawawala ‘yung joy at appreciatation para sa bagay na ‘yun. And it is my prayer na hindi ‘yun mangyari sa atin as we fix our thoughts and eyes on Jesus.

Muli, mga kapatid, consider Jesus as our apostle and high priest.

That’s verse 1. Mayroon pa tayong limang verses. And specifically within these five verses, tinatawag din tayong i-consider si Jesus bilang builder.

As the Builder/Creator

            verse 2. “ang Apostol at Pinakapunong Pari ng ating pagpapahayag, ay tapat sa nagtalaga sa kanya, gaya ni Moises na tapat sa buong sambahayan ng Diyos” Sa ESV, He was faithful to the one who appointed him, just as Moses was faithful in all God’s house.

            Notice the tone of the author. Mukha bang ibinababa ng author ‘yung katayuan ni Moses? No. Kung paanong tapat si Cristo, sinasabi ng author na ganon din si Moses. ‘Yung verse 2 ay actually cited mula sa Numbers 12:7. Sinasabi doon na “But this is not true of my servant Moses; he is faithful in all my house.” Anong point nito? Ibig-sabihin, hindi pinagkukumpara si Moses at si Jesus as if may good and bad. May right or wrong. No. Ang pinapakita dito ay tapat si Moses. Dakila si Moses. Sumunod si Moses sa Panginoon. Favored ng Diyos si Moses. Pero… higit na tapat at higit na dakila si Jesus kaysa kay Moses. Hindi ito contrast. It’s a comparison. Pinaghahambing ‘yung similarities nila. And at this point, sinasabi na si Moses ay tapat sa sambahayan ng Diyos. Ano ba ‘yung sambahayan o God’s house.  

Let’s continue reading sa verse 3-6a. “ Sapagkat siya ay itinuring na karapat-dapat sa higit na kaluwalhatian kaysa kay Moises, yamang ang nagtayo ng bahay ay may higit na karangalan kaysa bahay. Sapagkat ang bawat bahay ay may nagtayo, subalit ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Diyos. At si Moises ay naging tapat sa buong sambahayan ng Diyos gaya ng isang lingkod, bilang patotoo sa mga bagay na sasabihin. Subalit si Cristo ay tapat sa bahay ng Diyos, bilang isang anak.”

Si Jesus ay karapat-dapat sa higit na karangalan at kaluwalhatian kaysa kay Moises dahil si Jesus ang lumikha kay Moises at sa lahat ng nilalang sa buong mundo. Kung paanong ang isang arkitekto at inhinyero ay mas dakila kaysa sa bahay mismo, ang pintor ay mas magaling at dakila kaysa sa painting, at kung paanong ang kaluwalhatian ng araw kaysa sa buwan na nagrereflect lamang ng liwanag nito, ganoon ding mas higit na dakila si Jesus kaysa sa anumang nilikha niya. Ang mundong nilikha ng Diyos, tayong mga tao ay nagsisilbing repleksyon lamang ng Kanyang kaluwalhatian kaya’t hinding-hindi ito maihahambing sa Kanya na pinagmumulan ng mga bagay na ito.

Consider Jesus as our builder and creator. At karapat-dapat siya sa ating pagsamba at papuri dahil sa mga bagay na ‘yun.

As the Son of God

Si Cristo din ay mas higit na dakila kaysa kay Moses dahil sa isa pang contrast o pagkakaiba. Again, faithful si Moses at faithful si Cristo. Pero si Moses ay faithful, sabi sa ESV, in the house as a servant. Samantalang si Cristo ay faithful over the house as a son. Notice ‘yung prepositions na ginamit at ‘yung noun na pagkakakilala sa kanila. Si Moses ay in the house as a servant. Kabilang lamang siya sa sambahayan ng Diyos—inside the house—pero wala siyang higher authority maliban sa gampanin ng isang servant na sundin ang lahat ng sinasabi at gusto ng kanyang master. At tapat si Moses sa pagsunod na ‘yun. Pero ‘yung katapatan niya at lahat ng pagsunod na kanyang ginawa ay nagsisilbing patotoo lamang sa isang mas higit na tao at Diyos na dumating para sa atin, walang iba kundi si Cristo.

Mas karapat-dapat si Jesus para sa higit na kaluwalhatian dahil bukod na siya mismo ang lumikha ng lahat, siya din ang namamahala sa lahat. Ano ‘yung preposition doon sa verse? “Over”. Isang salita na nagpapakita nga authority. Si Jesus ang namamahala sa mga nilikha ng Diyos. Chapter 2:10. for whom and by whom all things exist. ‘Yun din ang tinuturo sa Colossians 1. Sa pamamagitan ni Cristo nalikha ang lahat at siya ang nagpapanatili o nagsu-sustain sa lahat ng bagay. At sa mga nilikha niyang ito, siya ang pinakamahalaga. Siya ang dapat na masunod. Siya ang dapat na paglingkuran.

And yet, dahil sa ating mga kasalanan at pagsuway sa Diyos na lumikha sa atin, si Cristo, Anak ng Tao, na siyang pinagmulan ng lahat ng bagay, na siyang dapat na pinaglilingkuran ng lahat ng nilikha ay naparito sa mundong kanyang nilikha hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay na pantubos sa marami. Mark 10:45. This is an astounding measure of grace. I pray na maunawaan natin ng lubos ‘yung taas, lawak, at lalim ng pag-ibig at biyaya sa atin ng Diyos. At ‘yung pag-ibig na ito na nakita sa gospel ‘yung araw-araw nating panghawakan.

Consider Jesus as the Son of God.

Holding Fast

            Tinatawag tayo ng Diyos na ituon ang buong pansin at pagtingin kay Cristo dahil siya ay karapat-dapat para dito. Pero ‘yun lang ba ‘yung dahilan na ibinigay sa atin ng Diyos? Well, that should be more than enough. Sapat na rason ang ginawa ng Diyos at kung sino siya para tayo ay sumamba sa kanya. It’s more than enough. Pero gaya ng pinag-uusapan natin kanina pa, may existing na conflict at danger para sa mga Hebrews kaya sinasabi sa kanila ito ng author. At ‘yung parehong danger na ‘yun ay present din sa ating panahon at mga kalalagayan.

verse 6, “Subalit si Cristo ay tapat sa bahay ng Diyos, bilang isang anak, at tayo ang bahay na iyon kung ating iingatang matibay hanggang sa katapusan ang ating pagtitiwala at pagmamalaki sa ating pag-asa.” Sa ESV, “And we are his house, if indeed we hold fast our confidence and our boasting in our hope.”

Tayo ang bahay ng Diyos. We are the new temples of God. Kung tayo ay na kay Cristo, nananahan sa atin ang kanyang espiritu. 1 Corinthians 3:16, Hindi ba ninyo nalalaman na kayo ay templo ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay naninirahan sa inyo? Kung tayo ay na kay Cristo, nasa sa atin ang Banal na Espiritu at ang Diyos mismo ang magbibigay satin ng kalakasang panghawakan ‘yung pag-asa natin sa kanya. With great confidence.

Pero ano ‘yung dapat nating bigyang pansin? Ano ‘yung naghahati sa mga thoughts na ito? Tayo ang bahay ng Diyos. Tignan niyo ‘yung sumunod na salita. “Kung”. Sa English, if indeed. Mayroon ditong warning at mahalagang tanong para sa atin. 

Ikaw ba’y nagpapatuloy? O sa gitna ng mga alon ng buhay at mga pagsubok na kinakaharap mo, ikaw ay unti-unting nawawala at inaanod? O hindi man mga pagsubok pero maaaring dahil sa comfort, ikaw ngayon ay nagiging kampante sa kalagayan mo? Kampante ka hindi dahil kay Cristo kundi dahil akala mo na ikaw ay Kristiyano dahil linggo linggo kang umaattend ng church o nagta-tithes o active sa ministry.

Is Christ as dear as the first day we met him? Again, kasing halaga pa rin ba sa atin si Cristo tulad noong unang araw na nakilala natin Siya—o ‘di kaya’y mas mahalaga pa? Tayo ba’y mahigpit na nakakapit sa ating “kumpiyansa” kay Cristo? ‘Yung kumpiyansa na “ipinagmamayabang natin ‘yung ating pag-asa na narinig”? Ibig sabihin, ipinagmamalaki ba natin ang ebanghelyo? Kailan ‘yung huling pagkakataon na ibinahagi mo ang napakabuting balita ng ginawa ni Cristo sa iba dahil proud ka at alam mo na ito lang ‘yung kailangan ng mga hindi pa nananampalataya sa paligid mo? Kailan ka huling naging matapang para kay Cristo?

Kung nahihirapan ka sagutin ang mga tanong na iyan ngayon, sinasabi sa atin ng Diyos na panghawakan ‘yung katotohanang mga narinig mo ngayon. Hold fast by considering Jesus. Hold fast by remembering that Jesus is worthy of greater glory. Kumapit ka ng mahigpit kay Cristo at sa iyong pagkapit, tumingin ka lang sa kanya. At huwag na huwag mong ibabaling ang iyong atensyon sa ibang mga bagay o tao.

Conclusion

            Hayaan niyo po akong magbigay ng ilang mga applications para i-guide kung paano tayo titingin at kakapit kay Cristo. So, we consider Jesus:

  1. With a desire. Psalm 27:4. One thing I ask from the Lord, this only do I seek: that I may dwell in the house of the Lord all the days of my life, to gaze on the beauty of the Lord and to seek him in his temple. Itutuon natin ang ating paningin kay Cristo nang may pagnanais. Kaya pray to God. Kung wala kang nararamdaman na pagnanais ngayon, manalangin ka that God may help you see Christ. Gawin mong araw-araw na panalangin ‘yung inawit natin kanina. Sabi doon diba, “open our eyes, Spirit we cry.” Umiyak ka sa Panginoon and ask that he may show you his glory. Ganoon din kung ikaw ay wala pa kay Cristo. This is the time. Now is the time. Dahil darating ang panahon na sasambahin mo siya one way or another. Whether right now and in heaven as your savior or in hell as your holy and wrathful judge.
  2. With concentration and time. Itutuon natin ang ating paningin kay Cristo nang may pokus at paglalaan ng oras. What we consume determines the lives we live. Ano ba ang lagi mong pinanunood? Ano ang lagi mong pinakikinggan? Napakaraming temptations sa mundo na ito para tayo ay magpalutang lutang lang. Kaya naman napakahalaga na mayroon tayong active concentration sa pagtingin sa Panginoon. At ang concentration na ito ay mangyayari lamang kung tayo ay maglalaan ng oras na tumingin sa Panginoon. Kaya ineencourage ang bawat isa sa atin na sumabay sa ating Bible Reading schedule. How often do you read the Word? How often do you pray? Sabi ni John Bunyan, “He who runs from God in the morning will scarcely find him the rest of the day.” So to find confidence and assurance and hope, run to God and his word. Meditate on it day and night.
  3. With others. Itutuon natin ang ating paningin kay Cristo kasama ang iba. Hebrews 10:12. Huwag nating pabayaan ang ating pagtitipon, gaya ng ugali ng iba, kundi palakasin ang loob ng isa’t isa, lalung-lalo na kapag inyong nakikita na papalapit na ang Araw. Huwag nating pababayaan ang pagdalo sa mga opportunities para tayo ay lumago sa salita ng Diyos at pananampalataya kasama ang mga kapatid natin kay Cristo. Hebrews 12:1-2. Therefore, since we are surrounded by so great a cloud of witnesses, let us also lay aside every weight, and sin which clings so closely, and let us run with endurance the race that is set before us, looking to Jesus, the founder and perfecter of our faith.
  4. With confident hope. Itutuon natin ang ating paningin kay Cristo na may buong katiyakan at kumpiyansa na lahat ng ating ginagawa ay may purpose at meaning. At lahat ng ito ay ginagamit ng Diyos para sa kanyang kaluwalhatian at para sa ating kabutihan. Kahit na mahirap ang kinakaharap natin. Kahit na may mga sakit, kawalan. Kahit na layuan tayo ng ibang mga tao dahil buong tapang natin na ipinapangaral ang Salita ng Diyos, magpapatuloy tayo. Dahil si Jesus na higit na dakila at karapat-dapat sa higit na kaluwalhatian ay gumagawa para sa atin. So we hold fast by considering Jesus with confident hope na lahat ng nangyayari sa atin ay ayon sa kanyang plano.

Mga kapatid, consider Jesus. Fix your thoughts and turn your eyes to the one who is worthy of greater glory.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply