Romans 8:3-4

“Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng Kautusan dahil sa kahinaan ng tao. Isinugo niya ang kanyang sariling Anak sa anyo ng taong makasalanan upang pawiin ang kasalanan. Sa gayon, hinatulan na niya ang kasalanang umaalipin sa tao. Ginawa ito ng Diyos upang ang itinatakda ng Kautusan ay matupad sa atin na namumuhay ayon sa Espiritu at hindi ayon sa hilig ng laman.”

“For God has done what the law, weakened by the flesh, could not do. By sending his own Son in the likeness of sinful flesh and for sin, he condemned sin in the flesh, in order that the righteous requirement of the law might be fulfilled in us, who walk not according to the flesh but according to the Spirit.”

Sinasabi po ng maraming tagapagturo ng Bible na yung 2 verses daw po na ito ay nag sa summarized sa plano ng Diyos na pagliligtas, at yung 2 verses na to can summarize yung Justification and Sanctification na ginawa ng Diyos para sa atin. Titingnan natin ngayon umaga kung tama ba yung sinasabi nila na yun. Yung 2 verses po nato ay very rich at very meaningful na kailangan nating tingnan ang bawat linya at salita na ginamit dito ni Apostol Pablo so we can taste and see the goodness of God mula sa kanyang mga salita.

Sabi sa verse 3 Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng Kautusan. Yung words na “hindi kayang gawin” sa Greek translation ay adynaton na ibig sabihin ay weak, powerless and impossible. Ginawa ng Diyos ang imposibleng magawa ng Kautusan because it’s weak ang powerless dahil sa kahinaan ng tao. Ano yung sinasabi dito na ginawa ng Diyos? Makikita din natin yan sa verse 3. Sabi dun, “Sa gayon, hinatulan na niya ang kasalanang umaalipin sa tao.” Yung word na hinatulan sa verse 3 ay pareho nung word na kahatulang parusa sa verse 1.

Sabi sa verse 1. Kaya nga, wala nang kahatulang parusa sa mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus. Sa ESV, ang sabi sa verse 3 ay “he condemned sin”. Sa verse 1 naman ang sabi ay “There is therefore now no condemnation”. So ang ginawa ng Diyos na hindi kayang gawin ng Kautusan ay yung hatulan ng parusa ang kasalanan, to give final judgment. Bakit hindi ito kayang gawin ng Kautusan. Para masagot natin ang tanong na yan, kailangan malaman natin kung ano ba ang purpose ng Kautusan.

Ano ba ang purpose ng Kautusan?

1. Ang Kautusan ay nagpapakita ng standard ng Diyos.

            Park muna natin itong number 1. Pag-uusapan natin ito mamaya.

2. Ang Kautusan ay ang isang kasunduan sa kung ano ang dapat na maging relasyon ng Diyos at ng Israel.

Exodus 6:7 “Ituturing ko kayong aking sariling bayan at ako ang magiging Diyos ninyo. At makikilala ninyong ako si Yahweh, ang inyong Diyos, ang nagligtas sa inyo sa pagpapahirap ng mga Egipcio.”

Ituturing ko kayong aking sariling bayan at ako ang magiging Diyos ninyo. Yan ang dapat na relasyon nila.

Exodus 29:45-46 ESV “I will dwell among the people of Israel and will be their God. And they shall know that I am the Lord their God, who brought them out of the land of Egypt that I might dwell among them. I am the Lord their God.”

Ito ay para maranasan nila kung paano maging bayan ng Diyos at para makikilala nila si Yahweh, na kanilang Diyos. It is a covenant relationship, na nagpapaalala sa kanila na sa lahat ng kanilang gagawin, that there will be blessings for obedience and consequences for disobedience. At lahat ng nakasaad sa Kasulatan ay sinang-ayunan ng Israel.

Exodus 19:8 “Sila nama’y sabay-sabay na sumagot, “Susundin namin ang lahat ng iniutos ni Yahweh.”

Sa Deut chapter 27 makikita natin“Ang mga Sumpa ng Hindi Pagsunod kay Yahweh”. Dito sinisigaw nung Levita yung mga utos ni Yahweh, tulad ng sabi sa verse 15. “‘Sumpain ang sinumang gumawa ng anumang imahen upang sambahin kahit palihim, ito ay kasuklam-suklam kay Yahweh.’ “Ang buong bayan ay sasagot ng: ‘Amen.’ Ang Kautusan ay ang isang kasunduan sa kung ano ang dapat na maging relasyon ng Diyos at ng Israel.

3. Ang Kautusan ang nagpapaakita kung ano ang kasalanan.

Sabi sa Gal 3:19 “Kung ganoon, ano ang silbi ng Kautusan? Idinagdag ito upang maipakita kung ano ang paglabag.”

Technically may idea na ang tao kung ano ang masama na di dapat gawin, kaya nga nung pinatay ni Cain si Abel tapos tinanong siya ng Diyos kung nasaan si Abel ay hindi niya sinabi yung totoo sa Diyos dahil alam niya na masama yung ginawa niya. Pero dahil sa Kautusan, mas malinaw na nakita ng tao kung ano yung mga gawain na masama na hindi nila dapat gawin. Naging mas malinaw yung kakulangan ng tao, naging mas malinaw na ang tao ay totoong makasalanan at hindi kayang maka abot sa kaluwalhatian ng Diyos.

4. Ang Kautusan ang naging taga-disiplina.

Gal 3:24 Kaya’t ang Kautusan ang naging taga-disiplina natin hanggang sa dumating si Cristo.

Bilang taga-disiplina, ang kautusan ay nag pakita ng disapproval sa kasalanan. Taga-disiplina, sa English translation ang nakasulat ay Schoolmaster, Guidance or Tutor. Nagpapakita ito na ang Kautusan ay nagsilbing custodian or supervisor, someone responsible para sa pagtutuwid at pagdidisiplina sa isang bata. Ito yung naging guide, patungo sa matinding pangangailangan ng tao ng isang Tagapagligtas na magbibigay sa kanila ng tunay na kapahingahan.

5. Ang Kautusan ay naging isang kulungan

Ang Kautusan ay naging isang kulungan kung saan sila ay naghihintay ng kalayaan

Gal 3:23 Bago dumating ang panahon ng pananampalataya, tayo’y nakakulong sa Kautusan hanggang sa ang pananampalatayang ito kay Cristo ay mahayag.

Sila ay nakakulong sa mahirap at mabigat na requirements ng Kautusan. Kung paanong ang isang nagkasala ay ikinukulong, ang Kautusan ay naging isang kulungan para sa mga Israelita kung saan hindi sila makalaya hanngga’t hindi nila ito nasusunod ng perpekto “OR”, hindi sila makalaya hanggang walang dumadating na tutubos sa kanila at magpapalaya sa kanila. Don’t get me wrong. Hindi masama sa kautusan. Ang puso ng tao ang masama. Ang tao ang mahina at marupok pagdating sa tukso.

Ito yung sinasabi sa verse 3.Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng Kautusan dahil sa kahinaan ng tao. Mabuti ang layunin ng Diyos sa pagbibigay kautusan at mabuti ang kautusan pero dahil sa kahinaan ng tao, at sa kasalanang naghahari sa puso natin, naging mahirap para sa tao na maka comply to its moral demands. Kaya nga kahit na mabuti ang layunin at intentions ng kautusan, hindi nito kayang akayin ang tao sa katwiran dahil sa kahinaan ng tao. Sa ESV ang sabi “the law, weakened by the flesh” Ang Kautusan ay walang kakayahan na magbigay ng final judgment sa kasalanan and it’s powerless to completely grant freedom from sin. It’s impossible for the Law to empower people to overcome sin dahil ito ay nakadepende sa kung ano kayang gawin ng tao. Kaya ginawa ng Diyos na hatulan ng parusa ang kasalanan, na bigyan ng final judgment ang kasalanan, sapagkat hindi ito kayang gawin ng Kautusan dahil sa kahinaan ng tao.

Sana po ay nakakasunod pa kayo. Now, kung sinasabi natin na hinatulan ng Diyos ang kasalanan, paano ginawa ng Diyos ang kanyang paghatol sa kasalanan? Ang sabi sa text natin, “Isinugo niya ang kanyang sariling Anak sa anyo ng taong makasalanan upang pawiin ang kasalanan.” Ito yung dahilan kung bakit tayo may Christmas celebration taon-taon, dahil sa ginawa ng Diyos, na “Isinugo niya ang kanyang sariling Anak”. Para magkaroon ng totoong meaning sa atin ang Pasko at para ma appreciate natin yung ginawa ng Diyos na  “Isinugo niya ang kanyang sariling Anak”, kailangan nating masagot ang tanong na bakit kailangang isugo ng Diyos ang kanyang sariling Anak?

May mga nagsasabing Christmas is about being with your family, kaya sa mga Christmas decorations ay makikita yung Belen or yung sabsaban kung saan nandoon yung Holy Family. May mga extra pa minsan na mga kambing at kabayo. Ito daw ay panahon para magka-ayos ang mga may mga alitan at magpatawaran. Kaya nga may kanta tayo na “Ang pasko ay araw ng pagsasaya, ang hidwaan ay limutan na”. Pamaskong kanta yan sa imnaryo. Yung mga kabataan, nakatingin sakin at naka nganga, tinatanong nyo siguro sa isip nyo, “What’s imnaryo?”, marami diyang magagandang kantang pamasko “You mean Spotify?”. Kaka selpon nyo yan e. Try nyong pabasahin ng imnaryo yung mga kabataan na yan, tingan ko kung di magligaw- ligaw sa lyrics yung mga yan. Ipupusta ko yung mapapamaskuhan ni Ish, Sigurado yan di makaka buo ng isang kanta yan.

Ito din daw ay panahon ng pagbibigayan, pagmamahalan, pagtutulungan at pag-sasama sama. Lahat naman yan ay tama at dapat sumasalamin sa ating pamumuhay bilang mga Kristiyano sa araw-araw at lalong lalo na ngayong kapaskuhan. Lahat ng ito, plus kung ano pa mang celebration ang ginagawa ninyo pag pasko, ito lang yung bunga ng pagka unawa natin sa kapaskuhan pero hindi ito yung dahilan ng ating pagdiriwang. We don’t just celebrate the Season. We celebrate the Reason for the Season. Christmas is the most amazing representation of humility ng Diyos. It’s when Jesus came down from Heaven to be with the people. To sit with the people, to talk to the people, to eat with the people, and to live with the people. Isang banal na Diyos na namuhay kasama ng mga tao na iba iba ang ugali, habang ikaw ay hindi mo matagalan yung 2 oras sa church na kasama ang kapatiran. Pinagtiisan ni Kristo na kasaupin ang mga tao na napaka baba ng level ng karunungan kaysa sa kanya habang ikaw ay sobrang allergic na makumusta sa Church. Kinakausap ba natin ang bawat isa at hindi lang yung circle of friends natin? Meron ba tayong preference na kausapin, yun lang bang magagara ang suot? yun lang bang nag aagree sa mga sinasabi natin? O kaya naman ay yun lang may naibibigay sa atin?

Nakita ni Kristo ang lahat ng pangangailan ng tao kaya binigay niya ang kanyang sarili for us be satisfied. Tanungin nyo nga ang sarili nyo kung satisfied ba ako? or hanggang ngayon unlimited pa din ang pagnanasa natin ng mga materyal na bagay at maling relasyon. Jesus came down to earth, lived poorly. Treated unfairly by people. Ridiculed by people. Suffer undeserved punishment from people. Suffer death from people, para lang ba magkaroon kayo ng bagong pamasko o masayang pasko? Kaya nga kailangan natin maunawaan at laging mapaalalahanan kung bakit kailangang isugo ng Diyos ang kanyang sariling Anak?

Sabi sa text natin. Isinugo niya ang kanyang sariling Anak sa anyo ng taong makasalanan upang pawiin ang kasalanan. Sa ESV ang sabi po, at ito ang gagagwin kong reference muna, ang sabi ay “By sending his own Son in the likeness of sinful flesh and for sin”. God sent His own Son for sin. Unahin muna natin yung phrase na “for sin”. Anong ibig sabihin for sin? Sa Greek translation, kadalasan pag ginamit yung salitang “for sin” ito ay may meaning na as “an offering for sin”. Kaya kung meron kayong ESV Bible, makikita ninyo jan sa verse pagkatapos ng “for sin” ay may hypertext na letter c. Ibig sabihin ay may footnote ito sa baba ng page at pag tiningnan nyo yung footnote sa ibabang page, nakalagay dun “Romans 8:3 Or and as a sin offering”. So ang meaning “for sin” ay, God sent His own Son as an offering for sin.

Bakit kailangan pang mayroong offering for sin? Hindi ba pwede patawarin na lang ng Diyos yung mga humihingi ng tawad at nananampalataya sa kanya without a sin offering? Di ba niya kaya yun? Kung ang pinag-uusapan natin is about yung pagiging all mighty, all powerful and sovereignty ng Diyos, alam naman natin na walang hindi kayang gawin ang Diyos. Kaya niyang gawin lahat ng maibigan niya without asking permission kahit kanino. Pero wag nating kakalimutan palagi that our God has a standard, ito yung unang purpose ng Law or ng kautusan na ipinark natin kanina. God has a standard at hindi natin pwedeng gawin yung mga bagay na may kaugnayan sa Diyos sa sarili nating standard or paraan, kahit gaano pa man ito kaganda, kung ito naman ay taliwas sa standard ng ating Diyos.

Sa Leviticus 4 nakasulat ang “Laws for Sin Offerings”. Hindi ito applicable sa panahon natin ngayon pero applicable ito na basahin at pag aralan para makita natin at matutunan na ang Diyos ay may standard na paraan kung paano niya gusto mangyari ang mga bagay, kasama na dito ang paraan ng pagpapatawad ng kasalanan. So yung tanong natin kanina, “Bakit kailangan pang mayroong offering for sin?” Ang sagot. Dahil ang Standard ng Diyos for the forgiveness of sins involves sin offering. Kaya nga God sent His own Son as an offering for sin. For us, Christ became an offering for sin. Pero paanong nagawang magpatawad ng Panginoong Hesus ng kasalanan habang buhay pa siya at wala ding ginawang pag-aalay para kasalanan?

Naalala nyo yung babae sa kwento ni Lucas na nagbuhos ng pabango sa paa ni Jesus, hinugasan nya yung paa ni Jesus ng luha at pinunasan niya ng sariling buhok yung paa ni Jesus at wala siyang tigil sa paghalik sa paa ni Jesus. Anong sabi sa kanya ni Jesus. Luke 7:48 At sinabi niya sa babae, “Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”. Naalala nyo yun paralitiko na binaba mula sa bubong ng bahay kasi sobrang crowded sa bahay. Sinabi ni Jesus  “Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”. Yung kasama ni Jesus na napako sa Krus. Hindi niya direkta na sinabing pinatawad na ang kasalanan pero ganun din ang ibig sabihin. Luke 23:43 Sumagot si Jesus, Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso. Sinabi ba nung magnanakaw na, “teka lang po bababa lang po ako dito sa krus para makapag patay ng 2 kalapati bilang sin offering”? No. So bakit pwede naman pala na mapatawad sa kasalanan kahit walang “offering for sin” or pag-aalay para sa pagpapatawad ng kasalanan. Ano sa palagay nyo?

Ang Diyos ba ay nalilimitahan ng oras, ng araw, ng panahon, ng mga taon, ng nakaraan at ng kasalukuyan? No, Ito yung tinatawag nating “God is transcendent”. He is eternal. He is outside time and He exists outside the constraints of time. Kaya yung effect na kaligtasan dahil sa ginawa ni Jesus sa cross ay hindi nag umpisa nung araw ng kanyang kamatayan. Walang timestamp na Friday, April 3, AD 33 at about 3 p.m. Sa oras na ito nagsimula ang epekto nang pagliligtas ng Panginoong Hesus. Yes, dun nagsimula yung celebration for Jesus. Nung araw na yun, ay nakita ng tao at naging malinaw yung kabuuan ng plano ng Diyos kung paano Niya ililigtas ang tao, sa pamamagitan ng pagkamatay ng Panginoong Hesus at muling pagkabuhay pero ang epekto nung ginawa ni Jesus ay hindi lang from that day onwards. Ang epekto nito ay pangkasalukuyan, panghinaharap, pang nakaraan at pang walang hanggan. Yun yung kaligtasan na dulot ng ginawa ng Panginoong Hesus is not bound by Chronological Time, it transcends it. Sorry hindi ko alam kung paano tatagalugin yun. Bago pa man bumaba ang Panginoong Hesus sa lupa, nagpapatawad na ang Diyos ng kasalanan. Yung mga hayop na inaalay at pinapatay sa Old Testament, wala yung halaga kung gingawa lang bilang isang ritwal.

Awit 51:16 “Hindi mo na nais ang mga handog; hindi di ka nalulugod, sa haing sinunog”.

Yung pag-aalay ng hayop ay symbolic lang at anticipation sa ultimate sacrifice na gagawin ni Jesus pero kahit noon pa man ay available na ang kaligtasan sa mga taong nagtitiwala at naghihintay sa Diyos at sa ipinangakong Mesyas at tagapagligtas. Bago mamatay si Jacob, ano sabi niya? Sabi niya sa Gen 19. I wait for your salvation, O Lord. So tayo, sa panahon ngayon ay pinatawad dahil sa ginawa ng Panginoong Hesus. Yung mga tao sa dating panahon ay pinatawad dahil sa gagawin ng Panginoong Hesus. That’s how Great the Grace of God that you received through Jesus. Dahil sa ginawa ng Panginoong Hesus, sabi sa

Phil 2:9-11 “Therefore God exalted him to the highest place and gave him the name that is above every name, that at the name of Jesus every knee should bow, in heaven and on earth and under the earth, and every tongue acknowledge that Jesus Christ is Lord, to the glory of God the Father. God sent his own Son in the likeness of sinful flesh. Sabi dun “in the likeness of sinful flesh”.

Sa MBB, “sa anyo ng taong makasalanan”. Anong significance nun sa atin?

2 Cor 5:21 “Hindi nagkasala si Cristo, ngunit alang-alang sa atin, siya’y itinuring na makasalanan upang sa pakikipag-isa natin sa kanya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos.”

So yung significance nung God sent own His own Son in the likeness of sinful flesh. Meron akong tatlo, Eto yung mga significance;

  1. Isinugo ng Diyos Ama ang Diyos Anak sa anyo ng taong makasalanan para sa ganung paraan ay pwedeng ituring na makasalanan ang Panginoong Hesus. Ang nag-iisang paraan para maituring na makasalanan ang Panginoong Hesus ay ang pagiging isang tao. Hindi pwedeng mangyari yun kung siya ay bumaba sa lupa bilang all powerful God.
  1. Sa 2 Cor 5:21 pa din. Sabi dun, upang sa pakikipag-isa natin sa kanya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos. Yung pakikipag-isa natin sa Diyos ay hindi mangyayari kung di nagkatawang tao ang Panginoong Hesus. Dahil hindi pwedeng pagsamahin ang Banal na Diyos at ang taong makasalanan, kaya wala tayong pag-asa na makalapit sa Diyos maliban nalang kung ang Diyos ang lumapit sa atin sa anyo ng taong makasalanan.
  1. Upang sa pamamagitan ng Panginoong Hesus, sa kanyang pagkakaroon ng dugo at laman ay gampanan niya ang pagiging isang kordero o sa isang haing tupa na mag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan, as an offering for sin as the Law required.

Sin is committed in the flesh. Dahil tao ang nagkasala, kailangan tao din ang magbayad ng kasalanan. Kaya nagkatawang tao ang Diyos. Tao ang lumabag sa kautusan, kaya nagkatawang tao ang Diyos para sundin ng perpekto ang buong kautusan. Ang kasalanan ng tao ang naghiwalay sa atin sa Diyos, pero ang katuwiran ng Panginoong Hesus sa anyo ng taong makasalanan, dahil sa pakikipag-isa niya sa atin ay napanumbalik tayo sa Diyos . Kaya nga nasusulat na si Kristo ang katuparan ng kautusan. Siya lang ang nakatupad sa buong kautusan at ang buong kautusan ay natupad sa pamamagitan ng Panginoong Hesus.

Heb 2:14 Dahil ang mga anak na tinutukoy niya ay tao, naging tao rin si Jesus at tulad nila’y may laman at dugo. Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay mawasak niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan.

Nung pumasok ang kasalanan sa tao, tinalo tayo ng kasalanan at nagbunga ito ng kamatayan. Pero nung ibinuhos kay Kristo ang lahat ng kasalanan ng tao, tinalo niya ang kasalanan at kamatayan. Nagtagumpay siya laban sa kasalanan at kamatayan at ganun din ang lahat ng nakipag isa sa kanya. That’s how we’re justified. Dito na nagiging applicable sa atin yung verse 1 ng Romans Chapter 8. Kaya nga, wala nang kahatulang parusa sa mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus. Pero hindi tayo pwedeng huminto sa pagiging justified. Kaya nga sabi sa verse 4. “in order that the righteous requirement of the law might be fulfilled in us, who walk not according to the flesh but according to the Spirit.” Hindi nagbabago ang standard ng Diyos? Ang standarad Niya sa noong unang panahon ay siya ring standard niya sa makabagong panahon, hanggang sa panahon ngayon. Wag nating isipin na nagbago na ang standard ng Diyos sa New Testament.

Ang standard Niya sa Old Testament ay siya ring standard niya sa New Testament. Pananampalataya sa Diyos ang standard niya sa New Testament, pananampalataya din sa Diyos ang standard niya sa Old Testament. Ang requirement ng Diyos ay righteousness. Tulad ng sabi sa verse 4. “the righteous requirement of the law”. ibigsabihin 100 % full submission and full obedience ang standard ng Diyos sa Old Testament, 100% full submission and full obedience pa din ang standard Niya sa New Testament hanggang sa panahon ngayon.

Kapatid hindi ko kaya yung 100% full submission and full obedience na standard ng Diyos. I know. Kaya nga ginawa ni Kristo ang hindi mo kayang gawin, na sa kanyang pagkamatay, ang ating kasalanan ay nalipat sa kanya at kanyang righteousness or katwiran ay nalipat naman sa atin in order that the righteous requirement of the law might be fulfilled in us. At sa huli ng verse 4. who walk not according to the flesh but according to the Spirit.

Sabi sa Romans 7:4 Gayundin naman mga kapatid, namatay na kayo sa Kautusan (Ibig sabihin, wala nang kapangyarihan ang kautusan na iconvict tayo sa ating mga kasalanan, tuloy natin yung basa) sa pamamagitan ng katawan ni Cristo, at ngayon kayo ay kabilang na sa mga nakipag-isa sa kanya na muling binuhay, upang magbunga tayo ng mabubuting gawa para sa Diyos.

(Hindi huminto and Diyos sa Justification, pinagpatuloy Niya ang biyaya niya sa atin para sa ating Sanctification. Kung saan hindi na kabigatan sa atin ang pag-sunod sa Diyos at iniisip natin na babagsak sa atin ang galit ng Diyos kung tayo ay magkakasala. Sa halip, ang pag sunod sa Diyos ay nagiging kagalakan dahil hindi na ito sapilitang pagsunod kundi bunga ng pakikipag isa natin kay Kristo at bunga ng pagkilos sa atin ng Banal na Espiritu.)

Christ came to this world para iligtas tayong mga makasalanan by becoming an offering for us. By becoming an offering for sin. At wala tayong participation dito, Wala tayong magagawa, wala tayong kakayahan, wag nating ipilit na meron tayong kayang gawin. Remember yung story ng mga Israelita nung sila ay nasa ibaba ng bundok ng Sinai?

Exodus 19:3-8 Sinabi sa kanya ni Yahweh, “Ito ang sabihin mo sa angkan ni Jacob, sa mga Israelita. ‘Nakita ninyo ang ginawa ko sa mga Egipcio. Nakita rin ninyo kung paanong dinala ko kayo rito tulad ng isang agilang nagdala sa kanyang mga inakay. Kung susundin ninyo ako at magiging tapat sa ating kasunduan, kayo ang magiging bayang hinirang. Ang buong daigdig ay akin ngunit kayo’y aking itatangi. Kayo’y gagawin kong isang kaharian ng mga pari at isang bansang banal.’ Iyan ang sabihin mo sa mga Israelita.” Kaya tinipon ni Moises ang mga pinuno ng Israel at sinabi ang lahat ng iniutos sa kanya ni Yahweh. Sila nama’y sabay-sabay na sumagot, “Susundin namin ang lahat ng iniutos ni Yahweh.” Si Moises ay nagbalik kay Yahweh at sinabi ang tugon ng mga tao.

Sabi duon sa verse 8 “Sila nama’y sabay-sabay na sumagot, “Susundin namin ang lahat ng iniutos ni Yahweh.” Yung sagot nila ay puno ng pagtitiwala sa sarili at hindi puno ng pagtitiwala kay Yahweh. Yung sagot na yun is full of pride and arrogance. Only to find out na hindi pala nila kayang sundin ang lahat ng inuutos ni Yahweh. Alam na natin walang nakasunod ng perpekto sa kautusan at wala ring maliligtas sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan o paggawa ng mabuti. Kaya nga tulad ng natutunan natin, ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng Kautusan at ginawa ng Diyos ang hindi natin kayang gawin. Christ came down to earth in the likeness of sinful flesh, as an offering for your sin, as an offering for my sin, as an offering for the sin of the world.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply