Kapaguran at Panghihina ng Loob
Napapagod tayong lahat. Mga estudyante. Mga nanay. Mga tatay. Kahit nga wala kang trabaho napapagod ka rin. We are finite creatures. Merong limitasyon ang lakas natin. Hindi natin kayang gawin ang lahat ng bagay na gusto nating gawin. On top of that, we become frustrated. Pinanghihinaan din tayo ng loob. Meron tayong mga gustong mangyari na hindi nangyayari. Meron tayong gustong makuha na hindi natin nakukuha. Akala natin ang solusyon sa nararanasan nating kapaguran at panghihina ng loob ay basta gawin lang natin ang mga bagay na gusto nating gawin. But based on our experience, kapag ang gusto natin ang nasusunod palagi, mas lalong bumibigat, mas lalong nakakapagod, mas lalo tayong pinanghihinaan ng loob. Yun ay maaaring dahil na rin sa sarili nating kasalanan o kawalan ng tiwala sa Panginoon na mas mainam na ang gusto niya ang nangyayari.
At ang gusto niyang mangyari, ang kalooban niya para sa atin, ay nakapaloob sa tinatawag na Sampung Utos na ibinigay ng Diyos sa Israel sa Exodus 20, na siyang pinagtuunan natin ng pansin last week. Binanggit ko last week na, technically, ito ay tinatawag na Sampung Salita o Decalogue base sa Exodus 20:1, “Binigkas ng Diyos ang lahat ng salitang ito…” (AB). Dahil salita ng Diyos, ito ay regalo ng Diyos para sa mga dating alipin sa Egipto na ngayon ay naglalakbay papunta sa lupaing ipinangako sa kanila ng Diyos. They were pilgrims on a journey. Pagod sa paglalakbay. Hindi lang pagkain at tubig ang kailangan nila sa paglalakbay. Kailangan nila ang salita ng Diyos. Kailangan nila ang mga utos ng Diyos na gagabay sa kanilang paglalakbay sa buhay—sa kanilang relasyon sa Diyos at sa ibang tao. Kaya ang mga utos ng Diyos sa kanila ay regalo mula sa Diyos. Hindi dagdag na kabigatan at pasanin sa kanilang paglalakbay. Ganun din sa atin. Wag nating iisipin na ang mga utos ng Diyos ay burden. “Sapagkat ito ang pag-ibig sa Diyos, na ating tuparin ang kanyang mga utos at ang kanyang mga utos ay hindi pabigat” ( John 5:3AB). Sa ESV, “not burdensome.” Sa halip na dagdagan ang kabigatan natin, nais ng Diyos na tanggalin ang bigat ng pasanin natin. Hindi ang utos ng Diyos ang pabigat. Ang sarili nating kasalanan o pagsuway sa mga utos ng Diyos ang kabigatan.
Para mas maging klaro ang puntong iyan tungkol sa mga utos ng Diyos, maglaan tayo ngayon ng panahon na tutukan ang ikaapat na utos, yung tungkol sa Sabbath na ang basic meaning sa Hebrew ay “tumigil, huminto, mamahinga.” Mahalaga siyempre ang lahat ng utos ng Diyos. At lahat naman kailangan nating sundin. Pero dahil ang ikaapat na utos ang mas maraming disagreements sa panahon ngayon, at madali rin para sa atin na balewalain, kaya kailangan nating pag-aralang mabuti. Ganito ang sinabi ng Diyos sa mga Israelita sa ikaapat na utos:
Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang ingatan itong banal. Anim na araw kang gagawa at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain; ngunit ang ikapitong araw ay Sabbath sa Panginoon mong Diyos. Sa araw na ito ay huwag kang gagawa ng anumang gawain, ikaw o ang iyong anak na lalaki, ang iyong anak na babae, ang iyong aliping lalaki, ang iyong aliping babae, ang iyong mga baka, ang dayuhang nasa loob ng iyong mga pintuan; sapagkat sa loob ng anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng naroroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; kaya’t binasbasan ng Panginoon ang araw ng Sabbath, at ginawa itong banal. (Ex. 20:8-11)
Basically, sinasabi ng Diyos na tuwing ikapitong araw ay mamahinga kayo. Wag muna kayong magtrabaho. Pahinga lang. Lahat. Pabigat ba ang utos na “magpahinga”? Ilagay mo ang sarili mo sa mga Israelita. For hundreds of years, alipin sila sa Egipto. Meron silang malupit na “panginoon” doon, ang Pharaoh na hari ng Egipto. Ang utos sa kanila, “Magtrabaho kayo nang magtrabaho. Walang titigil hangga’t hindi naaabot ang quota.” Walang pahinga. Pahirap. Malupit. Walang pakialam sa kalagayan ng mga nagtatrabaho. Pero ngayon, malaya na sila. Hindi na sila mga alipin. Meron na silang bagong Lord and King, si Yahweh. Hindi niya sinabi, “Walang titigil sa paglalakbay. Walang titigil sa pagtatrabaho. Hangga’t makarating kayo sa lupain ng Canaan.” Ang sabi niya, ang utos niya, “Tumigil kayo tuwing ikapitong araw. Magpahinga kayo.” Hindi ba ‘yan mabuting utos ng Diyos para sa atin din ngayon? Napapagod tayo hindi dahil sa pagsunod sa mga utos ng Diyos. Napapagod tayo dahil hindi tayo nagtitiwala na mabuti ang utos ng Diyos sa atin. Kaya mahalagang pag-usapan natin ang Sabbath at ano ang kinalaman niyan sa atin ngayon.
I. Iba’t ibang Pananaw Tungkol sa Sabbath
Siyempre, merong iba’t ibang pananaw tungkol sa Sabbath. Merong sobrang istrikto tulad ng mga Sabadista o Seventh-Day Adventists. Sa pangalan pa lang nila, yun na ang nangingibabaw! Kailangang tulad pa rin ng Sabbath para sa Israel. Ayon sa paniniwala nila (https://www.adventist.org/the-sabbath/), ang ikaapat na utos ay “God’s unchangeable law,” “perpetual sign of His eternal covenant between Him and His people,” kaya tulad ng Sabbath ng mga Judio na simula Friday sundown hanggang Saturday sundown, ganun din dapat ang gawin natin ngayon. But it is a failure in biblical theology kapag ganyan ang paniwala natin sa Sabbath. Merong mga specific provisions sa Sabbath na under the old covenant ng Diyos sa Israel na natapos na o nagbago na dahil sa pagdating ni Cristo. We must take that into account.
Meron naman na sobrang luwag ng pagtingin nila sa Sabbath at sinasabing dahil nasa new covenant na tayo ngayon, at hindi naman tayo mga Israelita, hindi na ‘yan applicable sa atin ngayon. Ang Sampung Utos din ay para sa Israel, kaya hindi ‘yan binding sa atin maliban na lang kung ‘yan ay renewed or explicitly stated sa New Testament. Dahil wala namang direktang sinabi ang New Testament na dapat pa rin nating i-observe ang Sabbath ngayon, hindi na ‘yan binding sa atin. Ang Sabbath natin ay si Cristo. Amen to that! Pero hindi natin pwedeng sabihin na hindi na ‘yan applicable sa atin ngayon.
Ang iba naman ang paniwala ay hindi na Sabado ang Sabbath ngayon kundi Linggo na, yung first day of the week. Mula sa paglikha ng Diyos hanggang sa muling pagkabuhay ni Jesus, ang Sabbath ay seventh day. Pero dahil sa muling pagkabuhay ni Jesus, it changes everything, kaya first day na ang “Christian Sabbath” (see Westminster Shorter Catechism Questions 58-59). Ito rin ang dahilan bakit tinatawag natin ang Sunday na “The Lord’s Day” (mula saRev. 1:10). I believe siyempre na itong ginagawa natin every Sunday na pagtitipon bilang isang church ay napakahalaga at isang application ng pagsunod sa ikaapat na utos. Pero I will not go as far as saying na ito ang katumbas o kapalit ng Sabbath para sa Israel.
Ang posisyon na pinaniniwalaan ko ngayon ay nasa gitna nitong numbers 2 and 3, na similar sa sagot ng Heidelberg Catechism Question 103 (na titingnan natin mamaya), na ipinaliwanag ni Kevin DeYoung sa kanyang book na The Good News We Almost Forgot: Rediscovering the Gospel in a 16th Century Catechism, at nakabatay rin sa paliwanag ni John Calvin sa kanyang Institutes of the Christian Religion (II, viii, 27). Dahil sa pagdating ni Cristo, merong mga aspeto o elemento o seremonya o detalye tungkol sa Sabbath na wala na at hindi na kailangang gawin. Pero merong nananatiling mga prinsipyo na nakakabit sa Sabbath na nag-eexpress pa rin ng kalooban ng Diyos para sa atin hanggang ngayon. So, applicable pa rin prinsipyo na nakapaloob sa Sabbath.
II. Ang Sabbath para sa Israel
Para malaman natin kung ano ang prinsipyong iyon, dapat tingnan muna natin kung ano ang ipinag-uutos ng Diyos na Sabbath para sa Israel. Nais ng Diyos na sila ay magpahinga ng isang araw pagkatapos na magtrabaho ng anim na araw, “Anim na araw kang gagawa at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain” (Ex. 20:9). Ang trabaho ay hindi sumpa ng Diyos dahil sa kasalanan. Kasama sa disenyo ng Diyos sa paglikha sa tao ang pagtatrabaho. Nilikha ng Diyos si Adan at pinagtrabaho para alagaan ang Garden of Eden (Gen. 2:15). Ang sumpa ng Diyos sa kasalanan ng tao ay yung hirap at sakit na dulot ng pagtatrabaho (Gen. 3:16-19). Nais ng Diyos na magtrabaho tayo sa labas man ng bahay to provide for our family and to contribute to society o sa loob ng bahay para maalagaan ang mga anak natin, maging maayos ang buhay nila at maturuan din sila na magtrabaho. Pero hindi pitong araw na nagtatrabaho. Merong pahinga sa ikapitong araw, “Ngunit ang ikapitong araw ay Sabbath sa Panginoon mong Diyos. Sa araw na ito ay huwag kang gagawa ng anumang gawain, ikaw o ang iyong anak na lalaki, ang iyong anak na babae, ang iyong aliping lalaki, ang iyong aliping babae, ang iyong mga baka, ang dayuhang nasa loob ng iyong mga pintuan” (Ex. 20:10). Pahinga para sa lahat. Maliban na lang siyempre sa mga works of necessity (yung kailangang-kailangan para mabuhay) o works of mercy (pagtulong sa iba).
Hindi ito bagong utos para sa Israel. “Alalahanin mo ang araw ng Sabbath…” (v. 8). Wag mong kakalimutan. Wag mong pababayaan. Pahalagahan mo. Bago pa itong giving of the law sa Mount Sinai, narinig na nila ang utos na ito ng Diyos. Naalala n’yo sa Exodus 16 nung nagrereklamo ang mga tao dahil wala silang makain ay nagpadala ang Diyos ng pagkain para sa kanila. Pero anim na araw lang niyang gagawin yun. Sa ikaanim na araw ay doble ang ibibigay niya para meron silang sapat na pagkain hanggang kinabukasan. Bakit? Sabi ng Diyos, “Ito ang iniutos ng Panginoon, ‘Bukas ay taimtim na pagpapahinga, banal na Sabbath sa Panginoon…’” (16:23). Sa araw ng Sabbath, wala silang mapupulot na pagkain galing sa Diyos (vv. 25-26). Sapat ang ibibigay ng Diyos sa kanila, para magpahinga na lang sila sa araw ng Sabbath (vv. 29-30). Pero siyempre matigas ang ulo nila, meron pa ring lumabas para subukang kumuha ng pagkain pero wala naman silang nakuha (vv. 27-28). Ayon kay Kevin DeYoung: “The issue was one of trust. The Sabbath reminded Israel of God’s sufficiency and supply…Sabbath-keeping was a weekly reminder that the Lord was God and they were not.” Sinasabi sa kanila ng Diyos, “Ako ang Diyos ninyo. Ako ang bahala sa inyo. Ako ang magkakaloob ng lahat ng kailangan ninyo. Nagtitiwala ba kayo sa akin?”
Ang araw ng Sabbath para sa Israel ay araw ng pagpapahayag ng kanilang pagtitiwala sa Diyos at sa kanyang kasapatan sa kanilang buhay. Ito rin ay araw ng pagdiriwang sa kabutihan ng Diyos at pagsamba sa kadakilaan ng banal na Diyos. “Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang ingatan itong banal” (20:8). Sa ESV, “to keep it holy.” Espesyal na araw. Nakabukod sa mga ordinaryong araw. Nakalaan para sa Diyos (sa MBB, “ilaan para sa akin”). Nakalaan hindi lang para magpahinga at walang gagawin, kundi nakafocus ang gagawin sa pagsamba sa Diyos. Sa Leviticus 23 ay nagbanggit pa ang Diyos ng mga gagawin nila tungkol dito. “Anim na araw na gagawin ang mga gawain, subalit ang ikapitong araw ay Sabbath na ganap na kapahingahan, isang banal na pagpupulong. Huwag kayong gagawa ng anumang gawain; ito ay Sabbath sa Panginoon sa lahat ng inyong mga paninirahan” (23:3). At itong weekly Sabbath ang basehan din ng iba pang mga pagdiriwang at pagtitipon ng Israel bilang pagsamba sa Panginoon tulad ng Passover (23:4-8), Feast of Firstfruits (23:9-14), Feast of Weeks (23:15-22), Feast of Trumpets (23:23-25), Day of Atonement (23:26-32), at Feast of Booths (23:33-43). Ito ay mga “holy convocations” o “banal na pagpupulong.” Hindi sila gagawa ng mga ordinaryong gawain nila, para ilaan ang espesyal na araw sa pagsamba sa Diyos.
Bukod dito, meron ding tinatawag na Sabbath year para sa lupain nila (Lev. 25:1-7). “Ang ikapitong taon ay magiging ganap na kapahingahan sa lupain, isang Sabbath sa Panginoon; huwag mong hahasikan ang iyong bukid, ni pupungusan ang iyong ubasan” (25:4). Meron ding tinatawag na Year of Jubilee (25:8-16). Bagamat hindi ginamit ang term na Sabbath dito pero yung prinsipyo ay nandun dahil gagawin ito every 50th year, after yung seventh cycle ng seven years (7×7=49), a year of freedom and restoration. Ang nangingibabaw sa lahat ng mga Sabbath observance na ito ay ang issue ng pagtitiwala at pagsamba sa Diyos. Si Yahweh ba ang pinagtitiwalaan ninyo nang higit sa lahat? Si Yahweh lang ba ang Diyos na karapat-dapat sambahin?
III. Ang Ugat ng Sabbath sa Paglikha at Pagliligtas ng Diyos
When we remember that, mare-realize din natin na ito ay significant issue rin sa atin ngayon. Lalo na kung makikita natin na ang ugat ng utos na ito tungkol sa Sabbath ay nasa paglikha at pagliligtas ng Diyos. Yung tungkol sa paglikha ng Diyos ang emphasis sa Exodus 20. Bakit daw sila dapat magpahinga sa ikapitong araw? “…sapagkat sa loob ng anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng naroroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; kaya’t binasbasan ng Panginoon ang araw ng Sabbath, at ginawa itong banal” (v. 11). Tumutukoy ito sa pagtatapos ng paglikha na ginawa ng Diyos sa Genesis 2, “Nang ikapitong araw ay natapos ng Diyos ang gawain na kanyang ginawa, at nagpahinga (sabat) nagpahinga siya sa ikapitong araw mula sa lahat ng gawaing kanyang ginawa. At binasbasan ng Diyos ang ikapitong araw at kanyang ginawang banal, sapagkat sa araw na iyon ay nagpahinga (sabat) ang Diyos sa lahat ng gawain na kanyang ginawa” (Gen. 2:2-3).
Hindi naman kailangan ng Diyos na magpahinga. Hindi naman siya napapagod. Ang point dito ay yung ending o pagtatapos ng kanyang paglikha. The goal or ultimate purpose ng paglikha ng Diyos sa tao ay ang magkaroon tayo ng kapahingahan sa piling niya. Ang Sabbath ay hindi lang para makapagpahinga para makapagtrabaho ulit. Work is not the goal, God is. So kapag ino-observe ng Israel ang Sabbath, they were enjoying “the chief end” for which God created us, “to glorify God and enjoy him forever” (Westminster Shorter Catechism Question 1). Sabbath is not just about one day in seven but about our forever life with God. “In your presence there is fullness of joy; at your right hand are pleasures forevermore” (Psa. 16:11). Dito tayo papunta kung tayo ay mga anak ng Diyos. Pero dahil sa kasalanan, God’s work of redemption is necessary.
At itong aspeto naman ng pagliligtas ng Diyos ang emphasis ng ikalawang pagbibigay ng sampung utos sa Deuteronomy 5 sa sumunod na henerasyon after 40 years ng paglalakbay nila sa disyerto bago sila pumasok sa Canaan. Bakit daw mahalaga ang ikaapat na utos? “Aalalahanin mo na ikaw ay naging alipin sa lupain ng Ehipto, at ikaw ay inilabas doon ng Panginoon mong Diyos sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay at unat na bisig. Kaya’t iniutos sa iyo ng Panginoon mong Diyos na ipangilin mo ang araw ng Sabbath” (Deut. 5:15). Ito ay araw para alalahanin ang dakilang pagliligtas na ginawa ng Diyos para sa kanila. Tayong mga makasalanan ay makakalimutin. Nakakalimutan natin ang layunin kung bakit tayo nilikha ng Diyos. Bakit ka ba nabubuhay? Para lang magtrabaho, magkapamilya, at guminhawa ang buhay? Nilikha tayo ng Diyos para sa Diyos. Makasalanan tayo, naalipin ng kasalanan, kaya ba nating iligtas ang sarili natin? Trabaho tayo nang trabaho para patunayan na kaya natin, para patunayan na we are worthy. Pero sinasabi ng Diyos, “Tumigil ka. Be still and know that I am God. Ako ang Diyos na lumikha sa ‘yo. Ako ang Diyos na nagligtas sa ‘yo. Wala kang magagawa kung nakahiwalay ka sa akin.”
IV. Ang Paglabag sa Sabbath
Hindi lang tayo makakalimutin. Matigas din ang ulo natin. Ang hirap nating pagsabihan. Hindi natin nakikita kung gaano kaseryoso ang mga utos ng Diyos. Sa kabila ng paulit-ulit na paalala ng Diyos sa Israel, nandun pa rin ang kanilang paulit-ulit na paglabag sa Sabbath. Seryoso ang Diyos tungkol sa Sabbath dahil hindi lang ito isa sa mga utos niya kundi ito rin ay isang covenant sign, “sapagkat ito’y isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga salinlahi, upang inyong makilala na akong Panginoon ang nagpapabanal sa inyo” (Ex. 31:13, also v. 17). Ang Sabbath ay hindi lang basta pahinga na wala kang gagawin; ito ay isang “solemn rest, holy to the Lord” (v. 15). Kaya ang range ng parusa dito ay mula sa pagtitiwalag hanggang sa kamatayan. “You shall keep the Sabbath, because it is holy for you. Everyone who profanes it shall be put to death. Whoever does any work on it, that soul shall be cut off from among his people” (v. 14).
Sa kasaysayan ng Israel sa Lumang Tipan, inatasan ng Diyos ang kanyang mga propeta na magsalita tungkol sa kahalagahan nito. Sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni propeta Isaias na kung ituturing nila ang Sabbath na “kasiyahan” at kapag ito’y kanilang “pinarangalan” ay mararanasan nila ang kasiyahang nanggagaling sa Diyos, “then you shall take delight in the Lord” (Isa. 58:13-14). Paano kung hindi? At dahil hindi nga ganun ang pagturing nila sa Sabbath, hindi sila nakinig sa Diyos, at nagmatigas ang kanilang ulo, heto ang banta ng Diyos, “Susunugin ko ang mga pintuang-bayan ng Jerusalem. Matutupok ang mga palasyo sa Jerusalem, at walang sinumang makakapatay sa sunog na ito” (Jer. 23:27 MBB). Ganito nga ang nangyari sa Jerusalem. Bakit? Sabi ng Diyos, “Iyong hinamak ang aking mga banal na bagay at nilapastangan ang aking mga Sabbath” (Ezek. 22:8AB). Tinapon sila sa Babylonia. After 70 years, nakabalik na sila. Isa si Nehemiah sa mga nanguna sa restoration period na yun. Pero balik na naman sila sa dati nilang gawi. Hinayaan nila ang bentahan at pagnenegosyo sa araw ng Sabbath. Nagalit si Nehemiah, “Ano itong masamang bagay na inyong ginagawa, na inyong nilalapastangan ang araw ng Sabbath? Hindi ba ganito ang ginawa ng inyong mga ninuno, at hindi ba dinala ng ating Diyos ang lahat ng kasamaang ito sa atin, at sa lunsod na ito? Gayunma’y nagdadala kayo ng higit pang poot sa Israel sa pamamagitan ng paglapastangan sa Sabbath” (Neh. 13:17-18).
Nagsarado ang kuwento ng Israel sa Lumang Tipan na walang resolution ang kanilang problema sa paglabag sa Sabbath. Nasa ilalim ng poot ng Diyos ang mga makasalanan dahil sa paulit-ulit na paglabag hindi lang sa isang utos ng Diyos, kundi sa lahat, at sa kasagraduhan ng mga salita ng Diyos at ng kanyang kalooban na nakapaloob sa Sabbath.
V. Ang Katuparan ng Sabbath kay Cristo
Kaya naman naparito ang Panginoong Jesus. Ang Diyos na nagbigay ng kanyang utos ay naging tao na tulad natin. Para sa mga taong lumabag sa utos ng Diyos, binaluktot ang utos ng Diyos, itinuring na kabigatan ang utos ng Diyos, at ginagamit ang utos ng Diyos para lalo pang bigyan ng kabigatan ang mga tao. Tulad ng mga Pariseo na sa kanilang pagiging istrikto sa Kautusan ay dinagdagan ang mga hindi dapat gawin sa araw ng Sabbath, pinahalagahan ang sarili nilang tradisyon at interpretasyon sa Sabbath kaysa sa mabuting intensyon ng Diyos para dito. Kaya laging may confrontations si Cristo sa mga religious leaders nung panahon niya. Lalo na sa mga ginawa niya kapag araw ng Sabbath. Hindi niya concerned ang “strict Sabbatarianism” at mas concerned siya “to get to the heart of the Sabbath” (Kevin DeYoung).
Para kay Cristo, ang Sabbath ay araw ng kalayaan. Kaya pinagaling niya ang isang babaeng 18 years nang kuba dahil sa isang “disabling spirit” (Luke 13:11). Sabi ni Jesus sa kanya, “Babae, pinalaya ka na sa iyong sakit” (v. 12). Nagalit ang mga religious leaders kasi bawal daw yung ginawa niya sa araw ng Sabbath (v. 14). So, Jesus exposed their hypocrisy na mas pinahahalagahan pa ang mga alaga nilang hayop kaysa sa mga tao (v. 15). Sabi niya, “At hindi ba dapat na ang babaing ito na anak ni Abraham, na ginapos ni Satanas sa loob ng labingwalong taon ay kalagan sa pagkagapos na ito sa araw ng Sabbath” (v. 16)? Para kay Cristo, ang Sabbath ay araw ng kalayaan at pagpapagaling. Kaya sa sumunod na eksena, araw rin ng Sabbath, pinagaling naman niya ang isang lalaking namamanas habang minamatyagan siya ng mga Pariseo (Luke 14:1-6). Ang araw ng Sabbath ay araw rin sa paggawa ng mabuti. Isang Sabbath, pinagaling niya ang isang paralitiko, at sinabi niya sa mga tao, “Ipinahihintulot ba na gumawa ng mabuti sa araw ng Sabbath, o ang gumawa ng masama, magligtas ng buhay, o pumuksa nito” (Mark 3:6).
Pinaparatangan siya na lumalabag sa Kautusan. Pero ang totoo, ginagawa niya kung ano ang intensyon ng Diyos para sa Sabbath. Para ipagkaloob ang buhay, kalayaan, kapahingahan, at kagalingan sa mga taong alipin ng kasalanan. Si Cristo ang divine lawgiver. Si Cristo ang law-interpreter. Si Cristo ang lawkeeper. Diyos na nagkatawang-tao para sa atin. Sinabi niya sa kanila na siya ang “Lord of the Sabbath,” “Ang Sabbath ay ginawa para sa tao, at hindi ang tao para sa Sabbath. Kaya’t ang Anak ng Tao ay Panginoon maging ng Sabbath” (Mark 2:27-28). Naparito si Cristo hindi upang sirain ang kautusan kagaya ng Sabbath; naparito si Cristo para tuparin ito (Matt. 5:17).
Dahil sa paratang sa kanya na kasalanang hindi naman niya ginawa, inaresto siya, ipinako sa krus para mamatay. Ang parusa sa paglabag sa Sabbath ay pagtitiwalag at kamatayan. Sinabi ni Jesus habang nakapako siya, “My God, my God, why have you forsaken me” (Matt. 27:46)? Sinabi rin niya bago siya malagutan ng hininga, “It is finished.” Natapos niya ang gawaing ipinagawa sa kanya ng Ama. Namatay siya, inilibing ilang oras bago lumubog ang araw, bago ang simula ng araw ng Sabbath. Sa ikatlong araw, sa unang araw, Linggo ng umaga, muli siyang nabuhay. The resurrection of Jesus fulfilled the Sabbath. “Because of sin, human beings are unable to enter into the Sabbath rest that God established at the creation for humanity; but Jesus Christ has come to bring his people into the experience and enjoyment of that rest” (Guy Waters, Sabbath as Rest and Hope for the People of God, 86). Merong kapahingahan, merong kaligtasan, merong kagalingan, merong pagpapanumbalik ng relasyon natin sa Diyos dahil kay Cristo. Christ is our rest. Christ is our Sabbath.
VI. Nananatiling mga Prinsipyo ng Sabbath para sa Atin Ngayon
The resurrection of Christ changes everything. Kaya nga simula noon, ang mga Kristiyano ay nagtitipon-tipon sa pagsamba every resurrection Sunday, the Lord’s Day (Rev. 1:10; Acts 20:7; 1 Cor. 16:1-4). Pero hindi naman ibig sabihin na yun na agad ang katumbas o kapalit ng Sabbath sa panahon natin ngayon. Ang katuparan ng Sabbath kay Cristo ay hindi tungkol sa pagpapalit ng araw ng pagsamba mula sa Sabado patungo sa Linggo. Yes, mahalaga ang ginagawa natin tuwing Linggo as a church, and we set this apart as more important kaysa sa ibang araw. Pero dapat ding alalahanin natin ang mga sinabi ni apostol Pablo tungkol dito para maiwasan natin ang legalism. “May taong nagpapahalaga sa isang araw nang higit kaysa iba, ngunit may iba namang nagpapahalaga sa bawat araw. Hayaang mapanatag ang bawat tao sa kanyang sariling pag-iisip” (Rom. 14:5). Hindi ito tungkol sa pagpapahalaga sa isang araw kundi ang pagtutuon ng paningin natin kay Cristo. “Therefore let no one pass judgment on you in questions of food and drink, or with regard to a festival or a new moon or a Sabbath. These are a shadow of the things to come, but the substance belongs to Christ” (Col. 2:16-17). Yes, our Lord’s Day gathering is very very important. Kasi ito ang araw na tinutulungan natin ang bawat isa na ipako ang tingin natin kay Cristo. So, in a way, isa itong application ng Sabbath principle. Pero alalahanin din natin na ang Sabbath ay higit na mas malaki kaysa sa isang araw sa isang linggo.
Tingnan n’yo kung paano ito ipinaliwanag ng Heidelberg Cathechism sa sagot nito sa Question 103, “Ano ang kalooban ng Diyos sa ikaapat na utos?”
Una, na ang ministeryo ng ebanghelyo at ng pag-aaral nito ay mapanatili, at lalong-lalo na sa araw ng pamamahinga na ako’y buong sigasig na dadalo sa iglesya ng Diyos upang pakinggan ang Salita ng Diyos, gamitin ang mga sakramento, lantarang tumawag sa Panginoon at magbigay ng tulong para sa mga mahihirap. Pangalawa, na sa lahat ng araw ng aking buhay ako’y tumigil sa aking masasamang gawain at hayaang kumilos ang Panginoon sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at nang sa gayon ay masimulan sa buhay na ito ang walang hanggang sabbath.
Mula dito, and also reflecting sa mga isinulat ni John Calvin, nagbigay si Kevin DeYoung ng tatlong nananatiling mga prinsipyo ng Sabbath na dapat nating laging tandaan.
Una, dapat lang na maglaan tayo ng isang araw sa loob ng isang linggo bilang araw na naka-set aside para sa pagsamba sa Diyos. Kung ang negosyo, trabaho o pag-aaral mo ay nakahahadlang nang mahabang panahon para makapaglaan ka nang isang araw sa pagsamba, pag-isipan mo kung anong adjustments ang gagawin mo. Baka kailangan mong humanap ng ibang trabaho? O kung kailangang-kailangan talaga dahil ang trabaho mo ay nasa healthcare, anong gagawin mo para hindi mapabayaan ang araw ng pagsamba?
Ikalawa, dapat tayong magtiwala sa Diyos para makapagpahinga tayo ng isang araw sa isang linggo. Para sa iba, mas mahirap ang huminto sa trabaho. Merong pag-aalala. Baka kapusin. Baka matambakan ng gawaing bahay o assignments. Kaya kulang sa pahinga. Pwersado ang katawan. Wala nang panahon to rest and spend quality time of communion with God. Hindi lang once a week. Pero yung sapat na pahinga rin sa bawat araw.
Ikatlo, tumigil na tayo sa pagtitiwala sa sarili nating mga gawa—masasamang gawa at kahit na mabubuting gawa natin na pinagtitiwalaan at pinagmamalaki natin—at hanapin ang kapahingahan natin kay Cristo at sa kanyang gawa para sa atin.
May ikaapat na idaragdag ko rito, reflecting dun sa sinasabi ng catechism sa dulo na “walang hanggang sabbath”: ipako natin ang pag-asa natin sa araw ng pagdating ni Cristo. Wala sa buhay natin ngayon sa mundong ito ang lubos na “Sabbath rest” para sa atin. “There remains a Sabbath rest for the people of God” (Heb. 4:9). Tiyakin mo na makakapasok ka sa kapahingahang iyon. Maraming mga Israelita ang hindi nakapasok sa lupaing ipinangako ng Diyos dahil sa katigasan ng puso nila. Wag mong hayaang manatiling matigas ang puso mo. Pagsisihan mo ang mga kasalanan mo, tigilan mo ang pagtitiwala sa sarili mong gawa at magtiwala ka kay Cristo “habang nananatiling bukas ang pangakong makapasok sa kanyang kapahingahan” (4:1).
Conclusion: Nasaan ang Kapahingahan at Pag-asang Kailangan Natin?
Lahat tayo ay napapagod at naghahanap ng kapahingahan. Physically, yes. Pero ang puso rin natin ay napapagod. Pinanghihinaan tayo ng loob. Kaya kailangan natin ang kapahingahan at pag-asang kay Cristo lang matatagpuan. Bawat isa sa atin ay kailangan nating tanungin ang sarili natin kung nasaan nga ba ang kapahingahan at pag-asang kailangan natin. Kay Cristo ba natin ‘yan hinahanap o hinahanap natin sa ibang bagay outside of Christ?
Kailangan ko rin ‘yang sagutin sa sarili ko. I’m preaching Christ to you every Sunday. Pero inaamin ko na at this point ay pagod ang puso ko. Hindi lang sa mga responsibilities ng pastoral ministry, kundi maging sa iba pang mga bagay na ginagawa ko na hindi ko naman dapat gawin, at ang iba ay dahil na rin sa unbelief sa heart ko, in trying to find my satisfaction outside of Christ. Nagpaalam ako sa ilang mga elders ng church nitong nakaraang araw, at nagpapaalam sa inyo, na I will take my three-month Sabbatical leave January to March next year. One year overdue na, dapat early this year pa, dahil ang huling Sabbatical leave ko ay noong 2016 pa. I will take this time para hindi muna gampanan ang mga tungkulin ko bilang pastor, kundi para mas maranasan ko ang pagiging tupa na nasa pangangalaga ni Cristo na ating Great Shepherd at ng mga elders ng church bilang mga undershepherds. Nandito pa rin ako sa church, but not as your pastor. Wag kayong mag-alala, we have a Good Shepherd and godly elders na mag-aalaga sa church during this time.
Isa ito sa application ng Sabbath principle para sa akin. Para sa ating lahat, hindi lang tuwing araw ng Linggo, kundi araw-araw ay pakinggan natin ang paanyaya sa atin ng Panginoong Jesus, “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at matuto kayo sa akin; sapagkat ako’y maamo at may mapagpakumbabang puso at makakatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa. Sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibinibigay ko sa inyo” (Matt. 11:28-30).
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

