#10: Kung tayo man ay tawagin ng Diyos sa ibang lugar, sa lalo’t madaling panahon ay sisikapin nating makipag-isa sa ibang iglesiya kung saan ay maipamumuhay natin ang damdamin ng tipang ito at ang mga prinsipyo ng Salita ng Diyos.

‌Introduction: Membership is Commitment‌

Ito na ang huling sermon sa series natin tungkol sa church covenant, Life Together: Paano Magiging Makabuluhan ang Pagiging Church Member. Inisa-isa natin yung mga nakasulat na commitments sa church covenant natin. Para ma-encourage ang mga non-members, at para mas mapagtibay ang commitment ng mga church members. Ang church membership kasi ay commitment. Kaya nga paulit-ulit na nakasulat yung “Sisikapin natin…” o “Pagsisikapan natin…” Hindi pwedeng walang commitment. Hindi pwede yung “Susubukan ko,” o “Ita-try ko.” Parang yung mga kaibigan mo na kapag kinausap mo o niyaya mo sa isang event o meeting, sasabihin sa ‘yo, “Sige, try ko ha.” Sa loob-loob mo, wala kang kumpiyansa na gagawin niya o sisipot siya sa usapan, kasi wala namang commitment. That is why membership is not popular among many Filipino Christians. Very loose, very casual ang approach ng marami patungkol sa church. Basta fulfillment lang ng weekly religious duties. Pero, ayaw natin ng ganyan lang. Ayaw ng Diyos ‘yan. Wala kang makikita na version ng Christianity sa Bible na churchless Christian, o Christian na hindi member ng isang local church. Very rare ang exceptions dyan.‌

Siyempre, kami na mga leaders ng church, ang gusto namin ay manatili kayo rito. Paano namin kayo maaalagaang mabuti, paano namin kayo masasanay na maglingkod kung walang commitment on your part? Two-way relationship ‘yang church covenant. We commit. You commit. We commit ourselves to one another. Ang word ng Bible diyan ay “devotion.” Kung magiging devoted tayo, hindi sa kasinungalingang turo ng Kaaway (1 Tim. 4:1) o sa mga walang kwentang usapin (1 Tim. 1:4; Tit. 1:14). Kundi yung “sincere and pure devotion to Christ” (2 Cor. 11:3), sa pag-aaral at pagtuturo ng Salita ng Diyos (1 Tim. 4:13), sa paggawa ng mabuti (1 Tim. 5:10; Tit. 3:8, 14). Ito naman ang magandang halimbawa sa atin ng unang church: “And they devoted themselves to the apostles’ teaching and the fellowship, to the breaking of bread and the prayers” (Acts 2:42). Kapag sinabing “devoted,” hindi ‘yan basta-basta tumitigil o humihinto o umaayaw o umaalis. Kahit na matinding mga difficulties o persecution o conflicts ang maranasan nila.‌

We pray na maging stronger ang commitment and devotion ninyo kay Cristo at sa church, hindi pwedeng paghiwalayin ‘yan. Pero hindi ibig sabihin na we want to control you. Parang mga magulang. Gusto na manatili sa loob ng bahay ang mga anak, naalagaan, natuturuan, nadidisiplina, natututukan. Pero may panahong lalabas na ng bahay, magka-college, o magkakaroon na ng sariling pamilya. We cannot keep our children forever. Ganun din sa church, may mga panahong ang iba sa inyo ay aalis at lilipat na ng ibang lugar at ibang church. Ang iba rin sa inyo ay galing naman din sa ibang church, o nagbabalak lumipat dito. Hindi naman ibig sabihin na kapag member ka ng church na ito, ay dapat member ka na forever. Bawal umalis! Kulto na yun.‌

Gusto namin siyempre mag-stay kayo dito hanggang sa kamatayan! Til death do us part!—maganda sana kung ganyan. Pero pinaniniwalaan natin hindi lang ang pagiging essential ng local church. Pati rin at lalo na ang mas malaking disenyo ng Diyos sa universal church o “catholic church” gaya ng salitang ginamit sa Apostles’ Creed at Nicene Creed. Magandang salita ‘yan, “catholic,” nagiging allergic lang tayo dahil sa association with the Roman Catholic Church. Ibig sabihin nito, while we value the local church as expression ng body of Christ, at hindi natin ihihiwalay ang miyembro ng katawan sa katawang kinabibilangan nito, kinikilala rin natin na mas malaki ang Church bilang Body of Christ. Ang church natin ay pamilya ng Diyos, kaya kung member ka, hindi ka dapat basta-basta lalayas. Pero kinikilala rin natin na mas malaki ang Pamilya ng Diyos. Tingnan n’yo ang sulat ni Paul sa mga taga-Corinto, “Paul, an apostle of Christ Jesus by the will of God, and Timothy our brother, To the church of God that is at Corinth, with all the saints who are in the whole of Achaia: Grace to you and peace from God our Father and the Lord Jesus Christ” (2 Cor. 1:1-2). Sulat sa mga taga-Corinto, pero kasama ang ibang mga churches sa probinsiya ng Achaia. Sa dulo ng sulat niya, “Finally, brothers, rejoice. Aim for restoration, comfort one another, agree with one another, live in peace; and the God of love and peace will be with you. Greet one another with a holy kiss. All the saints greet you” (2 Cor. 13:11-13). Hindi lang “one another” sa church sa Corinth ang kasali, pati “all the saints”! You get the idea? Local church at universal church. Kaya kung narinig n’yo ang prayer ko last Sunday, during our church anniversary, pinagpray ko rin yung mga dating members natin na nasa CCF o Victory o ibang church na ngayon.‌

Kaya mahalaga yung number 10 sa covenant. “Kung tayo man ay tawagin ng Diyos sa ibang lugar, sa lalo’t madaling panahon ay sisikapin nating makipag-isa sa ibang iglesiya kung saan ay maipamumuhay natin ang damdamin ng tipang ito at ang mga prinsipyo ng Salita ng Diyos.” Merong pagkakataong na kailangan at di maiiwasang umalis na sa church. Tuturuan ko kayo ngayon kung paano umalis sa church. Hala, ano bang topic ‘yan? Pero kailangang pag-usapan kasi reality naman talaga ‘yan. Marami na ring nagtatanong sa akin from different churches tungkol diyan. Siguro sa inyo rin. Heto ang mga mahahalagang tanong na sasagutin natin ngayon:‌

  • Anu-ano ang mga hindi magagandang dahilan para umalis sa church?‌
  • Anu-ano ang mga magagandang dahilan para umalis na sa church?‌
  • Kung aalis, anu-ano ang dapat gawin bago umalis?‌
  • Sa pag-alis, anu-ano ang dapat gawin?‌
  • Ano ang dapat hanapin sa church na lilipatan?

‌Mga hindi magagandang dahilan para umalis sa church

‌Unahin natin ang tanong na ‘to: Anu-ano ang mga hindi magagandang dahilan para umalis sa church? Hindi naman dapat na kapag meron ka lang hindi nagustuhan sa church o may nakatampuhan, aalis ka na agad-agad. Nasaan ang commitment dun? Karaniwan ‘yan sa mga Christians, kasi nga merong consumer mentality (hindi covenant commitment). Madaling humanap ng ibang church na mas magugustuhan nila. Yung mas okay para sa mga bata. Yung mas magandang music. Yung mas ayos na mga programa. Heto yung pitong sagot sa tanong na ‘yan na galing kay Brett McCracken (“7 Bad Reasons to Leave a Church”)‌:

Naiinis ka sa ilang mga church members. Ang church naman kasi ay binubuo ng mga miyembrong iba-iba ang ugali, iba-iba ang spiritual maturity, iba-iba ang personality, iba-iba ang preferences. Siyempre, meron kang hindi magugustuhan sa ugali o personalidad ng iba. At sila rin, baka di ka type na kahalubilo. Pero ‘wag kang basta lilipat ng church at maghahanap ng mga taong kagaya mo lang. Kapag ganun, ina-underestimate mo ang kapangyarihan ng gospel na pag-isahin at pagsama-samahin ang mga taong iba-iba.‌

Walang may interesado sa gusto mong gawin na ministry. May idea ka, o may proposed ka na ministry program. Kaso, di nasuportahan ng ibang miyembro, o hindi naging priority ng mga leaders ng church. Ayos lang yun. Wag agad magtatampo. Isipin mo rin kung paano mo masusuportahan ang mga existing ministries ng church. Malay mo, balang araw, mangyari rin kung ano ang idea mo?

Hindi mo gusto yung worship style. Ayaw mo ng style ng music, o ng approach ng pastor sa preaching. Hinahanap mo yung medyo modern o contemporary style. But you need to ask, ang ganito bang pagsamba ay nakalulugod sa Diyos, at ayon sa sinasabi niyang patakaran ng pagsamba na ayon sa kanyang salita? Ang pagsamba ay hindi ayon sa kagustuhan mo, o kung ano ang kumportable sa ‘yo, o kung ano ang preferences mo.‌

Mayroong mas cool na church na malapit sa inyo. Kapag bago ka sa church, excited ka pa. Kasi bagong culture, bagong experience. Pero kapag tumagal-tagal, baka bored ka na. Kaya ayun, yung iba, naghahanap ng church na mas magiging excited sila ulit. Wag ganun, kapatid.‌

Umalis na yung favorite pastor mo. Kung paborito mo si Ptr. Aldrin, tapos nalipat siya ng assignment, baka umalis ka na rin at sumama sa kanya. Maliban lang kung tinatawag ka para sumuporta sa ministry niya! Pero hindi maganda na ang commitment mo sa church ay nakatali sa personalidad. Sabi ni Brett, “Kapag ang iyong basehan sa pag-attend ng church ay ang isang pastor, gaano man ka-gifted ito, hindi ito maganda para sa iyong kalusugang espirituwal. Ang church ay mas mahalaga kaysa sa kanyang (mga) pastor.”

Wala na yung puso mo sa iyong church. Ayon din sa article ni Brett:‌

Madalas kong naririnig sa mga umalis na church members na wala na raw yung puso nila sa dati nilang church. Sabi nila, “nakasanayan nalang kasi ang pagpunta namin sa church.” Parang sapilitan na lang, legalistic, o hindi taos sa puso nila ang pakiramdam kapag nasa church sila. Dahil dito itinigil na nila ito. Pero kahit na “tunay” ang mga emosyon na ito, hindi ito magandang dahilan para umalis sa church. Bakit? Dahil halos lahat ng relasyon at commitment natin sa buhay ay dumadaan sa mga panahon na kung saan wala na yung puso natin dito. Normal lang ito. Hindi ito dahilan para mag-give up sa church.

Hindi ka na masyadong nabe-bless sa Sunday service.‌

Naging normal na sa atin na pag-usapan ang church service kung anong naging blessing para sa atin. Halimbawa, tinatanong natin ang isa’t isa, “Anung nakuha mo sa sermon?” Ngunit ang ganitong pag-uugali ay simpleng consumerism na ina-apply sa church. Nilalagay nito ang church sa posisyon kung saan mayroon tayong makukuha galing dito, at kung hindi na tayo gaanong nagbebenepisyo, meron na tayong dahilan para umalis. Pero ang church ay hindi dapat tungkol sa kung ano ang makukuha nating benepisyo, kundi kung ano ang ating maibibigay. Ito ay tungkol sa paano tayo makakapaglingkod at paano tayo makakapag-edify sa katawan ni Cristo.

May panahon na nagiging valid din naman ang ilan sa mga dahilang ito, lalo na kung tumagal-tagal, o kung indication ito ng malaking problema sa church. Pero yung point dito, hindi dapat basta-basta yung desisyon na pag-alis ng church. Hindi naman kasi ganun ang commitment ng isang member. You don’t just join a church dahil gusto mo. You submit to the authority of the church.

‌Mga magagandang dahilan para umalis na sa church

‌Pero siyempre, may mga panahong hindi lang pwede nang umalis ng church, kundi dapat lang na umalis na sa church. Pakinggan n’yo itong mabuti, at ipagpray bago kayo lumipat sa church namin bilang miyembro. O kapag napapansin n’yo na baka ganito na ang nangyayari sa church natin, pag-usapan natin ‘yan. Heto yung sagot ni Brett sa tanong na: “Anu-ano ang mga magagandang dahilan para umalis na sa church?” Nagbigay rin naman siya ng seven good reasons para umalis (Source: https://www.crossway.org/articles/7-good-reasons-to-leave-a-church/).‌

Iniwan na ang tamang doktrina o orthodoxy. Hindi lang small differences sa ibang aspects ng theology tulad ng teachings about the church o tungkol sa second coming ni Christ ang pinag-uusapan dito. Kapag ang church ay lumilihis na sa message of the gospel, sa apostolic teaching, at hindi na Bibliya ang awtoridad sa loob ng church, panahon na para umalis. Pero meron ding pagkakataon na “subtle” ang departure sa Christian faith. Parang nandun pa rin ang gospel, pero natatabunan na ng prosperity gospel o kung anu-anong katuruan. Be discerning.‌

Naging puro tungkol sa pulitika na lang (o anumang usapin na nangingibabaw) at hindi na kay Jesus. Ibig sabihin, kultura na o trends sa society ang nagdidikta sa katuruan at ministry ng church. Hindi na nakasentro kay Cristo at sa gospel.

Walang pagbabagong nangyayari. Ang church na templo ng Espiritu ay lumalago sa kabanalan, hindi perpekto, pero merong buhay at paglago (Eph. 2:21-22). Binubuo ito ng mga miyembro na “living stones…being built up as a spiritual house” (1 Pet. 2:5). Dahil nandun ang Holy Spirit, nababago ang buhay ng mga miyembro, growing to be more like Christ. Pero kapag sa haba ng panahon ay wala nang pagbabago na nangyayari, walang mga baptisms, walang mga bagong members, wala man lang nagiging impact sa mga tao sa paligid ng church, maaaring panahon na para lumipat ng ibang church. But of course, we also need to be patient.‌

Masyado nang malayo ang tinitirhan mo. Maaaring dahil sa trabaho, o pag-aaral, o paglipat ng bahay na tinitirhan. Kapag sobrang layo mo na, mababawasan din ang oras mo sa pagtitipon kasama ang church, o yung pagkakataon na ang mga miyembro ay makapag-ministeryo rin sa ‘yo. Mas makakabuti kung maghahanap ka ng church na regularly ay makakasama mo. Practical naman ‘yan.

Wala kang opportunity na maglingkod. Bihira naman siguro yung ganito. Ang dami kasing dapat gawin sa church. Ang dami mong opportunity na pwedeng salihan. Pero kung ang church ay hindi ka binibigyan ng ganitong opportunity at puro na lang iilan ang pwedeng mag-serve, ipag-pray mo na baka nili-lead ka ng Diyos sa isang church na magagamit mo ang mga spiritual gifts mo for building up the body of Christ.

Hindi ka na makapag-submit sa mga leaders. Kung nagkaroon ka ng issue sa mga church leaders. You no longer trust them. Hindi mo na masunod ang Hebrews 13:17, “Obey your leaders and submit to them…”, with a good conscience. Siguro naging abusive sila sa authority nila, o hindi talaga sila nakikinig sa mga suggestions. Pero check mo rin muna, baka naman ikaw ang may issue at hindi sila. Ipagpray mabuti ‘yan. Ang hirap naman kung mag-iistay ka sa isang church pero lagi kang kritikal sa mga leaders, wala na yung “joy” mo sa ministry, at sila rin ay naaapektuhan na ang ministry dahil sa mga issues na hindi ninyo ma-resolved.‌

Naging inward na lang at sila-sila na lang. Naging kumportable na ang church sa isa’t isa. Sila-sila na lang. Wala nang pakialam sa mga bisita, kung meron man. Hindi na nagri-reach out sa iba. Wala na yung sense of mission.‌

‘Yang pitong ‘yan ay hindi naman pare-pareho ng degree of importance. Meron akong ka-chat na isang kaibigan nitong isang araw. Ang church nila may “pastora,” ayaw makinig ng mga leaders sa suggestions, hindi rin transparent sa mga finances ng church, baka hindi malinaw yung “gospel” na itinuturo, hindi rin nakikipag-fellowship sa ibang churches, pinagbabawalan ang mga members na dumalo sa mga “seminars” na ginagawa ng ibang churches, sobrang exclusive na. Nag-iisip na sila na lumipat. Pero ang hirap na mag-decide. Lalo pa kung nandun yung mga youth na inaalagaan nila. Hindi basta-basta maiiwanan. Marami ang nasa ganitong sitwasyon. At kung kayo man na miyembro ay nag-iisip na umalis, sabihin n’yo sa amin kung bakit, pag-usapan natin, iresolba muna natin kung ano man ang mga issues, and let us pray together. At kung kayo man ay galing sa ibang church at nag-iisip kung lilipat dito, sabihin n’yo sa amin ang dahilan.

‌Mga dapat gawin bago umalis sa church‌

Heto naman yung payo ni Mark Dever sa What is a Healthy Church? (p. 57). Sa kanya galing yung sagot sa susunod na dalawang tanong, Ano ang dapat gawin bago umalis sa church? at Ano ang dapat gawin sa pag-alis sa church? Heto ang sagot niya sa unang tanong. Bago ka magdesisyon kung aalis na…‌

Manalangin muna. Wag madaliin ang ganitong very crucial decision. Kapag sobrang emotional ka lalo na, mas kailangan mo ang guidance ng Panginoon.‌

Ipaalam mo sa iyong kasalukuyang pastor ang tungkol sa iyong iniisip bago ka lumipat sa ibang church o gumawa ng desisyon na lumipat ng tirahan sa ibang lungsod. Humingi ng kanyang payo. Kung magtatrabaho o lilipat sa ibang bansa o malayong lugar, makipag-usap muna kayo sa mga elders ng church. Para matulungan din namin kayo sa mga major decisions n’yo.‌

Timbangin ang iyong mga motibo. Kaya ba gusto mong umalis ay dahil sa isang makasalanang personal conflict o sama ng loob? Kung ito ay dahil sa mga kadahilanang doktrinal, mahalagang-mahalaga ba ang mga doctrinal issues na ito?

Gawin mo ang lahat sa abot ng iyong makakaya na magkaroon ng pagkakasundo ang anumang nasirang relasyon. Hindi yung aalis ka na agad para maiwasan ang mga kasamaan mo ng loob. Kung talagang kailangang umalis, at least ay napag-usapan ang mga dapat pag-usapan at naayos ang mga dapat ayusin.‌

Siguraduhin mong isaalang-alang ang lahat ng mga “evidences of grace” na nakita mo sa buhay ng church—sa mga bahagi nito at mga pagkakataon kung saan malinaw na nakikita ang pagkilos ng Diyos. Kung hindi mo makita ang kahit anong ebidensya ng grasya ng Diyos, baka gusto mong suriin muli ang sarili mong puso (Mat. 7:3-5). Kahit gaano man ka-imperfect, o ka-unhealthy ang isang church, church pa rin yun ng Panginoon. Hindi yung sobrang negative at critical na lang ang iniisip at sinasabi mo sa church.‌

Maging mapagpakumbaba. Tanggapin mo na wala sa iyo ang lahat ng katotohanan at suriin mo ang mga tao at ang kanilang kalagayan nang may pag-ibig (bigyan mo sila ng benefit of the doubt). Baka nga naman hindi ang mga kasama mo sa church ang may problema. Baka merong kailangang itama si Lord sa puso mo. At gusto niya na magtiis ka kasama ang church mo ngayon para mas lumago ka na maging katulad ni Cristo in his patience and persevering love for his church.

‌Mga dapat gawin sa pag-alis sa church

‌Ngayon naman, kung aalis ka na talaga, kung kailangan na, kung di ka na mapipigilan, heto ang payo ni Mark Dever.‌

Huwag kang gagawa ng hakbang para magkaroon ng pagkakahati-hati sa church.‌

Mag-ingat nang husto na huwag maghasik ng discontent sa puso ng mga tao kahit na sa iyong mga malapit na kaibigan. Tandaan mo, ayaw mong magbigay ng kahit anong hadlang sa kanilang paglago sa church na ito. Tanggihan ang kahit anong pagnanais na magtsismis (minsan kilala bilang “paglalabas ng sama ng loob” o “pagsasabi ng nararamdaman mo”).‌

Ipanalangin mo at pagpalain ang congregation at ang leadership nito. Maghanap ng mga paraan kung paano mo ito magagawa. Kung nasaktan ka, matuto kang magpatawad—tulad ng pagpapatawad sa iyo ng Diyos.

‌Maging sa pag-alis natin sa isang church, we can demonstrate the reality of the gospel sa buhay natin kapag nandun pa rin ang pag-ibig, pagpapatawad, at pakikipagkasundo na siyang expression ng transformation na dulot ng gospel sa puso natin.

‌Mga dapat mong hanapin sa church na lilipatan‌

Ngayon kung aalis talaga, hindi naman pwedeng aalis ka lang sa isang church pero wala ka namang lilipatan. Hindi makakabuti sa ‘yo kung ikaw ay churchless Christian. Kaya nakalagay sa dulo ng covenant natin ang sagot sa tanong na “ano ang dapat mong hanapin sa church na lilipatan mo?”: Kung tayo man ay tawagin ng Diyos sa ibang lugar, sa lalo’t madaling panahon ay sisikapin nating makipag-isa sa ibang iglesiya kung saan ay maipamumuhay natin ang damdamin ng tipang ito at ang mga prinsipyo ng Salita ng Diyos. Wala kang mahahanap na church na katulad din ng BBCC. Hindi ko sinasabi ‘yan dahil nagmamayabang tayo. No. Ang point ko, iba-iba ang mga churches. Pero hindi ka rin basta lilipat sa kahit anong church na lang. Hindi lahat ng klase ng church ay makakabuti sa ‘yo. Agree ako sa booklet na sinulat ni Alex Duke, What Should I Look for in a Church? Sabi niya:‌

Look for a church that preaches the gospel clearly, so clearly that you are not confused as to what your problem is and what God’s solution is in Christ. Yan ang pinakamahalaga sa lahat, gospel. Hindi lang ina-assume ang gospel, kundi malinaw na itinuturo. Malinaw na itinuturo kung ano ang problema natin: ang kasalanan na naghihiwalay sa atin sa Diyos na banal. At ano ang solusyon: walang iba kundi si Cristo. Maghanap ka ng gospel-preaching church.‌

Look for a church where God’s Word is placed on a pedestal for all, not a conveyor belt for the curious. Ibig sabihin, ang pag-aaral ng Salita ng Diyos ay para sa lahat, hindi lang para sa mga intellectual o iilang marurunong sa Diyos. Ano ang mapapala mo sa isang church na salita ng tao ang nangingibabaw at hindi ang salita ng Diyos? Pero hindi lang basta itinuturo ang tamang doktrina na galing sa salita ng Diyos…

Look for a church that ushers you into a community of supernatural relationships, which sounds weird but is just normal Christians pursuing holiness together. Nandun yung application ng word of God, nagmamahalan, nagpapakialamanan, may pagdidisiplina, may concern paano aayusin ang church ayon sa salita ng Diyos.

Don’t look for perfection. Baka naman sa sobrang taas ng standard mo, perfect church na ang hanap mo. Walang ganun. At sabi nga nila, kung sakaling may makita kang perfect church, wag kang pupunta dun. Bakit? Hindi na yun magiging perfect kapag andun ka. As long as we’re in this fallen world, struggling pa rin sa natitirang kasalanan sa atin, walang perfect church, only imperfect churches. Pero meron pa rin tayong obligasyon na maging discerning kung ang isang “church” ay sang-ayon sa definition ng Bibliya ng isang tunay na church. Ayon sa Belgic Confession Article 29:

Ang mga palatandaan kung paanong makikilala ang tunay na Iglesia ay ito: kung ang dalisay na aral ng Ebanghelyo ay ipinapangaral dito; kung pinananatili niya ang malinis na pagpapatupad sa mga sakramentong iniutos ni Cristo; kung ipinapatupad ang pagdidisiplinang-iglesia sa pagpaparusa sa kasalanan; samakatuwid, kung ang lahat ng bagay ay pinapangasiwaan ayon sa dalisay na Salita ng Diyos, at ang lahat ng katuruang hindi umaayon dito ay tinatanggihan, at si Jesu-Cristo ang tanging kinikilalang Pangulo ng Iglesia. Sa pamamagitan ng mga ito ay makikilala ang tunay na Iglesia, kung saan walang karapatan ang sinumang tao na ihiwalay ang kanyang sarili.

‌Kung aalis ka man sa church na ito, wag mong pagtatagalin na wala kang church na kabibilangan: na walang magtuturo sa ‘yo, walang mag-aalaga sa ‘yo, walang magdidisiplina sa ‘yo, at bibigyan ka ng pagkakataon na makapaglingkod din naman sa iba. Kung hanggang ngayon, you are not yet a member ng isang local church, ‘wag mong pagtatagalin. Hindi ito makakabuti sa ‘yo.

‌Mananatili man o aalis, nasaan ang kumpiyansa natin?

Church membership is not easy. Kaya nga twelve sermons ang inilaan natin dyan. Kailangan talaga ng pambihirang tiyaga, supernatural patience, para magpatuloy bilang miyembro. Kailangan mong pagtiyagaan ang mga kasama mo. Kailangan ka rin nilang pagtiyagaan. Minsan, matutukso ka na baka ang better way ay umalis na lang at lumipat ng ibang church. Pero sa paglipat mo naman sa ibang church, after ng brief honeymoon period, ganun ulit. Pagtitiyagaan mo sila, pagtitiyagaan ka rin nila. Tandaan natin, bilang mga Kristiyano, sa pagsunod kay Cristo, we are not called to live an easy life. We are called to die. To die to ourselves, to take up our cross and follow Jesus. Self-denial ang church membership. Hindi na kung ano ang gusto mo, o ano ang preferences mo ang masusunod. You submit everything sa Panginoon at sa authority na bigay ng Diyos sa church na siyang mamamahala sa buhay mo ayon sa salita ng Diyos.‌

As we are challenged sa mga kakaharapin natin bilang mga members ng church, bago tayo ma-tempt na tumingin na ng ibang church na lilipatan natin, tandaan natin na ito ay panawagan sa atin na tumingin muna at tumingin palagi sa Diyos. Kaya sa panghuling tanong na sasagutin natin, kung mananatili ka man o aalis ng church, nasaan dapat ang kumpiyansa natin? Wala sa church na kinabibilangan natin ngayon o sa church na lilipatan natin kundi nasa Diyos na siyang nagdisenyo ng church, kay Cristo na siyang Shepherd-Savior-King ng church, at sa Espiritu na siyang buhay ng church at kapangyarihang nagpapabanal sa church.‌

Kaya mahalaga na sa dulo ng church covenant natin ay binibigkas at inaalala natin yung benediction: “Nawa’y sumaating lahat ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo, at ang pag-ibig ng Diyos, at ang pakikisama ng Espiritu Santo. Amen” (2 Cor. 13:14). Panalangin ito ni Paul. Ibig sabihin, nagpapaalala na totally dependent tayo sa Diyos. Kailangan natin ang “biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo.” Sa simula pa lang ng covenant natin: “Tayo na dahil lamang sa biyaya ng Diyos ay nagsisisi’t tumatalikod sa ating mga kasalanan, sumasampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo, at inilalaan ang buong buhay natin para sa kanya…” Bagamat kailangan ang commitment natin bilang mga miyembro, kinikilala natin na hindi ang commitment natin ang nakapagligtas o makapagliligtas sa atin kundi ang commitment ni Cristo sa kanyang buhay, kamatayan at muling pagkabuhay. At bago yung unang item sa covenant natin, ganito ang transition: “Sa tulong ng Kanyang biyaya…” bilang pagkilala na hindi sa sarili nating willpower magagawa ang bawat isang commitment na nakasaad dito. We need the help of God’s power. Biyaya ng Diyos sa simula, ngayon, at bukas ang kailangan natin. Salvation is all of grace, kasama ang pagiging miyembro ng church.‌

Biyaya ni Cristo “at ang pag-ibig ng Diyos” ang prayer ni Pablo na sumaatin. Magkukulang tayo sa pagmamahal sa church. Magkukulang ang church sa pagmamahal sa atin. Saan tayo huhugot? Sa pag-ibig ng Diyos sa atin. So we pray na tayo ay palaging nakaugat sa pag-ibig ng Diyos sa atin, pag-ibig na di-masusukat, walang-hangganan, at nag-uumapaw sa lahat ng mga nakay Cristo.‌

Nawa’y sumaatin din ang “pakikisama ng Espiritu Santo” o “the fellowship of the Holy Spirit.” Koinonia, usually church fellowship ang tinutukoy natin diyan. Pero dito, koinonia ng Holy Spirit. Hindi lang ito tungkol sa koneksyon natin sa Holy Spirit kundi sa gawa ng Holy Spirit in connecting us to the church. Sabi ni John Calvin, “God does not give the Spirit to everyone in a detached way, but distributes to each according to the measure of grace, that the members of the Church, by mutually participating, one with another, may cherish unity” (Commentary on Second Corinthians).‌

Madalas binabanggit ang benediction na ‘to sa dulo ng worship service ng church, tulad mamaya. Hindi naman tayo palaging magkakasama, maghihiwa-hiwalay tayo pansamantala, o yung iba mahihiwalay nang mas matagal o permanently pa nga. Yung benediction na ‘to ay nagpapaalala sa atin na kahit na imperfect o parang kulang ang natatanggap natin na tulong, pag-ibig at pag-aalaga mula sa church, what we have in God at work sa church ang nasa ating lahat na nakay Cristo: the grace of the Lord Jesus Christ, the love of the Father, and the fellowship of the Holy Spirit. Ang lahat ay magsabi ng…Amen.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

4 thoughts on “Part 12: Pananatili at Pag-alis sa Church

Leave a Reply