#8: Pagtutulungan natin ang pagpapatuloy ng mga ministeryo sa iglesyang ito na nakasentro sa Mabuting Balita ni Cristo, sa pagpapanatili ng sama-samang pagsamba, mga ordinansa, pagdidisiplina, at pagtuturo ng mga tamang doktrina, nang may mapagpakumbaba at masayang pagpapasakop sa mga itinalaga ng Diyos na mga tagapanguna (Gal. 1:6–9; 1 Cor. 5:1–13; 11:17–34; Heb. 13:17; 1 Pet. 5:1–5).
Introduction: Maraming trabaho sa church.
Popular sa Filipino Christianity ang ganitong attitude sa church: pagkasimba, na paminsan-minsan lang, uuwi na agad pagkatapos, at feeling nila yun na yung religious duties nila. Ayos na yun. And kung mas religious ka pa, pray and read the Bible every day, and try to be good to others. Anong problema dito? Masyadong mababaw ang pagtingin sa kung ano ba ang church at kung ano ang ibig sabihin ng church membership. Ang tingin sa church ng marami ay parang sinehan, o parang basketball arena. Pupunta ka lang dun para manood sa performance ng iilang kasali sa laro, try to enjoy as much as you can. Nakakalimutan na ang church ay hindi pinapanood lang, kundi sinasalihan para magtrabaho, na para bang papasok ka sa opisina. Ganun din, maraming trabaho sa church. We’re blessed to have full time staff—leading pastor, associate pastor, office admin. Pero napakaraming dapat gawin para pagtulungan lang ng iilan. Yun ang point ng #8 sa covenant natin. “Pagtutulungan natin…” Ibig sabihin kapag member ka ng church, you signed up or applied for a job. Ang church membership ay isang trabaho.
Nakita na natin ‘yan sa body metaphor ng church sa 1 Corinthians 12 at Romans 12, na bawat Kristiyano ay bahagi ng katawan. Therefore, merong responsibilidad o tungkuling dapat gampanan para sa ikabubuti ng katawan. For building up the body of Christ. Oo, may trabaho kaming mga pastor. Ano yun? “Pinagkalooban niya ang iba na maging mga apostol, ang iba’y propeta, ang iba’y ebanghelista, at ang iba’y pastor at mga guro; upang ihanda ang mga banal sa gawain ng paglilingkod, sa ikatitibay ng katawan ni Cristo” (Eph. 4:11-12 AB). Para sanayin kayong lahat! Na ano? Makibahagi sa gawain ng paglilingkod, the work of the ministry, ibig sabihin, may trabaho lahat. Ang trabaho naming mga pastor-teacher ay hindi para gawin ang lahat, kundi para sanayin kayo na sama-sama tayo na gawin ang trabaho natin. Kapag kami-kami lang ang gumagawa ng trabaho, ibig sabihin, we are not doing our job well.
Itong covenant number 8 ay may kinalaman sa ministry at leadership. Paanong ang mga miyembro ng church ay dapat makipag-ugnayan “sa mga itinalaga ng Diyos na mga tagapanguna” at kung paano makakatulong sa mga trabaho na dapat gawin sa church. Crucial na pag-usapan ang church leadership. Sabi ni Mark Dever sa opening paragraphs ng book niya na “Understanding Church Leadership” (Taglish translation malapit na!):
Ang usapang leadership sa local church ay isang napakahalagang bagay na dapat talakayin.
Kailangan mong isaalang-alang ang pag-ibig ni Cristo sa church. Ibinigay niya ang sarili niya para sa church. Itinuturing niya ito na kanyang sariling katawan. Patuloy niya itong pinangangalagaan at ibinibigay ang mga kailangan nito sa pamamagitan ng kanyang Salita, Espiritu, at mga tagapaglingkod. At ipinangako niya na sa huling araw ay ihahayag ang church na parang isang babaeng ikakasal na nagniningning sa kagandahan. Kung ang lahat ng ito ay totoo, ang mga nangunguna sa church ay merong isang mataas at banal na tungkulin. Isipin mo kung gaano kaingat ang mga nakaalalay sa babaeng ikakasal habang siya’y inihahanda nila na maglakad papunta sa harapan.
Nais ni Cristo sa kanyang mga leaders na mas maging maingat pa sa paghahanda sa church—the bride of Christ. Dahil dito, sulit na paglaanan ng panahon ang pag-aaral, pagbubulay-bulay, at pananalangin sa kung ano ang mga sinasabi ng Salita ng Diyos tungkol sa church leadership.
Ano ang trabaho ng bawat isa sa atin?
Kung maraming trabaho sa church na dapat pagtulung-tulungan, anu-ano yung trabaho na yun? Pero bago natin tingnan yung iba-ibang roles na gagampanan ng mga members, dapat alamin muna natin kung mayroon ba tayong karapatan o awtoridad na gawin yun? Kapag leadership at ministry ang pag-uusapan, kaakibat nito yung question of authority. Hindi lang tayo binigyan ng trabaho, binigyan din tayo ng awtoridad na gawin yun.
Ano ang “congregationalism”?
Ito yung tinatawag na “congregationalism.” Heto ang ibig sabihin niyan:
Sa simpleng paliwanag, ang congregationalism ay ang pagkakaunawa na ang huli at pinakadulong “court of appeal” sa isang local church ay hindi ang bishop ng Rome o ng Constantinople o ng Washington. Hindi rin ang isang international body o isang national assembly, conference, o convention. Hindi ang presidente ng isang denomination o chairman ng isang board of trustees. Hindi ang isang regional synod o ministerial association. Hindi rin ang isang grupo ng mga elders sa loob ng isang local church, o ang pastor. Ang huli at pinakadulong court of appeal sa mga desisyon na may kinalaman sa buhay ng isang local church ay ang mismong kongregasyon na bumubuo sa church na iyon.
Ang ebidensiya ukol dito ay makikita sa New Testament, sa mga usapin na may kinalaman sa doktrina at pagdidisiplina, gayundin sa mga bagay na may kinalaman sa pagtanggap ng mga bagong miyembro at pagsasaayos ng mga alitan sa pagitan ng mga miyembro.
Mga Alitan. Sa Matthew 18:15–17, may binanggit si Jesus tungkol sa alitan sa pagitan ng magkakapatid sa Panginoon. Pansinin mo kung anong “korte” ang may panghuling paghatol sa isyung ito. Hindi isang bishop, o isang presbytery, o kaya’y mga pastor. Ito ay ang “church” (v. 17). Ang buong local congregation ang dapat na maging “final court of appeals.”
Doktrina. Sa Galatians 1:6–9, nanawagan si Pablo sa mga kongregasyon na karamihan ay mga baguhan pa lang sa pananampalataya na husgahan ang sinumang anghel o “apostol” na mangangaral (kasali siya!) kung sila ay nangangaral ng ibang gospel na taliwas sa tinanggap na noon ng mga Galatians. Ganito rin ang sinabi niya sa 2 Timothy 4:3 noong pinayuhan niya si Timothy at ang church sa Ephesus kung ano ang pinakamainam na paraan na dapat gawin para harapin ang mga false teachers.
Pagdidisiplina. Sa 1 Corinthians 5, umapela si Paul sa buong kongregasyon ng church sa Corinth (hindi lang sa mga elders) na gumawa ng hakbang para itiwalag ang isang lalaki na namumuhay nang taliwas sa kanilang profession of faith. Sa mga bagay na may kinalaman sa pagdidisiplina sa church, ang kongregasyon sa kabuuan ang “final court” na sinasabi sa Bibliya.
Membership. Sa 2 Corinthians 2:6–8, umapela si Paul sa ginawang hakbang ng nakararami sa pagtiwalag sa isang lalaki sa membership ng church, at ngayo’y gusto niya na maibalik ang lalaking ito sa membership: “Sapat na ang parusang iginawad sa kanya ng nakararami sa inyo. Dapat na ninyo siyang patawarin at aliwin upang hindi naman siya tuluyang masiraan ng loob dahil sa matinding lungkot. Kaya nakikiusap akong ipadama ninyo sa kanya na siya’y mahal pa rin ninyo.” Sa mga bagay na may kinalaman sa church membership, ang kongregasyon sa kabuuan ang dapat na “final court.”
…Biblikal ang congregationalism, pero hindi ito nangangahulugan na hindi nagkakamali (inerrant) ang kongregasyon. Kung titingnan natin ang kasaysayan, makikita natin ang ginawa ng church na pinagpapastoran ni Jonathan Edwards noong siya ay tinanggal bilang pastor. Meron naman silang biblikal na karapatan na magkaroon ng ganoong awtoridad, pero sa tingin ko ay nagkamali sila na ginamit nila ito para patalsikin si Edwards. Maging ang awtoridad na itinalaga ng Diyos sa mundo nating ito na punô ng kasalanan ay tiyak na magkakamali pa rin. (Mark Dever, chapter 6)
Oo nga’t makasalanan at imperfect tayo. Pero mahalaga pa rin ang paggamit ng awtoridad sa church. Kaya nga ang awtoridad na ‘yan ay hindi nakasentro sa iisang tao lang tulad ng “pope” sa Rome. Kundi nakapailalim kay Cristo, at pinagtutulung-tulungan ng buong church ayon sa “roles of leadership” na itinalaga ng Diyos—elders, deacons, at members.
Elders lead the ministry.
Sinu-sino ang nangunguna sa church? Dalawang leadership offices ang nakalagay sa Bible para sa mga churches natin ngayon. Elders at deacons. Ano ang pagkakaiba? Elders lead the ministry. Deacons facilitate the ministry. Ang mga elders ang merong overall spiritual leadership sa church. Mga lalaki lang ang pwedeng maging elders sa church. Kasama din ako sa mga elders ng church. In fact, ilang taon ako na nagserve na elder ng church bago maging lead elder, o leading pastor ng church. Pastors din ang tawag natin sa kanila. Galing sa salitang Greek na poimen o “shepherd, na tumutukoy sa tungkulin ng pastor. Yung elder galing sa salitang presbuteros. At yung bishop naman o overseer na tumutukoy rin sa parehong leadership office ay galing sa salitang episkopos. Ngayon lang sa panahon natin nagkaiba-iba ang ibig sabihin niyan, na para bang pinakamataas ang bishop, pero elder/pastor din naman ibig sabihin.
Nasa 1 Timothy 3:1-7 yung qualifications ng isang elder. Pinakamahalaga na siya ay merong natatanging karakter na tutularan ng ibang mga miyembro. “Being examples to the flock” (1 Pet. 5:3). Mahalaga rin na siya’y may kakayahang magturo ng Salita ng Diyos, able to teach, at ipagtanggol ang pananampalatayang Kristiyano sa mga tumutuligsa rito. Ano ang trabaho namin? Pangunahin dito ang ministry of the word and prayer, bilang pagsunod sa halimbawa ng mga apostol sa New Testament, noong panahon na nagsisimula pa lang ang church. Nagka-issue kasi sa Acts 6 na napapabayaan ang distribution ng pagkain sa mga biyuda. Kaya pumili sila ng mga lalaki na mangangasiwa dito—na siya namang pinagmulan historically ng role ng mga deacons. Sabi ng mga apostol na kailangan itong mga deacons para makafocus sila sa trabaho nila: Acts 6:4, “But we will devote ourselves to prayer and to the ministry of the word.” Kaya mga elders ang nangunguna sa mga public prayers at sa pagtuturo ng salita ng Diyos, at sinasanay rin namin ang ibang kalalakihan sa gawaing ito. Bukod dun, sabi ni Paul sa mga Ephesian elders, dapat din naming bantayan ang aming mga sarili, ang aming pamilya, at ang bawat miyembro ng church. Acts 20:28, “Pay careful attention to yourselves and to all the flock, in which the Holy Spirit has made you overseers (episkopos), to care for (or shepherd, poimanos) the church of God, which he obtained with his own blood.” 1 Peter 5:1-2, “So I exhort the elders (presbuteros) among you…shepherd (poimano) the flock of God that is among you, exercising oversight (episkopeo), not under compulsion, but willingly, as God would have you; not for shameful gain, but eagerly.”
Deacons facilitate the ministry.
Elders lead the ministry. Deacons facilitate the ministry. Kung ang mga elders ang drivers na magsasabi kung saan tayo pupunta, ang mga deacons naman ang titiyak at tutulong para masigurado na maayos ang sasakyan at may gasolina para tumakbo. Pareho din na dapat ay merong exemplary character ang mga deacons. Nakasulat ‘yan sa 1 Timothy 3:8-13. Ang kaibahan, hindi nakalagay na dapat sila ay “able to teach.” Ang mga elders ang primary teachers sa church. Pero ang mga deacons, ano ang trabaho? Makikita sa Acts 6:1-7 na ang mga lalaking pinili dito ay pinangangasiwaan o tumutulong para maisaayos ang mga pisikal na pangangailangan ng church. Kung ang elders ay providing spiritual leadership, ang mga deacons ay para matugunan ang mga physical needs ng church. Mahalaga pareho. Isa pa, tumutulong din ang mga deacons para ma-preserve ang unity ng church. Kapag may mga disagreements o divisions, tumutulong sila para magkaroon ng kaayusan. At dahil hindi na kailangang intindihin ng mga elders ang mga kailangang gawin sa iba’t ibang ministries ng church, nakasuporta rin ang mga deacons sa ministry of the word dahil nagiging malaya ang mga elders na magfocus sa kanilang trabaho, samantalang meron ding mga deacons na tumutulong din naman sa pagtuturo. Kaya meron tayong deacons para sa finance, ushering, sa youth ministries, sa men’s ministries, sa women’s ministries, sa children’s ministries, sa church admin, atbp.
Members do the ministry.
Ano naman ang gagawin ng mga members? Hindi papanoorin lang ang mga elders at mga deacons. We lead, you follow our lead. Elders lead the ministry. Deacons facilitate the ministry. Members do the ministry. Kapag sinabi nating congregational authority, hindi ibig sabihin bawat member ang boss namin at uutus-utusan n’yo kami kung ano ang dapat gawin. When members assemble, nandun yung authority. Ang role naman ng bawat isang member ay magpasakop sa leadership ng mga elders, tumulong sa mga deacons sa mga ministries.
Isang malaking pribilehiyo ang mapaglingkuran ng mga godly leaders. At ang godly leadership ay isang regalo mula sa Diyos. Ang pag-ayaw sa awtoridad, na tulad ng ginagawa ng marami sa panahon natin ngayon, ay short-sighted at self-destructive. Ang isang mundo na walang awtoridad ay magiging tulad ng mga pagnanasang walang pagpipigil, isang kotse na walang mga kontrol, isang intersection na walang mga traffic lights, isang laro na walang mga patakaran, isang tahanan na walang mga magulang, isang mundo na walang Diyos. Pwede itong magpatuloy sa sandaling panahon, pero sa katagalan, mapapansin na ito ay parang walang kabuluhan, walang patutunguhan, pagkatapos ay magiging masaklap, at sa kadulu-duluhan ay mauuwi sa trahedya.
Sa kabila ng tendency natin na balewalain ito, ang godly at biblical leadership ay napakahalaga—malaki ang nakasalalay rito—sa pagtatayo ng isang church na nakapagbibigay-karangalan sa Diyos. Ang pagsasagawa natin ng leadership sa church ay may kaugnayan sa kalikasan at karakter ng Diyos. Kapag maayos nating ginagamit ang awtoridad sa pamamagitan ng pagsunod sa utos ng Diyos, habang nagtitipon ang pamilya sa hapag-kainan, sa ating mga trabaho, sa mga bahay natin, at lalong-lalo na sa church, nakakatulong tayo para ma-display ang larawan ng Diyos sa kanyang nilikha. Ito ay isang panawagan sa mga leaders ng church. Isang napakalaking pribilehiyo ang manguna, at napakalaking pribilehiyo rin na suportahan ang kanilang gawain! (Dever, chapter 1)
Paano natin gagampanan ang trabaho natin?
“Isang napakalaking pribilehiyo ang manguna, at napakalaking pribilehiyo rin na suportahan ang kanilang gawain!” Sa mas praktikal na mga paraan, paano natin gagampanan ang tungkulin natin—bilang mga tagapanguna, at bilang mga miyembro? Magbibigay ako ng ilang mga specific examples.
Gospel-Centered Ministry
Ang mga leaders ng church ay committed na panatilihing ang gospel ang mensaheng “pinakamahalaga sa lahat” (1 Cor. 15:3). Na ito ang nasa sentro ng preaching every Sunday, at bawat ministeryo ng church ay nakakabit dito, hinuhubog nito, driven and shaped and empowered by the gospel of Jesus. Ito ang pangunahing basis for our decision-making sa church. We make our decisions based hindi sa kung ano ang preferences natin, o kung ano ang uso sa ibang mga churches, o kung anong program o gimmick ang makakapag-attract ng mga unbelievers sa church. “The gospel is the power of God for salvation” (Rom. 1:16). As members, dapat meron din kayong ganyang commitment. Yes, you can make suggestions, give feedback sa mga leaders at kung paano natin ginagawa ang ministries natin. Pero ang pangunahing tanong na dapat nating i-evaluate sa mga ginagawa natin, “Ito ba ay nakasentro sa gospel? Does it exalt Christ above all?”
Corporate Worship
Lalo na sa ginagawa natin every Sunday sa corporate worship. “All things should be done decently and in order” (1 Cor. 14:40). Pinagpaplanuhang mabuti ang mga kanta na kakantahin natin, kung paano ito makakapag-serve sa Word na papakinggan natin, kung ano ang pagkakasunud-sunod, pati mga prayers, pati mga creeds or catechisms na gagamitin natin. Ang mga elders at mga deacons ay abalang-abala sa paghahanda bawat Linggo. Pero ikaw, ano ang gagawin mo? Dumalo ka, makibahagi ka. Pwede kang magbigay ng feedback at suggestions, pero tandaan mo na hindi lahat ng suggestions ay gagawin namin. We submit ourselves sa authority ng Word of God kung ano ang sinasabi niya na dapat na kaayusan ng pagsamba natin. Maybe, yung mga songs na kinakanta natin, hindi kasing upbeat o kasing “saya” ng mga gusto mo o nakasanayan natin dati, but as members, we submit sa leadership ng church, and trust na ang lahat ng ito ay ginagawa natin ayon sa direksyon ng salita ng Diyos.
Preaching and Teaching Sound Doctrine
“Preach the Word” (2 Tim. 4:2), ito ang mandato sa amin. Na ipangaral ang tamang doktrina na nakasentro kay Cristo. Ang trabaho ng bawat isa sa inyo, makinig na mabuti. At siyasatin tulad ng mga Bereans kung ito ba ay sang-ayon sa Salita ng Diyos (Acts 17:11). At kung ito ay sang-ayon sa doktrina ng Bibliya, paniwalaan, at sundin. Great joy ang maidudulot n’yo sa puso ng mga preachers ninyo kung aming ipinapangaral sa inyo ay isinasabuhay ninyo, at hindi lang basta magsasabi na, “Maganda po ang sermon, pastor.” Kailangang isabuhay. At kung meron kayong hindi naintindihan o kaya ay disagreement sa preacher o sa teacher, pwede n’yo kaming tanungin o kausapin directly, kaysa naman kayo-kayo ang nag-uusap-usap tungkol sa di ninyo nagustuhan sa napakinggan ninyo. At kung meron kayong feedback sa preacher para mas makatulong sa amin para mag-improve, why not? Na-appreciate ko ang isang member na sinabihan ako, “Pastor, parang ang bilis n’yo ata magsalita.” It helps me improve. Salamat. Kailangan natin ‘yan.
Ordinances
Bago mag-baptism, ia-announce namin ang mga baptism candidates. Tuturuan namin sila, kakausapin, at sisiyasatin kung talaga bang nauunawaan niya ang gospel at merong ebidensiya na ito ay bumabago sa buhay niya. So, kailangan din namin ang tulong n’yo. Mga parents, kayo ang palaging mag-share ng gospel sa mga anak n’yo. At kayo rin ang unang makakakita kung may pagmamahal nga ba kay Jesus sa puso nila. Kilalanin n’yong mabuti kung sinu-sino ang iba-baptize, at kung meron bang nakikitang dahilan para sila ay hindi tanggapin sa membership ng church.
Sa Lord’s Supper naman. Ginagawa natin ‘yan twice a month. Kaya mga elders ang nagli-lead sa pag-distribute ng elements ay para malaman namin kung sinu-sino yung bibigyan. Dapat member ng church, kung hindi man, dapat baptized Christian sa ibang church. So, kung hindi namin kilala ang kasama ninyo, sabihin ninyo sa amin kung bibigyan sila o hindi. Mahalaga ‘to ang trabaho ng bawat isa to guard the ordinances na ibinigay sa atin ng Panginoon.
Membership and Discipline
Related din dito ang church membership at discipline. In baptism, tinatanggap natin na miyembro ang isang kinikilala natin na tagasunod ni Cristo. Ang trabaho namin, magturo ng membership class. At habang dumadaan sila sa prosesong ito, tulungan n’yo kami na siyasatin kung sila nga ba ay mga tunay na tagasunod ni Cristo. Siyempre, pwede tayong magkamali, dahil hindi natin alam ang nasa puso ng isang tao. But, we will do our best to give affirmation sa mga taong totoong born again. Kaya sa isang members meeting, irerekomenda ng mga elders ang mga membership candidates, at tatanungin namin kayo, “Tinatanggap n’yo ba ang taong ito na maging miyembro ng iglesyang ito?” Sa simpleng pagsagot ng “Oo,” you are exercising your authority at ginagawa ang trabaho ng isang member.
Sa pagdidisiplina naman, kapag hindi repentant ang isang member sa kasalanan o hindi na dumadalo sa church, after some time tatanggalin natin sa membership. Ibig sabihin ng “ex-communication” ay “ex-communion” dahil hindi na siya pwedeng makibahagi sa Lord’s Table o outside church membership dahil hindi siya nagpapakita ng nagpapatuloy na pagsisisi at pananampalataya. Kaya sa isang members meeting, babanggitin namin ang pangalan ng isang member na nagpapatuloy sa kasalanan niya kahit ilang beses na siyang sinasaway o mahabang panahon na na pinabayaan na niya ang pagtitipon kasama ang church, irerekomenda ng mga elders sa inyo, “Pumapayag ba kayo na ang taong ito ay tanggalin na bilang miyembro ng iglesya?” Mahirap umoo, pero kung gagawin ninyo, you are exercising your authority at ginagawa ang trabaho ng isang member ng church.
Members Meetings
Dito rin pumapasok ang kahalagahan ng ginagawa nating quarterly members meetings. Dati annual lang, at business meeting pa ang tawag natin. Tinatawag nating members meeting dahil sino ang dapat na dumadalo? Mga members. Kasi meron tayong trabaho na pag-uusapan at gagawin. Gusto namin, at dapat lang na kung member ka, kasali ka dito. Merong ilan sa inyo ngayon, hanggang ngayon hindi man lang dumadalo sa members meeting. Bakit? Membership is a job. Para kang stakeholder at shareholder sa church. Hindi pwedeng wala kang pakialam sa mga nangyayari sa church.
Key question to ask: “Paano ako makakatulong?”
Ilan lang ito sa mga halimbawa. Ang key question na maaari mong tanungin sa mga leaders ng church at sa mga members na involved na sa mga ministries, “Paano ako makakatulong?” At kapag narinig mo ang sagot, gawin mo ang lahat ng magagawa mo para makatulong ka.
Tamang Puso: Kagalakan at Kababaang-loob
Pero siyempre, hindi lang basta trabaho ang pinag-uusapan dito. You can do a lot of work sa church, pero kung hindi naman tama ang puso mo, sayang. Kaya mahalaga ang may tamang puso, yung masaya ka sa ginagawa mo at merong humility as you do the work.
Sa pangunguna sa mga members
Especially sa aming mga pastor, hindi kami dapat umasta na para bang we are more superior or better kaysa sa inyo. 1 Peter 5:2-3, “Shepherd the flock of God that is among you, exercising oversight, not under compulsion, but willingly, as God would have you; not for shameful gain, but eagerly; not domineering over those in your charge, but being examples to the flock.” Hindi kami ang boss. Hindi kami ang may-ari ng church. Hindi kami ang highest authority.
Sa pagpapasakop sa mga nangunguna
Kailangan din ng humility ng bawat isang miyembro as you submit to your elders. 1 Peter 5:5 “Likewise, you who are younger, be subject to the elders. Clothe yourselves, all of you, with humility toward one another, for ‘God opposes the proud but gives grace to the humble.’” May pagkakataon na you will be in disagreement with our decisions, o hindi n’yo magugustuhan ang leadership style namin. It takes humility to submit sa mga imperfect elders ng church. Pero mahalagang gawin, except siyempre kapag may sinabi kami na taliwas sa salita ng Diyos. Pero kung hindi naman, Hebrews 13:17, “Obey your leaders and submit to them, for they are keeping watch over your souls, as those who will have to give an account. Let them do this with joy and not with groaning, for that would be of no advantage to you.” Sabi ni Mark Dever tungkol dito:
Kaya kung ang church ang panghuling court of appeals, ayon sa pinaniniwalaan ng congregationalism, paano natin ito uunawain kung isasaalang-alang ang mga verses na tulad ng Hebrews 13:17?…Hindi tayo sanay sa paggamit ng mga salita na tulad ng “sumunod” at “pasakop,” pero makikita natin sa New Testament na ito ay ginagamit rin sa pakikipag-ugnayan natin sa mga tao sa lipunan at sa trabaho, sa bahay at sa relasyon ng mag-asawa, at pati na rin sa church. Ang pagsunod at pagpapasakop sa mga leaders natin ay nangangailangan na tayo ay merong sapat na antas ng pagtitiwala.
Maraming nagsasabi na ang tiwala ay kailangang pinagtatrabahuhan. Naiintindihan ko kung ano ang ibig sabihin niyan. Pero ang ganyang attitude ay hindi nagsasabi ng buong katotohanan. Ang klase ng pagtitiwala na nais ng Diyos na ibigay natin sa kapwa natin na hindi rin naman perpekto, kapamilya man sila o mga kaibigan, employers o mga opisyal ng gobyerno, o maging mga leaders ng church, kung tutuusin, ay hindi naman talaga mapagtatrabahuhan. Dapat itong ibigay na parang isang regalo—regalo na dulot ng pananampalataya, yung pagtitiwala sa Diyos na nagkakaloob, pagtitiwala na higit pa kaysa sa mga tinitingnan natin na mga taong regalo ng Diyos sa atin. Seryosong sakit na espirituwal ang nararanasan ng isang church na merong mga leaders na hindi mapagkakatiwalaan o kaya ay mga members na hirap na hirap na magtiwala.
Ikaw bilang isang church member ay kinakailangang magtiwala sa inyong mga leaders, o kaya naman ay kailangang palitan na sila kung hindi sila mapagkakatiwalaan. Pero ‘wag mong sasabihing kinikilala mo sila bilang mga leaders pero hindi mo naman sila sinusunod. Kung hindi ka sumasang-ayon sa mga elders sa isang bagay na inirerekomenda nila sa kongregasyon, dapat ay meron kang mabuting dahilan kung bakit hindi ka sumasang-ayon. Puntahan mo sila at kausapin tungkol diyan. Bukod sa Bible, ikaw mismo ang main source of information ng mga elders tungkol sa ‘yo!
Sa halip na pagdudahan ang mga church leaders, ine-encourage ko kayo na pag-usapan ang mga elders ninyo habang sila ay nakatalikod, nang hindi nila nalalaman: pasikreto kayong mag-meeting at magsabwatan kayo sa pag-iisip ng mga paraan para i-encourage ang mga leaders n’yo. Mag-isip kayo ng strategy para pagaanin ang trabaho ng mga leaders ng church, para ito ay maging isang kagalakan sa kanila sa halip na kabigatan. Ito ay isang paraan, ayon sa sinabi ng sumulat ng Hebrews, para ang mga leaders n’yo ay maging pagpapala para sa inyo. (Mark Dever, chapter 6)
May mga pagkakataon na you will fail to submit to your elders or kung subukan n’yo man, mahihirapan kayo. May mga pagkakataon na we will fail na mga pastors ng church na pangunahan kayo gaya ng nararapat. Kaya mahalaga na hindi tayo sa isa’t isa nakatingin. Kundi ginagawa natin ang trabaho na bigay sa atin bilang mga leaders at members ng church…
Habang nakatingin palagi kay Cristo, our Shepherd-King
We elders are under-shepherds. Christ is the chief Shepherd (1 Pet. 5:4), na namamahala at nangangalaga sa ating lahat. Ang mga deacons ay under-deacons, Christ is the chief Deacon. Mark 10:45 “For even the Son of Man came not to be served but to serve (Gk. diakoneo), and to give his life as a ransom for many.” As we do the work of the ministry, at nagtutulung-tulong bilang mga elders, deacons at members, tandaan natin na si Cristo ang Punong-Ministro, pangunahing Tagapaglingkod, Tagapangalaga, at Tagamapahala ng Church bilang Hari. Magkukulang ang mga elders kahit na we do our best, pati mga deacons, pati bawat isa sa inyo na member ng church. Pero hindi mabibigo si Cristo na nagsabi, “I will build my church, and the gates of hell shall not prevail against it” (Matt. 16:18).
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

