[Sermon] The Gospel According to Haggai

Introduction

Ang initial plan ko sana, pagkatapos ng two overview sermons sa Zechariah at Malachi, ay magpreach ng overview sermon ng Haggai ngayon at susundan ito ng mas in-depth look sa Haggai in four sermons. But, I changed my mind. Sa tingin ko ay sapat na muna itong isang sermon sa Haggai, and maybe, Lord willing, sa ibang pagkakataon na yung mas in-depth study dito. Tutal, maikli lang naman ito, two chapters, second shortest sa Old Testament next to Obadiah. Beginning next week ay titingnan natin ang first half ng Daniel (chapters 1-6), sa isang six-part series na pinamagatan kong “Politics and the Kingdom of God.” Ipapaliwanag ko pa in more detail next week kung bakit. Pero ngayon, wag n’yong iisipin na ang pastor n’yo ay nakikisawsaw na sa mga usaping pulitika at baka mapabayaan na ang faithful preaching of the Word of God. Sa matagal na panahon nating pagsasama, kilala n’yo ako, alam n’yo ang conviction and passion ko sa expositional preaching of the Word. Hindi pulitika ang magdidikta ng pananaw natin sa Salita ng Diyos. Salita ng Diyos ang magdidikta kung ano ang dapat maging pananaw natin sa pulitika, at sa lahat ng aspeto ng buhay natin.

Buong buhay natin ay nasasaklaw ng Salita ng Diyos. Sapat at makapangyarihan ang salita ng Diyos kaya ganun. Kaya nga kung pag-uusapan rin ang repentance o pagbabalik-loob sa Diyos, buong buhay din ang sakop nito. Sabi nga ni Martin Luther na ang buong buhay ng isang Cristiano ay all of life repentance. Bakit? Kasi meron tayong mga maling pananaw na kailangang itama, maling damdamin na kailangang itama, maling gawain na kailangang itama. At ito ang burden ng mini-series natin sa mga minor prophets na tinatawag na post-exilic prophets. Nakabalik na sila sa promised land, after 70 years of exile sa Babylon, pero hindi pa sila tunay na nanunumbalik sa Panginoon. Sa Zechariah, ganito ang sabi ng Diyos: “Kaya magbalik-loob na kayo sa akin at manunumbalik ako sa inyo” (Zech. 1:3 ASD). Sa Malachi ganun din, “Manumbalik kayo sa akin at manunumbalik din ako sa inyo” (Mal. 3:7 MBB). Hindi man ganyan eksakto ang nakasulat sa Haggai, pero merong malinaw na panawagan rin dito na magbalik-loob sila sa Diyos, dahil sa kabila ng mga ginagawa ng Diyos para makuha ang atensyon nila, “gayunma’y hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin” (Hag. 2:17); “yet you did not return to me” (NIV).

Ano ba’ng nangyari bakit ganito ang paulit-ulit na panawagan ng Diyos sa pamamagitan ng tatlong mga propetang ito? Almost 20 years ago na kasi ang nakakalipas nang talunin ng Medo-Persian empire ang Babylon sa pamumuno ni King Cyrus. Ginamit siya ng Diyos na instrumento para maglabas ng kautusan na tapos na ang 70-year lockdown nila sa Babylon at pwede na silang bumalik sa Jerusalem at itayong muli ang templo na sinira ng mga Babylonians (Ezra 1:3). Meron ngang mga exiles na bumalik na “to rebuild the house of the Lord” (1:5). Ang bilang nila ay umabot ng 42,360 (2:64), totoong bilang ‘yan hindi fake news! Wala pa mang templo, pero nagsimula na silang magbigay ng kanilang mga offerings at mga sacrifices (2:68; 3:6). A little over a year after makabalik sila saka nagsimula na ang rebuilding project under Zerubbabel na siyang governor nila at si Joshua na kanilang high priest that time. Nailatag na ang pundasyon at nagpuri sila sa Panginoon, magkahalo ang sigaw ng kasiyahan at pag-iyak (3:8-13).

Magandang simula, pero napurnada pa. Merong mga kumontra sa project. Nadiscouraged at natakot ang mga tao (4:1-5). Puwersahan pang ipinahinto ang proyekto (4:23), hanggang sa ang hari na ay si King Darius (4:24). Almost 18 years nakatiwangwang ang pagawain sa templo. Paano nagresume? Ginamit ni Lord sina Haggai at Zechariah. “Nang panahong iyon, ang mga propetang sina Hagai at Zacarias na anak ni Ido ay nagpahayag ng propesiya sa pangalan ng Diyos ng Israel tungkol sa mga Judiong nakatira sa Juda at Jerusalem” (5:1-2). Napakahalaga ng preaching of the Word of God sa pamamagitan ng mga itinalaga niyang mangangaral para ipakita sa mga tao ang kasalanan nila at tulungan silang magbalik-loob sa Diyos.

Nalulungkot ako kapag mababalitaan ko na meron pa ring mga churches ngayon ang online at hindi pa naggagather onsite o kaya ay sobrang limited lang ang physical gathering. Oo nga’t sa mahabang panahon ay naapektuhan ng pandemic ang maraming mga churches at mga ministries para tumigil o maging limitado. Merong mga church members na hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik. Salamat sa Diyos dahil nandito na kayo! Pero tingnan rin ninyo, baka kasi bumalik na nga kayo sa church, pero hindi pa actively involved sa ministry. We cannot blame the pandemic. It only exposes the heart of many people about the church and ministry. Ano bang hinihintay mo bago maglingkod sa Panginoon? Ano bang mga dahilan mo para hindi pa makibahagi sa gawain ng Panginoon? Kaya kailangang-kailangan natin ng word of God, like Haggai, para magbalik-loob at magpatuloy sa gawain ng Panginoon.

Heto ang bungad ng Haggai, “In the second year of Darius the king, in the sixth month, on the first day of the month, the word of the Lord came by the hand of Haggai the prophet to Zerubbabel the son of Shealtiel, governor of Judah, and to Joshua the son of Jehozadak, the high priest” (Hag. 1:1). Walang duda na ito ay salita ng Diyos na dapat pakinggan. Meron ‘tong four major sections, parang four-part sermon series na dineliver mula late August hanggang mid-December 520 BC. Bawat section ganito ang intro, “the word of the Lord came…” (Hag. 1:1; 2:1, 10, 20), bukod pa ‘yan sa mga paulit-ulit na “says the Lord” o “declares the Lord.” So, we better ask ourselves, “Ano ang gusto ng Diyos na iparating na mensahe sa atin?”

Pero bago natin malaman yun, dapat makita muna natin ito in its historical context, kaya nga meron ding mga historical markers sa book na ‘to (Hag. 1:1, 15; 2:1, 10, 20), na nangyari in a span of less than four months. Ano ang sinasabi ng Diyos sa kanila? Ano ang ginagawa ng Diyos sa puntong ito ng redemptive history? At siyempre, kung paano itong Salita ng Diyos ay nabigyang-katuparan sa pagdating ni Cristo, the Word incarnate. Si Haggai na propeta, si Zerubbabel na governor (tagapamahala na parang hari), si Joshua na high priest—nagtuturo sa atin na abangan at tingnan si Jesus na ating true and better prophet, priest and king. At dahil tayo ngayon ay nakay Cristo, at pinapatnubayan ng Espiritu, paano tayo magbabalik-loob sa Diyos? Anong mga maling pananaw, damdamin at gawain ang kailangan nating ihingi ng tawad at tulong para talikuran at baguhin?

Tingnan natin isa-isa itong apat na sermons sa sermon series ni Haggai sa mga Judio:

Misplaced Priorities (1:1-15)

Ang unang sermon ay may kinalaman sa kanilang mga maling prayoridad.

Ito ang sinabi ng Panginoong Makapangyarihan sa pamamagitan ni Propeta Hageo, “Sinasabi ninyo na hindi pa ito ang panahon upang muling itayo ang aking templo. 4 Matitiis nʼyo bang tumira sa magagandang bahay habang wasak ang templo? (vv. 2-4 ASD)

Hindi naman sa wala na silang pakialam kung matatapos ang templo o hindi. Ang sa kanila lang, hindi pa time. Pero, take note, halos 20 years na ang lumipas, hindi pa rin time. Bakit kaya? Dahil ba kulang sila sa pera? Dahil ba wala silang time? Dahil ba kulang ang mga tao na gagawa? Dahil ba ipinagbabawal pa ng gobyerno? They can make a lot of excuses katulad ng ginagawa natin, pero yung mga nakikita sa buhay nila ay nagpapakita ng misplaced priorities. Bakit? Inuuna pa nila yung maayos yung bahay nila kaysa sa bahay ng Panginoon o templo. Masama bang magpaayos ng bahay? Hindi. Pero itong “magagandang bahay” o “paneled houses” (ESV) ay nag-iindicate ng magarang dekorasyon o luxury. Beyond na sa necessity. Kung may panahon kang gastusan at paglaanan ng panahon na ayusin at pagandahin ang bahay mo, bakit hindi ang bahay ng Panginoon na nanatiling “wasak.” “Wasak ang aking templo habang ang bawat isa sa inyo ay abalang gumagawa ng bahay ninyo” (v. 9). Something is not right, di ba?

Bakit mahalaga ang templo? Hindi dahil importante sa Diyos ang makapagpatayo ng gusali para sa kanya. Hindi naman niya kailangan ng “tirahan,” gaya nga ng response niya kay David nung planuhin ni David na magpatayo ng templo para sa Panginoon (2 Sam. 7:2). Tama ang priority niya. Pero hindi kailangan ng Diyos ng bahay na matitirhan (v. 5). The whole earth belongs to him! Pero itong templo ay nagpapahiwatig ng desire ng Diyos na siya’y sambahin, na magkaroon ng malapit na relasyon sa atin, at maging sentro ng buhay natin ang pagsamba at paglilingkod sa kanya. Sabi ni Mark Dever sa kanyang sermon sa Haggai: “…the rebuilt temple would be a clear and public statement that he was a higher priority than everything else clamoring for attention in their lives. It would be a mark of their faith in God and their recognition of his priority in their own national identity” (The Message of the Old Testament, p. 887). So, by neglecting yung rebuilding ng temple, nagpapakita yun na ang puso nila ay hindi naka-align sa puso ng Diyos. They were not seeking first the kingdom of God above all else (Matt. 6:33).

At kung hindi naka-align ang priorities natin sa priorities ng Diyos, kailangang tawagin ang pansin natin. Kaya ito ang paulit-ulit na panawagan ng Diyos, “Consider your ways…” / “Isipin ninyo ang mga nangyayari sa inyo” (Hag. 1:5, 7; tingnan din ang 2:15, 18). Literally, ito ay “set your heart on your ways.” Isa itong panawagan na pag-isipang mabuti ang mga implications ng mga ginagawa nila (Bullock, Old Testament Prophetic Books, 309). Bago pa man kasi magsalita si Haggai, nagsasalita na ang Diyos sa pamamagitan ng mga nangyayari sa buhay nila. Pero hindi nila binibigyan ng pansin. Nakasulat sa Leviticus na kung hindi sila susunod sa Diyos, ganito ang gagawin niya: “Mawawalan ng kabuluhan ang inyong pagtatrabaho, dahil wala kayong aanihin sa inyong mga lupain at hindi rin mamumunga ang inyong mga punongkahoy” (Lev. 26:20 ASD). Ganyan nga ang nangyayari sa kanila.

Isipin ninyo ang mga nangyayari sa inyo. Marami ang inihasik ninyo, pero kakaunti ang inyong ani. May pagkain nga kayo, pero kulang. May inumin nga kayo, pero hindi rin sapat. May damit kayo, pero giniginaw pa rin kayo. At may tinatanggap kayong sweldo, pero kulang pa rin. Kaya isipin ninyo ang mga nangyayari sa inyo. (Hag. 1:5-7)

Ganyan din ang sinabi niya sa vv. 9-11. Hindi naman ibig sabihin na kapag nalulugi ang negosyo natin o naghihirap tayo sa buhay ay consequence ng kasalanan natin. Pwedeng oo, pwedeng hindi. Pero kailangang siyasatin rin natin kung meron nga ba tayong kasalanan kung bakit nangyayari ang mga nangyayari sa buhay natin? Baka nananawagan pala ang Diyos sa atin, hindi lang natin pinapansin.

Hindi rin naman ito nangangahulugan na kapag gumawa tayo para sa Diyos ay siguradong aasenso na ang negosyo natin. Yan ang pagkakamali ng prosperity o health-and-wealth gospel. Ang motibo natin sa pagbabalik-loob sa gawain ng Diyos ay hindi unang-una sa pansariling kapakinabangan. Yes, nangako ang Diyos, if we seek first the kingdom of God, lahat ng kailangan natin ipagkakaloob niya (Matt. 6:33). Pero ibang usapan na kapag ang motivation mo sa pagbibigay ay para ibalik ‘yan sa ‘yo ng doble o triple, o magsisimba ka palagi para ibigay ni Lord ang birthday wish mo, o magiging active ka na sa ministry para makuha kung ano ang gusto mo. We obey, first of all, to please and glorify God. Eto ang sabi niya, “Ngayon, umakyat kayo sa bundok at kumuha ng mga kahoy, at itayo ninyong muli ang templo. Sa ganitong paraan, masisiyahan ako at mapaparangalan. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito” (Hag. 1:8). Merong mga self-centered motivations sa pagbabalik-loob sa Diyos. Pero ang tunay na repentance ay Godward, kaya nga balik-loob sa Diyos. Siya yung goal, hindi siya paraan para makuha natin kung ano ang gusto natin. We repent, we worship, we serve for the glory of God.

Wag n’yong iisipin na importante ang mensaheng ito kapag may building project ang church. Ang templo o bahay ng Panginoon sa panahon natin ay hindi ang gusaling ito, kundi ang kabuuan ng church at ang bawat isang mananampalataya ang templo o bahay ng Diyos. Merong napapabayaan na ministry, ano ang maitutulong mo? Merong mga members na kailangang idisciple, ano ang ginagawa mo? Meron kang pera, o anumang material resources, meron kang oras, meron kang spiritual gifts, anong gagawin mo diyan “for the work of ministry, for building up the body of Christ” (Eph. 4:12)?

Sana ang maging tugon natin dito ay tulad din ng response sa panahon ni Haggai. “Sama-sama at tulung-tulong nilang sinimulan ang muling pagtatayo ng Templo ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ang kanilang Diyos, noong ikadalawampu’t apat na araw ng ikaanim na buwan ng ikalawang taon ng paghahari ni Dario” (Hag. 1:14-15). Tatlong linggo pagkatapos ng preaching ni Haggai. Yan ang resulta ng pangangaral ng salita ng Diyos, hindi masasayang, may kapangyarihang bumago ng puso ng tao at magtulak para magbalik-loob sa gawain ng Panginoon. Hindi ito salita lang, merong action yung repentance nila: they “obeyed the voice of the Lord their God” (v. 12). Meron din Godward motivation yung repentance nila: “the people feared the Lord” (v. 12). Meron ding cause kung paano nangyari yung repentance na yun. Dulot ng makapangyarihang biyaya at pagkilos ng Diyos sa puso nila: “The Lord stirred up the spirit of Zerubbabel…the spirit of Joshua…and the spirit of all the remnant of the people” (v. 14) (Dever, p. 891). Walang mangyayaring pagbabago sa puso ng mga tao without the mighty work of the Spirit applying the Word sa puso ng mga tao. Kaya mahalaga ang preaching of the Word of God and praying the Word of God.

So, wag nating iisipin na kaya kailangan nating magbalik-loob sa gawain ng Panginoon ay dahil nakadepende ang gawain ng Panginoon sa dami ng gagawa sa gawain ng Panginoon. No. Ito ay nakasalalay sa presensiya ng Panginoon. Kaya sabi niya sa kanila, “I am with you” (v. 13). Inulit ‘yan sa sumunod na sermon, “Work, for I am with you” (2:4). Oo nga’t ang templo ay nag-iindicate ng presensiya ng Panginoon, pero tulad ng paalala ni Bullock (p. 306): “His presence was not tied to the Temple. Rather the Temple was merely the formal place where the Lord was glorified (1:8).” Bago pa mag-resume ang rebuilding ng temple, hanggang matapos ito four years later (March 516), hanggang ngayon, kasama natin ang presensya ng Diyos. Hindi ba’t yun ang pangako ni Cristo na nakakabit sa paggawa natin sa “all-nations disciple-making”? “I am with you always to the end of the age” (Matt. 28:20). Madalas kasi nahihirapan tayo na bumalik o magpatuloy sa ministry kasi iniisip natin ang dami ng trabahong gagawin, ang daming gagastusin, ang haba ng oras na kailangan. Mamaya sa members meeting natin, titingnan natin ang laki ng budget, maririnig natin ang mga pangangailangan sa iba’t ibang ministries, hanggang gabi tayo mamaya. Pero hindi ba’t malaki ang magbabago kung ang focus natin sa lahat ng ito ay hindi ang bigat ng trabaho kundi ang kalakasan at kagalakang dulot sa atin ng pagsama ng Panginoon?

Greater Glory (2:1-9)

Kaya significant itong second sermon na dineliver ni Haggai, around 50 days pagkatapos nung first sermon niya, isang buwan pagkatapos magpasimula ulit yung rebuilding. Ang totoong repentance kasi ay hindi sa simula lang. Dapat nagpapatuloy hanggang katapusan. Ningas cogon pa naman tayo, maaaring mainit, on fire after ng sermon na napakinggan natin. Pero paano kung may mga hindrances na ulit, paano kung nafufrustrate na kasi yung mga dinadalaw hindi pa rin umaattend sa church, yung mga pinagsasabihan sa kasalanan nila deadma pa rin, yung mga offerings mas mababa pa rin sa kailangan? Kung hindi mo agad na nakikita ang magandang resulta ng ginagawa mo sa ministry, nakakadiscouraged. Lalo na kung ikukumpara mo sa ministry ng iba, o sa mga nagdaang panahon. Tanong ng Diyos sa kanila, “Sino sa inyo ang nakakita ng kagandahan noon ng templong ito? Ano ngayon ang tingin ninyo rito kung ihahambing sa dati? Maaaring sabihin ninyo na balewala lang ito” (Hag. 2:3 ASD). Ang kinalabasan nga nito ay di hamak na mas maliit at hindi singganda ng templo sa panahon ni Solomon, kaya nga yung mga matatanda na naabutan yung templo na yun bago mawasak ay umiiyak nang makita nila yung gagawing bagong templo (Ezra 3:12). Merong saya sa ministry. Meron ding lungkot.

Pero hindi tayo dapat panghinaan ng loob. Kaya inencourage sila ng Diyos na magpatuloy at huwag hihinto, “Magpakatatag kayo! Ipagpatuloy ninyo ang paggawa ng templo dahil kasama ninyo ako, ang Makapangyarihang Panginoon. Ganito rin ang ipinangako ko sa inyong mga ninuno nang inilabas ko sila sa Egipto. At ngayon, ang aking Espiritu ay mananatiling kasama ninyo, kaya huwag kayong matakot” (Hag. 2:4-5). Nakasalalay ang tagumpay ng gawain ng Panginoon sa pagsama at pangako ng makapangyarihang Diyos. Anuman ang mangyari bukas, umabot man ng 100 pesos per liter ang gasolina, magka-giyera man sa maraming bansa, bumalik man ang pandemic at mga lockdown, mabawasan man tayo ng mga miyembro sa church, hawak-hawak ng Diyos ang ating iglesya. Kaya nga sabi niya:

Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi na hindi magtatagal ay minsan ko pang yayanigin ang langit at ang mundo, ang lupa at ang dagat. Yayanigin ko ang lahat ng bansa at dadalhin nila rito sa templo ang kanilang mga kayamanan. Kaya mapupuno ang templong ito ng mga mamahaling bagay. Sapagkat ang mga ginto at mga pilak ay akin. Magiging mas maganda ang bagong templo kaysa sa dati. At bibigyan ko ang lugar na ito ng kapayapaan at mabuting kalagayan sa buhay. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito. (vv. 6-9)

Pangako ‘yan ng Diyos na gagawin niya. Yan ang motivation na kailangan nila para magpatuloy. Pero paanong magiging “greater” ang glory nitong bagong templo kaysa sa nauna? Mukhang imposible, unless ang tinutukoy dito ng Diyos ay higit pa sa templong itatayo nila at nakikita ng mga mata nila. At paano magkakaroon ng kapayapaan o shalom gayong maraming kaguluhan at kahirapan sa mundo natin ngayon? Hindi natin lubos na nakikita ang ginagawa at gagawin ng Diyos, kaya dapat nating panghawakan ang mga pangako niya at ipanalangin na bigyan tayo ng mata na makita ang mga nais niyang ipakita sa atin.

Itong verse 4 ay pinaikli sa Tagalog translation. Pero literally ganito ang nakasulat, “Be strong, O Zerubbabel…Be strong, O Joshua…Be strong, all you people of the land…Work, for I am with you…” (ESV). Paulit-ulit ang encouragement sa atin ng Diyos. Be strong, mga pastors/elders. Be strong, mga deacons/ministry leaders. Be strong, all you members of our church. Gumawa, patuloy na gumawa, wag panghinaan ng loob. Panghawakan mo ang pangako ng Diyos. Hindi masasayang ang anumang paglilingkod na gagawin mo sa kanya. Wag mong sayangin ang mga espirituwal na kaloob na bigay niya. “Therefore, my beloved brothers, be steadfast, immovable, always abounding in the work of the Lord, knowing that in the Lord your labor is not in vain” (1 Cor 15:58).

A Holy People (2:10-19)

Itong ikatlo at ikaapat na sermon ay sa parehong araw, halos four months after yung first sermon ni Haggai. Yung ikatlong sermon ay nagpapakita ng intensyon ng Diyos para sa kanila. Kung tutuusin kasi, hindi naman kailangan ng Diyos ng workforce. He is an all-powerful God, hindi niya kailangan ng tulong ng tao to accomplish his purposes. Hindi yung rebuilding ng temple ang end goal. It is a means to an end. Yun ang hindi nila dapat makalimutan. Kaya binanggit ng Diyos sa vv. 11-13 na tanungin nila ang mga pari tungkol sa kautusan ng Diyos patungkol sa ceremonial holiness. Hindi nila dapat ipalagay na bagamat holy yung work nila dahil holy yung temple na ginagawa nila ay holy na rin sila. Kung ang puso nila ay marumi, kahit na yung ginagawa nila na mukhang malinis ay magiging marumi. Kaya nakasulat sa v. 14, “Ganito rin ang kalagayan ng mga tao sa bansang ito sa harapan ni Yahweh, pati na ang bunga ng kanilang mga gawain. Kaya nga’t ang lahat ng handog nila sa altar ay marurumi” (MBB).

Hindi ang pagiging aktibo sa ministeryo ang pinakamahalaga. Ang motibo ng puso natin ang mahalaga, ang pamumuhay natin nang may kabanalan ang mahalaga, ang puso natin para sa Diyos ang mahalaga, ang pagsunod natin sa mga utos niya ang mahalaga. Aktibo ka nga sa ministry, pero kung itrato mo naman ang asawa’t mga anak mo ganun-ganun na lang. Aktibo ka nga sa ministry, pero kung makipag-away ka naman at magsalita ng masama sa social media, ganun-ganun na lang. Hindi pagiging busy sa ministry ang primary concern ng Diyos sa atin, kundi ang pagiging holy at pagiging katulad ni Cristo.

Kaya ayun na naman yung call to consider sa verses 15 at 18, pero ang point dito ay hindi lang pag-isipan nila yung consequences ng pagsuway nila sa Diyos. Yes, naapektuhan ang kabuhayan nila, yes hindi sila pinagpala ng Diyos dahil sa kanilang karumihan, pero that is about to change. Dahil ang nangingibabaw na hangad ng Diyos para sa kanyang mga anak ay hindi para parusahan tayo kundi para pagpalain. “But from this day on I will bless you” (v. 19). Marumi tayo dahil sa mga kasalanan natin. We are unworthy kahit pa magserve tayo sa maraming ministries. Pero pinagpala tayo ng Diyos, not just materially, but he “has blessed us in Christ with every spiritual blessing in the heavenly places” (Eph. 1:3). In Christ. Hindi dahil deserving tayo, but because Christ is worthy.

The Coming King (2:20-23)

At yung messianic blessing na yun ang point ng last sermon sa verses 20-23, closing passage ng book. Ito naman ay specifically naka-address kay Zerubbabel na governor ng Judah. Wala na silang “king” noon. Pero may darating na Hari.

“Sabihin mo kay Zerubabel na yayanigin ko ang langit at ang mundo. Ibabagsak ko ang mga kaharian at wawakasan ang kapangyarihan nila. Ibubuwal ko ang kanilang mga karwahe at ang mga sakay nito. Mamamatay ang mga kabayo at magpapatayan ang mga mangangabayo. At sabihin mo rin kay Zerubabel na aking lingkod na sa araw na iyon ay pamamahalain ko siya sa pamamagitan ng aking kapangyarihan, dahil siya ay hinirang ko. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.” (vv. 21-23 ASD)

Ang mga salitang ito ay tumutukoy sa higit pa kay Zerubbabel at sa panahon niya. Yung “sa pamamagitan ng aking kapangyarihan” literally ay “singsing na pantatak” (Ang Biblia 2001) or “signet ring.” It “refers to a ring seal worn by a king or other important person and used as his signature” (NET notes). Tumukoy ‘to bago pa kay Zerubbabel sa lolo niya na si Jehoiachin (Jer 22:24-30). Bagamat binawi ng Diyos ang kapangyarihang yun, ibabalik niya. Hindi kay Zerubbabel. Kundi sa manggagaling sa lahi niya, walang iba kundi ang Hari ng mga hari, ang Panginoong Jesus (Matt 1:12-13).

So, as they work in rebuilding the temple, anuman yung sitwasyon na kaharapin nila, they must look beyond the temple to the true and greater temple, beyond their governor to the true and better king, beyond their priest to the true and better high priest, beyond their prophet to the true and better prophet—the Lord Jesus Christ. At ganyan din dapat ang maging perspective natin sa ministry. Hindi lang tayo basta nagpi-preach o tumutugtog o nagbibigay o nagdidisciple. We serve Jesus the King of kings. We point people to Christ.

So, what can we learn from Haggai? Ang ministry dapat maging priority natin. Ang ministry natin dapat rin ay driven by God’s promises. Ang ministry ay dapat wag nating ihihiwalay sa holiness ng buhay natin araw-araw. At, ang ministry dapat ay Christ-focused. So, ano pa ang humahadlang sa ‘yo para bumalik sa paglilingkod sa gawain ng Panginoon? Anu-anong mga excuses pa ang ginagamit mo? Anu-ano ang mga priorities mo na kailangang baguhin? What will genuine repentance look like for you? Saan ka magsisimulang maglingkod? Paano ka makakatulong in building up the church? Kung nahihirapan ka pang sagutin ang mga ‘yan, lapit ka lang sa mga pastors at iba pang ministry leaders ng church. Tulong-tulong tayo na magbalik sa gawain ng Panginoon. Ang prayer ko ay maging katulad din ng response ng mga tao na nakinig kay Haggai ang maging response natin. Oo, pag-isipan mong mabuti. Pero ‘wag mong pagtatagalin. Ano pa ba naman ang kailangan mong hintayin bago sumunod sa salita ng Diyos?

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.