The Apostles’ Creed Part 13 – The Resurrection of the Body and Life Everlasting, Amen

Introduction

Malungkot tayo dahil nung nakaraang Linggo ay namatay na si Nanay Tessie. Bumalik ang kanyang cancer isang buwan pa lang ang nakakalipas, at yun ang pumatay sa kanya sa edad na 75. Mahabang buhay. Pero may katapusan din. Tayo ring lahat ay mamamatay na tulad niya—maliban na lang kung madatnan nating buhay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Pero ang kamatayan nga ba natin ang ending ng story ng buhay natin? Yes, alam nating sa langit tayo pupunta kapag namatay tayo, pero yun na ba yun? Ano naman ang gagawin natin dun? Ano naman ang exciting dun? Mas mainam nga ba yun kaysa sa buhay natin ngayon?

Eto yung mga tanong na mahalagang pag-usapan natin, at alamin natin kung ano ang sagot. Ang problema, bihira tayong maglaan ng time para pagbulayan ‘yan. Bihira na ituon natin ang isip natin sa eternity, o magkaroon ng eternal perspective sa mga bagay-bagay. Karaniwan, near-sighted tayo, nakapako ang atensyon sa mga bagay sa mundong ito. Sinabi pa naman ni Paul, “Set your minds on things that are above, not on things that are on earth” (Col. 3:2). O baka kasi natatakot tayo na mamatay? Hindi mo alam kung ano ang haharapin mo pagkatapos, o baka natatakot ka na mawala ang mga bagay na meron ka ngayon that you hold so tightly. Baka masyado tayong nai-inlove sa mga bagay sa mundong ito.

Kaya mahalaga itong last article sa Apostles’ Creed—“…the resurrection of the body and the life everlasting. Amen.” Sa Tagalog, “Sa muling pagkabuhay ng katawan; At sa buhay na walang hanggan. Amen.” Sa Latin, “carnis resurrectionem, vitam æternam. Amen.” Itinuturo sa Creed kung ano ang pinaniniwalaan ng lahat ng mga Cristiano sa buong mundo. Kung Cristiano ka, masasabi mo rin na ito ang pananampalataya mo, “I believe…” / “Sumasampalataya ako…” Ano ang pinaniniwalaan mo tungkol sa Diyos Ama, sa Diyos Anak, sa Diyos Espiritu, sa Church, at sa kaligtasan natin. Pero hindi lang ito listahan ng mga doktrina. Meron din itong istorya. So, merong doktrina tungkol sa Diyos, merong istorya tungkol sa Diyos at sa ginawa niyang pagliligtas sa atin. So, hindi lang ito parang isang pelikula na pinapanood mo. You are a participant in this story. Kasali ka. Meron kang role to play, merong script na susundin galing sa Direktor.

So yung important question for all of us ay hindi lang, Ito ba ang pinaniniwalaan mong doktrina? Eto rin, Ito ba ang Kuwento ng buhay mo? O merong ibang kuwento? Delikado kung meron kang ibang kuwento maliban dito, delikado kung ang paniwala mo ay taliwas dito. Kaya mahalagang pag-aralan natin. Hindi lang para sa atin, para rin sa mga mahal natin sa buhay na kailangang kuwentuhan at turuan natin—kailangan nila ng biblikal na kuwento at katekismo (pagtuturo). Pati mga anak natin. Kung hindi natin sila dodoktrinahan (although nagiging negative ang dating niyan, parang mind-conditioning), dodoktrinahan sila ng mundo. Kung hindi natin sila aanyayahan sa kuwentong ito, ang kuwento ng mundo ang kahuhumalingan nila.

Resurrection of the Body

So ano ang dapat nating paniwalaan sa totoong ending ng istorya ng buhay natin at ng lahat-lahat sa kasaysayan ng mundo? Uso pa naman ngayon ang historical revisionism. Kung ano ang nangyari in the past, binubura, binabaligtad ang kuwento, gumagawa ng ibang versions to serve a political agenda. Pero yung maling paniniwala natin sa ending ng story yun ang dapat nating i-revise o i-edit para tumugma sa script na nakasulat sa Bibliya.

Tulad nitong “resurrection of the body.” Ang iniisip ng ibang tao, like yung mga Greeks sa panahon ni Pablo, masama raw ang katawan ng tao. Para raw itong kulungan ng kaluluwa. Kaya kung mamatay ang tao, mapapalaya na sa kulungang ito ang kaluluwa. Ito raw yung “redemption accomplished” (RC Sproul, What We Believe, chap. 13). Sa atin minsan ganun din ang naiisip natin, lalo na kapag may sakit tulad ng cancer, o merong disability. Kapag namatay ang isang tao, we console ourselves, sasabihin natin, “At least, okay na siya ngayon, wala na siyang sakit, nasa mabuti na siyang kalagayan.” Kung nasa langit siya, mabuti nga ang kalagayan niya. Pero paano kung nasa impiyerno ang kanyang kaluluwa? Hindi mabuti yun.

I hope and pray that you really believe the gospel, na si Cristo at ang ginawa niya sa krus  ang pinagtitiwalaan mo na tanging batayan ng Diyos para patawarin ka at maligtas. Kung ganun nga,  kapag namatay ka, ang kaluluwa mo ay diretso sa presensiya ng Diyos sa langit. Mabuting kalagayan ba yun? Yes. Kaya nga sabi ni Paul, “For to me to live is Christ, and to die is gain…My desire is to depart and be with Christ, for that is far better” (Phil. 1:21, 23). Higit na mabuti kung ikukumpara sa buhay natin sa mundong ito na puno ng sakit, pakikipaglaban sa kasalanan, problema, conflicts, at kung anu-anong kaguluhan sa mundo. Kung iniisip mong mas mabuti ang kalagayan mo ngayon kaysa Nanay Tessie sa piling ni Cristo sa langit, talagang kailangan ng major calibration ng isip at puso mo.

Napakainam na makasama ang Diyos—at ang ibang mga kapatid natin kay Cristo na nauna na—sa langit. Pero wag nating isipin na yun na ang ending ng story natin, na yun na ang final destination natin. Tinatawag itong “intermediate state.” Kumbaga, stopover muna, or layover, hanggang hinihintay yung “final state.” Hindi tayo magiging kaluluwa lang na walang katawan forever. Naparito si Cristo hindi para kaluluwa lang ang iligtas. “Since Christ is the perfect Savior, He is not content with the redemption of the soul, but effects also the redemption of the body” (Herman Bavinck, The Wonderful Works of God, p. 539).

May magandang plano ang Diyos sa tao, sa buong pagkatao natin. Hindi lang sa kaluluwa natin, kundi pati sa katawan natin. Kaya wag mong iisipin na masama ang katawan ng tao. At kung may mga physical desires tayo—tulad ng pagkain, art, at sex—hindi ibig sabihin masama agad yun at dapat na we feel guilty kasi hindi “spiritual” yung mga desires natin. Sino ba ang lumikha sa katawan natin? Ang Diyos, “Maker of heaven and earth,” siya rin ang lumikha sa atin na may katawan. At tinawag niya itong “good,” no, “very good” (Gen. 1:31). Naging bad ang kalagayan ng katawan natin dahil sa kasalanan ng tao at sa epekto nito sa katawan natin at sa buong nilikha ng Diyos. Kaya merong sakit, disabilities, merong struggles sa kasalanan, merong mga natural disasters, merong poverty, merong corruption, merong kamatayan. At natural lang na dumaing tayo dahil sa ganitong hirap ng kalagayan natin ngayon. We “groan (with God’s whole creation) inwardly as we wait eagerly for adoption as sons, the redemption of our bodies” (Rom. 1:23).

Ang plano ng pagliligtas ng Diyos, ayon kay Pablo, ay hindi lang para sa kaluluwa natin, kundi pati sa katawan natin, kasama ang iba pang physical creation ng Diyos. Kaya nga niya ipinadala ang kanyang Anak, “his only begotten Son,” at siya’y nagkatawang-tao. Hindi lang anyong tao, o may kaluluwa ng tao, kundi inako ng Diyos Anak ang buong kalikasan ng pagkatao natin, “conceived by the Holy Spirit, born of the Virgin Mary.” May katawan ng tao, “perfect in Godhead and also perfect in manhood; truly God and truly man, of a reasonable [rational] soul and body” (Symbol of Chalcedon). Kailangang buung-buo ang pagkatao niya dahil buong pagkatao natin ang apektado ng kasalanan. Kaya kailangan yung incarnation, “the Word became flesh” (John 1:14), na meron siyang “flesh and blood” kagaya natin (Heb. 2:14). Kung masama ang katawan, hindi sana nagkatawang-tao ang Panginoon. Pero kailangang gawin yun para iligtas tayo. Kailangan niyang mamatay—physical death yun, bagamat mabigat yung inexpressible anguish na naranasan ng kaluluwa niya dahil inako niya ang bigat ng parusa ng Diyos as our substitute. “Suffered under Pontius Pilate; was crucified, dead and buried…” Muli siyang nabuhay—bodily rin ‘yan. Hindi sinabi ng Diyos na at least ang kaluluwa ni Jesus ay buhay at aakyat na sa langit. Hindi niya iniwan ang katawan niya sa libingan. Ibinangon—with a glorified resurrected body: “the third day he rose again from the dead He ascended into heaven, and sits at the right hand of God the Father Almighty.” Taglay niya ang katawan ng pagkatao niya nang bumangon siya mula sa mga patay, taglay pa rin ang katawan sa kanyang pag-akyat sa langit at pag-upo sa kanan ng Diyos. At ganun pa rin sa kanyang muling pagbabalik, “from thence he shall come to judge the living and the dead.” Sa pagbabalik niya, makikita siya ng lahat. Mukhaan, harapan, kasi meron siyang katawan.

Mula sa incarnation, and forevermore, taglay ni Cristo ang katawan ng tao. Kaya wag mong iisipin na masama ang katawan ng tao. Ang katawang ito ay taglay pa rin ni Cristo hanggang ngayon. At hindi yun masama, yun ay mabuti, napakabuti. Ibig sabihin, kung makita mo ang katawan ng isang namatay na nasa ataol, at inilibing sa ilalim ng lupa, pagkaraan ng ilang araw, uuurin, mabubulok, aalingasaw. Wag mong sabihin, natapos na ang lahat, nasa mabuti na siyang kalagayan. Hindi pa tapos ang lahat. Bagamat mabuti yun kung ikukumpara sa ngayon, hindi yun ang hangganan ng plano ng Diyos. Meron pang mas mabuti, at pinakamabuti sa lahat.

So yung salvation natin ay wag nating isiping pang-kaluluwa lang. Although minsan ginagamit natin yung “soul-winning” para tukuyin ang evangelism, o kaya’y “maawa kayo sa mga kaluluwa na mapapahamak kapag hindi nakarinig ng gospel.” Kung yung “soul” na gamit natin ay tumutukoy sa buong pagkatao ng tao, walang problema dun. Kaso kung ang sa isip natin ay “kaluluwa” lang ang mahalaga sa tao at ang essence ng pagkatao, nagkakamali tayo. Kaya mahalagang corrective dito yung “resurrection of the body.” Hindi ending ng story natin ay kaluluwa na nasa langit. Merong “resurrection.” At yun ay mangyayari sa pagbabalik ni Cristo.

Siguradong mangyayari dahil totoong nabuhay na muli si Cristo. Kaya yung resurrection niya ay tinawag na “the firstfruits,” kasi pauna lang, may kasunod pa (1 Cor. 15:20-23). Sa pagbabalik ni Cristo, lahat ng patay ay bubuhayin.

Pakatandaan ninyo na darating ang oras, at ngayon na nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos at ang sinumang makinig sa kanya ay mabubuhay. 26 Kung paanong ang Ama mismo ang pinagmumulan ng buhay, gayon din naman ang Anak na binigyan niya ng ganoong karapatan. 27 Binigyan niya ang Anak ng kapangyarihang humatol, sapagkat siya ang Anak ng Tao. 28 Huwag ninyo itong pagtakhan, sapagkat darating ang oras na maririnig ng mga patay ang kanyang tinig 29 at sila’y babangon. Lahat ng gumawa ng kabutihan ay babangon patungo sa buhay na walang hanggan, at lahat ng gumawa ng kasamaan ay babangon patungo sa kaparusahan.” (John 5:25-29)

Ano ang mangyayari sa katawan natin? Masumpungan mang buhay sa kanyang pagbabalik, o ang katawan natin ay nabulok na, “Sa pamamagitan ng kapangyarihang ginamit niya sa pagpapasuko sa lahat ng bagay, ang ating katawang may kahinaan ay babaguhin niya upang maging katulad ng kanyang katawang maluwalhati” (Phil. 3:21). Hindi natin alam exactly kung anong klaseng katawan yun, pero tayo pa rin yun, at higit na mabuti yun kesa sa katawang meron tayo ngayon. Good news ‘yan kung sinasabihan ka na pangit ka, o may diperensya sa katawan mo, o may sakit o disability ka. Your resurrection body will “be like his glorious body.”

Good news for us itong resurrection, right? Pero meron ding warning to unbelievers. Sila rin may resurrection. Sa atin ay “resurrection of life,” sa kanila ay “resurrection of judgment” (John 5:29). “Kapahamakan ang kahihinatnan nila sapagkat ang dinidiyos nila ay ang hilig ng kanilang katawan. Ikinararangal nila ang mga bagay na dapat sana nilang ikahiya, at wala silang iniisip kundi ang mga bagay na may kinalaman sa mundong ito” (Phil. 3:19). Mabuti ang katawan, pero hindi ‘yan dinidiyos. Only God is our highest good.

Yan—resurrection of the body—ang dapat na pinananabikan nating ending ng istorya natin. Pero hindi ibig sabihin na wala na tayong gagawin ngayon tungkol sa katawan natin. Ito ay templo ng Espiritu. So glorify God with your body, sabi ni Paul (1 Cor. 6:19-20). Wag mong sabihing pwede mo na ‘yang pabayaan ngayon, abusuhin sa pagkain ng kung anu-ano, o pagtatrabaho nang sobra-sobra, kasi babaguhin naman ‘yan ng Diyos balang-araw.  So, kung mabuti ang plano ng Diyos sa katawan natin, ngayon pa lang ay pahalagahan na natin at ingatan bilang handog na papuri sa Diyos (Rom. 12:1-2).

Life Everlasting

Hindi rin pala tumpak na sabihin ko na “resurrection of the body” ang ending ng istorya natin. Kasi kung titingnan natin yung kasunod nito sa Creed, “and the life everlasting,” wala palang ending yung istorya natin. Everlasting, eternal, walang katapusan.

At ang ganyang klase ng buhay ang plano talaga ng Diyos sa atin. Kaya merong Tree of Life sa Garden, kaso pinili ng tao na kainin yung bunga na nagdudulot ng kamatayan. Kaya naparito si Cristo. “In him was life” (John 1:4). Siya yung “word of life” at yung “the eternal life” (1 John 1:2). At siya na pinagmulan ng buhay ay namatay. Sa kanyang kamatayan ay namatay ang kamatayan (John Owen). At dahil siya’y muling nabuhay, napasaatin din ang buhay na ‘to. Oo, meron na tayong bagong buhay ngayon. Dati tayo ay patay spiritually “but God…made us alive together with Christ” (Eph. 2:5). Pero ang katawan natin mamamatay pa rin, hindi dahil kulang ang buhay na bigay ni Cristo, kundi yun ang paraan para maranasan natin ang “kabilang buhay.” Pero hindi “heaven” yung hangganan ng kabilang buhay na yun. “For believers, heaven is life after death, but resurrection is life after life after death” (Michael Bird, chap. 14).

Merong “eternal life” dahil kay Cristo (John 3:16). Kaso maraming tao, including some Christians, hindi naeexcite sa “walang hanggan.” Kaya yung mga sesharean natin ng gospel hindi rin nasasabik dun sa buhay na walang hanggan. Yung ilang araw nga na naka-quarantine ka, bored na bored ka na. Paano pa yung 1000 times 1000 years. Boring!!!! Ganyan ang perspective natin kung naghihintay lang tayo at walang ginagawa. Pero ang eternal life ay hindi lang tungkol sa haba ng panahon, kundi maging sa klase ng buhay na bigay sa atin ng Diyos. “…about a relationship. In the person of Jesus, we find ourselves drawn into a quality of life that is so rich that it can only be described as eternal” (Ben Myers, The Apostles’ Creed, 126).

So rich! We have no idea, we cannot imagine kung ano yun! Pero ngayon pa lang nag-start na yun. Meron nang preview, meron nang patikim sa eternal life na darating. Kung nararanasan mo ang tagumpay sa kasalanan, o kagalingan sa sakit, o mga blessings galing sa Diyos, o mga joys of friendship and family and church. Patikim yun! Trailer pa lang yun ng main event.

Kung patikim, kung trailer pa lang, ibig sabihin, there is more. The best is yet to come. Hindi yung karanasan ng kaluluwa sa langit, hindi yung anumang karanasan natin dito sa mundo. Magkakaroon ng “new heaven” at “new earth” (Rev. 21:1). “Though God made heaven and earth, he intends in the end to remake both and to join them together forever” (Michael Bird, What Christians Ought to Believe, chap. 14). Kung paanong magkakaroon ng kasalan si Cristo at ang kanyang Iglesya, para ring ikakasal ang langit at lupa. “Heaven becomes earthly and earth becomes heavenly” (Michael Bird).

Sa araw na yun, papahirin ng Diyos ang lahat ng luha sa ating mga mata, wala nang kasalanan, wala nang kasamaan, wala nang kamatayan, wala nang kalungkutan, wala nang alitan, wala nang iyakan, wala nang sakit at pagdurusa (Rev. 21:4). Can you imagine a world like that? It is coming soon. Ito ang nagbibigay tapang sa atin, nagbibigay ng layunin sa buhay, nagbibigay ng pag-asa na anumang hirap ang maranasan natin, “in the end, all shall be well” (Michael Bird).

Lahat ay bago na. Ang mga pulitiko nangangako ng malaking pagbabago para sa buhay ng mga Filipino. Pero lumang tugtugin na ‘yan. Sinuman ang maupo sa Palasyo, si Cristo na nakaupo sa kanyang trono ay sasabihin sa araw ng kanyang pagbabalik, “Behold, I am making all things new” (Rev. 21:5). Ang mga salita ng kandidato hindi mo alam kung mapagkakatiwalan at totoo. Pero ang sabi ni Jesus “These words are trustworthy and true” (v. 5). So, anuman ang mabubuting bagay na nararanasan mo ngayon, multiply that a billion times better. “Heaven is not a place of less; it is a place of infinitely more. All the good things known in this life will either be amplified infinitely in the life everlasting, or they will be transcended by things that are infinitely better” (Albert Mohler, The Apostles’ Creed, p. 196). Sabi naman ni Kevin DeYoung tungkol dito:

And this experience of delight and glory will go on forever. On earth, all our joy is fleeting. Food tastes good and is gone. Sex is enjoyable, then it’s over. Kids are precious, but they drive you nuts. On earth there is anticipation of pleasure, a moment or season of delight, and then it passes. Joy is always mingled with pain. Delight is always interrupted by suffering. But not in heaven (or in the new heaven and new earth). There, the glory and delight and love are always growing, always swelling, and always increasing as we learn more and see more of God. Every Tuesday is better than Monday. Every Wednesday is better than Tuesday. Every Thursday is better than Wednesday. Nonstop, continuous, everlasting glory. Your best life later. (The Good News We Almost Forgot)

Yung everlasting life ay infinitely better kasi ang Diyos natin ay infinitely better. God is our everlating life and joy. “You make known to me the path of life; in your presence there is fullness of joy; at your right hand are pleasures forevermore” (Psa. 16:11). Everlasting life is all about Jesus. Kung hindi ka naeexcite sa kanya, you are probably not yet a Christian. “Being with Jesus is the essence of heaven; it is what the life everlasting is all about…What will we do in heaven? Not lounge around, but worship, work, think and communicate, enjoying activity, beauty, people, and God. First and foremost, however, we shall see and love Jesus, our Savior, Master, and Friend” (JI Packer, Affirming the Apostles’ Creed, chap. 18).

Amen.

Masasabi n’yo bang “Amen”? Yan din ang dulo ng Creed. Hindi lang pala ending ng prayers natin ang Amen. Affirmation din ‘yan ng pinaniniwalaan natin, ng mga salita ni Cristo. Sinasabi natin, agreeing with Jesus, “These words are trustworthy and true” (Rev. 21:5; 22:6). Ang Amen ay Hebrew word for “truly.” Parang pinipirmahan mo ng pangalan mo itong Creed na ‘to: “To say amen to the creed is to sign my name to it. I confirm the truth of this: I authorize it: amen. Yet we barely fathom what we are saying in the creed” (Ben Myers, 131). Basta-basta na lang tayong mag-Amen, lalo na sa prayers, hindi na naiintindihan kung bakit. Bakit nga ba? Paliwanag ni Paul, “Ang Anak ng Diyos, na si Jesu-Cristo…ay hindi ‘Oo’ at ‘Hindi’ dahil lagi siyang ‘Oo,’ sapagkat kay Cristo, ang lahat ng pangako ng Diyos ay palaging ‘Oo.’ Dahil dito, nakakasagot tayo ng ‘Amen’ sa pamamagitan niya para sa ikaluluwalhati ng Diyos” (2 Cor. 1:19-20).

Yun ang ibig sabihin ng “Amen.” Sinasabi mong totoo ang salita at pangako ng Diyos. Kapag sinabi mo ang Amen sa dulo ng Creed, sinasabi mong ito ang totoong itinuturo ng Bibliya. Ito ang pinaniniwalaan ko. Ito ang dapat paniwalaan ng lahat. Ito ang dapat ituro sa lahat. Sabi pa ni Michael bird, kapag sinabi mo sa Creed na “I believe,” sinasabi mo rin na kasali ka sa kuwentong ito. Ito ang kuwentong kinasasabikan mong marinig. Ito ang kuwentong nagbibigay-inspirasyon sa ‘yo. Ito ang kuwentong nagbibigay-katuparan sa lahat ng inaasahan mo. Ito ang kuwentong nagbibigay-kahulugan sa buhay mo. Wala nang ibang kuwentong tulad nito. Kapag sinabi mong “I believe in God the Father … in Jesus Christ … in the Holy Spirit … in the holy catholic church,” sinasabi mong ito lang ang totoong kuwento at alinmang kuwento sa mundo ay nakapailalim dito at dapat itakwil kung sumasalungat dito.

Ito ba ang pinaniniwalaan mo? Ito ba ang kuwento na kinapapalooban ng buhay mo?

As we end this sermon, and this sermon series on the Creed, gusto kong ipaalala sa inyo kung sino ang simula at katapusan. Kapag sinabi mong “I believe…” Hindi “I”, hindi ako, hindi ikaw ang pinakamahalaga dito. Ang kuwentong ito ay hindi tungkol sa ‘yo. “In the beginning God…” (Gen. 1:1). In the end? God—the Father, the Son and the Holy Spirit. Sinabi ni Jesus sa last chapter ng Bibliya, “Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, ang simula at ang wakas” (Rev. 22:13). At sa huling dalawang verses, “He who testifies to these things says, ‘Surely I am coming soon.’ Amen. Come, Lord Jesus! The grace of the Lord Jesus be with all. Amen” (Rev 22:20-21). 

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.