Bihira na ituon natin ang isip natin sa eternity, o magkaroon ng eternal perspective sa mga bagay-bagay. Karaniwan, near-sighted tayo, nakapako ang atensyon sa mga bagay sa mundong ito. O baka kasi natatakot tayo na mamatay? Hindi mo alam kung ano ang haharapin mo pagkatapos, o baka natatakot ka na mawala ang mga bagay na meron ka ngayon that you hold so tightly. Baka masyado tayong nai-inlove sa mga bagay sa mundong ito.
Category: The Apostles’ Creed
The Apostles’ Creed Part 12 – The Forgiveness of Sins
Lahat tayo ay makasalanan, pero pinatawad tayo ng Diyos nang nagsisi tayo at sumampalataya kay Cristo. Nagkakasala pa rin tayo, pero patuloy na nagsisisi at binabago ng Diyos. So yung church is a communion of saints and sinners.
The Apostles’ Creed Part 11 – The Holy Catholic Church, the Communion of Saints
Dahil sa word na “catholic” sa Apostles’ Creed kaya hindi ginagamit ito ng ibang mga churches as part of their confession of faith. O kaya gagamitin nga, pero papalitan ng “Christian church.” Ano nga ba ang ibig sabihin ng “catholic” dito? Hindi ‘yan tumutukoy sa Roman Catholic Church specifically. Ibig sabihin, universal o pangkalahatan. Kaya sa Tagalog, “…sa banal na iglesiang pangkalahatan; sa kapulungan ng mga banal.” We will miss the essence of that word “catholic” kung tatanggalin o papalitan natin.
The Apostles’ Creed Part 10 – I Believe in the Holy Spirit
Habang lalo tayong nagiging Christ-centered sa buhay natin, sa Bible reading natin, sa prayer life natin, sa preaching natin, sa worship services natin, sa discipleship natin, sa engagement natin sa mundong ito, matutuklasan natin na yun pala ang ibig sabihin ng pagiging “Spirit-filled” o puspos ng Espiritu. Hindi pala yung pagsasalita ng kung anu-anong hindi mo maintindihan, o yung pagiging emotional sa worship services, or yung sa mga extraordinary na mga miracles ang pinaka-ebidensiya ng presensiya at pagkilos ng Espiritu.
The Apostles’ Creed Part 9 – From Whence He Shall Come to Judge the Living and the Dead
Para sa mas maraming Christians, ang nagiging dahilan ay yung preoccupation sa mga kasalukuyang nangyayari. Concern lang tayo sa future kung immediate future ang pag-uusapan. Kelan kaya matatapos ang pandemic? Okay na kaya next year? At kung second coming ni Christ ang pag-uusapan, parang irrelevant sa marami. Pero ayon nga kay Albert Mohler, mas maiintindihan lang natin yung “present” kung aalalahanin natin yung “past” at sabik na aabangan yung “future.”
The Apostles’ Creed Part 8 – He Ascended to Heaven and is Seated at the Right Hand of God the Father Almighty
Yes, napakahalaga ng message of the gospel, yung good news ng natapos nang ginawa ni Cristo sa krus. Pero mahalaga rin yung application ng gospel na ‘to sa atin, na dahil sa nagpapatuloy na gawa ni Cristo dahil sa kanyang pag-akyat sa langit at pag-upo sa kanang kamay ng Diyos. Ang good news ay hindi magiging good news para sa atin, hindi ito magiging kapakinabangan kung hindi ito makakarating at mailalapat sa atin.