“Remember Your Word” (Psa. 119:49-56)

Introduction

Hindi lang ako, pati rin ang iba sa inyo nagsabi na nakakapagod ang bakasyon. Lalo na ngayong Christmas at New Year holidays. Abalang-abala ang mga tao, maingay, at ang daming distractions. Ang hirap magkaroon ng quiet time, yung tahimik ka lang, tahimik lang sa paligid mo na magbabasa ka ng Bible at magpepray. Yung papakinggan mo kung ano ang sinasabi ni Lord, at yung kakausapin mo rin siya nang hindi nagmamadali. Kaya every first week of every year, from first Lord’s Day hanggang second Lord’s Day, nagkakaroon tayo ng Prayer Focus Week. Para saan yun? To refocus, para maipaalala sa sarili natin yung priority ng Word and prayer sa Christian life, at kung gaano kahalaga itong means of grace na ginagamit ng Panginoon para sa ating paglago sa relasyon sa kanya lalo na.

Kaya nga sa mga gatherings natin, mahaba ang inilalaan natin sa reading and preaching of the Word of God, pati sa mga elder-led prayers, at yung mga songs na form of prayer din. At sa Friday, we will have prayer meeting. Kaya ibibigay rin namin sa inyo every quarter yung preaching schedule, para mabasa na ninyo ahead of time yung mga Scripture texts na pag-aaralan natin, at para maipagpray n’yo ang mga preachers natin. Mahalaga kasi yung commitment ng bawat isa every Lord’s Day. Yung morning service natin ang pinakamahalang appointment mo throughout the week. Learn to say “no” to other invitations na magiging dahilan para mag-absent ka. Wag mong idahilang minsan ka lang naman mag-aabsent. Baka masanay ka.

I pray also na yung commitment natin to the Word and prayer sa mga gatherings natin ay magsilbing halimbawa sa inyo, inspiration kumbaga, na maging priority rin ang Word and prayer sa personal time mo sa bahay. Kaya yung schedule na nareceive n’yo ay meron ding Bible reading plan. Bagong cycle na ‘to ng three-year reading plan na sinimulan natin ng 2019 at katatapos lang. Nung magsimula ang pandemic last year, maraming nagpapasalamat sa inyo kasi nagkaroon ng mas mahabang time with the Word of God. Pero ganun pa kaya ang masasabi natin ngayon? O balik na naman sa dating gawi? O ang prayer request mo na ngayon ay ganito, “Sana bigyan ako ni Lord ng mas maraming time.” Imposible naman yun. Lahat naman tayo may 24 hours a day. Dapat matutunan lang natin kung paano i-prioritize yung higit na mahalaga. Bakit, mas mahalaga ba ang pag-aaral mo, ang trabaho mo, ang social media use mo, kesa sa time with God in prayer? At hindi mo naman kelangan ng napakahabang oras. Kung isa o dalawang chapters a day lang, wala pang 10 minutes ‘yan, plus 10 minutes siguro na reflection o journaling, then 10 minutes sa pagpepray sa mga members using our membership directory. Mahabang oras ba yun?

Hindi naman talaga ka-busyhan ang problema natin. Kulang tayo sa motivations. Pinapaalala ko ito sa inyo, at kailangan nating gawin itong mga paalala na ‘to kasi nakakalimot tayo sa Salita ng Diyos. Sinasabi nating mahalaga ang salita ng Diyos pero yung attitude natin at yung habits natin sa Bible reading and approach natin sa prayer ay nagpapakita na hindi naman pala ganun kahalaga sa atin ang Salita ng Diyos.

Nitong mga nakaraang celebrations ng Christmas at New Year, abalang-abala ang mga tao. Siguro kailangan nila yun para panandaliang makalimot sa mga masalimuot na hinaharap sa buhay. May mga sirang relasyon, may mga problema sa pera, may mga struggles sa kasalanan. Pero haharapin natin ulit yun, hindi naman ‘yan matatakasan, tuloy-tuloy pa rin ‘yan. Oo, umaasa tayo na magkakaroon ng mga magagandang pagbabago pagdating ng bagong taon. Pero paano kung yung mga hinihiling natin sa prayers ay hindi pa rin dumating? Paano kung nandun pa rin yung sakit at yung hirap na dinaranas natin, at hindi nabawasan, at baka madagdagan pa? Saan ka lalapit? Saan ka hihingi ng tulong?

Psalm 119

Kung ang sagot mo sa tanong na ‘yan ay walang kinalaman sa salita ng Diyos, o hindi sa pamamagitan ng prayer, sinasabi mong merong iba na mas kailangan mo kesa sa Diyos. Akala mo kasi nakakalimot siya sa mga pangako niya. Pero ang totoo ikaw ang nakakalimot. So, kaya bawat simula ng bawat taon, pag-aaralan natin ang Psalm 119. Merong 176 verses ‘yan, at bawat isang verse ay patungkol sa kahalagahan ng Salita ng Diyos sa buhay ng isang Cristiano. Hindi lang mahalaga, ipinagdiriwang pa. Awit ‘yan, beautifully composed poetry, personal prayer ni King David siguro although we are not sure. Pero ang sigurado tayo, ito rin ang dapat maging damdamin at panalangin ng bawat isang anak ng Diyos patungkol sa kanyang Salita. 

Itong Psalm 119 ay may 22 sections na tig-8 verses. Acrostic poem ‘yan, ibig sabihin bawat section ay kumakatawan sa bawat letra ng Hebrew alphabet, at bawat verse ng bawat section ay nagsisimula sa letrang yun. Natapos na natin sa mga nakaraang taon hanggang verse 48. Ngayon naman ay verses 49-56 (zayin), at next week yung verses 57-64 (heth). Dito sa verses 49-56, siyempre sa English or Tagalog hindi natin makikita na pare-parehas na letra ang simula ng bawat verse. Pero sa Hebrew, yung verse 49 ang simula ay zakar (remember), sa v. 50 zoth, sa v. 51 zed, sa v. 52 zakar ulit, sa v. 55 zakar ulit. Dahil tatlong beses inulit, that’s a key word sa section na ‘to. Yung una ay prayer of request para alalahanin ng Diyos ang mga pangako niya, at yung huling dalawa ay prayer of commitment ng psalmist na kanyang aalalahanin ang Diyos—kung sino siya at kung ano ang ginawa niya.

Remember Your Word (Psalm 119:49-52)

Yung unang occurence ng “remember” (Heb. zakar) ay nasa verse 49, yung prayer niya, “Remember your word to your servant.” Bakit ganito ang prayer niya? Ano ba ang nararanasan niya? Mabigat ang mga dinadala niya kaya ganito ang prayer niya. “My affliction” (v. 50), sabi niya. Merong hirap, merong hapdi sa nararanasan niya. To be more specific, sabi niya sa verse 51, “The arrogant constantly ridicule me” (v. 51 CSB). May mga mayayabang na tao na kumakalaban sa kanya. Pansinin mo kung paano isinsalarawan yung ginagawa sa kanya. Pwedeng may kinalaman sa intensity, “utterly deride me” (ESV) o “labis akong hinanamak” (MBB), o sa duration, “constantly ridicule me” (CSB) o “palagi akong hinahamak” (ASD), o parehas. Matindi na nga, wala pang lubay ang mga kaaway niya.

Posible na may naririnig ka ring mga masasakit na salita sa asawa mo o sa kapitbahay mo o sa may utang sa ‘yo. O posibleng hindi ganito ang hirap na nararanasan mo, pero lahat naman tayo may “afflictions” na dinaranas. Pwedeng financial problems, pwedeng cancer, pwedeng frustrations sa relasyon sa pamilya. Kahit ano pa ‘yan, ano dapat ang maging prayer natin? “Remember your word to your servant” (v. 49). Maaaring hindi ganito ang madala na prayer natin. “Lord, bigyan mo ako ng trabaho. Lord, i-provide n’yo ang pambayad namin. Lord, patinuin mo na ang asawa at mga anak ko.” Tayo nga ang “servant” at ang Diyos ang “Master,” bakit minsan yung iba kung magpray parang inuutusan pa ang Diyos, “I declare, Lord, na ganito ang mangyayari!” Hindi faith yun, arrogance yun. We need to humble ourserlves as God’s servant. Ang prayer natin ay hiling sa Diyos, hindi utos sa kanya.

Siya ang may awtoridad na mag-utos sa atin. Pero pansinin n’yo, hindi sinabi dito na yung “servant” ang dapat alalahanin ang salita ng amo niya. Kasi tayo madalas makalimot sa salita ng Diyos, kaya dapat paalalahanan. Pero dito, ang Diyos ang hinilingan na alalahanin ang sinabi niya. Hindi naman nakakalimot ang Diyos! Wala naman siyang memory gap at kahit kailan ay hindi magkaka-amnesia. Yung “word” na gamit dito ay hindi tumutuloy specifically sa mga utos ng Diyos sa kanyang “servant” kundi sa mga pangako ng Diyos—“your promise” (v. 50). So yung prayer niya ay paghiling na kumilos ang Diyos nang naaayon sa mga ipinangako niya at hindi ayon lang sa kung ano ang gusto natin, ayon sa plano niya at hindi ayon lang sa sarili nating ambisyon. Ang panalanging ito ay nagpapakita ng pagtitiwala niya na tapat ang Diyos sa kanyang pangako at tutuparin niya ang itinakdang layunin at plano niya para sa kanyang mga lingkod. Lalo na’t hindi lang “servant” ang turing sa atin ng Diyos kundi mga anak niya dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo. So, we also pray, “Our Father in heaven, alalahanin n’yo po ang inyong mga pangako sa akin na inyong anak, at gamitin mo maging itong mga hirap na dinaranas ko para ako ay maging katulad ni Cristo (see Rom. 8:28-29).”

Heto ang halimbawa ng praying according to God’s will, hindi according to my will! So, bakit nakakabit sa Word of God ang prayer niya? Unang-una, dahil sa salita ng Diyos nakasalalay ang buhay niya, “Your promise has given me life” (v. 50 CSB). Hindi ba’t ganito rin natin naranasan ang kapangyarihan ng pangako ng Diyos na nakakabit sa gospel?

Since you have been born again, not of perishable seed but of imperishable, through the living and abiding word of God; for “All flesh is like grass and all its glory like the flower of grass. The grass withers, and the flower falls, but the word of the Lord remains forever.” And this word is the good news that was preached to you (1 Pet. 1:23-25).

Nagkaroon tayo ng bagong buhay (born again) sa pamamagitan ng salita ng Diyos. Kailangan lang ba natin ang salita ng Diyos sa simula? No. Kaya inihalintulad ni Pedro yung word of God sa gatas, at tayo naman sa isang sanggol,“Like newborn infants, long for the pure spiritual milk, that by it you may grow up into salvation” (1 Pet 2:2). Kailangan natin ng gatas ng Salita ng Diyos araw-araw. Lalo na sa mga oras na pinanghihinaan tayo ng loob dahil sa mga hirap na nararanasan natin. Kaya nga sabi ng psalmist tungkol sa life-giving promise ng Word of God, “This is my comfort in my affliction” (v. 50). Ah, yung life-giving promise daw ng Diyos ang nagbibigay ng comfort sa kanya. Kaya dapat nating alalahanin kung paano tayo iniligtas ng Diyos in the past, and that same power and grace ay available sa atin sa ngayon. We need to look back to God’s past grace to give us comfort for present sufferings. And we also need to look forward. “You have given me hope through it” (v. 49). Ano raw ang nagbibigay ng pag-asa sa kanya? “Your word” (v. 49), “your promise” (v. 50).

So, kung gusto nating magkaroon ng pag-asa at kaaliwan na kagaya nito, ano ang kailangan nating gawin? Siyempre, we read God’s Word. Siyempre, we pray. Pero hindi lang yun. Wag nating paghihiwalayin yung Word and prayer. We pray God’s Word. We pray God’s promises—para sa sarili natin, para sa pamilya natin, para sa mga members ng church, at para sa mga unbelievers. Don’t just read the Word; pray the Word.

Yung comfort na kailangan natin sa salita ng Diyos nanggagaling. Pero hindi ito mangyayari nang aksidente lang. Dapat may commitment. Ano ang dapat na maging commitment natin sa Salita ng Diyos? Ano ang commitment ng psalmist sa v. 51? Hindi tulad ng mga kaaway niya, hindi tulad ng mga unbelievers. Hindi rin tulad ng mga tao sa paligid natin na mag-New Year’s resolutions daw, pero wala namang commitment. Kasi wala namang kinalaman sa Word of God. Pero siya? Kahit anu-ano pang salita ang naririnig niya sa ibang tao, iba siya, “but I do not turn away from your law (Heb. torah)” (v. 51). Ito rin yung commitment na nais ng Diyos para kay Joshua na siyang pumalit kay Moses, kung gusto niyang magtagumpay sa pagtupad ng layunin ng Diyos sa kanya:

This Book of the Law shall not depart from your mouth, but you shall meditate on it day and night, so that you may be careful to do according to all that is written in it. For then you will make your way prosperous, and then you will have good success. (Joshua 1:8 ESV)

Walang prosperous new year, walang success for 2022 kung lilihis ka sa salita ng Diyos. At anumang prosperity and success na ‘to must be defined by the Word of God, hindi ng salita o gusto ng tao. Yung comfort na kailangan natin sa salita ng Diyos nanggagaling. Kaya kailangan din ng commitment natin sa Salita ng Diyos. Makikita rin ‘yan sa mahabang sagot sa Question 1 ng Heidelberg Catechism, “What is your only comfort in life and death?” Kung ano ang nakasulat sa salita ng Diyos, kung ano ang ginawa ng Diyos, kung panao tayo niligtas ni Cristo, kung paano tayo nakikipag-isa kay Cristo, kung paano kumikilos ang Diyos para sa ikabubuti ng kanyang mga anak, at kung paano tayo binibigyan ng assurance ng Holy Spirit, at sa pamamagitan niya, he “makes me sincerely willing and ready, henceforth, to live unto him.”

I Remember Your Judgments (Psalm 119:52-54)

May connection ang comfort from the word of God and commitment to the word of God. Ano yung connection na yun? Heto yung pangalawang “remember” (Heb. zakar) sa passage na ‘to, nasa verse 52, “I remember (ESV, think) your judgments from long ago and find comfort” (v. 52 CSB). You can’t find the comfort you need if you will forget the Word of God. Mahalagang alalahanin, mahalagang basahin, mahalagang kabisaduhin.

Paano ito nagbibigay ng comfort? “I remember your judgments from long ago.” Hindi lang ito yung mga utos ng Diyos sa Five Books of Moses o Pentateuch (Genesis to Deuteronomy). Ito ay tungkol sa mga gawa ng Diyos, sa desisyon ng Diyos, sa pagsasakatuparan ng plano ng Diyos, sa pagpaparusa ng Diyos sa mga kaaway nila, sa pagliligtas ng Diyos sa kanyang bayan mula sa pagkaalipin at tiyak na kapahamakan. Remember the Story of God. Kaya laging kailangan nating balik-balikan yung gospel. Sa Bible reading, sa preaching, sa baptism, at sa Lord’s Supper. Yun kasi ang problema sa mga resolutions natin. We make life all about us, at kung ano ang gagawin natin, o magagawa natin. Pero ito unang-una ay tungkol sa Diyos at sa ginawa niya para sa atin.

Kung yun ang primary, wala tayong maipagmamalaki. Magpapasalamat tayo. Ano ang dapat nating ipagpasalamat ngayon? Prayer ‘to, “…O Lord” (v. 52). Hindi ito yung, “Lord, alalahanin mo ang ginawa ko. Eto dapat ang reward ko.” No. Ang sabi niya, “Eto ang ginawa ko, eto ang natagpuan ko, yung comfort na kailangan ko. Salamat sa biyaya mo.” Anumang resolved and determination natin na sumunod sa salita ng Diyos ay hindi kailanman masasayang. Kailangang alalahanin natin ‘yan, lalo na sa panahon ngayon na maraming bumabalewala sa salita ng Diyos.

Kung ganito ang commitment niya sa word of God, ano ang nararamdaman niya sa mga bumabalewala sa salita ng Diyos? “Hot indignation seizes me because of the wicked, who forsake your law” (v. 53 ESV). Hindi lang naiinis na para bang yung videoke kagabi sa kapitbahay, masakit sa tenga. Eto “hot indignation” o “fury” (CSB). Hindi ito galit na directed sa mga tao na yun. Kasi kung alam mo kung ano ang kahihinatnan nila kung mananatili silang unrepentant, nakakaawa ‘yan. Pero eto yung galit dahil sa dishonor to God’s Word. Dahil sa laki ng pagpapahalaga niya sa salita ng Diyos, nakakagalit na yung ibang tao ay ginagawang parang basura ang salita ng Diyos.

What do you feel when you hear news of violence and corruption? Normal na lang, manhid na? O kung nanonood ng movies na may sexual immoralities o violence? Di naman totoo ‘yan, yes, but a depiction of evil, and at times celebration of evil. Kung sino pa ang magnanakaw at mamamatay-tao siya ang hero ng story. Entertainment? We need comfort, not entertainment. We cannot find comfort in celebration of evil. Parents, you are allowing your children to play games, yung nakikipagpatayan sila. Is that good for their soul? Good for you ba yun kung di ka naiistorbo pag busy sila, pero nakakasama naman sa kanila?

So ano ang kailangan nating i-celebrate? Not evil, but the will of God. “Your statutes are the theme of my song during my earthly life” (v. 54 CSB). You sing what is important to you. Songs give us comfort in that way. Totoong comfort siyempre kung ito ay sang-ayon sa Salita ng Diyos. That is why we make sure we pray God’s word, we sing God’s word, we preach God’s word. Hindi yung sentimental lang. Hindi yung sweet and precious promises lang. Comforting yun. Pero dito ano raw yung inaawit niya? “Your statutes” o mga utos ng Diyos. Hindi pala kabigatan ang utos ng Diyos, hindi pala pahirap sa atin, hindi pala kill-joy ang mga utos ng Diyos. Inaawit pala, kung yun ay nakikita mong mabuti at mahalaga sa buhay mo.

Ano ang laman ng puso mo ngayon? Ano ang lumalabas sa bibig mo ngayon? Yung ba ay mga naisin din ng Diyos? O mga sariling hangarin mo lang? Kung ano ang laging pumapasok sa isip mo, kung ano ang lumalabas sa bibig mo, yun ang itinuturing na kayamanan ng puso mo. Sinabi rin ‘yan ni Jesus (Luke 6:45).

I Remember Your Name (Psalm 119:55-56)

Anu-anong bahagi ng salita ng Diyos ang nagbibigay ng comfort sa atin? Lahat! Mga pangako niya (v. 50), mga gawa niya (v. 52), mga utos niya (v. 54). That is why we commit to read thru the whole Bible. Lahat ng bahagi ng Bibliya kailangan natin, dahil lahat ‘yan ay Salita ng Diyos para sa atin. Dahil lahat ‘yan ay expression o kapahayagan kung sino ang Diyos. We need all of God’s Word because we need all of God.

Kaya paano natin dapat basahin ang salita ng Diyos? Sa v. 52, “I remember your judgments.” Dito sa v. 55, yung pangatlong “remember” (Heb. zakar): “I remember your name.” Ang pangalan ng Diyos ay tumutukoy sa lahat-lahat tungkol sa Diyos. Ang Bibliya ay tungkol sa Diyos. Kung babalewalain natin ang Bibliya, binabalewala rin natin ang Diyos. Kung kinakalimutan nating magbasa, kinakalimutan rin natin ang Diyos dahil ito ay sulat niya para sa atin.

Kailan natin kailangan ang Diyos? Hindi lang kapag bagong taon. Kundi sa buong buhay natin. Kaya buong salita ng Diyos ang kailangan natin sa buong buhay natin. “…during my earthly life” (v. 54) sabi ng psalmist na tema ng awit niya ang salita ng Diyos. Alam niyang kailangan niya. Lalo na in times of “affliction” (v. 50), lalo na kung may tumutuligsa sa kanya (v. 51), lalo na sa panahong parang masasama ang naghahari sa bansa (v. 53). Kaya ito yung prayer of commitment niya, “Lord, I remember your name in the night” (v. 55). Hindi lang araw, araw at gabi (Josh. 1:8). Gabi kapag natutulog na ang marami, siya gising pa at ang laman ng isip niya ay ang Diyos. Gabing madilim, ang iba ay nagpapalipas oras na lang, siya Diyos pa rin ang pagbubulayan niya. Gabing madilim, ang ginagawa ng iba ay kasamaan, siya ay buo ang loob sa pagsunod sa Diyos, “…and I obey your instruction. This is my practice: I obey your precepts” (vv. 55-56). Buo ang loob kahit anong panahon, kahit anong mangyari.

Sa kanyang commentary sa passage na ‘to, heto ang tanong ng preacher na si Charles Spurgeon sa atin, “Ang mga iniisip mo ba sa gabi ay puno ng liwanag, dahil puno ng Diyos? Ang pangalan ba niya ang natural na laman ng mga pagbubulay mo ‘pag gabi? Kung ganun, ito rin ang makakaapekto sa umaga at hapon mo. O baka naman punong-puno ang isip mo ng mga panandaliang alalahanin at mga kasiyahan sa mundong ito? Kung ganun, hindi nakapagtataka na hindi ka namumuhay gaya ng nararapat. Walang sinumang tao ang nagiging banal sa tyamba lang.” 

Paano nga naman tayo makapamumuhay nang tulad ng nais ng Diyos, banal na gaya niya, tulad ni Cristo, kung malayo ang Diyos sa isip natin? Paano nga naman mapupuno ng tungkol sa Diyos ang isip natin kung kinakaligtaan naman natin ang mga katangian at gawa ng Diyos? Paano natin matatanggap yung kaaliwan na kailangan natin sa panahon ng kahirapan kung hindi natin pagbubulayan ang mga pangako ng Diyos? At paano natin mapagbubulayan ang mga pangako ng Diyos, at paano natin maaalala ang mga gawa ng Diyos kung hindi natin babasahin ang salita ng Diyos? Paano mo ‘yan babasahin kung hindi mo nakikitang mahalaga ‘yan, at kung wala ka namang commitment na basahin mula Genesis hanggang Revelation?

We all need this resolution, siyempre sa tulong ng Diyos: “Resolved to read all of God’s Word, to pray all of God’s Word, to find comfort in all of God’s Word, and to obey all of God’s Word.” Bakit? Because you need all of God for all of life.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.