[sorry, this sermon’s video and audio are not available]
Introduction
Dapat ay two weeks ago ko pa ipinreach ito sa inyo. Kaso that time, Friday night nagkasakit si Kyrie. Tapos madaling araw ng Saturday ay nag-convulsion siya. First time namin na-experience yun sa mga anak namin. Hindi siya nagrerespond. Natakot kami. Parang nagdedelikado. Kaya nakahanda na kami isugod sa ospital. Umiiyak na rin si Daniel at nagpe-pray kami. “Lord, si Kyrie po!” Nakakaiyak naman talaga. At tuwing maaalala namin ni Jodi yung itsura niya nung time na yun, masakit sa puso talaga. Buti na lang, awa ng Diyos, after a few minutes ay umiyak na. Sobrang taas pala ng lagnat niya. Ang buhay ng anak namin, hindi namin hawak. Hindi namin alam kung hanggang kelan, kung kelan matatapos. Pati ang buhay ng bawat isa sa atin. Pero paalala ito sa amin na maikli lang talaga ang buhay natin, hindi tayo tiyak sa araw-araw kung yun na ba ang huling araw natin. Ayaw nating isipin, sasabihin natin think positive palagi, pero mahalaga ring maipaalala sa atin na may ending ang story natin dito sa mundo. At ang ending na yun ay nakakabit pa rin kay Cristo, tulad ng mga nauna na nating pinag-aralan sa Apostles’ Creed.
Mahalaga ang pag-aaral natin ng Apostles’ Creed hindi lang para mas maunawaan natin kung ano ang pinaniniwalaan natin tungkol kay Cristo at sa kanyang gawa para sa atin. Mahalaga rin ito para masanay tayo kung ano ang ituturo natin sa iba. Si Cristo ang laman ng preaching natin. Kung sino siya—tunay na Diyos at tunay na tao. Kung ano ang ginawa niya—namuhay na matuwid, namatay sa krus para sa ating mga kasalanan, nabuhay na muli para tayo na sumasampalataya sa kanya ay mapatawad sa ating mga kasalanan, maituring na matuwid sa harap ng Diyos, at magkaroon ng buhay sa pakikipag-isa natin kay Cristo. That is the core of the gospel na ibinabahagi natin sa mga tao, at ipinapaalala sa mga kapatid natin kay Cristo.
Pero tulad ng napag-aralan natin last week tungkol sa nagpapatuloy na ginagawa ni Cristo para sa atin sa kanyang pag-upo sa kanan ng Diyos, kailangan ding ipaalala natin sa bawat isa—tayo na mga nag-iistruggle pa sa kasalanan, pinanghihinaan ng pananampalataya dahil sa sari-saring mga pagsubok sa buhay—na si Cristo ay nagpapatuloy na namamagitan sa atin at sa Diyos. Patuloy siyang nagsasalita sa atin sa pamamagitan ng Bibliya at ng Espiritu, nananalangin nang personal para sa bawat isa sa atin, at namamahala sa buhay natin…at sa buong mundo.
Pero mukhang hindi sineseryoso, at tila binabalewala ng napakaraming tao ang pamamahala ni Jesus. Patuloy pa rin sa pagrerebelde sa kanya, patuloy sa pamumuhay na para bang ang hangarin ng bawat tao ang nasusunod, patuloy ang katiwalian sa gobyerno, patuloy ang mga injustices, patuloy na naghahari ang kasamaan at tila natatabunan ang kabutihan. So, in proclaiming the gospel to unbelievers, sasabihin natin sa kanila hindi lang kung ano ang ginawa ni Cristo, kundi kung ano rin ang gagawin niya sa kanyang pagbabalik.
Ganito ang preaching ni apostle Peter kay Cornelius at sa kanyang sambahayan:
Ibinigay ng Diyos ang kanyang salita sa mga Israelita. Ipinahayag niya sa kanila ang Magandang Balita ng kapayapaan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na siyang Panginoon ng lahat! [Remember yung Creed? “And in Jesus Christ, his only Son, our Lord.”] Alam ninyo ang pangyayaring naganap sa buong lupain ng mga Judio, na nagsimula sa Galilea pagkatapos na ipangaral ni Juan ang mensahe tungkol sa bautismo. Alam ninyo ang tungkol kay Jesus na taga-Nazaret at kung paanong pinili siya ng Diyos at pinuspos ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan. Alam din ninyo na pumunta siya sa iba’t ibang dako upang gumawa ng kabutihan sa mga tao at pagalingin ang lahat ng pinapahirapan ng diyablo. Nagawa niya ang mga ito sapagkat kasama niya ang Diyos.Saksi kami sa lahat ng ginawa niya sa lupain ng mga Judio at sa Jerusalem. Siya’y pinatay nila; siya ay ipinako nila sa krus. [Remember the Creed? “Was crucified, died and was buried”] Ngunit siya’y muling binuhay ng Diyos sa ikatlong araw at hinayaang ipakita ang sarili, hindi sa lahat ng tao, kundi sa amin na mga pinili ng Diyos bilang mga saksi na nakasama niyang kumain at uminom pagkatapos na siya’y muling mabuhay. [Remember the Creed? “The third day he rose again from the dead.”] Inatasan niya kaming mangaral sa mga tao at magpatotoo na siya ang itinalaga ng Diyos na maging hukom ng mga buháy at mga patay. (Acts 10:36-42)
“Siya ang itinalaga ng Diyos na maging hukom ng mga buháy at mga patay.” ‘Yan ang dahilan din kung bakit sa six articles ng Christology sa Creed—na sumasalamin sa biblical at apostolic teaching—ay ito ang panghuli: “From whence (heaven) he shall come to judge the living and the dead”; “Mula roon (sa langit) siya ay paparito upang hukuman ang mga buhay at mga patay”; “inde venturus (est) judicare vivos et mortuos.”
Naniniwala tayo dyan, alam nating mangyayari, pero hindi rin natin masyadong pinagbubulayan. Sinabi ni JI Packer na itong pag-asa natin sa pagbabalik ni Cristo ang nagbibigay ng “thrill” o excitement sa mga New Testament Christians. Meron daw three hundred references sa NT tungkol diyan, one every thirteen verses. Pero para sa atin ngayon, hindi siya ganun ka-exciting pag-usapan, at minsa’y kinahihiya pa (Affirming the Apostles’ Creed, chap. 13).
Bakit kaya? Isang posibleng dahilan ay dahil sa negatibong naging epekto nung nauso several decades ago ang mga usapin tungkol sa end times. Kung anu-anong signs ang sinasabi nila, may date-setting pa, saka speculations kung sino ang Anti-Christ. Nagkaroon ng maraming speculations, kaya ngayon parang ayaw nang pag-usapan ng maraming Christians kasi marami nga naman daw tayong hindi alam talaga sa mga detalye ng tungkol sa pagdating ni Jesus. Although medyo nare-revive yung ganyang mga usapin dahil sa pandemic, at yung sinasabi ng iba na itong vaccines daw ay yung 666 sa Revelation. Haynaku!
Pero para sa mas maraming Christians, ang nagiging dahilan ay yung preoccupation sa mga kasalukuyang nangyayari. Concern lang tayo sa future kung immediate future ang pag-uusapan. Kelan kaya matatapos ang pandemic? Okay na kaya next year? At kung second coming ni Christ ang pag-uusapan, parang irrelevant sa marami. Pero ayon nga kay Albert Mohler, mas maiintindihan lang natin yung “present” kung aalalahanin natin yung “past” at sabik na aabangan yung “future.” “This understanding of the future is necessary in order to understand how we can live, how we can love, how we can hope, and how we can be faithful in the present. Both past (the gospel events) and future (the return of Christ) explain the present” (The Apostles’ Creed, p. 123). Ayon naman kay Michael Bird, mahalagang maintindihan natin ang ending ng story. Story ng Bibliya at story ng buhay natin. “It is the end of the story that tells you what the story was really about in the first place” (What Christians Ought to Believe, chap. 11).
Masyado tayong pre-occupied with the present, masyado tayong nakatingin sa mga bagay sa mundong ito ngayon. Dapat, ayon kay Paul, “sikapin ninyong makamtan ang mga bagay na nasa langit kung saan naroon si Cristo na nakaupo sa kanan ng Dios. Doon ninyo ituon ang isip nʼyo, at hindi sa mga makamundong bagay…Si Cristo ang buhay ninyo, at kapag dumating na ang panahon na nahayag na siya, mahahayag din kayo at makikibahagi sa kapangyarihan niya at karangalan” (Col. 3:1-2, 4 ASD). Kung maalala ninyo, dito sa passage na ‘to ako nagtapos sa sermon tungkol sa pag-akyat ni Jesus sa langit at pag-upo sa kanan ng Diyos. At nakapaloob din dito ang tungkol sa kanyang muling pagbabalik, “kapag dumating na ang panahon na nahayag na siya,” “when Christ who is your life appears.”Babalik si Cristo, makikita natin siya.
To help us reflect and pay attention sa pagbabalik ni Cristo, sagutin natin ang mga tanong na ito:
- Kailan siya babalik?
- Paano siya babalik?
- Sino ang babalik?
- Ano ang gagawin niya sa kanyang pagbabalik?
- Ano ang dapat nating gawin habang hinihintay natin ang kanyang pagbabalik?
Notice na ang focus ng pag-uusapan natin ay nakay Cristo.
Kailan siya babalik?
Unang tanong, “Kailan siya babalik?” Ang sagot, hindi ko alam. Ni wala ngang nakakaalam kahit sino. Pati nga si Jesus, in his human nature of course, hindi alam. Heto ang sabi niya, “Ngunit tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit o maging ang Anak man. Ang Ama lamang ang nakakaalam nito” (Mat. 24:36). Siyempre merong mga signs na binigay ang Panginoon, pero yung iba naman kasi masyadong nagiging preoccupied sa pagtingin sa mga signs: “Ayun maraming lindol, malapit na! Ayan may pandemic, malapit na talaga!” But, keep in mind, “hindi ninyo alam kung kailan darating ang inyong Panginoon…darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan” (vv. 42, 44). At kung meron mang mga palatandaan na nakikita natin, dapat ipaalala natin sa sarili natin na malapit na siyang dumating, “kapag nakita ninyo ang lahat ng ito, malalaman ninyong malapit na siyang dumating, halos naririto na” (v. 33). Sasabihin naman ng iba, “Bakit noon, sinasabi nila na malapit na, e ngayon nga wala pa rin?” Ibig lang sabihin, kung noon ay pwedeng sabihing malapit na, e di lalo na ngayon!
Paano siya babalik?
Hindi man natin alam ang eksaktong petsa, at hindi naman yun pinaalam sa atin o kaninuman, ang mahalaga alam natin na siguradong babalik siya. Kaya heto ang ikalawang tanong, “Paano o sa anong paraan siya babalik?” Sabi sa Apostles’ Creed, “From whence…” o “mula roon…” Mula sa langit, bababa siya. Kung paanong umakyat siya sa langit physically, at nakita ng iilan, babalik rin siya physically, at makikita siya ng lahat. Sabi ng mga anghel sa mga disciples niya nung hindi na nila nakita siya Jesus, “Itong si Jesus na umakyat sa langit ay magbabalik gaya ng nakita ninyong pag-akyat niya” (Acts 1:11).
Ang Diyos ay invisible dahil siya ay spirit. Pero dahil ang Anak ng Diyos ay nagkatawang-tao, at nanatiling tao sa kanyang pag-akyat sa langit, at nananatiling tao hanggang ngayon, at mananatiling tao sa kanyang pagbabalik hanggang sa walang hanggan, kaya makikita siya face to face. Ngayon, we see him through the eyes of faith. Sa araw na yun, “when he appears…we shall see him as he is” (1 John 3:2). Ito yung ating “blessed hope, the appearing of the glory of our great God and Savior Jesus Christ” (Tit. 2:13). Kung ngayon, maraming tao ang hindi pumapansin sa kanya, araw-araw ang lumilipas at sobrang abala ng mga tao, ni hindi sumasagi sa isip nila ang Panginoong Jesus, sa araw na yun, hindi na nila pwedeng balewalain si Jesus. Sabi sa Nicene Creed, “And he shall come again, with glory, to judge the living and the dead; whose kingdom shall have no end.” Kung ngayon, ang liit at ang baba ng tingin ng mga tao kay Jesus, sa araw na yun, wala nang ibang maitatanghal maliban sa kanya.
Heto ang sagot ng Westminster Larger Catechism sa Question 56, “How is Christ to be exalted in His coming again to judge the world?”: “Christ is to be exalted in His coming again to judge the world, in that He, who was unjustly judged and condemned by wicked men, shall come again at the last day in great power, and in the full manifestation of His own glory and of His Father’s, with all His holy angels, with a shout, with the voice of the archangel, and with the trumpet of God, to judge the world in righteousness.” Si Jesus mismo ang nagsabi tungkol sa kanyang pagbabalik, “Sa maluwalhating pagdating ng Anak ng Tao, kasama ang lahat ng anghel, uupo siya sa kanyang trono ng kaluwalhatian” (Matt. 25:31). Itong “Son of Man” ay may allusion hindi lang sa pagiging totoong tao ni Jesus, kundi sa “son of man” na itinalaga ng Diyos na maghari sa lahat sa book of Daniel, “Binigyan siya ng kapamahalaan, ng karangalan at ng kaharian upang paglingkuran siya ng lahat ng tao sa bawat bansa at wika. Ang pamamahala niya ay hindi magwawakas, at ang kanyang kaharian ay hindi mawawasak” (Dan. 7:14).
Sino ang babalik?
Sa araw na yun, makikilala siya ng lahat ng tao. Pero kung ngayon ay hindi mo pa talaga siya kilala o kinikilala, wag mo nang hintayin ang araw na yun bago mangyari yun, bago maging huli na ang lahat. Ngayon pa lang kilalanin mo na siya. Yun ang mas mahalagang tanong para sa ating lahat. Hindi yung kailan o paano siya babalik, kundi, “Sino ang babalik?” Kilala mo ba siya?Heto ang ilan sa mga pangalang ibinigay sa kanya sa Revelation 19:
Faithful and True. Heto ang vision na ipinakita ng Diyos kay apostle John, “Pagkaraan nito’y nabuksan ang langit, at nakita ko ang isang kabayong puti. Ang sakay nito’y tinatawag na Tapat at Totoo, sapagkat matuwid siyang humatol at makipagdigma” (v. 11). Totoo ang lahat ng salita niya, tapat siya na tutuparin ang pangako niya na ililigtas ang mga sumasampalataya sa kanya, at ang warning niya na hahatulan o paparusahan ang mga hindi sumasampalataya sa kanya. Seryoso siya, hindi siya nagbibiro sa mga sinabi niya.
The Word of God. “Basang-basa sa dugo ang kanyang kasuotan at ang tawag sa kanya ay ‘Salita ng Diyos’” (v. 13). Ganyan din ang tawag sa kanya sa John 1:1. Hindi lang basta ang salita niya ay ayon lahat sa salita ng Diyos, siya mismo ang Salita ng Diyos. Kung sino ang Diyos, yun din siya. Sa pamamagitan niya nahayag kung sino ang tunay na Diyos. Sa pamamagitan niya lamang makikilala natin ang Diyos.
King of kings and Lord of lords. “Nakasulat sa kanyang kasuotan at sa kanyang hita ang ganitong pangalan: ‘Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon’” (Rev. 19:16). Ganyan siya lubusang itinaas ng Diyos, mula sa kanyang muling pagkabuhay, hanggang sa kanyang pag-upo sa kanan ng Diyos, hanggang sa kanyang pagbabalik upang maghari sa lahat. Ibinigay sa kanya ng Diyos ang pangalang higit sa lahat ng pangalan, lahat ng tuhod sa kanya ay luluhod, lahat ng labi ay magsasabing, “Jesus Christ is Lord” (Phil. 2:9-11).
Ano ang gagawin niya sa kanyang pagbabalik?
Kasama sa pagiging Hari at Panginoon ang kapangyarihan ng paghatol na ibinigay ng Ama sa Anak. Listen to Jesus, “…ibinigay na niya sa Anak ang buong kapangyarihang humatol” (John 5:22). Ano raw ang gagawin niya sa araw na yun? Heto pa, “Binigyan niya ang Anak ng kapangyarihang humatol, sapagkat siya ang Anak ng Tao. Huwag ninyo itong pagtakhan, sapagkat darating ang oras na maririnig ng mga patay ang kanyang tinig at sila’y babangon. Lahat ng gumawa ng kabutihan ay babangon patungo sa buhay na walang hanggan, at lahat ng gumawa ng kasamaan ay babangon patungo sa kaparusahan” (vv. 27-29). “To judge the living and the dead,” sabi ng Creed. Ibig sabihin, kung sino ang nadatnang buhay sa araw na yun, at yung mga namatay na ay muling bubuhayin para humarap sa paghatol ni Cristo. “Sapagkat lahat tayo’y haharap sa hukuman ni Cristo at tatanggap ng nararapat ayon sa ating mga gawang mabuti o masama, nang tayo’y nabubuhay pa sa katawang ito” (2 Cor. 5:10). Ito rin ang nakasaad sa Westminster Confession of Faith:
God hath appointed a day, wherein He will judge the world in righteousness by Jesus Christ, to whom all power and judgment is given of the Father. In which day, not only the apostate angels shall be judged; but likewise all persons, that have lived upon earth, shall appear before the tribunal of Christ, to give an account of their thoughts, words, and deeds; and to receive according to what they have done in the body, whether good or evil. (33.1)
Ngayon hindi mo alam kung sino ang tunay na sumasampalataya kay Cristo. Baka nga meron sa mga members natin o kasama natin ngayon na akala natin ay kay Cristo, pero sa araw na yun ay malalantad kung totoo nga ba ang profession of faith ng isang tao. Dahil si Cristo ay Diyos na nakakaalam ng lahat ng nasa puso ng tao, kilala niya kung sino ang tunay na sa kanya, at sa araw na yun magiging obvious din sa lahat:
Tipunin sa harapan niya ang lahat ng mga bansa at sila’y kanyang pagbubukud-bukurin, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga kambing. Ilalagay niya sa kanyang kanan ang mga tupa, at sa kaliwa naman ang mga kambing. Kaya’t sasabihin ng hari sa mga nasa kanan niya, “Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok kayo at tanggapin ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang daigdig”… Sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, “Lumayo kayo sa harapan ko, kayong mga isinumpa! Doon kayo sa apoy na di namamatay na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon” (Mat. 25:32-34, 41).
Ang paghatol na ito ay may paghihiwalay, oo. Pero mas malaki pa ang nakasalalay dito. If we are in Christ, truly in Christ, this is wonderfully good news. Napakalaking blessing na mapapabilang tayo sa kaharian ng Diyos for all eternity! Ano pang good news ang mas iinam pa diyan? Pero ito rin ay terribly bad news para sa mga unrepentant. Sabi ni Michael Horton:Our Redeemer’s ascension and reign at the Father’s right hand is not only good news for believers in their trials; it is bad news for the unrepentant. Raising the subject of judgment is a difficult business in any period. It is especially challenging during this time when the church has vacillated between the extremes of a self-righteous spirit of judgmentalism and utter silence about the reality of the wrath to come. (What We Believe, 145).
Ano ang dapat nating gawin habang hinihintay natin ang kanyang pagbabalik?
Be watchful. Well, implied sa question na ‘to na dapat tayong maghintay. Hindi yung paghihintay na passive lang, but actively waiting. Kaya nga hindi niya pinaalam ang eksaktong petsa ng pagdating niya. Kaya nga yung paghihintay na gagawin natin ay yung pagbabantay o pagmamatyag na sinasabi ni Cristo, “Kaya’t maging handa kayo dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang inyong Panginoon” (Mat. 24:42, 44). Kaya sabi rin sa Westminster Confession of Faith:
As Christ would have us to be certainly persuaded that there shall be a day of judgment, both to deter all men from sin, and for the greater consolation of the godly in their adversity: so will He have that day unknown to men, that they may shake off all carnal security, and be always watchful, because they know not at what hour the Lord will come; and may be ever prepared to say, Come, Lord Jesus, come quickly. Amen. (33.3)
Si apostle Peter ganun din, “Kaya nga, ihanda ninyo ang inyong mga isipan para sa dapat ninyong gawin. Maging mahinahon kayo at lubos na umasa sa pagpapalang tatamuhin ninyo kapag nahayag na si Jesu-Cristo” (1 Pet. 1:13). Kung yung mga boy scouts nga ang motto, “Laging handa!” bakit tayong mga Cristiano ay hindi tularan yun kung ang pinakamahalagang inaabangan natin ay ang pagbabalik ni Cristo (J. I. Packer)—maliban na lang kung meron pa tayong inaabangan na mas mahalaga diyan. Pwede mo namang asahan ang mga magagandang bagay in the future—na magkaroon ka na ng passport o visa, o maka-graduate ng college, o makapag-asawa, o magka-anak, o makuha ang retirement benefits. Pero, sabi nga ni Michael Bird, “our deepest longings should be for the return of the bridegroom to take us, his bride, into his home. For where our deepest longings are, there our heart is also.”
Repent and believe. At kung hanggang ngayon, hindi pa ‘yan ang naisin ng puso mo, dapat lang na magsisi ka’t talikuran ang mga kasalanan mo at sumampalataya kay Cristo. Wala nang ibang dapat maging tugon ang tao kung malaman niyang na merong naka-fix na araw na hahatulan ng Diyos ang lahat sa pamamagitan ni Cristo (Acts 17:30-31). Sa araw na yun, “not guilty, forgiven, perfectly righteous” ang magiging verdict ng lahat ng sumasampalataya kay Cristo (Acts 10:43).
Find comfort in his return. If you are a believer, napaka-comforting ng doctrine na ‘to. Hindi yung expectation natin na mawawala na ang pandemic, o gaganda na ang business, o magiging maayos na ang relasyon natin sa pamilya ang ultimate source of our comfort. Remember Question 1 ng Heidelberg Catechism? “What is your only comfort in life and in death?” Sagot? “That I, with body and soul, both in life and death, am not my own, but belong unto my faithful Savior Jesus Christ.” Sa Question 52 naman, related din dun, “Anong kaaliwan ang idinudulot sa iyo na ‘muling babalik si Cristo upang hatulan ang mga buhay at ang mga patay’”? Sagot?
Sa lahat ng aking kapighatian at kahirapan ay tumitingala ako at may pananabik akong naghihintay sa Hukom na mula sa langit na siya rin namang nagpasa-ilalim sa kahatulan ng Diyos alang-alang sa akin, at nag-alis ang lahat ng sumpa mula sa akin. Itatapon Niya ang lahat ng Kanyang kaaway at aking kaaway sa walang hanggang kaparusahan, ngunit ako at ang lahat ng Kanyang hinirang ay daldalhin Niya sa Kanyang presensiya sa kagalakan at kaluwalhatian ng langit.
Ang pagdating ni Cristo ay isang katapusan—katapusan ng suffering, katapusan ng depression, katapusan ng cancer, katapusan ng kalungkutan, katapusan ng pagkakasala. Ang pagdating ni Cristo ay siya ring isang pasimula—pasimula ng di-magtatapos na papuri sa Diyos, pasimula ng “perfect communion with God,” pasimula ng nag-uumapaw at walang katapusang kagalakan sa piling ng Diyos. “In short, the beginning of the joyful end that never ends” (Kevin DeYoung, The Good News We Almost Forgot, Chap. 19). Ito ang ipapaalala natin sa sarili natin sa tuwing nalulungkot, nanghihina at nawawalan tayo ng pag-asa. “Therefore,” tulad ng sabi ni Paul, “encourage one another with these words” (1 Thess. 4:18).
Pursue holiness. “Ngunit ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na, kaya kayo’y magpakatino at magpigil sa sarili alang-alang sa inyong mga panalangin” (1 Pet. 4:7 AB). Kung ang panalangin natin ay bumalik na si Jesus, kaakibat din nun ang pakikipaglaban natin sa kasalanan. Ang pagbabalik ni Jesus ang dagdag na motivation natin para labanan ang panonood o pag-iisip ng malaswa, talikuran ang maling relasyon, huwag nang magsayang ng oras sa mga bagay na walang katuturan, pigilan ang sarili sa paggastos nang sobra-sobra at maging masaya sa pagbibigay generously and sacrificially sa church at sa ibang tao na nangangailangan.
Gather with the church regularly. “Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa’t isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng Panginoon” (Heb. 10:24-25). Wag gawing bisyo ang pag-absent, o pagdalo nang paminsan-minsan lang, o kapag kumportable lang, o kapag walang masyadong ginagawa. And please, don’t miss the Lord’s Supper every last Sunday of the month during our evening service. Kapag hindi mo ‘yan pinapahalagahan—at mas mahalaga pa sa ‘yo ang birthday parties, o lakad ng barkada, o family time—sinasabi mo ring hindi mahalaga ang muling pagbabalik ni Jesus. “Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kopang ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang muling pagparito” (1 Cor. 11:26).
Preach the gospel to all nations. Bago bumalik si Cristo, ito ang kailangang mangyari, “Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balitang ito tungkol sa kaharian ng Diyos upang magsilbing patotoo sa lahat ng mga bansa. At saka darating ang wakas” (Matt 24:14). Hindi darating si Cristo, hangga’t hindi pa naaabot ang lahat ng lahi sa buong mundo ng Magandang Balita ni Cristo. That is why we preach the gospel, that is why we make disciples, that is why we plant churches, that is why we help unhealthy churches, that is why we partner with other gospel-centered churches, that is why we send missionaries, that is why give more to missions, that is why we mobilize churches for missions, that is why we give our lives for the Great Commission.
Kung sinasabi mong nasasabik ka sa pagbabalik ni Cristo, ngunit hindi ka naman nagse-share ng gospel, o hindi ka man lang tumutulong sa mga ministries ng church, o paminsan-minsan ka lang umaattend sa church, o mas mahalaga pa sa ‘yo ang mundo kesa mamuhay sa pagsunod kay Cristo, you are contradicting yourself. Wala nang kaabang-abang kaysa sa muling pagparito ng Panginoong Jesus.
Let me end with these words from Albert Mohler tungkol sa pagbabalik ni Jesus:
The fact that Christ is coming “whence to judge the quick and the dead” tells us that we are not going to have our best life now, nor should we look for it. For those who have their best life now are going to face a very different life in the age to come. We sing, we read Scripture, we share the gospel, we preach the Word against the backdrop of the coming kingdom. We can eat, drink, serve, and sleep with confidence only because we have assurance that we know the future. That future is Jesus Christ, and we are safe in him. (The Apostles’ Creed, p. 132).