“Ganun ba Talaga Kahalaga ang Church?”
Ang mga churches ngayon ay humaharap sa maraming mga mahihirap na isyu. Maaaring isa ka sa mga nag-iisip kung sulit ba ang mag-commit sa isang local church.
Ang librong ito ay napapanahong paalala na ang church ay hindi lang basta isang livestream—ito ay isang essential fellowship ng mga miyembro ng pamilya ng Diyos na isinusulong ang misyon ng Diyos.
Tungkol sa mga Sumulat

Si Jonathan Leeman (PhD, University of Wales) ang editorial director para sa 9Marks at cohost ng The Pastors’ Talk podcast. Siya rin ay sumulat o nag-edit ng higit sa isang dosenang mga libro at nagtuturo sa ilang mga seminaryo.
Nakatira si Jonathan kasama ang kanyang asawa at apat na mga anak na babae sa isang suburb sa Washington, DC, at naglilingkod bilang isang elder sa Cheverly Baptist Church. Pwede mo siyang i-follow sa Twitter @jonathanleeman.

Si Collin Hansen (MDiv, Trinity Evangelical Divinity School) ay naglilingkod bilang vice president of content at editor in chief para sa The Gospel Coalition. Siya rin ang host ng Gospelbound podcast at kasama sa sumulat ng Gospelbound: Living with Resolute Hope in an Anxious Age.
Naglilingkod siya bilang isang elder para sa Redeemer Community Church sa Birmingham, Alabama, at kabilang sa advisory board ng Beeson Divinity School. Pwede mo siyang i-follow sa Twitter @collinhansen.
Mga endorsement

“Hindi na pwedeng balewalain ulit ang church; gustong matutunan ng henerasyong ito kung bakit natin ginagawa ang mga ginagawa natin. Mahusay na nakonekta nina Hansen at Leeman ang biblikal na katuruan sa karanasan sa totoong buhay para mailahad ang isang manifesto kung ano ang dapat makita sa church ngayon…Ito ay isang libro na dapat basahin at pag-usapan ng church n’yo.”
Mack Stiles, misyonero at dating pastor sa Middle East; sumulat, Evangelism

“Napapanahon talaga ang librong ito, lalo na sa ngayon na marami ang nalilito at nadidismaya tungkol sa essential na pangangailangan para sa local church. Nagbigay si Hansen at Leeman ng isang logical, practical, biblical, at basic na pagkakaunawa sa bahaging ginagampanan ng church sa buhay ng isang mananampalataya…”
Miguel Núñez, Senior Pastor, International Baptist Church of Santo Domingo, Dominican Republic
Kailangan mo ba ang church?

Naglalayon ang librong ito na matulungan kang madiskubre ulit ang church. O baka nga makatulong ito para madiskubre mo sa unang pagkakataon kung bakit nais ng Diyos para sa ‘yo na gawing priority ang pakikipagtipon at pagko-commit ng sarili mo sa local church.

Get this for as low as 179 pesos (for orders of 10 or more) via our Shopee store. You can also use this order form.