Paano tayo dapat mag-decide kung ano ang kabilang o hindi sa isang Christian worship service?

Para sa ilang Christians, ang sagot sa tanong na ito ay obvious na obvious: “Binigyan tayo ng Diyos ng kalayaan na sambahin Siya sa kahit na anong paraan. Gagawin natin dapat kung ano man ang leading ng Holy Spirit sa atin—ayaw naman nating hadlangan siyempre ang pagkilos Niya!”

Pero paano kung may isang taong gustong sambahin ang Diyos sa pamamagitan ng pagyuko sa isang imahen naglalarawan ng Diyos? Okay, so marahil mayroong mga ilang bagay na hindi natin dapat ginagawa sa ngalan ng pagsamba, tulad ng kasalanan. Pero ibig sabihin ba nito na hangga’t hindi tayo nagkakasala, pwede na nating sambahin ang Diyos sa kahit anong gusto natin?

Hindi sa ganun. Ipinapakita ng Bible na sa ating corporate worship, kailangang gawin lamang ng mga Kristiyano ang mga bagay na malinaw na ipinapagawa ng Diyos sa atin, sa pamamagitan man ito ng direktang utos o implikasyon ng isang prinsipyo sa Bibliya.

  • Alam natin ‘to: ang Diyos lamang ang may karapatang magsabi kung paano Siya dapat sambahin (Lev. 10:1-3; John 4:20-26; 1 Cor. 14). Hindi lamang ipinagbabawal sa ikalawang utos ang pagsamba sa ibang bagay maliban sa nag-iisang tunay na Diyos. Kasali din dito ang pagsamba sa nag-iisang tunay na Diyos sa kaparaanang hindi niya iniutos (Ex. 20:2-6).
  • Alam natin ‘to: ang pananampalataya ay isang tugon na nagpapakita ng paniniwala sa kung ano ang ipinahayag ng Diyos (revelation), at kung ano ang hindi nagmumula sa pananampalataya ay kasalanan (Rom. 14:23). Kaya nga, hindi tatanggapin ng Diyos ang kahit anong pagsamba na hindi nagpapakita ng paniniwala sa kung ano ang ipinahayag ng Diyos (revelation).
  • Alam natin ‘to: may tagubilin ang New Testament sa mga Kristiyano na magtipun-tipon nang regular (Heb. 10:25), at ang mga Kristiyano ay hindi dapat obligahin na sundin o gawin ang mga patakaran at gawaing gawa lang ng tao (Col. 2:16-23). At dahil dito, anumang church na nagtuturo sa mga Christians na dapat nilang gawin ang mga bagay na hindi naman malinaw na iniutos ng Diyos ay lumalabag naman sa utos ng Diyos sa pamamagitan ng paggapos ng mga konsensya ng mga Kristiyanong ito. Sa madaling salita, dahil ang mga konsensya ng mga Kristiyano ay dapat na malaya mula sa mga human requirements, walang iglesiya ang may karapatang gawin ang sama-samang pagsamba o corporate worship sa kaparaanang hindi Niya ipinag-uutos o walang sapat na batayan sa Bibliya.

Paano ngayon tayo magde-decide kung ano ang kabilang o hindi sa isang Christian worship service? Suriin natin ang Bible para madiskubre ang sinabi ng Diyos kung ano ang dapat gawin ng mga Kristiyano kapag sila ay nagtitipon. Tapos gawin natin ang lahat ng bagay na sinabi ng Diyos at wala nang iba.

(Some of this material has been adapted from Ligon Duncan’s chapter, “Does God Care How We Worship?”, in Give Praise to God: A Vision for Reforming Worship, ed. Philip Graham Ryken, Derek W.H. Thomas, and J. Ligon Duncan, III [Phillipsburg: P&R Publishing Co., 2003], pages 20-50)


Translated from the original article by 9Marks, “How should we decide what does or does not belong in a Christian worship service?”, by Gab Nacu.

Photo by Tyler Callahan on Unsplash

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.