“Paradoxes” (Tagalog)

O DIYOS NA DI-NAGBABAGO,
Ayon sa pag-udyok ng iyong Espiritu natututunan ko na
habang mas marami akong ginagawa, mas malala pala ang lagay ko,
habang mas marami akong nalalaman, mas marami pala ang hindi ko alam,
habang mas lumalago ako sa kabanalan, mas malaki pala ang kasalanan ko,
habang mas lumalalim ako sa pag-ibig, mas marami pa pala akong dapat mahalin.
Kay saklap ng aking kalagayan!

O Panginoon,
taglay ko ang isang mabangis na puso,
at hindi ako makatatayo sa iyong harapan;
para akong isang ibon sa harap ng isang tao.
Napakaliit ng pag-ibig ko sa iyong katotohanan at pamamaraan!

Pinapabayaan ko ang panalangin,
sa pag-iisip na ang panalangin ko’y sapat at marubdob na,
sa pag-alala na iniligtas mo na ang aking kaluluwa.

Sa lahat ng mga mapagkunwari, huwag mong itulot
na sa ebanghelyo mo ako’y magpaka-hipokrito,
na dahan-dahan sa paggawa ng kasalanan dahil mayaman naman ang biyaya mo,
na sinasabi sa kanyang mga kahalayan na ang mga iyon ay nilinis na ng dugo ni Cristo,
na nagdadahilan na hindi siya itatapon sa impiyerno, dahil ligtas na,
na nagmamahal sa pangangaral ng ebanghelyo, sa mga iglesya,
sa ibang mga Cristiano, pero kabanalan nama’y hindi nakikita.

Ang isip ko ay parang isang timba na ilalim ay butas,
walang espirituwal na pang-unawa,
walang naisin para sa Araw ng Panginoon,
nag-aaral nga pero hindi naman nasusumpungan ang katotohanan,
nasa tabi ng balon ng ebanghelyo pero hindi naman sumasalok ng tubig nito.

Konsensiya ko’y mahina ang paninindigan,
hirap na aminin at talikdan ang kasalanan.
Kalooban ko’y marupok at hirap magpasya.
Puso ko’y nagiging manhid, tadtad ng butas.
Isip ko’y madaling makalimot,
kay daling mawaglit mga aral na natutunan.

Bigyan mo ako ng durog at mapagpakumbabang puso
upang sa pag-uwi’y dala-dala ang tubig ng biyaya mo.


Translation of “Paradoxes,” The Valley of Vision: A Collection Puritan Prayers

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.