Abraham Part 3 – Prosperity and Conflict (Gen. 13)

Introduction: From Egypt Back to Canaan (Gen. 13:1-4)

We often blame life’s circumstances sa mga kasalanan at pagkukulang natin. Kung nanlalamig ang relasyon natin sa Diyos, at tila nalalayo tayo sa kanya, sinasabi natin, “Busy lang kasi. Kapag medyo nakaluwag-luwag na.” Kapag nagkakaproblema tayo sa relasyon sa pamilya o sa ibang tao, we make excuses, “Siya kasi. Masakit yung ginawa niya sa akin.” Hindi natin pwedeng isisi sa hirap ng kalagayan sa buhay kung bakit malamig ang relasyon natin sa Diyos o kaya naman ay patuloy na meron pa ring mga conflicts with family members o mga kasama sa church na hindi pa rin nareresolba. It’s about how we respond sa mga nangyayari sa buhay natin, panahon man ng kahirapan o kasaganaan. Kapag naging maayos na ba ang lahat, makakasunod ka na ba perfectly sa Panginoon? Hindi naman, di ba?

So, anuman ang kalagayan natin sa buhay, ang panawagan sa atin ng Diyos ay magtiwala at sumunod sa kanya. “Trust and obey, there is no other way, to be happy in Jesus, but to trust and obey.” Kaso nasusubok tayo kung nasaan ang tiwala natin, nasa Diyos ba o baka nandun sa mga idols na pinagbabasehan natin ng security natin, tulad ng trabaho, pamilya, o kayamanan. Nasusubok din kung ano ang susundin natin, yun bang kalooban ng Diyos o yung sariling dikta ng puso natin. We struggle everyday, we have to learn that everyday as God matures our faith in our Christian journey.

Tulad din ng paglalakbay sa pananampalataya ng ating amang si Abraham. Sa kuwentong pinag-aralan natin last week, sa Genesis 12, narinig natin kung gaano kalaki ang mga pangako ng Diyos sa kanya – great name, great nation, great blessing. Hindi lang para sa kanya, kundi para sa buong mundo. Nagtiwala siya, sumunod siya. Pumunta siya sa lupaing sinabi ng Diyos, sa Canaan, kahit hindi pa niya alam ang naghihintay sa kanya dun. Pero agad na nasubok ang tiwala niya sa Diyos, dahil sa matinding taggutom. Pumunta siya sa Egipto. Dinaan niya sa sariling diskarte at pamamaraan niya. Ayun tuloy nalagay sa peligro ang asawa niya nang makuha ng hari ng Egipto. Pero dahil ang Diyos committed to his word, siya ang gumawa ng paraan, para palayain sila. But in spite of Abram’s foolishness, pinagpala pa siya. Dahil yun sa pangako ng Diyos. Sabi niya kasi, “I will bless you.” Kasama sa blessings na yun yung mga material possessions na na-accumulate niya sa Egypt, na maaaring masabi nating ill-gotten wealth dahil nakuha niya yun dahil sa panloloko.

Naging napakayaman nga ni Abram. Sabi sa Genesis 13:2, “very rich” daw siya. Yung salitang “rich” ay kapareho ng “severe” sa paglalarawan ng famine sa Genesis 12:10. Pero dito merong “very,” nagkaroon ng reversal of fortune, sasabihin natin. Mas napabuti pa siya ngayon. Maraming hayop, pilak at ginto (13:2). Pero wag na wag nating sasabihin na komo materially prosperious tayo ay ginagawa na natin ang kalooban ng Diyos. Minsan, dahil sa sarili lang nating diskarte, dahil sa kalokohang tayo rin ang maygawa. At kahit naging mayaman siya, how can he enjoy that wealth kung siya ay outside of God’s will, at nakuha niya yun sa Egipto, hindi sa lupa na ibibigay ng Diyos sa kanya.

So, babalik at babalik ka rin. Bumalik siya, kasama ang asawa niya sa Canaan (13:1). That’s a picture of repentance, nagbalik-loob kumbaga. Ang Egipto ay matatawag na isang lugar ng unbelief, idolatry, at disobedience. At yung promised land naman ay place of trust, worship, and obedience. Mula sa Egypt, nagtungo sila sa Negeb, southern portion ng Canaan, yung huling narating niya sa journey niya sa Canaan (Gen 12:9).

Totoong mayaman, napakayaman na ni Abram at this point. Pero hindi yun ang pinakaimportanteng identity niya. Ni wala pa nga siyang sariling lupa o tirahan. Isa siyang pilgrim, naglalakbay, walang permanenteng tirahan. Naka-tent! Mula sa Negeb, naglakbay sila pahilaga patungo sa lugar na nasa gitna ng Bethel at Ai (13:4). Dyan na rin siya nagstay nung una (12:7-8). Nagtayo ng altar, at tumawag sa pangalan ng Panginoon (v. 8). Yung una niyang naipundar na isang piece of architecture ay hindi sariling bahay, kundi dambana para sa pagsamba sa Diyos. Yun ang pinakaimportanteng identity niya, a worshiper of God. Pagbalik niya, andun pa rin ang altar, marka ng kanyang pilgrimage, “And there Abram called upon the name of the Lord” (13:4).

You are a worshiper. All people are. In Egypt, wala siyang itinayong altar, he bowed down to his own gods. Tumawag sa ibang pangalan, sa pangalan ni Pharaoh, o sa sarili niyang pangalan. Pero no matter how far we have fallen, babalik at babalik tayo sa pagsamba sa Diyos. Yung iba dahil sa sobrang hiya o kahihiyan dahil sa nagawang kasalanan, nahihiya nang bumalik. Pero kung anak ka ng Diyos, saan ka pa pupunta? Gaano man kalayo ang naging detour mo, may babalikan ka. God wants all of us to come home. Hindi mo maeenjoy anumang dami ng material blessings na meron ka ngayon, kung wala sa ‘yo yung pinakamahalagang Blessing, ang Diyos mismo.

But it doesn’t mean na kapag bumalik tayo ay magiging madali na ang lahat. Magiging maayos ang relasyon sa pamilya, mawawala na ang mga problema o conflicts sa relationships. No.

Abram and Lot’s conflict (Gen. 13:5-7)

Mayaman si Abram, marami na siyang mga alagang hayop at mga tauhan. Balik-loob din siya sa Diyos, back to trusting God again. Mukhang all is well sa buhay niya. At itong si Lot, naging mayaman din (13:5). Hindi tayo sure kung kasama si Lot pagpunta sa Egypt o naiwan sa Negeb. Pero ang mahalaga, mapapansin nating totoong dumadaloy ang pagpapala sa mga may ugnayan kay Abram, tulad ng pangako ng Diyos, “You will be a blessing. I will bless those who bless you” (12:2-3). Itong si Lot, tupa, kambing, baka, tolda, marami na rin. Kailangan siyempre ng mas malaking lupain. E konti lang naman ang tubig sa lugar na yun, unlike sa Egypt, so hindi pwedeng magsiksikan sila sa isang lugar. “Hindi sila maaaring manirahan sa iisang lugar. Ang pastulan ay hindi magkakasya sa kanila” (13:6 ASD). The more the merrier? Depende, kung siksikan na at limited resources, at mainitin na ang ulo ng mga kasama, conflicts are inevitable. Nag-aaway-away na ang mga tagapag-alaga ng hayop (v. 7). And take note, hindi lang sila ang nandun sa lupaing yun. Yung mga natives noon – Canaanites at Perizzites – nandun din. Maiintindihan mo pa kung magkaroon ng conflicts sa mga tao dun, and later on sa history ng Israel, talagang makikipaglaban sila diyan, but before that, dapat harapin ang conflicts sa loob. At mas mahirap na conflict ay yung sa isang pamilya. Siguro pinagsasabihan din sila nina Abram at Lot, pero wala pa rin, tuloy pa rin ang away.

Like sa church. Yes, we want to bless one another. Kasi one family tayo. Pero siyempre minsan hindi maiiwasan magkakaroon ng mga conflicts na may kinalaman sa pera, sa business transactions, sa utang na hindi pa bayad (though we discourage ang utangan kasi talagang magnet yan ng conflicts). Or maybe sa mga salita na nakaoffend. O kasalanang nagawa sa iba. May conflicts na mangyayari. Hindi pwedeng wala kung bahagi tayo ng isang pamilya. Hangga’t may kasalanan pa. Hangga’t nahihirapan pa tayo na tanggapin din ang mga differences natin, sa personalities, backgrounds, spiritual maturity. The more important question is no “how can we avoid conflict?”, but “how do we respond in ways na consistent sa gospel, in ways na nagpapakita na ang security natin ay nasa identity natin kay Cristo wala sa kayamanan o sasabihin ng ibang tao, in ways na reflection ng Christlikeness”?

Paano magrerespond si Abram? Sa taggutom nasubok ang faith niya. Sa prosperity masusubok din ang faith niya. In times of conflicts – mayaman man o mahirap – masusubok ang faith natin. Paano tayo magrerespond? Si Abram mas matanda siya, at sa kanya ibinigay ng Diyos ang lupain. Ipaggigiitan ba niya ang karapatan niya? Sa akin ‘to, ikaw ang mag-adjust. Mas matanda ako, sumunod ka sa sasabihin ko. Aba, ikaw na nga itong may atraso, ako pa ba ang mag-aadjust para sa ‘yo? The way we respond to conflict will also reveal kung nasaan o nakanino ang tiwala natin.

Abram’s proposed solution (Gen. 13:8-9)

Paano nagrespond si Abram? Mapagpakumbaba, mapagparaya, mapagbigay. Paano ko nasabi? Kasi ito ang sabi niya kay Lot, “Hindi tayo dapat mag-away, at ang mga tauhan natin, sapagkat magkamag-anak tayo. Mabuti pa’y maghiwalay tayo. Mamili ka: Kung gusto mo sa kaliwa, sa kanan ako; kung gusto mo sa kanan, sa kaliwa ako” (Gen 13:8-9 MBB).

Para kay Abram, mas mahalaga ang relasyon nila at pagkakasundo bilang isang pamilya, kesa sa “individual prosperity” (Waltke). Bagamat nakatatanda siya at parang anak na niya si Lot, nanatili siyang humble. Siya pa ang nag-initiate at nagpropose ng solusyon sa nagiging problema nila. Wala siyang sense of entitlement. “Behold, how good and pleasant it is when brothers dwell in unity” (Psa 133:1)! Pero may panahon na hindi maiiwasan ang paghihiwalay, for the sake of peace and resolving conflicts. Tulad ng nangyari rin kay Paul and Barnabas. Or sa mga churches na bagamat nagkasundo na, because of some differences, or for the sake of preserving relationship, naghihiwalay ng church. Nangyayari ‘yan. At ginagamit rin ng Panginoon to fulfill his purposes.

Si Abram mapagparaya rin at mapagbigay. Hindi tulad ng isang pamilya na kapag kakain ng fried chicken siyempre unahin dun sa legs and wings, yung mahuli sa kanya na yung breast or thigh. Pero itong si Abram, hinayaan niya si Lot na siyang unang pumili ng best part of the land, kung saan niya gusto. Kung gusto mo sa bandang kaliwa, sa kanan naman ako, kung sa kanan ka, sa kaliwa ako. Yung ibang commentators they were criticizing Abram for this decision. Kasi nga naman baka maging threat ‘yan sa lupa na ipinagkaloob ng Diyos kay Abram. Na para bang hindi na niya pinapahalagahan ang pinangako ng Diyos sa kanya? Maybe. Pero sa overall na takbo ng kwento, makikita natin na tama ang proposed solution ni Abram (yung kay Lot ang hindi). Actually, natututo siya to act in faith. Secured siya sa pangako ng Diyos. Hindi siya feeling na insecure o threatened o anxious na baka mawala sa kanya yung best part of the land.

Bagamat pinangako naman talaga ng Diyos ang lupa para sa kanya at sa mga magiging anak niya, Gen. 12:7, he’s learning to look to something na hindi makikita ng near-sighted eyes ng tao. He’s looking for something better.

For he was looking forward to the city that has foundations, whose designer and builder is God.

Hebrews 11:10 ESV

Bilang mga pilgrims din sa mundong ito na katulad ni Abram, “strangers and exiles on the earth” (v. 13), we are also “seeking a homeland.” Pero hindi itong lupang natutuntungan ng paa natin, nagrerenta ka man o may titulo na na pag-aari mo ‘yan. We “desire a better country, that is, a heavenly one” (v. 16). Kung secured ka sa identity mo kay Cristo, at sa assurance na tutuparin ng Diyos ang mga pangako niya sa ‘yo dahil kay Cristo, “he has prepared for them a city” (v. 16), hindi mahirap para sa ‘yo ang makipagkasundo. Pero lalong lalala ang conflict, lalo kang magkakaroon ng problema kung ang tinitingnan mo lang ay yung mga bagay na iniaalok ng mundong ito.

Yan ang naging problema ni Lot. On the surface, parang gagawa siya ng desisyon based sa kung ano yung magiging advantageous sa kanya, pero sa bandang huli ay maaaring ikapahamak niya at ng kanyang pamilya. Bakit? Kasi, unlike Abram, he’s not living by faith, he’s living by sight.

Lot’s choice (Gen. 13:10-13)

Bakit? Ano ba ang definition ng faith?

Now faith is the assurance of things hoped for, the conviction of things not seen.

Hebrews 11:1 ESV

Si Abram meron na nito. Pero si Lot? Nagdesisyon batay sa kung ano ang nakita niya. “At nang iginala ni Lot ang kanyang paningin, nakita niyang ang Kapatagan ng Jordan hanggang sa Zoar ay sagana sa tubig, tulad ng halamanan ni Yahweh at ng lupain ng Egipto” (v. 10). Ito ang nakita niya. Praktikal naman kasi kailangan ng maraming tubig para sa mga alagang hayop. Pero pansinin n’yong isalarawan yun ng narrator ng story na “tulad ng halamanan ni Yahweh,” meaning like the Garden of Eden (Gen 2:10). Mukhang maganda naman talaga yung choice na yun, kaso hindi ba’t guwardiyado na yung garden na yun ng mga cherubim, at forbidden ang access dun sa tree of life sa garden? Inihalintulad din yun ng narrator sa “lupain ng Egipto.” Kagagaling lang nga nila Abram dun, sagana talaga sa tubig at sa pagkain. Pero sa kasaysayan ng Bibliya, ang pagpunta sa Egypt ay karaniwang pagpili ng pagkakalayo sa Diyos at tiyak na kapahamakan.

Ang nakita ni Lot ay tulad ng nakita ni Eba na prutas, maganda, mukhang masarap, a good choice? Pero ipinagbabawal ng Diyos at tiyak na ikamamatay nila. Pero nagdesisyon siya base sa kung ano ang nakita niya, at hindi base sa kung ano ang sinabi ng Diyos, base sa nais ng puso niya, hindi ayon sa nais ng Diyos. Ganun din ang ginawa ni Lot. “Kaya pinili niya ang dakong silangan sa Kapatagan ng Jordan, at naghiwalay nga sila ni Abram” (v. 11). Sa ESV, “So Lot chose for himself…” Nag-iindicate na ang pagpili niya ay para sa sarili niya, kung ano ang mas advantageous sa kanya, without regard kung ito ba ay advantageous din para sa uncle niya. His choice is driven by what his eyes can see, and by what he thinks will benefit him most. This is not deciding by faith.

Kapag pipili tayo ng trabaho, kung dito ba o sa ibang bansa, do we decide based on faith? O depende sa offer o benefits na makukuha sa trabaho? Do we even consider kung ang isang desisyon ay makapagpapalapit sa atin sa Diyos o makapagpapalayo? Kung ang isang desisyon ay makakabuti ba talaga sa pamilya natin o magiging dahilan ng paglayo ng loob sa isa’t isa? Kung malalayo ng trabaho, o bibili ng lupa o kotse, iniisip ba natin kung makakabuti ba yung desisyon na yun para sa pagdidisciple ng mga kasama natin sa church, at pagsupport natin sa mga missionaries o magiging dahilan para mawalan na tayo ng oras o budget para sa ministry? O sarili lang natin ang iniisip natin sa desisyon natin?

Kung gayon, yung inaakala nating mabuti sa sarili natin, kung hiwalay sa kalooban ng Diyos, ay siyang ikapapahamak pa natin. Nagdesisyon na si Lot. Sang-ayon naman si Abram kasi siya naman ang nagpropose ng ganung settlement. Kaya, “Nanatili si Abram sa Canaan. Samantala, si Lot ay nanirahan naman sa mga lunsod sa kapatagan na malapit sa Sodoma” (v. 12). Ah, hala, Sodoma. Kapag narinig natin ang salitang ‘yan, pangit ang dating. Masama naman talaga ang mangyayari later on. Kaya nga itong narrator ng Gen. 13, naka-bracket yung tungkol sa Sodom sa crucial, life-and-death decision ni Lot. Sa v. 10, bagamat maganda ang nakita ni Lot nung araw na yun, one day in the near future mababago ang lagay ng lupaing ito, reminding us na we cannot put our hope and security sa mga material possessions natin, kahit gaano pa karami o kalaki, “Nangyari ito noong hindi pa natutupok ang Sodoma at Gomorra.” Gaano man karami ang tubig sa lugar na yun, one day pauulanan ‘yan ng apoy (Gen. 19). Bakit? Verse 13, “Napakasama ng mga tao sa lunsod ng Sodoma; namumuhay sila nang laban kay Yahweh.”“Wicked, great sinners against the Lord” (ESV).

Pinili niya ang akala niyang maganda para sa kanya, hindi naman pala. Masama ang mga tao doon. Masama ang mangyayari sa mga tao doon. Gusto mo ba na matulad din sa kanila? Sabi ni John Calvin tungkol dito, “Akala niya paraiso ang pinili niyang lugar, pero yun pala ay mala-impiyerno ang naghihintay sa kanya.” At ganyan ang nangyayari rin sa atin when we decide and act not by faith, but by sight.

The Lord’s promise (Gen. 13:14-17)

Ibang-iba ito sa pananampalataya na meron si Abram. Hindi naman kapag sinabing we decide by faith ay pikit-mata na lang tayo at magbubulag-bulagan sa realidad ng buhay. No. The Lord is also inviting us to look. Tingnan hindi lang kung ano yung abot ng paningin natin, kundi tingnan kung ano ang gusto niyang ipakita para sa atin. Kung si Lot kanina ay tumingin-tingin din sa paligid at nakita niya kung ano ang sa tingin niyang lupain na maganda, ito namang si Abram, ang Diyos mismo ang nagsabi kung ano ang titingnan niya.
Kanina ang sabi niya kay Lot, kanan at kaliwa lang. Ngayon naman sa v. 14, “Pagkaalis ni Lot, sinabi ni Yahweh kay Abram, ‘Tumanaw ka sa palibot mo.’” Compare that with “Lot lifted up his eyes and saw…” (v. 10). Pero dito sabi ng Diyos, “Tanawin mo lahat ng makikita mo,” literally, “northward and southward and eastward and westward.” Ang pangako ng Diyos, mas pinatibay pa niya, hindi lang tulad ng sinabi niya sa 12:7 na ibibigay sa lahi niya ang lupa, ngayon naman, 13:15, “Ang buong lupaing natatanaw mo ay ibibigay ko sa iyo, at sa magiging lahi mo magpakailanman.” Hindi partial lang, buong lupain. Hindi pansamantala lang, magpakailanman! Forever.

Hindi loser si Abram sa deal niya kay Lot. Akala ni Lot siya ang panalo, pero maraming namamatay sa maling akala. Kung marunong tayong magparaya, ang Diyos ang bahala. May reaffirmation pa nung promise niya noong una na siya’y magiging isang “great nation” (12:2). Ngayon naman, “Ang iyong mga salinlahi ay gagawin kong sindami ng alikabok sa lupa na di kayang bilangin ninuman” (13:16). Wala pa siyang anak kahit isa. Pangako ng Diyos na bibigyan siya hindi lang isang anak, kundi isang lahi na hindi mabilang sa dami. Based on that promise, heto ang utos sa kanya ng Diyos, at sinong hindi gaganahan sa ganitong ipinapagawa ng Diyos, “Libutin mo na ang buong lupain; ang lahat ng iyan ay ibibigay ko sa iyo” (v. 17). Libutin, hindi para mamasyal, kundi bilang senyales na lahat ng matutuntungan niya ay pwede niyang angkinin legally yung ownership. Bakit? Kasi sabi ng Diyos, “I will give it to you.” Ang lupaing ito ay regalo ng Diyos kay Abram. Gracious gift. Generous gift. Permanent gift. Ganyan kabuti ang Diyos na inaasahan natin.

Abram at Hebron (Gen 13:18)

Kung ganyan pala mangako ang Diyos, bakit mo pa pagdududahan ang salita niya? Kaya buong tiwala na ginawa ni Abram ang sabi ng Diyos. Verse 18, “Lumipat si Abram sa Hebron, at doon tumira sa tabi ng malalaking puno sa Mamre. Nagtayo siya roon ng altar para kay Yahweh.” Doon siya una sa Hebron nanirahan, at inari niyang kanya dahil sa sinabi ng Diyos. Hindi ito yung “name it and claim it” na popular ngayon na itinuturo ng ibang mga preachers. Pangalanan mo daw kung ano ang gusto mo – bahay, kotse, pati kung anong klase, gaano kalaki, anong brand, at kapag strong ang faith mo sa Diyos, ibibigay niya garantisado. Kapag hindi niya ibinigay, kulang kasi ang faith mo. Ha? That is unbiblical! Abram claimed it hindi dahil he named it, kundi dahil ang Diyos ang nagpangalan para sa kanya, at inilipat ang pag-aari sa pangalan niya! You don’t have any right to claim something na hindi ipinangakong ibigay sa ‘yo ng Diyos. That is presumption. Inaakala mong sa ‘yo ang hindi naman sa ‘yo, kahambugan yun, at ginagawa mo pang sinungaling ang Diyos.

Pero si Abram, he claimed the land as his possession by faith in God’s future grace. Nang mamatay nga siya, wala pang nakatitulong lupa sa pangalan niya maliban sa isang pirasong lupa sa Machpelah na pinaglibingan sa asawa niya. At sa dulo ng Genesis, yung angkan ni Jacob na apo ni Abraham ay napadpad sa Egypt at dun nanirahan nang higit 400 taon. At ngayong isinulat ni Moises ang kwentong ito tungkol sa pangako ng Diyos kay Abram, itong mga Israelita ay muling magtatangkang pasukin ang Canaan, ang lupang pangako ng Diyos, matapos na mabigong magtiwala ang mga magulang nila 40 years ago. And this story will encourage them na huwag matakot kasi ang lupaing iyon ay ibinigay sa kanila ng Diyos. Ganun nga ang nangyari, sa panahon ni Joshua nakuha nila ang lupa para sa kanila, bagamat hindi pa 100%. Pero sapat na pruweba na na tumutupad ang Diyos sa lahat ng ipinangako niya.

And what’s the point or purpose of God’s promise of land para sa kanila? So that they will be “God’s people in God’s place under God’s rule” (Graeme Goldworthy). Yes, paulit-ulit na binabanggit ang usaping “lupain” dito sa Genesis 13, at yun ang nangingibabaw na tema, but also take note kung ano yung naka-bracket sa story na ‘to; verse 18, nagtayo ng altar si Abram; verse 4, nandun siya sa itinayo niyang altar sa lugar ng Bethel/Ai, bukod pa sa una niyang ginawa sa Shechem. It’s not about the land, it’s about the place for the purpose of worship! Kaya nga pinalayas na naman sila ng Diyos sa lupaing yun at nabihag ng mga Assyrians, naipatapon sa Babylon. Bakit? Because of their failure to worship God.

Kaya nga ipinadala si Cristo. Tulad ni Abram, pero higit kay Abram, iniwan niya ang tirahan niya sa langit sa piling ng Diyos Ama. Ang Diyos Anak ay pumanaog sa lupa, nagkatawang-tao, nahirahan sa piling ng mga tao. Tunay na tao, pero hindi tulad nating mga makasalanang tao, hindi siya natukso sa bitag ng diyablo. Hindi katulad nina Adan at Eba. Hindi katulad ni Lot. Dila siya ni Satanas sa ituktok ng bundok, ipinakita sa kanya ang lahat ng kayamanan sa mundo at ang karangyaan nito, at sinabi, “Lahat ng ito ay ibibigay ko sa ‘yo, kung magpapatirapa ka at sasamba sa akin” (Matt. 4:8-9). Sabi ni Jesus, “No way. Lumayas ka. Nasusulat, “Ang Diyos lang ang sasambahin mo at siya lang ang paglilingkuran mo” (v. 10). Buo ang tiwala niya sa salita ng Diyos, sa pangako ng Diyos. No shortcut to glory. His way to glory is the way of the cross. At hanggang sa krus pinaglingkuran niya ang kanyang Ama.

Ibinigay ni Cristo ang kanyang buhay para maibigay sa atin ang pagpapalang ipinangako kay Abraham. Hindi isang lupain. Hindi ipinangako ng Diyos na magkakaroon ka ng sariling lupa, at sariling bahay para hindi ka na mangupahan. He doesn’t promise that. You can pray for that, sure. But you cannot claim what he has not promised. Pero ang ginarantiya ni Cristo sa krus ay yung ilagay tayo sa isang lugar – sa kanyang kaharian – kung saan makakasama natin ang Diyos, kasama ang iba pang mga anak ng Diyos sa kanyang pamilya (the church, local and universal), para mamuhay sa ilalim ng kanyang pamamahala, yakap-yakap ang kanyang mga salita, at sama-samang sumasamba sa kanya, ngayon as we gather to worship the Lord, and one day with all nations, tribes and languages worshipping the Lord forever. Yun ang pwede nating angkinin—“All authority in heaven and on earth has been given to me,” sabi ng Panginoon, “Go and make disciples of all nations!”—yun ang dapat nating angkinin, dahil yun ang ipinangalan niya para sa atin.

And the riches, the possession, the inheritance we have in Christ — ang lahat ng ‘yan ay higit pa sa anumang lupa, yaman, o business success na maeenjoy mo sa mundong ito. Kaya kung ikaw ay nakay Cristo, your identity secured in Christ, hindi ka na dapat mahumaling sa mga bagay sa mundong ito. Hindi mo na rin kailangang makipagtalo sa iba, at ipaggiitan ang karapatan mo. Kaya mo nang magpakumbaba, maging mapagparaya, maging mapagbigay, makipagkasundo sa umaaway sa ‘yo. Bakit? Dahil anumang meron ka dahil kay Cristo ay siguradong sa ‘yo na at hindi na maaagaw ninuman. So as you go through our life’s journey, sa panahon man ng taggutom o kasaganaan, how are you going to respond? Magtitiwala ka rin ba tulad ni Abraham sa mga pangako ng Diyos? Oo ang sagot mo diyan, kung alam mo na ito naman talaga yung point ng Christian life natin ngayon, yung masabi natin, “Christ is mine!” At yun naman ang point ng langit na hinihintay nating marating, the heavenly city, the promised land, ang masabi natin finally, and fully, “Christ is mine forevermore!”

Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos.Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa, sapagkat namatay na kayo at ang inyong buhay ay nakatago sa Diyos, kasama ni Cristo. Si Cristo ang inyong buhay, at kapag siya’y nahayag na, mahahayag din kayong kasama niya at makakahati sa kanyang kaluwalhatian.

Col. 3:1-4 MBB

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.