Sinu-sino ang mga Church Members?

[Note: Ito ay Taglish translation ng Chapter 7 (“Who are the Members?”) ng Understanding Church Leadership na isinulat ni Mark Dever. This book is part of Understanding Church Basics series ng 9Marks.]


Itong kabuuang idea tungkol sa church membership ay parang counterproductive para sa marami ngayon. Para naman yatang unfriendly, o kaya’y parang elitista, na sabihing ang ilan ay “in” at ang iba naman ay “out”? In fact, kumbinsido ako na, kung magiging tama lang ang pagkakaunawa natin dito, isa ito sa mahalagang hakbang na dapat nating gawin para ma-revitalized ang mga chuches natin, ma-evangelize ang bansa natin, matupad ang misyon ni Cristo sa buong mundo, at sa gayo’y makapagbigay ng glory para sa Diyos!

Merong desperate need among American evangelicals na pag-usapan ulit ang topic na ‘to, lalo na sa sarili kong fellowship of churches, ang Southern Baptist Convention. Ayon sa isang Southern Baptist study na ginawa a few years ago, ang typical na Southern Baptist church ay merong 233 members pero 70 lang ang present sa Sunday morning worship service. Heto ang tanong ko: nasaan ang iba pang 163 members? Ano ang ipinapahiwatig nito tungkol sa Christianity sa mga taong nakapaligid sa atin?

What is a Church?

Simulan natin sa tanong na, “What is a church?” Ang church ay hindi isang building. Unang-una sa lahat, ang church ay ang mga miyembro nito. Ito ay regular assembly ng mga taong nagpapahayag at nagbibigay-ebidensiya na sila ay naligtas by God’s grace alone through faith alone in Christ alone to the glory of God alone. Walang anumang buildings ang mga unang Cristiano for almost three hundred years mula nang magsimula ang church. Pero sa simula’t simula pa, local churches were congregations of specific people. Merong mga partikular na tao na kinikilalang kabilang sa isang local church, at ang iba naman ay kinikilalang nasa labas nito. Kasama sa mga hakbang sa pagdidisiplina na itinuro ni Jesus as Matthew 18 at ni Paul sa 1 Corinthians 5 ay yung nakikinita nilang posibilidad na ang isang indibidwal ay palabasin o ituring na di na kabilang sa church.

Yung idea ng isang defined community of people ay central sa gawa ng Diyos na nakasulat sa Old and New Testaments. Hiniwalay niya at itinuring na iba si Noah kasama ang kanyang pamilya. Ganun din si Abraham at ang lahi nito. Saka ang bansang Israel. At ngayon ay ang church sa New Testament. Sa bawat yugto ng kasaysayan, laging merong distinct and separate people ang Diyos para ipakita sa mga tao ang karakter niya. Kaya nga ang intensyon niya kaya merong ganitong tiyak at malinaw na boundary ay para i-distinguish kung sino specially yung kabilang sa kanya at kung sino ang hindi.

Itong concept ng church bilang isang gathered community ang isa sa ipinagkaiba ng mga Baptists sa ibang Christians. Noong panahon ng Reformation, medyo close and complicated ang relasyon ng church and state. Ina-assume nila noon na lahat ng ipinanganak within a certain political jurisdiction ay maaaring maging member ng state church. Ang ginawa ng mga Baptists ay tumulong silang ma-recover ang believer’s baptism at ang idea na ang church ay congregation ng mga taong nagsasabi at nagpapakitang sila nga ay may bagong pagkatao na (regeneration).

Kaya nga, kung tutuusin, ang church ay hindi para sa mga taong basta galing lang sa isang Christian family o dahil siya ay citizen ng isang bansang naturing na Cristiano. No, itinuturo ng New Testament na ang church ay para sa mga believers. Kaya nga sinusuportahan natin ang mga batas sa bansa natin na nagbibigay ng freedom para sa ganoong church na malayang mag-practice ng ganyan. Ang hangad ng mga Baptists ay hindi para magtaguyod ng isang bagong established church sa America; katunayan, tayo pa ang mahigpit na lalaban diyan. Hindi ‘yan sang-ayon sa mismong pagkaunawa natin sa nature ng church. Ang advocacy natin ay ang mai-preach ang gospel sa bansa natin at sa buong mundo sa pamamagitan ng mga churches na malayang nagtutulungan, together in the gospel of Jesus Christ.

Marks of Church Membership

Paano natin malalaman kung sino ang miyembro at hindi miyembro ng isang particular church?

Una, para maging member ng isang church, kailangang baptized ka as a believer. Sa Matthew 28, ipinag-utos ni Jesus sa lahat ng susunod sa kanya na ipahayag ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng bautismo. Sa pamamagitan ng baptism, pormal nating ikinakabit ang sarili natin sa pangalan ni Jesus. Kaya nga throughout the book of Acts, naiintindihan at sinusunod ng mga disciples ang utos na ‘to. Kaya nang sumulat si Paul sa church sa Rome, he simply assumed na ang mga sinusulatan niya ay grupo ng mga taong baptized na (Rom. 6:3-4).

Ikalawa, para maging member ng isang church, dapat kang regular na nakikisalo sa Lord’s Supper. Sa pamamagitan nito, nakikibahagi tayo sa isang katawan ni Cristo at ipinapahayag ang kamatayan niya (1 Cor. 10:16-17). Kung baptism ang sign ng new covenant, ang pagkain sa Lord’s Supper ang nagsisilbing tagapagpaalala nito sa atin. Kumakain tayo at umiinom “sa pag-ala-ala” sa kanya. Para sa karagdagang pag-aaral tungkol sa baptism at Lord’s Supper, tingnan ang dalawang books ni Bobby Jamieson sa topics na ‘to sa Church Basics series.

Ikatlo, para maging member ng isang church, dapat kang regular na dumadalo sa mga pagtitipon ng church. Ito na marahil ang pinaka-basic na ministry natin sa isa’t isa. Iniutos ng sumulat ng Hebrews, “Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa’t isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng Panginoon” (10:24-25 MBB).

Tinatawag ng New Testament ang church na isang spiritual household at bawat isa sa atin ay mga bato (1 Pet. 2:5). Tinatawag nito ang church na isang katawan at bawat isa sa atin ay mga miyembro nito (1 Cor. 12). Sinasabi rin nitong tayo ay mga tupa na bahagi ng isang kawan at mga sanga ng isang puno ng ubas (John 10:16; 15:5). Biblically, ang isang Christian ay dapat maging isang miyembro ng isang church. At ang membership ay hindi lang basta malista ang pangalan sa isang piraso ng papel o kaya ay declaration of affection natin sa lugar na kinalakhan natin. Dapat magreflect ito ng living commitment at regular attendance, dahil kung hindi wala itong kabuluhan. Katunayan, mas malala pa ito sa pagiging worthless; delikado ‘yan.

Yung mga “members” na di naman involved sa church ay nagdudulot ng kalituhan sa mga totoong members at mga non-Christians tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng pagiging Cristiano. At tayong mga “active” members ay hindi nakakatulong sa mga kusang “inactive” members kung hahayaan natin silang manatiling members ng church dahil ang membership ay nagbibigay ng corporate endorsement ng church na ang taong yun ay tunay na ligtas. Please understand: church membership is a church’s corporate testimony to an individual’s salvation. So, paanong ang isang kongregasyon ay buong tapat na makapagpapatotoo na ang isang taong di naman nila nakikita ay nananatiling tapat – faithfully running the race?

Sa church namin, we try our best na bantayan ang mga nagpapabaya sa attendance. Kung kaya naman nilang umattend, ine-encourage namin silang bumalik o kaya naman ay mag-join sa ibang church. Kung ayaw pa rin nila, ang susunod na hakbang na namin ay ang pagdidisiplina sa kanya; na siyang namang punto ng susunod na tatalakayin natin.

Ika-apat, kasali sa pagiging church member ang pagpapasakop sa accountability at pagdidisiplina ng church. Ang mga teachers ay nagtuturo at nagtutuwid ng mga pagkakamali. Ang mga doktor ay nagtuturo ng healthy living at nagbibigay ng lunas sa mga sakit. Gayundin naman ang Christian discipleship, merong formative discipline (pagtuturo) at corrective discipline. Ang informal na pagdidisiplina ay kung sarilinan nating kinakausap ang isa’t isa sa pamamagitan ng mga salitang para sa pagtutuwid. Formally and publicly naman ang ginagawa nating pagdidisiplina kung ang isang member ay ayaw pagsisihan ang kasalanan niya. Iniutos ‘yan ni Jesus. Iniutos ‘yan ni Pablo. At common practice na ito ng mga churches sa simula’t simula pa. Tingnan ang book ni Jonathan Leeman tungkol sa topic na ‘to sa Church Basics series.

Ikalima at panghuli, ang pag-ibig ay isang marka ng church membership. Sinabi ni Jesus sa mga disciples niya, “Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon: magmahalan kayo! Kung paano ko kayo minahal, gayundin naman, magmahalan kayo. Kung kayo’y may pagmamahal sa isa’t isa, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad ko” (John 13:34–35 MBB). Hindi mo pwedeng tawaging Cristiano ang sarili mo kung wala ka namang committed loving relationships sa iba pang mga Cristiano. Warning ni John, “Ang nagsasabing, ‘Iniibig ko ang Diyos,’ subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita” (1 John 4:20 MBB)? Dahil mas madali sa ating lokohin ang sarili natin, at i-overestimate ang sarili nating kabutihan, pasalamat tayo sa Diyos na meron siyang mga taong ibinigay sa atin to check our own pride and blindness!

Marami pang ibang bagay ang nagiging resulta ng pagkakaroon ng loving commitment namin sa isa’t isa. Halimbawa, pinapapirma namin ang mga members ng church namin sa aming statement of faith at church covenant. Ine-expect namin ang mga members na ipag-pray ang church, na magbibigay sila ng pinansiyal na suporta sa church, at makikibahagi sila sa mga ministries ng church. Pero lahat ng ito ay nagsisimula sa baptism, the Lord’s Supper, attendance, discipline, and love.

Why Join a Church?

Ang pagiging miyembro ng church ay isang napakahalagang bahagi ng pagsunod kay Cristo bilang isang disciple. Oo nga’t hindi ito makapagliligtas sa ‘yo tulad ng mga mabubuting gawa mo, o education, o culture, o friendships, o contribution, o baptism na di naman din makapagliligtas sa ‘yo. Pero ang pagsali sa isang church ay natural na gawain ng mga miyembro ng katawan ni Cristo. ‘Wag mong sabihing kabilang ka sa isang church kung ayaw mo namang sumali o magpa-miyembro dito. Hayaan n’yong bigyan ko kayo ng anim na dahilan kung bakit dapat kang sumali sa isang church na nagpi-preach ng gospel at nagpapakita kung paano mamuhay ang isang Cristiano.

1. To Assure Yourself

Hindi ka sasali sa isang church para maligtas ka, kundi para matulungan kang magkaroon ng katiyakan na ligtas ka nga. Alalahanin mo ang sinabi ni Jesus: “Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad sa mga ito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya at ako’y lubusang magpapakilala sa kanya” (John 14:21 MBB).

Sa pagsali sa church, inilalagay natin ang sarili natin sa isang posisyon kung saan inaanyayahan natin ang mga kapatid natin na gawin tayong accountable na mamuhay ayon sa mga sinasabi natin. Inaanyahahan natin silang i-encourage tayo kung paano nila nakikitang kumikilos ang Diyos sa mga buhay natin, at i-challenge tayo kung sakaling lumalayo tayo sa pagsunod sa kanya. Ang membership mo sa isang local church ay ang public testimony ng kongregasyong yun na ang buhay mo ay nagbibigay ng ebidensiya na meron ka nang bagong buhay (regeneration). Hindi ito nakapagliligtas, pero sumasalamin (reflection) ito sa kaligtasang meron ka. At kung walang ganitong reflection, paano tayo makakasigurado sa sinasabi nating nasa atin na ang kaligtasan?

Sa pagiging miyembro ng isang church, naghahawak-hawak-kamay tayo para makilala ang iba at maipakilala ang sarili natin sa iba.

2. To be Equipped for Ministry

Sinabi ni Pablo, “At binigyan [ni Cristo] ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama’y mga propeta, ang iba’y mga ebanghelista, at ang iba’y mga pastor at mga guro. Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga hinirang, upang maging matatag ang katawan ni Cristo” (Eph. 4:11-12 MBB). Pansinin ang dalawang bagay dito. Una, ang mga church leaders ang nagsasanay sa atin. Ikalawa, sinasanay nila tayo para sa gawain ng paglilingkod (ministry) para sa ikatitibay ng katawan ni Cristo.

In other words, sumasali tayo sa mga churches para masanay na gawin ang ministry na ipinapagawa sa atin ng Diyos. Napakalaking regalo ang mga church leaders sa atin! Sumali ka sa isang church alang-alang sa mga leaders nito. Suportahan mo sila habang sinasasanay at inihahanda ka nila.

3. To Edify the Church

Kung sasali tayo para maging equipped, ginagawa din natin ito for building up the church. Kaya ang ikatlong dahilan sa pagsali sa isang church ay para sa edification o building up of the church, para mas maging matatag o matibay ang church. Ang pagsali sa isang church ay makakatulong sa ating labanan ang maling konsepto natin ng individualism at ma-discover ang corporate nature ng Christianity. Itinuturo ng New Testament na kabilang sa buhay Cristiano ang pag-aalaga at concern sa bawat isa. Bahagi ito ng pagiging Cristiano. At kahit na di naman natin ‘to nagagawa nang perpekto, dapat maging committed tayong gawin ‘to. Gusto nating i-encourage ang bawat isa kahit man lang sa mga munting hakbang sa mga gawang matuwid, may pagmamahal, di muna sarili ang iniisip (selflessness) at tinutularan si Cristo.

Sa membership class namin sa church, madalas kong binabanggit ang kuwento tungkol sa isang kaibigang nagtatrabaho para sa isang campus Christian ministry habang umaatted sa church na miyembro ako. Lagi siyang darating pagkatapos naming kantahin ang mga hymns, mauupo kapag sermon na, at aalis na pagkatapos. Isang araw tinanong ko siya bakit di siya dumadalo sa buong service. “Well,” sabi niya, “wala naman akong nakukuha sa ibang part ng service.”

“Naisip mo bang mag-join sa church?” reply ko sa kanya.

Kaso ang tingin niya absurd yung question na yun: “Bakit naman ako magjo-join sa church? Kung sasali ako, sa tingin ko makakabagal pa sa spiritual growth ko ‘yan.” Nang sabihin niya ‘to, napaisip ako kung ano ang pagkakaintindi niya sa kung ano ang ibig sabihin ng pagiging Christian.

Sagot ko sa kanya, “Hindi mo man lang ba na-consider na maaaring gusto ng Diyos na makipagkapit-bisig sa ibang mga Cristiano? Totoo ngang maaaring makapagpabagal sila sa ‘yo pero baka naman makatulong kang mapabilis ang paglago nila? Baka yun ay bahagi ng plano ng Diyos para sa atin kapag namuhay tayo na sama-sama bilang mga Cristiano!”

4. To Evangelize the World

Dapat ka ring mag-join sa isang local church alang-alang sa pagpapalaganap ng Magandang Balita sa buong mundo. A local church is, by nature, a missionary organization. Kung sama-sama tayo, mas maikakalat natin ang Magandang Balita dito sa atin at maging sa ibang bansa. Ginagawa natin ito sa pamamagitan ng mga salita natin, kung nagse-share tayo ng mensahe ng Magandang Balita at tinutulungan natin ang bawat isa na makapag-share din. Magagawa natin ‘to kung sama-sama tayong namnumuhay. Magkakasama tayong nagbibigay ng isang corporate testimony na nagpapatunay sa kapangyarihan ng mga salitang sinasabi natin na bumago ng buhay. Kasali sa corporate testimony na ‘yan ang shared hospitality natin sa isa’t isa, pati ang pagtulong nating matugunan ang mga physical needs ng mga orphans, mga maysakit, mga bata, at mga disadvantaged.

Sa pamamagitan ng samahan ng ilang mga churches, nakakatulong kami sa pagdadala ng Magandang Balita around the world, at nakapagbibigay kami ng milyun-milyong dolyar at libu-libong volunteers para tulungan ang mga may immediate physical needs tulad ng disaster relief, education, at marami pang ibang ministries. Di tayo perpekto, pero kung kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa atin, gagamitin niya ang mga buhay at mga salita natin para makatulong na maipakita ang katotohanan ng kanyang Magandang Balita. Ito ang special privilege na meron ang church ngayon – na maging bahagi ng plano ng Diyos na dalhin ang Magandang Balita sa buong mundo.

5. To Expose False Gospels

Nais ng Diyos na magsama-sama tayo sa ganitong paraan para i-expose ang mga false gospels. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama nating mga Christians naipapakita natin sa mundo kung ano nga ba talaga ang Christianity. Sa mga churches natin, ine-expose natin ang mga messages at mga images na nagpapanggap na biblical Christianity.

Marami nang mga nagsasabing Christian “churches” sila pero ang ipinapangaral ay masama, nakakalito at bumabaluktot sa gospel message. Bahagi ng mission ng church ay para depensahan ang totoong gospel at harangin at labanan ang anumang pambabastos dito.

6. To Glorify God

Finally, ang isang Cristiano ay dapat na sumali sa isang church para sa karangalan ng Diyos. Sinulat ni Pedro sa ilan sa mga unang Cristiano, “Mamuhay kayo nang maayos sa gitna ng mga Hentil upang kahit na paratangan nila kayo ng masama, makikita nila ang inyong mabubuting gawa at magpupuri sila sa Diyos sa Araw ng kanyang pagdating” (1 Pet. 2:12 MBB). Amazing, di ba? Tatanggap ang Diyos ng karangalan dahil sa mga gawa nating mabuti! Masasabi mong narinig nitong si Pedro ang turo ng kanyang Master, na sinabi sa kanyang Sermon on the Mount, “Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit” (Mat. 5:16).

Kung totoo ‘yan sa mga indibidwal nating buhay, hindi na kataka-takang makita na ganyan din ang sinasabi ng Salita ng Diyos tungkol sa pamumuhay natin nang sama-sama sa church. Makikilala ng mga tao sa mundo na tayo’y mga Cristiano sa pamamagitan ng pagmamahalan natin sa isa’t isa: “Kung kayo’y may pagmamahal sa isa’t isa, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad ko” (John 13:35). Ang sama-sama nating pamumuhay ang nagsisilbing palatandaan na tayo’y kabilang sa kanya, na siya namang nagdadala ng papuri at parangal sa kanya.

So my Christian friend, ‘wag ka lang basta aattend ng church, sumali ka. Makipagkapit-bisig ka sa ibang Christians. Humanap ka ng church na masasalihan mo, at gawin mo ‘to para marinig at makita ng mga non-Christians ang Magandang Balita, para ang mga weak Christians ay mapangalagaan, para magamit ng mga strong Christians ang energies nila sa magandang paraan, para ang mga church leaders ay ma-encouraged at matulungan, para ang Diyos ay maparangalan.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.