Calloused Hearts?
Mahirap na masanay sa kasalanan. Noong una mong ginawa naramdaman mo ang konsensya mo na nagsasabing guilty ka. Pero pag naulit, at kung paulit-ulit, natatahimik na ang konsensya mo, nasasanay na, namamanhid na ang puso mo, may kalyo na. Kahit pa laging nakikinig ka ng sermon every Sunday o sumusunod sa Bible reading plan, you can remain unmoved by the Word of God. Delikado ‘yan. Wag sanang mangyari ‘yan sa bawat isa sa inyo.
I strongly believe in the power of the Word of God sa buhay natin, in rebuilding our lives, in rebuilding our families, in rebuilding our church, in rebuilding our nation. Sa first half ng Ezra, chapters 1-6, nang makabalik na ang mga Israelita sa Jerusalem from exile sa Babylon after 70 years, naitayo nila ang templo. Pero matagal na nakatigil. Pero nagpadala ang Diyos ng mga propeta, preaching the Word, sina Haggai at Zechariah, para udyukan ang mga tao na gawin ang dapat nilang gawin na matagal na nilang di ginawa.
Dito naman sa second half, chapters 7-10, after 50 plus years ang nagdaan, time na ni Ezra, second batch na ng returnees. Naniniwala din siya sa power ng Word of God. “Ezra had set his heart to study the Law of the Lord, and to do it and to teach his statutes and rules in Israel” (7:10). Siyempre di niya kayang gawin yun mag-isa, kaya nag-appoint din siya ng ibang mga teachers para turuan ang mga tao sa salita ng Diyos. After four months of his preaching ministry, ‘yan ang bungad ng chapter 9, “After these things…”
Ano ang mangyayari kung ang mga anak ng Diyos ay constantly, regularly exposed sa faithful exposition ng salita ng Diyos? “The Word of God exposes sin” (James Hamilton).
Ezra 9:1-4
Ano ang kasalanan nila? May nagsumbong kay Ezra na mga leaders nila at sinabing marami sa mga Judio ang in clear violation of the first commandment: “You shall have no other gods before me.” Sabi nila kay Ezra, “Hinid inihiwalay ng bayang Israel – kasama na rito ang mga pari at mga Levita – ang kanilang sarili mual sa mga naninirahan sa lupain gaya ng mga Cananeo, Heteo, Perezeo, Jebuseo, Ammonita, Moabita, Egipcio at Amoreo…” (9:1 MBB). Hindi lahat ng ‘to ay nandun pa sa lupain nila. The author was connecting this problem with a historical problem. Sa simula’t simula pa’y ganito na ang sinful practices ng Israel. They are supposed to be a holy nation, separate from unbelieving nations. “…Dahil dito, gumaya sila sa mga karumal-dumal na gawain ng mga taong ito” (v. 1). Their return to the land is not the end goal, it is a means to a greater goal. That of worshipping God and God alone. Ano ang kasalanan nila? Idolatry.
Ano ang naging cause ng kasalanang ito? Kumuha daw kasi ang mga lalaking Judio ng mga babaeng galing sa ibang lahi para mapangasawa nila at ng mga anak nila (v. 2). Maybe karamihan ng kaso nito ay galing dun sa mga naunang bumalik under Zerubabbel ilang decades ago. Intermarriage is the cause of their idolatry. Wala namang masama na mag-asawa ng ibang lahi. This is not about inter-racial marriage, but inter-faith marriage. Ibang pananampalataya ang usapan dito. Yung danger of idolatry ang problema dito. Clear violation ito ng malinaw na utos ng Diyos sa Deut. 7:1-6. Binanggit sa verse 1 dun yung mga lahing binanggit din sa ulat kay Ezra. Tapos sabi ng Diyos sa verse 3, “You shall not intermarry with them…”
This intermarriage na ayaw ng Diyos sa kanila is also an identity issue. “For you are a people holy to the Lord your God. The Lord your God has chosen you to be a people for his treasured possession…” (v. 6; cf. Exod. 19:4-6). Naiintindihan ng mga leaders na nagreport kay Ezra na identity issue nga ang problema. “…Kaya’t ang banal na lahi (ESV, “holy race”; lit. “holy seed”) ay nahaluan ng ibang lahi…” (Ezra 9:2). Sila ay galing sa lahi ni Abraham, God’s covenant people. Iba ang Diyos nila, iba ang identity nila, di sila dapat mag-asawa ng ibang lahi for that reason.
Kaya naman we advise young people strongly against marriage sa mga unbelievers, kahit sa panliligaw at pagboboyfriend pa lang. Wag mong sabihing, “Mabait naman po siya. Masaya naman ako sa kanya. Seshare-an ko naman po ng gospel. Dadalin ko naman sa church. Magiging Christian din siya.” Stop justifying your disobedience. Malinaw ang utos ng Diyos:
“Huwag kayong makisama sa mga di-sumasampalataya na para bang kapareho ninyo sila. Maaari bang magsama ang katuwiran at ang kalikuan? O kaya’y ang liwanag at ang kadiliman? Maaari bang magkasundo si Cristo at ang Diyablo? Ano ang kaugnayan ng sumasampalataya sa di- sumasampalataya? O di kaya’y ng templo ng Diyos sa diyus-diyosan? Hindi ba’t tayo ang templo ng Diyos na buháy” (2 Cor 6:14-18). Malinaw ‘yan. ‘Wag mong i-evaluate ang actions mo and justify your sinful actions based on your feelings, ibase mo ‘yan sa malinaw na salita ng Diyos.
Malungkot na nga kung nangyayari ‘to. Mas malungkot pa kung mabalitaan mong mga nasa leadership ang nagkakasala. “…at ang mga pinuno at tagapanguna pa nila ang pasimuno sa pagtataksil na ito” (Ezra 9:2). Ang kasalanan ay pagtataksil. The same law applies to all. Walang exemption, walang special treatment for leaders or pastors. Sin is faithlessness, a breach of faith, a breaking of the covenant.
Kung makikita lang natin ang kasalanan natin in light of its seriousness sa salita ng Diyos, magiging tulad tayo sa reaction ni Ezra. Ano’ng reaction niya? Sinira niya ang damit niya, pati buhok niya sinabunutan niya, pati balbas, at naupong nanlulumo (v. 3). He was in great sorrow (v. 4). Bakit? Kasi alam niya ang salita ng Diyos, alam niyang kasalanan ang ginawa ng mga tao. Hindi lang siya, meron ding ibang mga leaders na katulad niya, maaaring yung mga naatasan niyang magturo din sa mga tao, “all who trembled at the words of the God of Israel” (v. 4). Hindi sila manhid, walang callousness sa heart nila. Nararamdaman nila ‘to because of the people’s “faithlessness” (v. 4, same word sa v. 2). God is pleased when we respond to sin with great sorrow: “This is the one to whom I will look: he who is humble and contrite in spirit and trembles at my word” (Isa. 66:2).
Ezra 9:5-15
Great sin among God’s people leads to great sorrow for Ezra. Nagdadalamahati siya (v. 5). Sa ESV, “I arose from my fasting…” Isang purpose ng fasting ay para mag-express ng great sorrow dahil sa isang tragedy. At malaking trahedya for Israel ang kasalanan nila. Itong great sorrow naman ni Ezra ay nagdulot sa kanya to make genuine confession sa kanyang panalangin sa Panginoon, na nakarecord sa vv. 6-15. Makasalanan tayo. Kaya naman we should make confession of sins a daily discipline. And we also do it as a church during our worship and prayer gatherings. Dito sa prayer ni Ezra, marami tayong matututunan about genuine confession.
Genuine confession is done in humility and faith. Makikita ‘to sa posture ng prayer niya (v. 5). Nakaluhod siya (why don’t we kneel more often?), a posture of humbling one’s self before God. Nakataas din ang kamay niya, spread out before God, isang postura ng paghingi sa Diyos at pagtitiwala na sasagot siya. Sabi niya sa prayer niya, “O Diyos, wala po akong mukhang maiharap sa inyo…” (v. 6). Nahihiya siya. Alam niya unworthy siya. That’s good shame. Kesa naman makapal na ang mukha mo sa kasalanan! That’s Ezra’s humility. Pero hindi yun naging dahilan para hindi siya lumapit sa Diyos. Kasi merong faith, kahit undeserving siya, merong Diyos na merciful enough para pakinggan ang prayer niya. Makikita din natin ang humility sa paggamit niya ng first person plural all throughout sa prayer niya. Hindi “ang kasalanan nila…ang kasamaan nila…” kundi, “ang aming kasamaan…ang aming kasalanan…” Hindi naman siya guilty of intermarriage. Pero hindi siya self-righteous. He’s not better than them. He’s one with them. We are all sinners in need of God’s grace and mercy in Jesus.
Genuine confession acknowledges our great guilt before God. “…we have been in great guilt” (v. 7). “…ang aming kasamaan ay patung-patong na at ngayo’y lampas na sa aming mga ulo. Ang aming kasalanan ay abot na sa langit” (v. 6). “…lubog na sa kasalanan” (v. 7). No excuses or blame: “Nagawa ko kasi yun dahil sa kanya.” No justification sa kasalanan: “No choice ako e.” No denial or minimizing of sin: “Maliit lang naman na kasalanan yun.” Aware si Ezra na ito ay matagal nang problema. Ang kasaysayan ng Israel – yung destruction ng Jerusalem, yun exile, yung pagkakaalipin sa kanila, yung mga sufferings na na-experience nila – ay ebidensya ng kanilang “great guilt.” They are great sinners in “utter shame” (v. 7). Mula noon hanggang ngayon.
Genuine confession embraces God’s great love for us. “Gayunman (but now!), Yahweh na aming Diyos, pinakitaan pa rin ninyo kami ng kagandahang-loob maging ito ma’y sa isang maikling panahon lamang…Kami po’y mga alipin ngunit hindi ninyo pinabayaan sa pagkakaalipin. Sa halip, ipinakita ninyo ang inyong tapat na pag-ibig…” (vv. 8-9). Steadfast love, hesed (also 7:28). Naranasan ni Ezra. Naranasan ng Israel. Ang pagbalik nila sa lupain nila ay patunay ng pag-ibig ng Diyos. Ang pagtatayo ng templo, dahil sa pag-ibig ng Diyos. Meron silang bagong pag-asa, meron silang bagong buhay, meron silang proteksyon, because of God’s great love. Their faithlessness is greater in light of God’s ever faithfulness. They have greater guilt in light of God’s great love. But they have greater hope because of God’s great love.
Genuine confession is a result of clear instruction from the Word. Malinaw naman ang utos ng Diyos, kung ito ay binabasa, pinag-aaralan, at ipinapangaral nang maayos. Mas makikita natin ang kasalanan natin kung standard ng salita ng Diyos ang pagbabasehan natin. “…Muli naming sinuway ang inyong mga utos na sa ami’y ibinigay ninyo sa pamamagitan ng mga lingkod ninyong propeta” (vv. 10-11). Walang direct quotation dito from the law, pero yung ang essence nito. Naiintindihan ni Ezra na ang dahilan bakit ayaw ng Diyos na mahaluan sila ng ibang lahi, unless mga converts na sila at worshippers ni Yahweh, ay para hindi sila marumihan at mahawa sa mga karumal-dumal na idolatry ng mga taong yun. Yung confession natin ay response sa malinaw na kalooban ng Diyos. “For this is the will of God, your sanctification: that you abstain from sexual immorality” (1 Thess. 4:3). Meron bang malabo dyan?
Genuine confession acknowledges that we deserve no less than God’s total judgment. Alam ni Ezra na kapag nagpatuloy sila sa kasalanan, “labis kayong mapopoot sa amin at wawasakin ninyo kami hanggang sa maubos” (v. 14). That is what our sins deserved. Makatarungan ang Diyos: “You are just” (v. 15). Dahil sa kasalanan natin, wala tayong karapatang tumayo sa harapan niya. Ni hindi rin tayo mananatiling buhay in light of his holy presence. But God is gracious: “ang parusang iginawad ninyo sa amin ay kulang pa sa dapat naming tanggapin” (v. 13). He treats us less than our sins deserve. That’s grace. Because God’s total judgment, his full justice, is satisfied by Jesus for us on the cross. Siya ang umako sa parusang para sa atin para matanggap natin ang pagyakap ng Diyos. Para makalapit tayo sa kanya in humble confession and faith in the good news of the gospel.
Ezra 10:1-5
Itong response sa malaking kasalanan ay modeled by Ezra in his great sorrow and genuine confession. Nasa harap siya ng templo, nananalangin, umiiyak sa kanyang confession (10:1), other people follow his lead. He is leading by example. Kaya pumalibot sa kanya ang maraming tao na umiiyak din na tulad niya. Merong isang lalaki, si Secanias, ang lumapit sa kanya (v. 2). Posibleng meron din siyang mga kamag-anak na may kaso ng intermarriage (see v. 26, andun ang tatay niyang si Jehiel pati mga tito niya), pero mas matimbang pa rin ang salita ng Diyos kesa sa sasabihin ng mga kapamilya niya. Sabi niya, “Nagtaksil kami sa ating Diyos dahil nag-asawa kami ng mga babaeng dayuhan. Gayunma’y may pag-asa pa rin ang Israel sa kabila ng lahat ng ito.” Matindi ang parusa ng Diyos. Mayaman din ang awa niya. ‘Yan ang pag-asa natin.
Then in vv. 3-4, he pledged his support sa leadership ni Ezra na gawin kung ano ang dapat gawin, hindi lang siya, pati yung iba: “those who tremble at the commandment of our God.” Hindi lang confession, merong plan of action para makasunod sa Diyos. In this case ang plan of action ay palayasin at hiwalayan ang mga dayuhan. This will be a covenant, a renewed commitment na sumunod sa Diyos ayon sa salita niya at sa wisdom ng leadership ni Ezra.
Itong plan of action na ‘to na hiwalayan ang asawa pati mga anak ay parang harsh naman yata. Kailangan ba? Sabi ng iba, hindi naman ito divorce, kasi yung words na ginamit dito sa pag-aasawa ay hindi yung term talaga for marriage. Yung sa 1 Cor. 7 na advice ni Paul sa mga believers na may asawang unbelievers ay hindi divorce kundi manatiling magkasama, kasi iba naman yung context dito, naging believer sila nung mag-asawa na. Saka wala namang sinabi sa story na pagmamalupit yung gagawin nila, meron namang provisions sa law to provide sa babae at sa mga anak. Whatever the case, ang mahalaga dito ay yung decisive action na gagawin nila. Sabi Secaniah kay Ezra, “Let us make a covenant…We are with you; be strong and do it” (10:4)! Tapos nagkaroon sila ng sumpaan, oath-taking, pledge na gagawin nila ang dapat gawin. Repentant action ang kasunod nitong genuine confession. Hindi lang sa salita, may kasamang gawa. Kung humihingi ka talaga ng tawad sa Diyos sa kasalanan mo, ano ngayon ang gagawin mo para talikuran ito? Hindi pwedeng pareho pa rin ng dati.
Ezra 10:6-11
Pagkatapos nito, nagfasting ulit si Ezra (v. 6). Magdamag siyang nagdadalamhati dahil sa kataksilan ng mga kababayan niya. Tapos, pinatawag niya lahat ng mga taga Judah na pumunta sa Jerusalem, pag hindi daw pumunta in three days, mafo-forfeit ang property at mae-excommunicate (vv. 7-8). Seryosong usapan ‘to. Hindi lang ito minor business meeting. Bawal umabsent. Pumunta nga silang lahat in three days. Walang absent, walang late. Nagtipon sila sa harap ng templo. Trembling, nanginginig dahil sa seriousness ng issue, at dahil din sa lakas ng ulan (v. 9).
Sabi ni Ezra sa kanila, “Nagtaksil kayo sa Diyos nang mag-asawa kayo ng mga babaing banyaga at dahil dito’y pinalaki ninyo ang pagkakasala ng Israel. Kaya nga ipahayag ninyo (make confession) ang inyong mga kasalanan kay Yahweh na Diyos ng inyong mga ninuno, at gawin ninyo ang kanyang kagustuhan. Humiwalay kayo sa mga tagarito; palayasin at hiwalayan ninyo ang inyong mga asawang banyaga” (vv. 10-11). “Here are two essential elements of repentance – agreeing with God and taking righteous action to separate from sin” (MacArthur). Genuine confession leads to a plan of action.
Ezra 10:12-17
Agree naman ang mga tao. Decisive si Ezra, decisive din sila. Sumagot sila, pasigaw, with a loud voice, may conviction. Hindi yung amen na mahina lang. “Amen! Gagawin namin lahat ng sasabihin mo” (v. 12). Pero it will take time daw. Maraming tao, maulan pa, saka “napakarami naming gumawa ng kasalanang ito” (v. 13, ESV “greatly transgressed in this matter”). Kaya pinaubaya na nila sa mga leaders kung ano ang gagawing procedures to make sure na susunod sila , “until the fierce wrath of our God over this matter is turned away from us” (v. 14). Buti na lang tayo ngayon, inako na ni Cristo lahat ng galit ng Diyos. We repent daily hindi para mawala ang galit ng Diyos. We repent dahil sa biyayang tinanggap na natin. God’s kindness leads us to repentance. So, di tayo dapat mag-atubiling gumawa ng mga hakbang, however difficult, to bear fruit in repentance. Hiwalayan ang dapat hiwalayan, kausapin ang dapat kausapin, itigil ang dapat itigil.
Wala namang kumontra sa pinag-usapan nila, maliban lang sa ilan na may disagreement siguro sa procedures na gagawin (v. 15). So, ginawa nila ang dapat gawin. Naiwan sina Ezra pati mga leaders. Hanggang ma-identify nila lahat ng cases, at mailista ang mga maysala dito. Three months ding pinag-usapan nila (vv. 16-17). Napakabuti para sa isang church like us na meron tayong mga leaders who are serious in dealing with sin. May mga times na we meet for several hours, kahit gabing-gabi na para pag-usapan ‘to, how to take responsibility, how to discipline, how to shepherd, how to help you in restoration and renewal.
Ezra 10:18-44
So, pray for us. Kasi kami ding mga leaders ay in need of repentance and renewal. Tingnan n’yo ‘tong listahan ng mga guilty of intermarriage sa vv. 18-44. Top of the list ay mag priests (vv. 18-22). They led God’s people in repentance. Nangako silang hihiwalayan ang mga asawa nilang sumasamba sa mga diyus-diyosan. Guilty sila, kailangan ng guilt offering. We are all guilty, kahit kaming mga pastors. Jesus took our guilt upon the cross. Yun ang good news sa atin. May nagbayad na. Bakit ka pa mahihiya na masama ang pangalan mo sa listahan ng mga nagkasala. Nothing in us could ever be exposed that is not already covered by the blood of Jesus. Gaano man kalaki ang kasalanan mo, gaano man karami, your sin is not the last word. Merong pag-asa kung aamin tayo, hihingi ng tawad at lalapit kay Jesus. Siya rin ang tutulong sa atin para makasunod sa kalooban niya.
Next sa listahan ang mga Levites, kasali dito yung mga nagseserve sa temple, mga singers, mga gatekeepers (vv. 23-24). And then the rest of Israel (vv. 25-44). You can serve in the ministry, come to worship, and be a member of the church, but also guilty of sexual and relational sins. Ano ang gagawin mo? Aminin ang kasalanan mo – sa Diyos at sa mga kapatid mo kay Cristo. Both private and public confession ‘yan. “Confess your sins to one another and pray for one another that you may be healed” (James 5:16). We need to practice confession in community for us to experience restoration, renewal and reformation.
Kung bibilangin mo ang mga pangalan dito, a little over one hundred lang. Marami pa rin, pero kung sa porsyento ng bilang nila parang konti lang. Pero baka naman di kumpleto ang nakalista dito. Di natin alam. Marami man o konti, ang importante maipakita sa atin ng Diyos na anumang kasalanan, kasalanan man ng isang leader sa church o isang ordinaryong miyembro, kung pinabayaan, kakalat, lalala, at sisira sa buhay natin at ng iglesya. “Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang buong masa. Alisin ninyo…ang kasalanan upang kayo’y maging malinis” (1 Cor. 5:6-7). We as a church should take sin, any sin, seriously.
Ano’ng kasalanan ang ginawa mo o ginagawa mo pa hanggang ngayon ang hindi mo pa naihihingi ng tawad sa Diyos? Ni hindi mo din mabanggit sa iba, nahihiya ka, natatakot ka, kasi naeenjoy mo pa ang ginagawa mo? Relasyon sa isang unbeliever? Sa hindi mo asawa? Sex before marriage? Porn? Anger and unforgiveness? Nakikita mo ba ang laki ng kasalanan mo sa Diyos, that you are a great sinner? Nararamdaman mo ba ang matinding pagkalungkot, great sorrow, because you have offended God? Naniniwala ka ba na mayaman ang awa niya para sa ‘yo, his great love and mercy at the cross? Handa ka bang aminin ito sa iba? Sabihin sa pastor mo o discipleship leader, in genuine confession? At ano ang gagawin mo, a plan of action, para tuluyan na ‘tong talikuran at makapamuhay nang may kagalakan sa kalooban ng Diyos?
Nawa’y tulungan tayo ng Diyos sa maituwid ang araw-araw nating pamumuhay, kahit mahirap, pero yun naman ang nararapat para sa karangalan ng Diyos at sa kagalakan natin.