download mp3
Most of the time, alam natin ang dapat gawin. Alam nating dapat na palagi tayong gumawa nang mabuti. And we are encouraged to do good works, to speak good words, to think good thoughts kung mabuti rin ang ibang tao sa atin, o mabuti ang nangyayari sa paligid natin, o mabuti ang nagiging resulta ng ginagawa natin. Pero nahihirapan na tayo kung masama ang ginagawa ng ibang tao sa atin, o masama ang nangyayari sa paligid natin, o masama ang naging resulta ng mabuting ginawa natin. Our main problem is not ignorance kung ano ang mabuting dapat gawin. Our main problem is motivation to continue doing good no matter what happens.
Halimbawa, every January, napupuno ang mga gyms dahil maraming gustong magpaka-healthy living na. Pero pagdating ng February or March, yung mga regular na lang ang naiiwan. Bakit? Kasi sila yung motivated kaya nagpapatuloy. O ako halimbawa, laging sinasabihan ng asawa ko na mag-workout. Motivated akong gawin ‘pag kagagaling lang sa sakit. Pero humihinto rin after several tries. Alam ko ang mabuting dapat gawin for my body, but I am not motivated enough. Motivation is an issue of the heart. Alam nating mga parents ‘yan. Utos tayo nang utos sa mga anak natin. Malinaw naman ang dapat nilang gawin. Pero hindi agad ginagawa. Uulitin pa, sisigawan pa, papaluin pa. Bakit? The heart is the issue. The heart must change.
Ganun din sa ating mga adults, mga Christians. Our goal is not just behavioral modifications. Alam n’yo naman ang mabuting dapat gawin. Our goal is heart transformation, na mangyayari kung meron tayong mga gospel-centered motivations, na mangyayari as the gospel is pressed deeper into our hearts, every day, every sermon.
No wonder na ganun ang ginagawa ni apostle Peter throughout his first letter. Hindi lang basta, “May problema kayo? Having difficulties living the Christian life? Ganito lang ‘yan, step one, step two, easy.” Oo siyempre may sinasabi siya na tibayan n’yo ang loob n’yo, panghawakan n’yo ang pag-asang meron kayo, magpakabanal kayo, mamuhay kayo na may takot sa Diyos. But he is not giving a command without properly grounding those commands in the gospel. The Christian life, including how we respond to sufferings, is not primarily about what we must do, but what God has done for us. Yun ang gospel. Yun ang motivation and power na kailangan natin para makasunod, at patuloy na makasunod sa kalooban ng Diyos even when life is hard.
Dito sa text natin ngayon sa 1 Peter 2:11-17 ganun ulit ang approach niya. Maraming commands. Pero hindi na mga bago ‘yan. Alam na nila, alam na natin. Pero hindi natural sa atin ang pagsunod sa mga utos na ‘to. Meron na tayong default setting in times of sufferings. Oo binago na ni Lord yung heart natin. Pero in times of suffering, parang narereset, bumabalik tayo sa nakasanayan natin. Kaya kailangang laging i-calibrate ang minds and hearts natin ng gospel motivations.
We will see here two major commands and three major motivations. Bago natin isa-isahin ‘yan, listen to the Word of God through the apostle Peter:
Mga minamahal, mga dayuhan kayong nakikitira lang sa mundong ito. Kaya nakikiusap ako sa inyong talikuran na ninyo ang masasamang pagnanasa ng inyong katawan na nakikipaglaban sa inyong espiritu. 12Sa lahat ng oras, ipakita nʼyo sa mga taong hindi kumikilala sa Dios ang matuwid ninyong pamumuhay. Kahit pinararatangan nila kayo ngayon ng masama, sa bandang huli ay makikita nila ang mga kabutihang ginagawa nʼyo at luluwalhatiin nila ang Dios sa araw ng pagdating niya. 13Alang-alang sa Panginoon, magpasakop kayo sa lahat ng tagapamahala ng bayan, maging sa emperador na may pinakamataas na kapangyarihan 14o sa mga gobernador na sinugo ng Dios para magparusa sa mga gumagawa ng masama at magparangal sa mga gumagawa ng mabuti. 15Sapagkat ito ang kalooban ng Dios, na sa pamamagitan ng mabubuti ninyong gawa ay walang masabi ang mga hangal na walang alam sa katotohanan. 16Malaya nga kayo, pero hindi ito nangangahulugang malaya na kayong gumawa ng masama, kundi mamuhay kayo bilang mga alipin ng Dios. 17Igalang nʼyo ang lahat ng tao at mahalin nʼyo ang mga kapatid ninyo kay Cristo. Mamuhay kayo nang may takot sa Dios, at igalang ninyo ang Emperador.
Two major commands
#1: Merong dalawang major commands sa text na ‘to, isang general, isang specific. Yung general command ay nasa vv. 11-12. Actually, ito yung summary command para sa section na ‘to hanggang chapter 4 (2:11-4:11). Babalik-balikan natin ito sa mga susunod na sermons. Yung command na ‘to ay stated negatively and positively.
Negatively, “Kaya nakikiusap ako sa inyong talikuran na ninyo ang masasamang pagnanasa ng inyong katawan na nakikipaglaban sa inyong espiritu.” Sa ESV, “passions of the flesh.” Hindi lang ito tumutukoy sa lustful, sinful sexual desires, although kasama yun. It refers to all desires in our heart na sinful, selfish and in rebellion against the will of God. This is our default setting. Yes, nasa atin na ang Spirit, binago na tayo, new creation na. Pero makasalanan pa rin, struggling pa rin sa kasalanan. Righteous and sinner at the same time. Pag sinabing sinner, hindi lang basta existent ang kasalanan sa puso natin, but “waging war against your soul” (ESV). You don’t just deal with it lightly, you fight it with holy violence.
Peter was reminding us that our problem everyday is not just the sufferings we face. Hindi ito external, but internal; not outside of you but inside of you. Hindi yung asawa mong unfaithful o yung anak mong pasaway o yung tsismosa mong kapitbahay. They are not your greatest problem. They were not the ones waging war against your soul. Though it seems they are. You are your greatest problem. The sin in you is your greatest enemy. Kung lalaban ka, wag yung umaaway sa yo ang labanan mo, kundi ang kasalanang natitira pa rin sa puso mo.
So ito ang sinasabi ni Pedro, In responding to bad people, don’t fight bad with bad, but fight bad with good. Labanan mo sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti. Yun yung positive statement ng command, sa verse 12, “Sa lahat ng oras, ipakita nʼyo sa mga taong hindi kumikilala sa Dios ang matuwid ninyong pamumuhay.” Literally, yung “hindi kumikilala sa Dios” ay “Gentiles.” Tayo kasing mga Christians ang new Israel, the new people of God. At yung mga non-believers, at least yung iba sa kanila, pangit ang pagtrato sa mga Christians, pangit ang sinasabi, kahit mabuti pa ang ginagawa natin. So natural, gagantihan natin. Ang kasalanan ng iba ay hindi excuse or justification para gumawa rin tayo ng kasalanan laban sa kanila. Niloko ka, lolokohin mo rin? Corrupt sila, hindi ka na susunod sa mga batas, ganun? Unfaithful ang asawa mo, magpapaka-unfaithful ka na rin? Unjust ang treatment ng boss mo sa iyo, babanatan mo rin in secret, or mediocre ang gagawin mong work? Wag ganun, sabi ni Pedro. Ganun din sabi ni Pablo, “Huwag kayong patatalo sa masama kundi talunin ninyo ang masama sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti” (Rom. 12:21).
Hindi lang ito doing good occasionally or once in a while, this is all-of-life doing good, “sa lahat ng oras…matuwid ninyong pamumuhay.” This is about Christian integrity. Na ipinamumuhay natin ang pinaniniwalaan at sinasabi natin. Naniniwala tayo at ipinagsasabi natin ang Mabuting Balita, tapos masamang gawa ang makikita sa atin at masamang salita ang maririnig sa atin. That’s hypocrisy. So we fight bad with good.
#2: That’s the general command. Yung susunod naman ay specific sa relationship natin sa government, as citizens sa society natin. In one level, we are citizens of another kingdom. Pero citizens pa rin tayo sa bansang Pilipinas. Madaling magpaka-good citizens, kung good din ang mga gov’t leaders natin. Tulad ng pagbabayad ng tamang buwis o pagsunod sa batas trapiko. Pero paano ‘pag hindi. Lalo na kung oppressive pa at abusive. Like sa panahon ni Peter. Kung si Nero ang emperor during this time, matindi ang persecution sa mga Christians. Sila pa ang lumalabas na masama, at may kasalanan sa mga nangyayaring di maganda sa bansa nila. Pero how should they respond?
“Alang-alang sa Panginoon, magpasakop kayo sa lahat ng tagapamahala ng bayan, maging sa emperador na may pinakamataas na kapangyarihan o sa mga gobernador na sinugo ng Dios para magparusa sa mga gumagawa ng masama at magparangal sa mga gumagawa ng mabuti” (vv. 13-14). Si Pablo ganito din ang sulat sa Romans 13:1-7. Magpasakop sa lahat, sa emperador o sa gobernador, sa presidente o sa kapitan. Christians man sila o hindi, mabuti man sila o masama, faithful servants man sila o corrupt politicians. In responding to bad government, commit to be good citizens. Hindi lang ‘yan sa pagsunod sa mga batas. Kundi sa participation sa society natin in whatever work or sphere of influence meron tayo. Kasama rin diyan yung mga sinasabi natin sa social media. And how we engage sa mga political discussions.
Yung general (kahit masama sila, gumawa ka ng mabuti) and specific (kahit masama ang gobyerno, magpakabuti ka) commands na ‘yan inulit na naman niya sa verse 17. Makulit din si Pedro. Kailangan kasi to emphasize how important yung we live out what we believe. Sa mga bata nga di ba, paulit-ulit din tayo. “Igalang n’yo ang lahat ng tao at mahalin n’yo ang mga kapatid kay Cristo. Mamuhay kayo nang may takot sa Dios, at igalang ninyo ang Emperador” (v. 17). Again, this is a matter of consistency and integrity. Sinasabi nating we worship God, we obey God as our highest authority, tapos di naman tayo makasunod, we don’t respect and honor our governmentt leaders. Sinasabi nating we love each other dito sa church, pero hindi naman yun nakikita in how we relate with other people.
Three major motivations
Hindi kakulitan o paulit-ulit na utos ang solusyon. We proved that in parenting our kids. Heart motivations ang kailangan. Sasabihin namin sa mga anak namin, “Alam mo ba kung bakit ka sinasabihan? Pinapagalitan? Pinapalo? Because we love you.” Tingnan n’yo yung bungad ni Peter sa text natin, kung ano ang motivation niya sa pagsulat sa kanila, “Beloved…” Mga minamahal. He was motivated by love. So, how we respond to sufferings dapat ay properly motivated din. Kasi kung hindi, it won’t last. We will do good, but we will grow weary of doing good. But if we are properly motivated, we won’t stop, kahit mahirap. Motivation matters. A lot. Kaya, tingnan natin ang three major motivations sa text na ‘to.
Upward motivation: God’s glory
Ano ang purpose ni Lord para sa mga unbelievers? Malinaw sa verse 12, to “glorify God.” Kung ang ultimate end ng Diyos sa mga unbelievers ay for them to see our good deeds and “glorify God” (v. 12), how much more sa ating mga Christians? This is our primary motive, the glory of God. His reputation, not our own. His name, not our own.
Para kanino tayo nagsa-submit sa ating mga government leaders? We submit to our leaders “for the Lord’s sake” (v. 13). Alang-alang sa Panginoon, alang-alang kay Cristo. Pangalan ng Diyos ang dala-dala natin, pangalan ng Diyos ang nakasalalay dito. Our life is not about us, it is about God. Hindi ito tungkol sa kung deserving ba ang mga bad people na gawan natin sila ng mabuti o ang bad government ng submission natin. We do it because God is deserving.
Hindi rin dahil gusto natin sila. O dahil binoto natin sila. O dahil mabuti sila sa atin. Kundi dahil sila ay “sinugo ng Diyos” (v. 14). Sent by him. Although kung non-Christians sila hindi nila alam na “sent” sila o appointed sila. Pero merong purpose ang Diyos para sa kanila. Ano yun? Magparusa sa masama, magparangal sa mabuti. That is, for the good of society. Well, paano kung di matupad ang purpose ni God for human government? That’s not our problem anymore. Accountable sila kay God. Accountable din tayo kung paano tayo nagrespond as citizens. Kapag nagrebelde tayo sa authorities instituted by God, nagrerebelde din tayo sa Diyos. Except siyempre sa mga cases na they will require us to sin against God. Like sa time ni Daniel at ng tatlo niyang kaibigan. They were required to disobey God’s law. Aba, hindi pwede ‘yan. O si Peter and John na pinagbawalan magpreach. Sabi nila, “We must obey God rather than men.” And because sinabi niyang we must obey authorities, we obey God.
Hindi dahil sa gusto nila o gusto natin, kundi sa gusto ng Diyos. “For this is the will of God…” (v. 15). Governments may be good or bad in most cases. But the God who commands us to submit to them is always good. And we submit to him ultimately, we are “slaves (douloi) of God” (v. 16 HCSB). He is our ultimate Master, President, Lawmaker, Law Giver, Chief Justice, King. We “fear God” (v. 17). Dahil siya ang highest authority, not our President. We fear not his punishments, but his displeasure. Because the motive of every Christian in whatever we do is to please God, to honor him, to give glory to him. And when we fight bad with good, and kahit meron tayong bad government, nagpapaka-good citizens pa rin, we glorify him, we do that for his sake.
Inward motivation: Christian identity
Yung unang motivation natin is God’s glory, to reflect his image. Di nagbabago ang kabutihan niya sa atin, kahit sa mga oras na naging masama tayo sa kanya. Sa katunayan, dahil sa kabutihan niya kaya meron na tayong bagong pagkatao, we are now a new creation in Christ (2 Cor. 5:17). Ito yung inward motivation natin, our Christian identity. Last week, we already talked a lot about this. Meron tayong identity amnesia. Ang gamot sa ating palaging nakakalimot ay ang paulit-ulit na paalala. Sabi ni Peter sa vv. 4-10, we are like living stones, si Jesus ang cornerstone. Tayo ang spiritual house, si Jesus ang builder. Tayo ay holy priesthood, royal priesthood, si Jesus ang Great High Priest, Lord of lords and King of kings. Tayo ay chosen people, God’s people. We belong to Christ.
Ang identity natin nakatali kay Cristo, hindi sa mundong ito o sa relasyon sa kanino mang tao, o sa iniidolong pulitiko. Kaya bungad niya sa verse 11, “Beloved, I urged you as sojourners and exiles.” Actually yun din ang nasa bungad ng letter niya, “elect exiles” (1:1). So, in response to sufferings, we remember na hindi tayo taga-rito sa mundo, nakikiraan lang tayo.
Ibig sabihin, hindi tayo dapat tumulad sa mga taga-rito, sa mga non-Christians. We are now God’s people. Kilala na natin ang Diyos. Hindi na tayo tulad ng binabanggit ni Peter na “ignorance of foolish people” (v. 15). Alam na natin ang katotohanan, nasa atin ang karunungan ng Diyos. We are now gospel people. We respond to bad people, including bad government differently.
Tinali ni Pedro ang response natin sa identity natin. Verse 16, “Malaya nga kayo.” Yung kalayaan na yun, sabi niya, ay hindi kalayaan na gawin ang masama o kung ano ang hilig nating gawin. Kunid kalayaang sundin ang kalooban ng Diyos. Bakit? Dahil alipin tayo ng Diyos. Ang freedom natin ay matatagpuan sa pagiging alipin ng Diyos. “The Christian is free because he is the slave of God. Christian freedom does not mean being free to do as we like; it means being free to do as we ought…Only in Christ is a man so freed from self and sin that he can become as good as he ought to be” (William Barclay). Makagagawa lang tayo ng mabuti at magpapatuloy sa paggawa ng mabuti kung tayo ay nakay Cristo.
Outward motivation: missional urgency
Ang pagiging “exile” natin ay nag-iindicate din na meron tayong misyon dito sa mundo. Hindi tayo taga-rito, we are citizens of another kingdom. In relationship sa mga unbelievers, we are ambassadors of Jesus. Tayo ang representatives ni Jesus dito sa mundo. Kung paano tayo magrespond sa masama, we represent Jesus.
And when we respond with good deeds, ano ang maaaring mangyayari? “That they may see…” (v. 12). Para makita nila. Narinig din ito ni Peter kay Jesus sa Matthew 5:16, “Let your light shine before men that they may see…” Actually, yung “good” and “honorable” dito sa v. 12 ay galing sa Greek na kalon. Iba ito sa agathon (good din ang translation, but good in quality). Itong kalon, good in appearance, beautiful, attractive. Sabi ni Barclay: “…the Christian must make his whole way of life so lovely and so good to look upon” para yung mga paratang ng mga kaaway ay mapatunayang mali. “Here is timeless truth. Whether we like it or not, every Christian is an advertisement for Christianity; by his life he either commends it to others or makes them think less of it. The strongest missionary force in the world is a Christian life.” Ang “witnessing” kasi karaniwang nililimit lang natin sa evangelism, outreach, and church planting. But here, witnessing involves all of life, even in responding to sufferings. We often think of our sufferings as hindrance to witnessing. But, suffering is an opportunity for witnessing.
Opportunity na makilala nila si Cristo. Kung may sinasabi man silang masama laban sa atin, pag nakita nila ang mabuting response natin, verse 15, wala na silang masasabi pang masama laban sa Mabuting Balita na pinaniniwalaan natin. The gospel is by its nature offensive sa makasalanan. But our good works will remove yung mga unnecessary offense, at hindi tayo magiging sanhi ng katitisuran nila. Our good works adorn the gospel (Tit. 2:10). In the end, the goal is for them to “glorify God at the day of visitation” (v. 12). Itong day of visitation malamang na tumutukoy sa muling pagbabalik ni Cristo, a time of judgment. Pero kung sa araw na yun they glorify God, ibig sabihin they also became Christians. Merong missional urgency ang response natin sa bad people and bad government kasi eternal life ang nakasalalay para sa mga unbelievers. During times of suffering naiisip lang natin yung kalagayan natin. We lack compassion para sa mga unbelievers, especially yung masama ang trato sa atin. Sa sobrang focus natin sa suffering natin here and now, we forget the eternal suffering awaiting yung mga taong wala pa kay Cristo. That’s a greater tragedy.
Kailangang maging maingat tayo. Witnessing is more than just sharing the gospel. Yes we share the gospel, that’s the power of God, kailangan nilang marinig yun. But we adorn the gospel by how we live. Our life will either attract them to the gospel or keep them away. Too much is at stake here. Sa paggamit lang ng Facebook. Kung may nakasakit sa ‘yo, tapos patatamaan mo ng masasakit na salita sa status mo, at mababasa yun ng mga non-Christians, ano ang iisipin nila? Will it help our witness to them? Ganun din sa mga political discussions. Kapag magcomment ka sa mga current events, or mag-engage sa mga political discussions, they way you speak and respond sa mga disagreements, meron bang grace na makikita ang mga unbelievers? Will it help your witness of the gospel or hinder? That’s why mapapansin n’yo na bihira ako magpost or magcomment ng something about politics. Minsan meron akong gustong i-post, pero di ko tinutuloy. Kasi iniisip ko yung role ko as pastor, yung role ko as evangelist, as preacher of the gospel.
Conclusion
Kahit sa time na gusto ko nang sagutin yung mga pangit na comments, pinipigalan ko. For the glory of God, for the sake of the gospel, for the sake of our witness to unbelievers. Mahirap magpatuloy gumawa ng mabuti sa masamang tao at sa masamang gobyerno (two major commands). Pero magagawa natin dahil (because of these three motivations) nasa atin na (identity) ang Mabuting Balita (gospel) na kung matatanggap din ng ibang tao (because of our witness) ay magbibigay ng karangalan sa Diyos (glory of God).
Natutuwa naman ako kasi wala akong masyadong nakikitang mga political comments ng mga members ng church sa social media. Mas marami pa rin yung tungkol sa gospel. But on the other hand, nag-iisip ako na baka ang problema naman natin ay yung lack of concern or passivity sa nangyayari sa bansa natin. Wala nga tayong masyadong magagawa to influence our country on a national scale. Pero sa barangay, we can do something. Nitong nakaraang barangay elections lang, God rebuked me. Bumoto ako kasi I want to do something as a good citizen. Pero marami akong hindi kilala. Yung pangalang sinasabi pa ng anak ko ang binoto ko! Humingi ako ng tawad sa Diyos for neglecting yung pagiging involved sa community sa sobrang busy sa ministry. Yung mga kapitbahay nga namin di ko masyadong kakilala, di masyadong nakakausap.
Please pray sa DVBS na gagawin sa bahay namin sa end of May, na maging opportunity yun to open our house, our lives for other families. Para makilala nila kung sino tayo as Christians, kung ano yung gospel na dala natin, and for the glory of God. Gawin natin ang lahat ng magagawa natin, pagtulungan natin as one church family, para maipakilala si Cristo sa iba.
1 Comment