Part 7 – Meron Ka Bang Identity Amnesia? (2:4-10)

listen on audiomack  |  download mp3

Ang 1 Peter ay sulat ni apostol Pedro sa mga Christians na dumaranas ng iba’t ibang sufferings. This is also God’s Word to us today. To be a Christian is not to be free from sufferings here and now. Ang distinction natin sa mga non-Christians ay ito: we respond to sufferings differently. Merong pag-asa (hope) dahil sa tiyak na pagbabalik ni Cristo (1:3, 13). Merong kagalakan (joy) dahil sa ginagawa ng Diyos para sa ating pananampalataya (1:6, 8). Merong kabanalan (holiness) dahil ang Ama natin ay banal (1:15-16). This is how we honor God sa buong buhay natin (1:17). Lahat ng ito ay posible, we are transformed na maging iba sa mga non-Christians, not through our own self-efforts. But through the transforming power of the gospel being pressed down deeper into our hearts. “This word is the good news that was preached to you” (1:25).

Mahalaga yung tamang response sa sufferings, but we need to remember kung saan nanggagaling yung responses na yun. What we do flows from who we think or believe we are. Mahalaga na alam natin kung sino tayo, kung ano ang identity natin, kung saan nakatali yun. Halimbawa, para sa mga nanay, kung nakatali ang identity mo sa mister mo, you feel satisfied kung loving and faithful siya. Paano kung hindi? You feel secured kung maganda ang trabaho niya. Paano kung hindi? O kung nakatali naman ito sa anak mo. You feel fulfilled kung maraming awards ang anak mo. Paano kung bokya? You feel proud kung mababait ang mga anak mo. Paano kung salbahe?

And it is true for all of us in our sufferings. You feel discouraged kung negatibo ang naririnig mo sa ibang tao tungkol sa iyo. You feel insecure kung palpak ang mga nagawa mo. You feel envious kapag may ibang tao na maganda ang lagay sa buhay. Nagiging out of focus ka kalooban ng Panginoon ‘pag nagkakapatung-patong ang problema. You feel ashamed when people speak bad of you. Why? Because we forget our identity. We forget who we are. We all have identity amnesia.

Paalala ang gamot sa taong nakakalimot. So, dito sa sulat ni Pedro, paulit-ulit niyang pinapaalala sa kanila kung sino na sila dahil kay Cristo. Especially sa text natin ngayon sa 1 Peter 2:4-10. Mothers, when things are not going well, remember that you are not just a mother, but a Christian mother. Mga kapatid, we are not just sufferers, but Christian sufferers. Bago mo alamin ang sagot sa tanong na, “Ano ang gagawin ko?” alalahanin mo muna ang sagot sa tanong na, “Sino ako bilang isang Cristiano?”

Bakit mahalagang alalahanin yung new identity natin? Kasi, remembering our new identity will make us…

More confident na ang security natin ay nakatali kay Cristo (vv. 4-5)

Ang security natin nakay Cristo.

Siya ang batong buhay na itinakwil ng mga tao pero pinili ng Dios at mahalaga sa paningin niya. At habang lumalapit kayo sa kanya, 5 kayo na tulad din ng batong buhay ay itinatayo ng Dios bilang isang gusaling espiritwal. At bilang mga banal na paring pinili ng Dios, nag-aalay kayo sa kanya ng mga espiritwal na handog na kalugod-lugod sa kanya dahil ginagawa nʼyo ito sa pamamagitan ni Jesu-Cristo (vv. 4-5).

We find our security in Jesus because he is “a stone.” Siya ang bato na kailangan natin. Hindi lang “stone” but “a cornerstone” (v. 6, applying Isa. 28:16 kay Christ). Hindi lang one of many cornerstones, but “the cornerstone” (v. 7, applying Psa. 118:22). Hindi lang siya isa sa mga batong kailangan para maitayo ang gusali. Siya ang batong pundasyon kung saan nakasalalay ang tibay ng isang gusali. Remove Christ and we no longer have any security in life.

Many people during his time at hanggang ngayon hindi kinikilala si Cristo bilang pundasyon. “Itinakwil” siya ng mga tao. We suffer rejection? We remember that our Savior was also rejected by men. At bakit naman tayo magtitiwala sa kanya na rejected by many? Dahil sa paningin ng Diyos siya ay “chosen and precious.” Walang ibang makapagliligtas sa atin maliban sa kanya. No one is more precious or more worthy of honor than Jesus. At ang ginawa niya sa krus para sa atin, God considers “precious” (1:19). Yes, he died a shameful and painful death on the cross. But that is not the end of his story. Si Buddha ang tinuturing ng pundasyon ng Buddhism, si Mohammad sa Islam. Pero lahat sila ay namatay at nanatiling patay. Jesus died, but he rose again from the dead. “Siya ang batong buhay.” A living stone. He is what we need.

We become more confident na ang security natin sa buhay ay nakatali sa kanya, because our identity is anchored in him. “At habang lumalapit kayo sa kanya…” (v. 4). Hindi ‘yan past tense, na parang nagrerefer lang sa unang araw na lumapit tayo kay Cristo in repentance and faith, during our conversion. Present tense ‘yan. Referring to our ongoing relationship with Jesus as his disciple. As disciples of Jesus, our identity is now anchored in him. Not in our possessions, not in our family, not in our performance. Hindi sa ginagawa natin o sa mga bagay o tao na meron tayo sa buhay, kundi sa ginawa at ginagawa ng Diyos para sa atin.

Si Jesus “batong buhay.” Tayo rin ay tulad niya. “…kayo na tulad din ng batong buhay ay itinatayo ng Dios bilang isang gusaling espiritwal.” Si Pedro, ang pangalan ay “bato.” Sinabi pa nga ni Jesus sa kanya, “On this rock, I will build my church.” Pero dito sa passage na ‘to, bawat isa sa atin na nakay Cristo ay “bato” rin. Bahagi tayo ng isang gusali. A spiritual house. We are the new temple. Bawat isa ay mahalaga sa paningin ng Diyos. Ang security at significance natin ay hindi nakatali sa position natin o performance sa ministry, kundi nakay Cristo. Si Cristo ang pundasyon. Ang Diyos ang mason. We are God’s building project. Ang sinimulan niya, tatapusin niya. That’s our confidence.

Tayong mga mananampalataya ay katulad ng gusali na ang mga haligi ay ang mga apostol at mga propeta, at ang pundasyon ay si Cristo Jesus. 21Sa pamamagitan ni Cristo, ang lahat ng bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at nagiging isang banal na templo ng Panginoon. 22At dahil kayo ay nakay Cristo, bahagi na rin kayo nitong gusaling itinatayo, kung saan nananahan ang Dios sa pamamagitan ng kanyang Espiritu (Eph 2:19-22 ASD).

Minsan nagkakasunud-sunod ang mga problema natin. Tulad nila Aldrin. Paglabas ng anak nilang si Ish sa ospital last Sunday, si Nix naman ang ipinasok sa ospital at kahapon lang nakalabas. We can be overwhelmed sa mga nangyayari sa atin. Kung magfofocus tayo sa mga circumstances, magdudulot ito ng anxieties, insecurities and doubts. So to be confident in life, we fix our eyes on Jesus, what he has done for us, at kung sino na tayo ngayon dahil kay Cristo. Para tayong barko na naka-angkla sa tabing dagat. Firmly anchored, kahit malakas ang hangin, kahit hampasin ng alon. Kung kilala mo kung sino ka kay Cristo, magbibigay ito ng mas matibay na kumpiyansa dahil ang katiyakan mo sa buhay ay naka-angkla kay Cristo.

Aside from that, remembering our new identity will also make us…

More content na ang status o kalagayan natin ay higit na mainam kaysa sa mga non-Christians (vv. 6-8)

Way better than non-Christans. Bakit?

Sapagkat sinasabi ng Dios sa Kasulatan, ‘May pinili akong maghahari sa Zion. Tulad niyaʼy mahalagang bato na ginawa kong pundasyon. Ang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya’ [cited from Isa. 28:16]. 7 Kaya kayong sumasampalataya ay pararangalan ng Dios. Ngunit sa taong hindi sumasampalataya ay naganap ang sinasabi sa Kasulatan, ‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ay siyang naging batong pundasyon’ [cited from Psa. 118:22]. 8 ‘Ang batong ito ay naging katitisuran sa mga tao, at nakakapagpadapa sa kanila’ [cited from Isa. 8:14]. Natitisod sila dahil ayaw nilang sundin ang salita ng Dios; ganoon ang nakatalaga para sa kanila.

We often based our status sa mga achievements o accomplishments natin. Then we find it our honor ‘pag yun ang napapansin ng mga tao. Ang galing mo. Ang ganda mo. Ang husay mo. Pero kung hindi napapansin, o yung mga kapalpakan natin ang napapansin, we feel shame. Nakakahiya, baka kung ano na naman ang sabihin ng iba. That’s why you put to much pressure on yourself, your kids or pati sa mga members natin sa church to look well and perform well.

Pero hindi salita ng tao, opinyon ng tao o evaluation ng tao sa atin ang mahalaga. Salita ng Diyos, pangako ng Diyos, pagtingin ng Diyos ang basehan ng honor natin. Kung si Jesus ay “chosen and precious” in the eyes of God, and we are in Jesus, then we are also “chosen and precious” in the eyes of God. Kahit sa pangingin ng ibang tao mapahiya ka, o hindi ka piliin o hindi ka pahalagahan. We hold on to his promise, “Ang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.” Napapahiya tayo ngayon, pero sa huling araw, God will make sure to vindicate us, to honor us. “Kaya kayong sumasampalataya ay pararangalan ng Dios.”

Maybe tingin mo ngayon ang status mo ay mababa, at naiinggit ka sa ibang tao na mas maraming possessions, mas popular, mas powerful. But if they are not Christians, ano ang kaiinggitan mo? Mataas ang status nila sa paningin ng mundo, pero sa paningin ng Diyos?

Ngunit sa taong hindi sumasampalataya ay naganap ang sinasabi sa Kasulatan, ‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ay siyang naging batong pundasyon’ [cited from Psa. 118:22]. 8 ‘Ang batong ito ay naging katitisuran sa mga tao, at nakakapagpadapa sa kanila’ [cited from Isa. 8:14]. Natitisod sila dahil ayaw nilang sundin ang salita ng Dios; ganoon ang nakatalaga para sa kanila.

Mayaman sila, pero hindi sila sumasampalataya kay Cristo. Sa pera sila nagtitiwala. Matibay ang mga bahay nila, pero itinakwil nila ang tagapagpatayo ng bahay. They are building their lives on sinking sand. Natisod sila kay Cristo, nadapa sila at di pinaniwalaan ang ebanghelyo. Stumbling block at foolishness ang gospel sa kanila (1 Cor. 1:21). Kung ‘yan ang nakatalaga sa kanila, kung di nila maranasan ang biyaya ng Diyos na naranasan natin sa pagpili at pagliligtas sa atin, why envy them?

Ano ba ang mapapala ng isang tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, pero mapapahamak naman ang kaluluwa niya? 37May maibabayad ba siya para mabawi niya ang kanyang buhay? 38Kung ako at ang mga aral ko ay ikakahiya ninuman sa panahong ito, na ang mga taoʼy makasalanan at hindi tapat sa Dios, ikakahiya ko rin siya kapag ako na Anak ng Tao ay pumarito na taglay ang kapangyarihan ng aking Ama, at kasama ang mga banal na anghel (Mark 8:36-38).

Yung iba siguro naiinggit sa ganda, galing at kasikatan ni Sarah Geronimo. Pero nung nagconcern siya sa Las Vegas last week, di niya natapos yung kinakanta niyang “Forever’s Not Enough.” “I have been asking myself, ‘Bakit I feel empty?'” the singer revealed. “Hindi ‘yung successful na shows o ‘yung mga hits ang makakapag-kumpleto sa ‘yo, ang makakapagpasaya sa ‘yo bilang isang tao, kundi ‘yung tunay na pagmamahal na hindi nagbabago, perpekto ka man o hindi.”

Ano ang kukumpleto sa kanya? Nung isang araw lang, pinatalsik ng Supreme Court si Chief Justice Sereno sa isang landmark ruling sa case against her. Political controversy ‘yan, yes. But on a more personal level, ayaw natin ng ganyang rejection. Like noong nakipagbreak sa akin yung girlfriend ko nung high school ako, nung ipahiya ako ng high school teacher ko in front of the class, nung mareject yung visa application ko sa US Embassy. Sa interview ni Karen Davila sa kanya na tinanong siya, “How can you be ok?!” Sagot ni Sereno, a confessed believer in Christ, “Because, Karen, my life is complete in Christ.”

Instead of focusing sa mga bagay na meron ang mga unbelievers na wala tayo, focus on what you have in Jesus. You have far more. Instead of focusing sa sinasabi ng ibang tao na nega sa iyo, focus on God’s good word for you. Instead of envy, feel compassion for those who don’t know Jesus. Remembering our new identity will make us more content na ang status o kalagayan natin ay higit na mainam kaysa sa mga non-Christians.
And, lastly, it will make us…

More committed sa single purpose kung bakit tayo piniling iligtas ng Diyos (vv. 9-10)

In times of suffering, nagiging out of focus tayo kasi akala natin ang layunin ng buhay natin ay tulad lang din ng sa mundong ito. Our purpose in life is not more comfort or more pleasures or more possessions. Iba dapat. Kasi iba din ang identity natin.

But you are a chosen race, a royal priesthood, a holy nation, a people for his own possession, that you may proclaim the excellencies of him who called you out of darkness into his marvelous light. Once you were not a people, but now you are God’s people; once you had not received mercy, but now you have received mercy (vv. 9-10).

Yung v. 9 may allusion sa Exodus 19:4-6. Iniligtas ng Diyos ang Israel out of 400 years of slavery sa Egypt. That redemption gave them a new identity. Kung susunod sila sa Diyos, “…you shall be my treasured possession among all peoples, for all the earth is mine; and you shall be to me a kingdom of priests and a holy nation” (vv. 5-6). Siyempre yung history nila full of unfaithfulness. Pero faithful din ang Diyos na magmahal sa kanila. Yung v. 10 naman sa text natin may allusion sa Hosea (1:6, 9, 10; 2:23). Kinaawaan sila ng Diyos. Itinuring pa rin silang para sa Diyos. Para ano? So that they will bring God’s story of mercy sa ibang lahi. They were blessed to be a blessing, as they obey God. Pero puro kapalpakan. Yung calling ng Israel, tinupad lahat ni Cristo. In Christ, we are the new Israel, the new people of God. Yun na yung bago nating identity. New identity. New purpose.

“A chosen race.” Biyaya ng Diyos ang pagkakapili sa atin. Tulad ng Israel. Not because they were better. No. Out of sheer grace. For us to put on display hindi ang galing o husay o yaman natin, but to put on display the grace of God in Jesus.

“A royal priesthood.” Kanina sa v. 5, “spiritual house” yung image na ginamit. Anong purpose? “To be a holy priesthood, to offer spiritual sacrifices acceptable to God through Jesus Christ.” Ang function ng priest ay to represent the people to God, para ilapit ang tao sa Diyos, para maging mediator kumbaga. Siyempre si Jesus ang Great High Priest. At naging “holy” tayo dahil kay Cristo. At naging “royal” o kingly ang priesthood natin as a church because of King Jesus. Kaya we can offer “spiritual sacrifices” na magiging acceptable sa Diyos “through Jesus Christ.” So our purpose in life is to represent him as King, as Priest, as Mediator, as Savior. Not just in words, but also in deeds. Not just individually, but corporately as a church.

“A holy nation.” Tayo ang bayan ng Diyos. We represent the kingdom of God. Kung namumuhay tayo sa kabanalan, and kahit magkasala patuloy ang laban in pursuing holiness, we give witness na banal ang Diyos at karapat-dapat sundin.

“A people for his own possession.” Pag-aari niya tayo. We belong to him. He is our Treasure. We are his treasured possessions. We give witness, we speak, kung ano itong biyayang natanggap natin, kung ano itong kayamanan na nasa atin, kung gaano kadakila at kabuti ang Diyos na nasa atin. That’s our purpose and mission: “…that you may proclaim the excellencies of him who called you out of darkness into his marvelous light.” Kung magsasalita at mag-iingay tayo, hindi tungkol sa pulitika o pagpoprotesta sa gobyerno. Isigaw natin kung ano ang ebanghelyo, kung sino si Cristo, kung paanong tayo ay tinawag at hinango mula sa kadiliman tungo sa liwanag. That is how we can be a light in this dark place.

“Once you were not a people, but now you are God’s people; once you had not received mercy, but now you have received mercy.” This is our story. Kailangang marinig ito ng mga tao. Oo mahalaga ang buhay natin, kung ano ang nangyaring transformation sa buhay natin. But our life testimony is not the gospel. Jesus is the gospel. The power is not in our story but in Jesus’ story. Yung iba kasi kung magshare ganito, “Dati magulo ang pamilya namin, ngayon maayos na. Dati hirap na hirap ako sa buhay, pero ngayon okay na. Dati may cancer ako, pero pinagaling na ni Lord.” Totoong nangyari yun. Pero pwede namang hindi mangyari yun sa iba.

So, instead of focusing on your life, focus on Jesus your Life. Focus on the gospel. Dati alipin tayo ng kasalanan, pero ngayon pag-aari na tayo ng Diyos. Dati, puno tayo ng guilt and shame dahil sa kasalanan, pero ngayon meron nang freedom and forgiveness because of Jesus. Dati kaawa-awa ang kalagayan natin, kahit na maraming pera, pero ngayon kahit konti ang pera, mabuti ang kalagayan natin dahil kay Cristo. Our life story is not the gospel. We are not to bear witness to our own story, but to the life, death, resurrection, and reign of Jesus.

Kahit sa sufferings, we are also witnesses. Your sufferings can be a witness to the supremacy and sufficiency of God. Your troubled marriage can point others to the intimacy we have in God. Your financial difficulties can point others to the sufficiency we have in Christ. The persecution and injustice you are suffering can point people to the security we have in Jesus. Don’t waste your sufferings. Remember who you are in Christ. And you will be more committed and focused sa layunin ng Diyos kung bakit ka niya piniling iligtas, namely, to give witness to his grace in Jesus.

Conclusion

We are all sufferings in one way or another, to a lesser or greater degree. Given fact na yun. Pero bago mo alamin ang sagot sa tanong na, “Ano ang gagawin ko?” alalahanin mo muna ang sagot sa tanong na, “Sino ako bilang isang Cristiano?”

Ang dali kasi nating makalimot. Kung hanggang ngayon nakatali ang identity mo sa asawa mo o sa mga anak mo o sa sinumang karelasyon mo, proud kang sabihing “asawa ako ni ganito…anak ko si ganito…bf ko siya…” Pero paano kung nagluko ‘yan, o iniwan ka, and they will sooner or later, ano na ngayon ang mangyayari sa ‘yo? Kung nakatali naman sa negosyo mo, kumpiyansa kang sabihing, “ako may-ari nito…malago na ang negosyo namin…mataas na posisyon ko sa trabaho.” Pero paano kung nalugi ‘yan o nawala ‘yan o nagsara ‘yan – and it will sooner or later, saan ka na ngayon kakapit? Kung nakatali naman ‘yan sa achievements mo sa school o career o ministry, you feel significant kung maraming pumupuri sa ginagawa mo. “Wow ang galing, ang husay, ang active naman.” Pero paano kung di ka mapansin, o ma-criticize pa, magpapatuloy ka pa ba?

Ang identity mo nakatali na kay Cristo. Ang security mo nakatali sa kanya. Ang status mo nakatali din sa kanya. Ang significance mo sa kanya rin. Kailangang alalahanin natin ‘to during times of sufferings, whatever suffering, so that we will be more confident in Christ, more content with Christ, and more committed to Christ. Ang gamot sa identity amnesia na meron ka ay ang paulit-ulit na paalala.

 

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.