Madaling sabihing “mahal kita,” pero mahirap namang gawin. Love is more than just feelings, kailangan ng aksyon. Pero kung maipakita man natin ang “acts of love” sa ibang tao, if we are going to be honest, many times di natin nararamdaman yung purity ng motives ng heart natin. Lalo pa sa mga difficult times, mas mahirap magmahal at maipakita ang pagmamahal.
Halimbawa, kung may kasama tayo sa church na kailangang operahan sa puso, kalahating milyon ang kailangan. Alam mo kailangan niya ng tulong. Pero iniisip mo agad yung mga kailangan mo ring bayaran, yung mga bills mo, yung panghulog mo sa kotse. Hindi lang naman pera kailangan niya. Pati oras mo na dumalaw man lang, manalangin at mag-offer ng anumang maitutulong. Pero we find excuses na sobrang busy natin for those things. We failed to love.
Lalo namang mas mahirap magmahal sa isang taong nakasakit sa ‘yo. Wag na lang. Bahala ka sa buhay mo. Lalo pa kung kelangan niya ng tulong, sa loob-loob natin, yan nga ang dapat sa ‘yo, you don’t deserve my kindness. Masyado tayong nagiging focus sa sarili natin – sariling pangangailangan o sariling damdamin o sariling kagustuhan – sa panahong nangangailangan ang kapatid natin, lalo na sa nakasakit sa atin.
Pero anumang sufferings, difficulties, or conflicts, they are not valid excuses para di natin ipakita ang pagmamahal sa ibang tao. Tulad ng napag-aralan natin last time, yung responses natin sa sufferings ay mahalaga. Ang isang Cristiano iba sa mga non-believers in responding to suffering. Ang buhay natin na hope-filled, holiness-pursuing, honor-giving ang dapat na maging distinguishing marks ng isang Christian in times of sufferings.
Dito naman sa text natin sa 1 Peter 1:22 hanggang 2:3, ang pangunahing utos sa atin, in response to sufferings, ay magmahalan sa isa’t isa, to love others more and more. Sa halip na tingnan natin ang sarili natin, we focus on the needs of others and sacrificially provide for what they need – material man, spiritual or emotional need. Verse 22, “Having purified your souls by your obedience to the truth for a sincere brotherly love, love one another earnestly from a pure heart.” Ang focus nito ay yung pagmamahalan natin bilang magkakapatid kay Cristo, within our church family. Kapag may nangangailangan, tutulungan natin kasi isang pamilya tayo. Kapag may nakasakit sa atin, gagawa pa rin tayo ng paraan para maayos ang relasyon at maibalik ang pag-iibigan kasi isang pamilya tayo.
Hindi yung ginagawa natin o acts of love na pinapakita natin ang mahalaga. Yung puso natin ang pinakamahalaga. Oo nga’t mahalaga ang responses natin sa sufferings, but more important is our motivation behind those responses. Pwede kasing makikipag-usap ka, ngingiti ka, gagawa ka nang mabuti, bibisita, o magbibigay ng pera, pero kung ang puso mo naman ay hindi tama sa pagmamahal, you are still not obeying this command.
Bakit? Ang command naman dito ay hindi lang basta “love one another.” Dapat ang pagmamahal na ito ay nanggagaling sa isang “pure heart.” Malinis, walang dumi, walang mantsa. Dapat “sincere brotherly love.” “Tapat” (MBB), totoo, hindi nagkukunwari, hindi hipokrito, hindi nagpapakaartista lang para masabing okay na. “Love one another earnestly…” Nag-aalab, hindi napipilitan lang. Nasasabik, hindi mairaos lang o matapos na ang problema.
The command is clear: Dapat maging malinis, puro, at maalab ang pagmamahal natin sa kapatid natin. Pero mahirap ‘yan kung matindi ang pangangailangan ng kapatid nating maysakit. Mas mahirap ‘yan lalo na kung ‘yang kapatid mismo natin ang nakasakit sa atin. Mahirap hindi dahil sa mahirap na sitwasyon. Mahirap dahil puso natin ang pinag-uusapan. Mahirap pasunurin, mahirap baguhin ang puso natin. Pero hindi imposible. Posible sa biyaya ng Panginoon.
Paano ngayon natin masusunod ang utos na ito? Paano ka lalago sa pag-ibig sa kapatid mong maysakit o nakasakit sa ‘yo? Tingnan natin ang tatlong paraan on how we can grow in love for one another.
#1: Tandaan mo ang kapangyarihan ng Mabuting Balitang nagpatibok ng puso mo (1:22-25).
Gospel na naman! Siyempre. Ang utos na “love one another” ay ikinabit ni Pedro (before and after) sa katotohanan ng Mabuting Balita, at ano na yung na-accomplish nito sa puso natin. Verses 1-12 yun na ang ginagawa niya, reminding us of the gospel. Kung ano ang ginawa ng Diyos Ama, Anak at Espiritu para iligtas tayo. Kung ano ang pangako niya na tatanggapin natin. Kung gaano ka-precious itong salvation na meron tayo. Kung ano ang kalayaang taglay na natin ngayon bilang mga tinubos ni Cristo. Kaya bungad ng verse 13, “Therefore…” Heto dapat ang response natin sa ginawa ni Cristo. Sa verse 18 naman, “knowing…” Heto ang motivation natin sa mga responses na ‘yan. Parang sinasabi ni Pedro, alam mo na ‘yan, alalahanin mo, tandaan mo palagi. Dito sa verses 22-25 ganun na naman. Para lumago tayo sa pag-ibig sa isa’t isa, tandaan natin ang Mabuting Balitang tinanggap natin.
“Having purified your souls by your obedience to the truth for a sincere brotherly love” (v. 22a). Yung “the truth” obviously ay tumutukoy sa gospel. Pinaniniwalaan mo kung ano ang Totoo. Ipamuhay mo kung ano ang totoo, ang pag-ibig mo ay dapat maging totoo din. The gospel is not fake news, so yung love natin hindi rin dapat fake. Nang tinanggap mo ‘to, you were “purified.” Meron ka nang bagong puso, malinis na puso. Out of that “purified heart” dun manggagaling yung pure love na ipapakita natin sa iba. Ang kaligtasang tinanggap natin ay magreresulta sa pagmamahal sa mga taong tumanggap din ng parehong kaligtasan.
“…since you have been born again, not of perishable seed but of imperishable, through the living and abiding word of God” (v. 23). Dati patay ka, hindi tumitibok ang puso mo, wala kang kakayahang magmahal nang tunay. Pero ngayon buhay ka na, tumitibok na ang puso mo, meron ka nang kakayahang magmahal. That’s the life-giving power of the gospel. Hindi tulad ng salita ng tao, o pangako ng tao. Hindi mo maaasahan, di ka tiyak kung magtatagal. Parang halamang nalalanta. Pero ang salita ng Diyos “living and abiding.”
Kaya ginamit ni Pedro na quote to support yung sinasabi niya ay galing sa Isaiah 40:6, 8. Galing ito sa mga talatang nagbibigay ng kumpiyansa (life-giving confidence) sa mga Israelitang suffering in exile. Tulad ng mga sinulatan ni Pedro (at tayo rin) (exiles, 1 Pet. 1:1). “Ayon sa Kasulatan, ‘Ang lahat ng tao ay parang damo, ang kanilang katanyagan ay parang bulaklak nito. Ang damo ay nalalanta at ang bulaklak nito ay nalalaglag, ngunit ang salita ng Panginoon ay nananatili magpakailanman'” (vv. 24-25a). The power that gives you life is the power that enables you to love. The gospel is life-giving and transforming. Nagbigay-buhay at bumabago sa buhay natin. Nagpatibok sa puso natin at magpapaalab para makayanan nating mahalin ang mga mahirap mahalin. Ang gasolinang nagpapatakbo sa buhay natin ay ang gasolinang ibubuhos din natin sa puso natin para magliyab sa pagmamahal sa iba.
Dahil hindi lang ito basta salita, ito ay mabuting balita: “At ang salitang ito ay ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo” (v. 25b). Narinig na ninyo ‘yan. Tinanggap na ninyo ‘yan. Nasa puso n’yo na ‘yan. Tandaan mo ang kapangyarihan nito. Wag mong sabihing hindi mo kayang magmahal. Oo nga’t maaaring tama ang pagkakilala mo sa sarili mo kasi di mo naman kaya sa sarili mo. But when you keep saying that, when you make that an excuse for not loving, you are underestimating the life-giving, life-transforming power of the gospel in your heart.
Karaniwan na ‘yan pag may magpapacounsel. Lalo na kapag sobra yung galit sa puso, di makapagpatawad, hirap na hirap mahalin ulit ang taong nakasakit sa kanya. Lalo na kapag paulit-ulit. Kahit nga yung matatagal nang nangyari, natatandaan pa. ‘Yan ang problema natin. Yung kailangang kalimutan, yun ang tinatandaan. Yung kailangang tandaan, yun ang kinakalimutan. Tandaan mo kung gaano kalaki ang galit ng Diyos sa ‘yo dahil sa laki ng kasalanan mo sa kanya. Pero inakong lahat yun ni Cristo sa krus. Lahat ng kasalanan mo. Lahat ng galit ng Diyos. Tandaan mo kung paanong pinatawad na ng Diyos lahat ng kasalanan mo. Lahat! Tandaan mo kung gaano katapat, kabuti ang Diyos sa ‘yo bagamat di ka karapat-dapat mahalin. Tandaan mo ‘yan, saka mahalin mo ang asawa mo, ang anak mo, ang biyenan mo, ang kasama mo sa church. Kahit gaano pa kalaki ang nagawa nilang kasalanan sa ‘yo.
Kailangan nating tandaan ‘yan, at isaksak sa puso natin. Pero karaniwan pa rin, nahihirapan tayo kasi our problem is not just a memory problem, but a moral problem. Hindi lang problem of the mind, but problem of the heart. Merong nakabara sa puso natin, kaya hindi dumadaloy ang pag-ibig papunta sa ibang tao. Kaya ang pangalawang paraan na dapat nating gawin, for us to grow in love for others, ay ito:
#2: Tanggalin mo ang mga natitirang masamang hangaring bumabara sa puso mo (2:1).
“So, put away all malice and all deceit and hypocrisy and envy and all slander.” Meron kang kailangang tanggalin, “put away,” o wag hayaang manatili sa puso mo. Everything na binanggit niyang sumunod na kailangang tanggalin – lima yun, pero sampling lang – puro internal problem yun. Hindi external. Meron akong kaibigan. May problema yung asawa sa biyenan na kasama sa bahay. Meron din siyang problema sa kasama niyang pastor sa church nila. Pinapayuhan na naming bumukod na ng bahay. At lumipat na rin ng church. Pero temporary solutions yun. O dito sa church, merong ayaw nang umattend kasi ayaw makita yung isang kapatid na sobrang bigat ng loob niya pag nakikita, temporary solution ay lumipat muna sa ibang church. Makatutulong yun na parang “first-aid” kumbaga, pero hindi lasting solution yun.
Ang lasting solution para maayos ang relasyon at mapanumbalik yung love for each other ay tanggalin ang anumang natitirang nakabara sa puso mo na nakahahadlang sa relasyon mo sa iba. I’m talking about your heart condition, hindi yung puso ng ibang tao. Kasi sa tingin natin, kung magbabago lang siya, magiging okay na. Change needs to start with our own hearts. Yun naman ang pananagutan natin sa Diyos, sariling puso natin, hindi puso ng ibang tao.
Anu-ano yung nakabara na dapat tanggalin sa puso natin? “So put away all malice, and all deceit and hypocrisy and envy and all slander.” Malice, kapag nag-iisip ka ng masama laban sa kapatid mo: “Madapa ka sana. Ma-karma ka sana” (as if namang totoo ang karma!). Deceit, maganda nga pinapakita mo pero hindi naman totoo o sa likod nito ay meron kang makasariling hangarin. “Madalaw nga siya, at mabentahan.” Wala namang masamang magbenta, pero kung nagiging mabait ka lang sa kasama sa church at palakaibigan para gamitin sila sa sarili mong negosyo, that’s not loving, that’s using them. Hypocrisy, pakunwari. May sama ka nang loob, pero kunwari okay kayo, pangiti-ngiti ka pa. Sa halip na mag-usap kayo nang maayos. Envy, naiinggit sa kalagayan ng iba: “Buti pa siya, umaasenso, masaya ang pamilya, samantalang ako, hirap na hirap.” You cannot love others pag may ganitong damdamin. Slander, kapag nagsalita ka ng hindi totoo sa isang tao para masira ang reputasyon niya, o kung totoo man pero di naman dapat malaman ng ibang tao. Utak talangka.
Paano matatanggal ang mga ito at mapapalitan ng pag-ibig ayon sa definition ng 1 Cor. 13:4-7: “Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas” (MBB)?
Not by positive thinking tulad ng sinasabi ng iba. Palitan mo raw ng pangalan mo yung “ang pag-ibig.” Si Derick ay matiyaga, magandang loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang…Tama na. Nakakakilabot. Ang solusyun is not by looking to yourself more positively. But looking to Christ more and more. Si Cristo lang ang pwede mong pangalan na ipalit dun sa “pag-ibig” and it will be true always. Christ is love. Bakit ka mag-iisip nang masama sa kapatid mo kung mabuti ang pagtrato sa ‘yo ni Cristo? Bakit ka magkukunwari kung you already have perfect approval in Christ? Bakit ka magsasalita nang masama sa iba kung mabuting balita ang pinaniniwalaan mo? Bakit ka mag-aatubiling ibigay ang pera, oras at lakas mo sa kapatid na nangangailangan kung memorized mo pa yung “I have been crucified with Christ and I no longer live but Christ lives in me. The life I now live I live by faith in the Son of God who loves me and gave himself for me” (Gal. 2:20)? Ang masamang hangarin sa puso mo ay matatanggal lang sa kapangyarihan ng mabuting balita ni Cristo.
Thursday night, some of our leaders met with the representatives ng grupo na nagdecide na maging independent na sa atin since January this year. May mga misunderstandings, may mga isyung mabigat, may mga di maayos na relasyon. Masakit. Pwede naming isumbat sa kanila ang kung anu-ano, pero nung gabing yun ay mas napag-usapan kung paano magkakasundo. How to show love bilang magkakapatid sa Panginoon. Although we commit na tapusin na ang mga conflicts, this will be a lifelong struggle sa puso natin. Kaya nga command ni Peter, “Put away all…all…all…” Lahat. Hangga’t may natitira ang makasariling hangarin sa puso natin, di matatapos ang laban natin sa kasalanan, di matatapos ang need natin to grow in love. Kaya kailangang siyasatin natin ang puso natin araw-araw. Meron pa bang inggit? Galit? Kailangan nating tandaan ang gospel araw-araw.
Bago yung pag-uusap nung Thursday night, we started by reading yung passage na pinag-aaralan natin ngayon. Kahapon, nagmessage yung isa sa mga kausap namin. Nagpapasalamat siya sa Word na nashare ko. Feeling daw niya kinakausap siya ni Lord. Namangha din siya sa work ni God sa humility ng mga leaders ng church na nakita niya. ‘Yan naman ang kapangyarihan ng salita ng Diyos. Kung sa amin lang, baka kung anu-ano pang masakit ang masabi namin. Kaya mahalaga, for us to grow in love, itong pangatlo…
#3: Tanggapin mo ang salita ng Diyos na patuloy na babago sa puso mo (2:2-3).
“Like newborn infants, long for the pure spiritual milk, that by it you may grow up into salvation— if indeed you have tasted that the Lord is good.” Sa context ng passage natin, yung “pure spiritual milk” dito ay yung word of God na paulit-ulit nang binanggit sa 1:22-25. Kung gusto nating maging pure ang love natin, kailangan natin ng pure source. Hindi yung halimbawa o salita ng ibang tao. Kundi yung purong salita ng Diyos. Yung ang kailangan natin to grow in love, “that by it you may grow up into salvation.” Para maipamuhay natin ang kaligtasang tinanggap natin, para malubos ang ginagawa ng Diyos sa puso natin hanggang sa pagbabalik ni Cristo, we need exposure to the Word. Kaya dapat nasasabik tayo diyan. Hindi lang occasionally, hindi lang weekly. Hindi lang para tingnan lang. Kundi para inumin, tunggain, laklakin. Kung natikman mo na kasi kung gaano kasarap ‘yan, hahanap-hanapin mo. Hindi ka pipilitin, hindi ka pilit na kukumbinsihing masarap. Ikaw mismo ang maghahanap, ikaw mismo ang hindi mapapakali kung di ka nakabasa. Not just for the sake of reading the Bible. But reading the Bible as a means to “taste and see that the Lord is good” (Psa. 34:8).
This is what we need in times of suffering para mag-grow pa tayo in love for others. Kahit “bad” ang ibang tao, ang ginagawa nila, o sinasabi nila, hindi yun ang nginunguya natin. But the goodness of God. Kahit bad ang nangyayari sa buhay natin we don’t focus on our sufferings, we believe he is good and all things work together for good. For our good and for his glory.
You are not growing in love, you find it hard to love, because you are not reading God’s love letter for you. Masama ang pumapasok sa isip mo, masama ang nagiging damdamin mo, kasi ang lagi mong binabasa at inaalala ay yung masasamang salita ng ibang tao sa iyo. Basa ka nang basa ng Facebook post nila, akala mo ikaw ang pinatatamaan. Paparinggan mo na rin. May nagtext sa ‘yo ng offensive, offensive din ang gagawin mong reply. May nagtsismis sa ‘yo, itsitsismis mo rin. ‘Yan ang natural responses natin. Pero napapalitan ng mabubuting salita at mabubuting gawa kung babad tayo sa salita ng Diyos. Kung ano ang ipinapasok mo sa isip mo, yun din ang bumabaon sa puso mo, at siyang lumalabas sa bibig mo, sa pagtrato mo sa kapatid mo. Kung basura, basura din ang lalabas. Kung unhealthy ang pinapakain mo sa isip mo, unhealthy din ang magiging relationship mo sa iba.
Kaya mong magmahal!
Kaya tanggapin mo ang salita ng Diyos na patuloy na bumabago sa puso mo. Hindi mo na pwedeng sabihing hindi mo kayang magmahal sa taong gusto ng Diyos na mahalin mo. The word of God is so powerful to accomplish his intended purpose sa heart mo (Isa. 55:10-11). Lagi mong tandaan ang kapangyarihan ng Mabuting Balita na nagpatibok ng puso mo. Ito ang paraan ng Diyos para matanggal ang anumang natitirang maIsamang hangaring bumabara sa puso mo. Dahil kung hindi matatanggal, ikamamatay mo ‘yan (Rom. 8:13).
Last week we prayed for our brother Rod. Nung isang araw lumapit siya sa akin at humihingi ng prayer. God is humbling him to depend on him. Kasi nakita sa angiogram niya na 84% na ng arteries sa kanyang puso ang barado. Kung hindi matatanggal o mababawasan yung nakabara, it might result in heart failure. Kailangan ng angioplasty para matanggal ang bara. That’s why we prayed for him last Sunday. Supposedly Monday ang surgery. Pero hindi natuloy, answered prayer. Yung nag-angiogram ulit, nakita na halos 50% na lang yung barado. Nakalabas na siya ng ospital, pero continuous pa rin ang observation, medication at siyempre tamang pagkain at pag-aalaga ng katawan.
Nakakatuwa kung paano sumagot si Lord sa mga prayers natin. Na marealize din na maraming nagpray, maraming bumisita sa kanya, may mga nagbigay and willing to give. May group chat pa nga ang mga friends niya dito sa church para mapag-usapan kung paano magtutulung-tulong para sa kanya. That’s love in action. Bunga ng Espiritu sa puso natin. That’s evidence of grace at work among us.
Tulad ni Rod, dapat din nating marealize how much we need his grace everyday. Hindi lang siya ang maysakit sa puso. Lahat tayo. Ngayon dumaan tayo sa angiogram ng Spirit exposing our hearts through his Word. Massive man yung blockage sa heart natin, o hindi kalakihan, we all need gospel surgery o gospel medication. Para tanggalin anumang natitirang nakabara diyan at nakahahadlang para magmahal. Para palitan ng mabuting daloy ng dugo ni Cristo, at mag-overflow ang pag-ibig ni Cristo sa mga puso natin tungo sa mga kapatid natin. Gaano man kahirap ang sitwasyon o relasyon.
What would you do now? Merong kelangang dalawin, kumustahin, irebuke sa kasalanan? O merong nakasakit sa iyo o alam mong may sama ng loob sa iyo? Ano ang gagawin mo? Whatever it is, make sure na ito ay act of sincere and earnest brotherly love flowing from a pure heart. Hindi mo na pwedeng sabihing hindi mo kaya. Kaya mo. Kaya mong tanggalin ang nakabara sa puso mo. Because of the gospel at work in your heart through the Spirit. Tandaan mo ‘yan. Tanggapin mo ‘yan araw-araw. Nawa’y loobin ng Espiritu na nasa atin na patuloy na baguhin ang puso natin so that we will grow more and more like Christ in love for one another.