download mp3
***This is Session 2 of our 2018 Pastors Conference. You can find all conference media here.***
Shocking Scandals
Ranker.com listed 15 “Legendary Pastors Who Fell from Grace”. Merong nainvolved sa gay sex scandal, molestation, assaulting 30 women, multiple affairs, sexual addiction, plagiarism scandal, emotional abusiveness, misogyny, misuse of church funds. These news are not as shocking kung sa entertainment industry. But pastoral ministry? We are shocked by these “scandals.” And there are many more cases like these. Many are unknown. Like a pastor friend who was committing sexual sins with his girlfriend. Or another pastor friend addicted sa porn. And another one who has a problem with anger, pride and self-righteousness.
Nagiging shocking if we hear confessions like these kasi many people think of us pastors as supermen, holy men, na para bang may immunity na tayo sa kasalanan. Yes, we are to be good examples to our flock. That’s part of our responsibility as shepherds (1 Pet. 5:3). But we are not perfect, sinless examples. The truth is, we are still sinners. We are still great sinners, and capable of sinning big time. We are in great need, in desperate need, of the grace of God everyday.
Like David, tingin ng mga tao sa atin ay we are a man after God’s own heart. And by the grace of God we are. But like David, we are also men who have this capacity in our heart to break God’s heart. Big time. We are already familiar sa nangyari sa kanya sa story with Batsheba. Nakakadismaya ang kuwento if you are following yung mga successes niya as Warrior-King ng Israel. But at the same time, astonishing na ang Bible ay ganito ka-brutally honest sa kasalanan ng isang haring pinili ng Diyos. But we will be astonished more how the grace of God is publicly exposed before us through this story and through our own scandalous stories.
Let’s take a closer look at 2 Samuel 11-12.
David remained in Jerusalem (11:1)
Pagbukas pa lang ng kuwento, we can already sense a problem brewing. It was during a “time when kings go out to battle” (11:1). At ‘yan naman ang ginagawa ni David. But at this time he “sent” his men para lusubin ang mga Ammonites sa Rabbah. “But David remained at Jerusalem.” Wala namang masamang magpahinga o mag-sabbatical sa ministry. That’s good. But not this time. Importante ang laban ng Israel laban sa kanilang mga kaaway. Pero mas importanteng laban ang kinahaharap ni David. This battle is not fought outside but inside his heart. Araw-araw ang labang ito. This is a battle kung sino ang nasa trono ng puso natin, kung nakanino ang allegiance natin. Dapat lagi tayong handa sa labang ito, dapat laging may armas sa pakikipaglaban, hindi pwedeng huminto, hindi pwedeng magpahinga.
You can say na pagdating sa ministry hardworking ka at workaholic pa. But in terms of guarding what matters most, we can be very lazy and slothful. “Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it” (Prov. 4:23 NIV). Every Sunday we are preaching and sending our people to daily battle, equipping them with the Word of God. Pero tayo, pagdating sa gabi or kinabukasan Monday, rest day, we let our guards down in the movies we watch or the pictures we look at or what we imagine inside our minds.
Wag mong isiping maliit lang ang kasalanan mo at hindi kasing scandalous ng iba. Kung akala natin tapos na ang laban, kung akala natin nagtagumpay na tayo, nagiging kampante tayo sa sarili natin. Pride ang unang kalaban natin. Kung yan ang maghahari sa puso natin, baka tayo mabuwal. “Kaya kung iniisip ninyo na matatag na kayo sa inyong pananampalataya, mag-ingat kayo at baka mahulog kayo sa kasalanan” (1 Cor. 10:12 ASD). “Ang kayabangan ay humahantong sa kapahamakan, at ang nagmamataas ay ibabagsak” (Prov. 16:18 ASD).
Kung si David bumagsak, wag mong isiping di mangyayari sa ‘yo ‘yan. Kahit maliit na kasalanan, “reprehensible” in itself, leads to more despicable sins for a king, for a pastor, for men after God’s own heart.
David commits adultery (11:2-5)
Isang hapon, pagkatapos ng kanyang siesta, bumangon si David, naglakad-lakad sa itaas ng palasyo. May nakita siyang isang babaeng naliligo. Napakaganda. Pinagnasahan niya. “David sent” (v. 3) at ipinagtanong kung sino ang babae. Tiningnan niya ang profile pics sa Facebook. Batsheba pala ang pangalan. Kaso “married” ang status. At asawa pa ng isa sa kanyang magiting na sundalo na si Uriah. Nagsimula sa pagtingin, naging lustful desire sa heart niya. David already committed adultery in his heart before he commits adultery (Matt. 5:29). Pinatawag niya ang babae. They had sex. She became pregnant. Undeniably, si David ang may kasalanan.
Kinuha ni David ang hindi para sa kanya. Maraming pribilehiyo at malawak ang kapangyarihan ng isang hari, pero ang paglabag sa malinaw na utos ng Diyos ay hindi kasali dun. Breaking God’s law is never the privilege of those who serve God in the ministry. Wala rin tayong immunity against sin as part of our pastoral privilege. Sabi ni Garrett Kell: “Whether we are a pastor, president, or housewife, we are all in danger of being wooed, outwitted, and overpowered by sin. Yet we often do not feel the danger until it is too late.”
James also warned us, “But each person (pastor) is tempted when he is lured and enticed by his own desire. Then desire when it has conceived gives birth to sin, and sin when it is fully grown brings forth death. Do not be deceived, my beloved brother-pastors” (Jas. 1:16). We sin (sexual sins) and what is worse, we try to justify our sinful actions. One hour of porn won’t hurt. Ang dami namang oras na ginugol sa paglilingkod. Makakabawi din kay Lord. O reward ko na ‘to sa sarili ko. At kung ayaw ng asawa natin, we selfishly satisfying ourselves. When you fantasize being physically intimate with women in your church or neighbor, you justify that by saying na hindi mo naman gagawing aktuwal. Kung single ka, sasabihin mong maingat ka naman at di makakabuntis.
The question is not, are you sinning? Given na yun. The question is, what are you going to do about it?
David tries to cover up his sins (11:6-13)
Throughout the story, silent character si Batsheba. Except nung sabihin niya kay David, “I am pregnant” (v. 5). Three words with great repercussions for the rest of the story. Nakakatakot ang asawa ko pag tahimik. I sense something is wrong. When I was in seminary, when I started as pastor of our church, big time ang struggle ko sa porn. Nagsimula pa ‘yan nung high school ako. But I keep hiding that. Until one day, I heard from my wife, “I know…” No matter how hard we try, we cannot hide.
Kung nagkasala tayo sa Diyos, dapat aminin natin. Dapat humingi tayo ng tawad. Yun sana ang ginawa ni David. Humingi ng tawad sa Diyos, humingi ng tawad kay Batsheba at kay Uriah, at sa bansang Israel. Pero ang karaniwan, hangga’t maitatago, itatago natin, lalo pa kung nakakahiya kung malalaman ng iba. Instead of taking responsibility for our sinful actions, we try to deny it, hide it or cover it up. Ganun din ang ginawa ni David.
David “sent” word to Joab, “Send me Uriah the Hittite” (v. 6). Nangumusta pa kunwari. Gusto niyang magbreak sa military duty itong si Uriah at umuwi sa kanila para kung sipingan niya ang asawa niya at akalaing anak niya ito. Ginawa niya ito out of concern sa sarili niyang reputasyon. Twice niyang sinubukan, but everytime, di umuuwi si Uriah. Buti pa itong si Uriah, na di naman Israelita, pero tapat na sundalo ni David, and among his top 30 warriors (23:39). Para sa mga sundalo, malinaw ang utos ng Diyos. Habang naka-duty, habang may pakikipaglaban, di sila puwedeng sumiping sa asawa nila (Ex. 19:15; Lev. 15:18). Magiging dahilan yun para maging ritually impure sila, bagamat legitimate naman at asawa nila yun. Kaya kahit pauwiin siya ng hari, di niya ginagawa. He considered himself as still on-duty as a soldier. Buti pa siya, faithful sa tungkulin niya bilang sundalo. Si David, unfaithful. Buti pa siya titiisin ang hirap sa pakikipaglaban. Si David, nagpapakasarap na makuha ang nais niya samantalang ang mga sundalo niya ay nakikipaglaban.
When our plans to cover up our sins fail, opportunity na naman para aminin natin ang kasalanan natin and ask for the grace of God’s forgiveness. But we try so hard of covering our bases, and as a result napapahamak pa ang ibang tao. Tinatakpan natin ang kasalanang nagawa natin sa pamamagitan ng iba pang kasalanan.
David commits murder (11:13-25)
Kinaumagahan, may memo si David para kay Joab, na ilagay si Uriah sa kung saan mainit ang laban at hayaang mamatay (vv. 14-15). He “sent it by the hand of Uriah” (v. 14). Walang kamalay-malay si Uriah na ang sulat na dala niya kay Joab ay sarili niyang death warrant. This was David’s sinister plot of trying to cover his sin (adultery) with another sin (murder). Matindi ang galit sa puso ni David. Hindi dahil may ginawang kasalanan si Uriah, pero dahil hadlang siya na makuha ang gusto niya. Some associate pastors have anger in their heart para sa kanilang senior because of personal ambitions. Senior pastors naman meron ding anger sa ibang leaders ng church for not getting the approval they are craving for. Grabe ang capacity ng heart natin for adultery and murder.
Sumunod naman itong si Joab at inilagay nga sa unahan ng matinding laban si Uriah. Napatay nga siya kasama ng iba pang mga sundalo. Nakarating ang balitang ito kay David (vv. 16-25). Tagumpay si David sa kanyang plano. Pero sa halip na masolusyunan ang una niyang kasalanan, nagkapatung-patong na ang atraso niya sa Diyos.
David took Bathsheba as wife (11:26-27)
Nagluksa ang asawa ni Uriah sa nangyari. Pagkatapos ng pagluluksa, David “sent” for her, dinala siya sa bahay at ginawang asawa, pandagdag sa mga asawang meron na siya. Ang ginawa niyang ito, yes it brought pleasure to him, “But the thing that David had done displeased the Lord” (v. 27). Literally, “evil in the eyes of the Lord.” Samantalang si David, pinasabi pa kay Joab, “Do not let this matter displease you” (v. 25). Ikinatuwa niya ang isang bagay na ikinalulungkot ng Diyos, itinuring niyang mabuti para sa kanya ang isang bagay na masama sa paningin ng Diyos. Ganyan ang kasalanan.
David confronted of his sin (12:1-9)
Nagsimula si David na suwayin ang ika-10 utos, (pagnasahan ang asawa ng iba, Ex. 20:17), pagkatapos ay ang ika-7 utos (pangangalunya, Ex. 20:14), at ang sumunod ay ang ika-6 (pagpatay, Ex. 20:13). Habang ang Diyos naman ay tila tahimik lang na pinapanood ang mga scandalous behaviors ni David. Sa dulo na lang ng chapter 11 nabanggit ang pangalan niya. Pero dito sa chapter 12, ipinamukha ng Diyos sa kanya ang pananagutan niya sa pag-aakalang siya’y nakatataas sa batas ng Diyos. Kahit na siya’y hari at ang mga salita niya ang nasusunod sa chapter 11, ipapakita ngayon ng Diyos dito na siya ay nasa ilalim ng Hari ng mga hari.
“The Lord sent Nathan to David” (12:1). Kanina pa, paulit-ulit na David “sending”, using his authority to commit sins. Now, it was the Lord “sending,” using his authority to lovingly confront David of his sins. Nathan told him a story: Merong isang mayaman at isang mahirap. Ang mayaman ay maraming tupa at baka (David!). Ang mahirap meron lang isa (Uriah!). Inaalagaan at itinuring na na parang anak. May bisita ang mayaman, pero di man lang nagkatay ng hayop para sa bisita. Sa halip ay kinuha ang sa mahirap at ito ang inihanda sa bisita. Nagalit si David pagkarinig nito at sinabi niya kay Nathan: “As the LORD lives, the man who has done this deserves to die…” (v. 5).
Nathan said to David, “You are the man!” (v. 7). You are the one who deserves to die. God has showered us with a lot of his blessings. Like David. The kingdom is a grace from God. Even yung family na meron na siya, a gift from God. The covenant promises, a generous gift from God (v. 8). Multiply wives na nga ang meron siya, isa lang naman sapat na, tapos kumuha pa siya ng isa pa! Whatever we have biyaya ng Diyos. In light of his grace, nakapakalaki ng kasalanan natin sa kanya. Adultery and murder were not David’s greatest sins. The sin beneath our sins is this: “you despised the word of the Lord…you have despised me…by this deed you have utterly scorned the Lord…” (vv. 9, 10, 14). Nasa atin na ang lahat dahil nasa atin na si Cristo. In light of that, every sin we commit is offensive to the God who has been so gracious to us. Tulad ni David, hinamak din natin, binalewala, itinuring na walang kuwenta ang mga salita, mga pangako, mga utos, mga babala ng Diyos.
Yan ang nature ng kasalanan. Walang “small” sin kung tutuusin. Dahil sa pagbabalewala natin sa salita ng Diyos, binabalewala rin natin mismo ang Diyos. Mabigat ang parusang katapat niyan. ‘Yan yung judgment ni God kay David. Within his own family, there will be a lot of violence and sexual sins (vv. 10-12). Grabe ang kasalanan ni David. Grabe rin ang mga consequences nito. Ang mga anak ni David na si Amnon (13:29), Absalom (18:15), at Adonijah (1 Kings 2:25) ay papatayin. Si Absalom naman ay maghihimagsik laban kay David at sa harap ng maraming tao ay sisipingan ang mga babae ni David (2 Sam. 16:22). Magpapatuloy ang scandals sa family ni David.
David confessed his sins (12:13-14)
Walang maitatagong lihim sa Diyos. Sa tao pwede nating itago. Kaya kahit gaano kalaki ang kasalanan natin, aminin natin. Humingi tayo ng tawad sa Diyos. Nalaman ng asawa ko ang kasalanan ko. Through the ministry of Living Waters, and their program dealing with sexual addiction and relational brokenness, I found people like Nathan who confronted me of my sin. Inamin ko sa asawa ko, inamin ko sa ibang kapatid sa Panginoon, inamin ko sa mga kaibigan kong pastors, and eventually, confessed my sins to our church. Scary, risky, humbling, but there is no other way. But to admit how much we need God’s forgiving grace. That is what David did, “I have sinned against the Lord” (v. 13). Very short, but not just saying “sorry” kasi nahuli na, o remorseful dahil lang sa consequences. Psalm 51 reveals his repentant heart:
Have mercy on me, O God, according to your steadfast love; according to your abundant mercy blot out my transgressions. Wash me thoroughly from my iniquity, and cleanse me from my sin! For I know my transgressions, and my sin is ever before me. Against you, you only, have I sinned and done what is evil in your sight, so that you may be justified in your words and blameless in your judgment (51:1-4a).
Oo nagkasala siya kay Uriah, sa asawa nito, sa bansang Israel. But his sins were first an assault to God. Inamin niya yun. Aminin rin natin na when we sin, we failed to believe that God is good, that God is great, that God is sufficient, that God is supreme over everything.
But here’s the good news: Kung ipagtatapat natin ang ating mga kasalanan, gaano man kalaki, gaano man karami, tapat ang Diyos at makatarungang patatawarin tayo (1 John 1:9). The first time I confess my big-time sins to my wife, to brothers in the faith, I experienced what Jared Wilson calls “gospel wakefulness.” Nagising ako sa laki ng pag-ibig ng Diyos para sa akin. And it does in now way depend on my own righteousness.
Verse 13, ituloy natin, sabi ni Nathan sa kanya, “The Lord also has put away your sin. You shall not die.” Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Kung magpatawad ang Diyos, grace ang tawag dun. Undeserved goodness. At scandalous yan. Consider a judge. Sinabi niya sa isang rapist o plunderer o murderer o drug pusher, “Malaya ka na, di ka na mananagot sa kasalanan mo.” Kung basta-basta lang isasantabi ng Diyos ang kasalanan ni David, that’s outrageous! that’s a mockery of justice! Siya pa nga nagsabi, “Kasuklam-suklam sa Panginoon ang taong nagpaparusa sa taong walang kasalanan o nagpapalaya sa taong may kasalanan” (Kaw. 17:15 ASD). Pinawalang-sala si David na patung-patong na ang naging kasalanan! Hindi ba scandalous yun?
At heto pa ang mas grabe. Sabi pa ni Nathan, verse 14, “Nevertheless, because by this deed you have utterly scorned the LORD, the child who is born to you shall die.” Akala ko ba kasuklam-suklam sa Panginoon na parusahan ang taong walang kasalanan? Si David ang dapat na mamatay, siya ang lumapastangan sa pangalan ng Diyos, tapos yung anak niya na walang kamalay-malay ang madadamay? Sabi pa niya, “Ang taong nagkasala ang siyang dapat mamatay. Hindi dapat parusahan ang anak dahil sa kasalanan ng kanyang ama” (Ezekiel 18:20 ASD). Scandalous ang kasalanan ni David laban sa Diyos, mas scandalous ang kabutihan ng Diyos para kay David.
Solomon…and Jesus (12:24-25)
Namatay nga ang anak nila David at Bathsheba (vv. 15-23). Then David comforted his wife, Bathsheba, and went in to her and lay with her, and she bore a son, and he called his name Solomon. And the LORD loved him and sent a message by Nathan the prophet. So he called his name Jedidiah, because of the LORD” (vv. 24-25).
Malamang na pang-apat pa si Solomon na anak nila David at Bathsheba kung 1 Chronicles 3:5 ang pagbabasehan. Nilaktawan ang ilang mga taong lumipas dito sa kuwento para ihighlight ang pinakaimportante sa mga anak nila. Ang pagmamahal ng Diyos kay David ay mananatili sa lahi niya sa pamamagitan ni Solomon na siyang susunod na hari (ayon sa covenant niya kay David sa 2 Sam. 7). At mula kay Solomon nanggaling ang Panginoong Jesus. “Ito ang talaan ng mga ninuno ni Jesu-Cristo na mula sa angkan ni David…Si Haring David ang ama ni Solomon (ang ina niya ay ang dating asawa ni Uria)” (Mat. 1:1, 6 ASD). Hindi binanggit ang pangalan ni Bathsheba kundi “asawa ni Uria.” The background of the story of Jesus is the scandalous story of David and Bathsheba.
Lahat ng kasalanan ni David ay pinatawad ng Diyos. Gracious and also just ang Panginoon dahil merong umako ng kasalanang iyon. Hindi ang unang anak ni David. Kundi ang nag-iisang Anak ng Diyos, na walang kasalanan, ni hindi tumingin ng mahalay sa isang babae pero inako ang kahihiyan ng kasalanan ni David at ng bawat isa sa atin. Ni hindi siya pumatay, ni hindi nanakit man lang ng kapwa niya, pero he died in our place that we might live. Itinuring siyang makasalanan para tayo’y maituring na matuwid sa harap ng Diyos. David sent para bastusin ang asawa ni Uriah, para ipapatay si Uriah, para makuha ang makasariling hangarin niya. This was a grave abuse of his kingly authority. But God sent his own Son, his faithful Servant, not to kill, but to die in our behalf, not to condemn us but to purify us from our sins. God used his authority and power to love us. Walang nang mas scandalous kaysa sa biyaya ng Diyos na on public display sa krus ng Panginoong Jesus.
Application
Mga kapatid na pastor at mga church leaders, kung ang tingin mo sa sarili mo ay you are just a small-time sinner in comparison with others,
look to the cross and remember that you are a great sinner. The cross is a measure for how great your sin is. You are a great sinner. A despicable sinner. At kung kitang-kita mo na ‘yan because of the great sins you committed, take heart. The cross is also a measure for how great the love of the Father is for you. The blood of Jesus covered all your sins, kahit gaano karami, kahit gaano kagrabe. Hindi mo na kailangang itago, pagtakpan o pagtrabahuhan para mabura ang kasalanan mo. Burado na sa bisa ng dugo ni Cristo.
Don’t be afraid of exposure. Don’t be afraid of confession to your wife, or to your brothers and sisters.
There is nothing in you that could ever be exposed that is not already covered by the blood of Jesus (Paul Tripp).
Sa lalim ng kinabagsakan mo dahil sa kasalanang nagawa mo, maybe you feel hopeless, maybe you feel na you cannot continue fighting the good fight of faith, maybe you feel defeated ka na. Remember David. Naranasan niya ang total forgiveness ni Lord. At the start of our story, he was resting when he should be fighting. At the end of our story, sa vv. 26-31, he went with his men and finished off their enemies at Rabbah. Nadapa tayo. At ang iba ay subsob ang mukha sa pagkakadapa. Pero pinatawad tayo ng Diyos. Nilinis tayo ng Diyos. Ibinangon tayo ng Diyos. In light of the gospel of his grace, tuloy ang laban.
Yes, the gospel exposes us that we are great sinners. But it also exposes who Jesus is for us. He is our great Savior, the great and scandalous lover of our soul.
The world can talk about “falling from grace.” But we Christians, pastors who are in Jesus, can find the sweetness and security of “falling into grace.” Because we have a Father and a Savior who won’t ever let us go.