Sola Fide Part 2 – Faith Plus Works?

Ang focus ng pag-aaral natin sa sola fide ay ang doctrine ng “justification by faith alone.” Sabi ni Martin Luther, itong doktrinang ito ay “the article upon which the church stands or falls.” What is at stake here is the heart of the gospel itself. Ito ang battleground ng Protestant Reformation. If you don’t affirm and hold on to this doctrine, hindi ka matatawag na true Christian. Kung merong church na hindi ito ang ipinapangaral, it cannot be rightly called a true Church. There is just too much at stake here. Kaya we are spending more time para pag-aralan ito. Kaligtasan ang nakasalalay dito.

1024px-Solid_color_You_Tube_logo  Google-Drive-Download-Button

 

Ang concern kasi natin, our main problem, bilang mga makasalanan ay ito: “Paano tayong mga makasalanan na nararapat lang na parusahan ng Diyos ay makakaharap sa banal na Diyos na matuwid at matatanggap niya?” Yun ang ibig sabihin ng justification, paano tayo mapapawalang-sala at maituturing na matuwid sa harapan ng Diyos. Naniniwala naman ang Roman Catholic Church sa justification by faith. But they deny that it is by faith alone, adding good works as a necessary condition. Faith + Good works = Justification. No! Pag sinabi nating sola fide, Faith = Justification.

David Platt, “Justification is the gracious act of God by which he declares a sinner righteous solely through faith in Jesus Christ.” James Boice, “Justification is the act of God by which he declares sinners to be righteous because of Christ alone, by grace alone, through faith alone.” Roman Catholics believe na by grace through faith in Christ ang justification. Ang problema ay ang word na “alone” o “sola” sa Latin. Yan ang naghihiwalay sa ating mga Protestants/Evangelicals sa mga Roman Catholics. Hindi lang ito slight difference, malaking pagkakaiba ‘yan. The gospel is at stake sa controversy na ‘yan (Gal. 1:5-6).

Grace alone, biyaya ng Diyos ang nag-iisang dahilan kung bakit tayo naligtas. Wala sa anumang katangian na meron tayo. Makasalanan tayo mula ulo hanggang paa. We don’t deserve justification, we deserve condemnation. We don’t deserve acceptance, we deserve God’s rejection. We don’t deserve eternal life with God, we deserve eternal death separated from God.

Christ alone, si Cristo lang at ang kanyang ginawa sa krus ang nag-iisang batayan o basehan ng ating kaligtasan. Inako niya ang kasalanan at parusang nararapat para sa atin. Inilipat ang kanyang katuwiran sa atin. Siya ang Tagapagligtas. Wala tayong sapat na merit, o sinumang santo, para tanggapin ng Diyos.

Faith alone, pananampalataya lang kay Cristo ang nag-iisang paraan para matanggap natin ang kaligtasang ito. Hindi mabuting gawa, hindi pagsunod sa kautusan. Kung faith plus works, ibig sabihin salvation is not wholly by grace, but grace plus human cooperation. Ibig sabihin din, hindi sapat ang ginawa ni Jesus, kasi kailangan pa natin dagdagan ng gawa natin. Ibig ding sabihin, God will not get all of the glory (soli Deo gloria), we have something to boast about.

Biblical basis

We disagree sa Roman Catholic Church about their teachings hindi dahil sa turo ni Martin Luther o ng church, kundi dahil sa maliwanag na turo ng Bibliya. Kaya inuna natin ang sola Scriptura sa series natin, kasi Bible ang source ng doktrinang pinaniniwalaan natin tungkol sa kaligtasan. “Dahil sa biyaya ng Dios, naligtas kayo nang sumampalataya kayo kay Cristo. Kaloob ito ng Dios, at hindi galing sa inyo. Hindi ito nakasalalay sa mabubuti ninyong gawa, para walang maipagmalaki ang sinuman” (Ef. 2:8-9 ASD).

“Ngunit alam namin na ang tao ay itinuturing na matuwid ng Dios (justified) sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo at hindi sa pagsunod sa Kautusan. Kaya nga kaming mga Judio ay sumampalataya rin kay Cristo Jesus para maituring na matuwid (justified) sa pamamagitan ng pananampalataya, at hindi dahil sa pagsunod sa Kautusan. Sapagkat walang sinumang maituturing na matuwid (justified) sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan” (Gal. 2:16 ASD).

“Kaya wala tayong maipagmamalaki, dahil ang pagturing sa atin na matuwid (justified) ay hindi sa pamamagitan ng ating pagsunod sa Kautusan, kundi sa ating pananampalataya kay Jesus. Sapagkat naniniwala tayo na itinuturing ng Dios na matuwid (justified) ang tao sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya kay Cristo at hindi sa pagsunod sa Kautusan” (Rom. 3:27-28 ASD).

Ginamit ni Pablo si Abraham as case in point, “Kung itinuring siya ng Dios na matuwid (justified) dahil sa mga nagawa niya (ibig sabihi’y hindi sa pamamagitan ng gawa niya!), sanaʼy may maipagmamalaki siya. Pero wala siyang maipagmamalaki sa Dios, dahil sinasabi sa Kasulatan (Gen. 15:6), ‘Sumampalataya si Abraham sa Dios, at dahil ditoʼy itinuring siyang matuwid ng Dios'” (Rom. 4:2-3 ASD). “Pero itinuring tayong matuwid ng Dios (justified) sa kabila ng ating mga kasalanan hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa pananampalataya natin sa kanya” (4:5 ASD).

The Problem: James 2:24

Lahat ‘yan ay sulat ni apostol Pablo. Klarong-klaro. Faith alone. Apart from works. Faith = justification. Kaya lang, sabi ni apostol Santiago/James, at ito ang depensa ng Catholics sa faith plus works, matapos gamitin ding halimbawa si Abraham, “Diyan ninyo makikita na itinuturing na matuwid (justified) ang isang tao dahil sa kanyang mga gawa at di dahil sa kanyang pananampalataya lamang” (2:24 MBB). “You see that a person is justified by works and not by faith alone” (James 2:24 ESV).

Not by faith alone sabi ni James. By faith, not by works sabi naman ni Pablo. Sino ang tama? Kung mali si James, at kinokontra niya si Pablo, baka dapat wala ito sa Bible tulad ng akala ni Martin Luther. Parang contradictory, kasi parehong gumamit ng words na “justified”, “works”, and “faith.” Pero maaaring iba ang pakahulugan nila sa mga salitang ‘yan. Depende sa context. Depende sa purpose ng isinulat nila. We believe in the unity of Scripture. Hindi magkokontrahan ‘yan. Instead, they complement each other.

Para mas maintindihan natin kung ano ang ibig sabihin ng “justification by faith alone” at maiwasan ang mga misunderstandings, wag nating isiping parang harapan sa debate ang dalawang ito para patunayan kung sino ang tama. They were both apostles. Both sent by Jesus. Both speaking the Word of God. Parehong tama. Talikuran sila na nilalabanan ang magkaibang kalaban o false teaching. Kay Pablo, like sa case ng Galatians, concern siya na ituwid ang maling katuruan na maliban sa faith in Christ, kailangan pang dagdagan ng obedience sa mga kautusan ni Moises para maligtas. Paul was fighting legalism, faith plus works = justification. Si James naman, iba ang inaatake. Concern siya na itama ang pagkakaintindi sa nature and character of true saving faith. Meron kasing mga tao na nagtuturo o nag-aakala na ang faith ay mere intellectual knowledge or belief in Christ. Kaya kahit walang magbago sa buhay mo, kahit di ka na gumawa ng mabuti, kahit di ka makasunod sa utos ng Diyos, you can still be saved. James was fighting antinomianism (anti-law), faith = justification – works.

Sa halip na iwasan natin ang James 2:24 at mabahalang baka mali ang sola fide, we receive it gladly dahil matutulungan tayo nitong mas maintindihan kung anong klase ang pananampalatayang nakapagliligtas. We need both Paul and James to help us fight for the gospel. Sa panahon ni Martin Luther, he fought for the gospel against sa unbiblical teaching ng Roman Catholic Church about faith plus works. We still face that battle today. Pero mas matindi pa nga, kasi we are also fighting for the gospel against sa unbiblical teaching din sa ibang mga grupo within Evangelicalism na maliligtas ka by faith kahit na yung faith na ‘yan ay di nagbubunga ng mabuting gawa at pagsunod kay Cristo.

Understanding James 2:14-26

So ang point ni James sa kanyang sulat ay ipakita kung anong klaseng pananampalataya ang nakapagliligtas. He is concerned about the practical day-to-day aspect of faith. Hindi yung faith na naniniwala ngang may iisang Diyos, naniniwala ngang si Jesus ang Tagapagligtas, pero wala namang transformed life. Faith, for James, is not merely intellectual belief. It is real, active, trusting, obedient and transforming. Kaya he spends time sa chapter one talking about doing the Word, not just hearing (1:22-25). Faith is not merely hearing the Word, but doing what it says (vv. 26-27). Makikita na meron na tayong tamang relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng banal na pamumuhay. Yan din naman ang itinuturo ni Pablo tungkol sa pananampalataya: “Sapagkat sa mga nakay Cristo…ang tanging mahalaga ay ang pananampalatayang nakikita sa pamamagitan ng pagmamahalan” (Gal. 5:6 ASD). “Faith working through love” (ESV).

Now, let’s walk through James 2:14-26 para makita kung ganito nga ang gustong ituro sa atin about faith, at kung paanong mas mauunawaan ang sola fide sa pamamagitan nito. At mamaya tingnan natin ang implication nito sa buhay natin.

Gamitin natin ang salin ng MBB. Eleven times binanggit dito ang salitang “faith” o pananampalataya, out of 16 times sa buong letter. At karamihan ng pagkabanggit ay negatibo ang dating. Ibig sabihin, hindi totoong pananampalataya, peke, walang kabuluhan, walang buhay, patay (vv. 17, 20, 26).

Verse 14, “Mga kapatid, ano ang mapapala ng isang tao kung sabihin man niyang siya’y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya ito pinapatunayan sa gawa (ESV, “he has faith but does not have works”)? Maililigtas ba siya ng ganoong uri ng pananampalataya?” Rhetorical question ‘yan. Ibig sabihin, obvious ang sagot. Walang mapapala ang isang taong sabihin man niyang may pananampalataya siya pero walang bunga ng mabuting gawa sa buhay niya. Ang ganyang pananampalataya ay di nakapagliligtas. Para malaman kung ang isang tao ay may saving faith, we look for fruit or evidence of that faith. Hindi ibig sabihing dadagdagan ang faith ng works para maligtas. Pero ang gawa ay bunga ng pananampalataya (Matt. 7:16-20). Ang tunay, totoo, at nakapagliligtas na pananampalataya ay namumunga. Ibig sabihin, pag walang bunga, malinaw na wala ring pananampalataya. David Platt: “Fruit in our lives is evidence of faith in our hearts. And if there is no fruit, there is no faith. It’s that simple.” Ganun din ang turo ni Pablo, hindi tayo naligtas sa pamamagitan ng mabuting gawa; pero naligtas tayo para sa mabuting gawa, “created in Christ Jesus for good works” (Eph. 2:10).

Nagbigay si James ng halimbawa sa verses 15-16, “Halimbawa, may isang kapatid na walang maisuot at walang makain. Kung sasabihin ninyo sa kanya, ‘Patnubayan ka nawa ng Diyos; magbihis ka’t magpakabusog,’ ngunit hindi naman ninyo siya binibigyan ng kanyang kailangan, may mabuti bang naidudulot sa kanya iyon?” Kung naniniwala ka talaga kay Jesus at sa ginawa niya para sa iyo, nagbubunga ito ng pag-ibig sa mga kapatid mo sa Panginoon. Kung tinanggap mo talaga ang awa ng Diyos, nagkakaroon din ng awa sa puso mo na nagtutulak sa iyo na ipakita ang awa’t habag na ito sa mga taong nangangailangan. Kung pinagpala ka ng Diyos, magiging instrumento ka rin ng pagpapala niya sa iba. Pero kung sinasabi mong believer ka, saved ka dahil nagpabaptize ka and you professed faith in Christ, pero wala kang pakialam sa mga kapatid mo sa Panginoon, wala kang awa sa mga nangangailangan, ni wala kang ginagawa para tumulong o manalangin man lang sa mga nangangailangan – for the poor and needy, for the lost, for the unreached – then yung profession of faith mo ay empty profession of faith. You are not saved. You don’t have a real relationship with God.

Nakakatakot pakinggan, nakakaoffend din, pero di ako nagsabi niyan, hindi ako ang nagconclude niyan. Verse 17, “Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.” ESV, “So also faith by itself, if it does not have works, is dead.” Again, linawin natin, hindi mabuting gawa ang makapagliligtas. Ngunit ang mabuting gawa ay ebidensiya na ikaw ay ligtas at may tunay na pananampalataya. Kaya naman when Jesus talked about judgment day, hindi profession of faith ang pag-uusapan, titingnan kung tunay ang pananampalatayang iyon sa pamamagitan ng ginawa mo para kapatid mong nangangailangan (see Matt. 25:31-46). David Platt: “The Christian’s external acts of mercy are clear evidence of the internal mercy of God in his heart.”

 Verse 18, “Ngunit may nagsasabi, ‘May pananampalataya ka at may gawa naman ako.’ Ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang walang kasamang gawa, at ipapakita ko naman sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa.” Madali namang sabihin na ikaw ay sumasampalataya kay Cristo. But it doesn’t mean you really do believe and trust in Christ. Ipakita mo sa akin…ipapakita ko naman sa iyo. Makikita na totoo ang pananampalataya sa pamamagitan ng gawa. Ang layunin ng mabuting gawa ay hindi para maging basehan o paraan para tayo ay maligtas, kundi para magpatunay, para magsilbing ebidensya na totoo ang pananampalataya.

Verse 19, “Sumasampalataya ka na ang Diyos ay iisa, hindi ba? Mabuti iyan! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya rin, at nanginginig pa.” Kung ang pananampalataya mo ay sa nguso lang o sa isip lang, your faith is in the same level as demonic faith. True faith is not merely intellectual or emotional. Ang mga demonyo nga nanginginig pa. Sabi ni David Platt, “It involves willful obedience.” Maipapakita mo ang pananampalataya mo hindi sa kung ano ang iniisip mo, o kung ano ang nararamdaman mo, kundi kung ano ang ginagawa mo. “Faith in our hearts is evident in the fruit of our lives.”

Kung ang pananampalataya mo ay walang kasamang bunga ng mabuting gawa sa buhay mo, at inaakala mong ligtas ka, tanggap ka ng Diyos at meron kang buhay na walang hanggan, verse 20, “Isa kang hangal! Nais mo pa bang patunayan ko sa iyo na walang kabuluhan ang pananampalatayang walang kasamang gawa?” Walang kabuluhan, patay, di totoo, peke, di nakapagliligtas. Yan na nga kanina pa ang burden ni James. Ngayon naman magbibigay ulit siya ng halimbawa to reinforce that. Like Paul, si Abraham din ang case in point niya.

Verses 21-23, “Ang ating amang si Abraham ay kinalugdan ng Diyos [o itinuring na matuwid] (justified) dahil sa kanyang mga gawa, nang ihandog niya sa dambana ang anak niyang si Isaac, hindi ba? 22Dito ay makikita mong magkalakip ang kanyang pananampalataya at mga gawa, at naging ganap ang kanyang pananampalataya dahil sa kanyang mga gawa. 23Natupad ang sinasabi ng kasulatan (Gen. 15:6), ‘Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos, at dahil dito, siya’y itinuring ng Diyos bilang isang taong matuwid,’ at tinawag siyang “kaibigan ng Diyos.”

Ang salitang “justified” dito ay hindi automatic na tulad ng ibig sabihin ni Paul pag ginamit niya yung “justified.” The same word used in different occasions can have two different meanings. Sa NT, maaaring ibig sabihin nito ay (1) declared to be righteous, ganito ang karaniwang usage ni Paul ng salitang ito. O kaya (2) demonstrate o show to be righteous. Halimbawa, nang sabihin ni Jesus tungkol sa mga Pharisees, “You are those who justify yourself before men” (Luke 16:15), hindi ibig sabihing itinuturing na matuwid sila sa harapan ng Diyos, kundi pinatutunayan nila na “righteous” ang standing nila sa Panginoon (although hindi naman talaga). Ganito rin ang gamit ng “justified” sa Luke 10:28; 7:35; Matt. 11:19; Rom. 3:4; at dito sa James 2:21.

Ang gawa o pagsunod ni Abraham sa Diyos ay nagpapatunay o nagpapakita na siya ay itinuring na ng Diyos na matuwid dahil sa kanyang pananampalataya. Yung verse 21 ay galing sa Gen. 22 kung saan mababasa nating inialay ni Abraham si Isaac sa Diyos, halos 30 yrs marahil ang nakalipas pagkatapos siyang ituring na matuwid ng Diyos dahil sa kanyang pananampalataya (Gen. 15:6), v. 23. Sa verse 21, si Abraham ay “justified” o napatunayang totoo ang pananampalataya at relasyon niya sa Diyos dahil sa kanyang pagsunod. Hindi ang kanyang mabuting gawa ang dahilan kung bakit siya tinanggap na matuwid ng Diyos. Ang kanyang gawa ang nagpatunay na tunay ang pananampalataya niya, “magkalakip” (v. 22). “Natupad” (v. 23), ibig sabihin nagkaroon ng fulfillment, nagkaroon ng growth in maturity. The more we obey and do good works, the more our faith matures. Kapag walang good works, our faith is not growing, it is dead. Ang kanyang pagsunod ay nagpapakita rin ng kanyang relasyon sa Diyos bilang “friend of God” (v. 23). Good works are the results of our faith in the gospel and our new identity in Christ. Santification follows justification. Lahat ng itinuring ng Diyos na matuwid ay lalago at mamumuhay sa katuwiran, pagsunod, at kabanalan.

Kaya nang sabihin ni James sa verse 24, “Diyan ninyo makikita na itinuturing na matuwid (justified) ang isang tao dahil sa kanyang mga gawa at di dahil sa kanyang pananampalataya lamang,” malinaw na hindi niya kinokontra si Pablo. The teachings of Paul and of James are not contradictory but complementary. Ang “justified” sa verse na ‘to ay demonstration of the reality faith before men. Kay Paul, declaration that we are righteous before God. Ang works dito ay kalakip ng faith, bunga ng tunay na pananampalataya. Kay Pablo, yung works of the law ay human effort to be acceptable with God, works of the flesh or sinful nature, not works done in faith.

Sa verses 25-26 ginawa naman niyang halimbawa si Rahab. Pero hindi na natin pag-aaralan iyan (see Jos. 2:8-11; 6:25). The point is already clear.

Doctrinal Summary

RC Sproul: “Though our good works add no merit to our faith before God, and though the sole condition of our justification is our faith in Christ, if good works do not follow from our profession of faith, it is a clear indication that we do not possess justifying faith. The Reformed formula is “We are justified by faith alone, but not by a faith that is alone.” True justification always results in the process of sanctification. If there is justification, sanctification will inevitably follow. If sanctification does not follow, it is certain that justification was not really present.”

Works = Justification (FALSE). Ito ang maling katuruan ng lahat ng relihiyon sa mundo. Walang sinumang maliligtas o maituturing na matuwid sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng sariling gawa, kundi sa pamamagitan lamang ng gawa ni Cristo.

Faith + Works = Justification (FALSE). Ito ang maling katuruan ng Roman Catholic Church. Tayo ay itinuring na matuwid sa pamamagitan lang ng pananampalataya kay Cristo o sa pagtanggap sa kanyang ginawa para sa atin.

Faith = Justification – Works (FALSE). Ito ang nagiging popular na maling katuruan ngayon sa ilang mga evangelical groups. Ang tunay na pananampalatayang nakapagliligtas ay ang pananampalatayang may kalakip o bunga ng mabuting gawa at pagsunod sa Diyos. Kapag walang bunga, your faith is dead.

Faith = Justification + Works (TRUE). Ang tunay na pananampalatayang nakapagliligtas ay may bunga. We are saved/justified by faith alone, but not by faith that is alone.

Practical Implications

MOTIVATION. This doctrine reminds us of the importance of gospel motivations in the Christian life. Sumusunod tayo sa Diyos, gumagawa tayo ng mabuti hindi para tayo’y maligtas o matanggap o mahalin ng Diyos. Gumagawa tayo ng mabuti dahil tayo’y minahal at iniligtas na ng Diyos. Ang gawang kinalulugdan ng Diyos ay ang gawang dulot o bunga ng pagtitiwala sa pagliligtas at mga pangako ng Diyos. Why do you attend church? Why do you give? Why do you read the Bible? Why do you love your family? Why do you help other people? Why do you work hard? If you are doing all those things to be accepted or approved by God or by other people, those works are in vain.

INVITATION. This doctrine teaches us that we must be careful in calling people how to respond to the gospel. After sharing the gospel, ano ang sinasabi nating dapat na maging response nila? Maniwala lang? Ulitin lang yung “sinner’s prayer”? Tapos bibigyan na natin sila ng assurance na they are saved? It is not our job to give them assurance. Only time will tell us kung totoo nga ang kanilang pananampalataya. Wag natin silang bibigyan ng false hope na they are surely saved kahit na sa buhay nila ay walang ebidensiyang makikita na sumasampalataya sila kay Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas. We tell people to “repent and believe the gospel.” To put their trust in Jesus as their Lord and Savior.

EXAMINATION. This doctrine calls for self-examination in light of the gospel. “Suriin ninyo ang inyong sarili kung talagang may pananampalataya kayo kay Cristo. Tingnan ninyong mabuti ang inyong sarili” (2 Cor. 13:5 ASD). Talaga bang you have faith in Christ? Talaga bang you are saved? Don’t tell me the date of your spiritual birthday. Don’t tell me kung kelan mo tinanggap si Cristo. Sagutin mo ang mga tanong na ito: Meron bang nakikitang bunga sa buhay mo? Are you growing in your love for your Savior? Are you growing in your love for the Church and for other Christians? Are you growing in compassion for the lost and the needy? We are not talking about perfect maturity. We are talking about growth. Growth or fruitfulness is a sign of new life. Kung mula ng tinanggap mo si Cristo hanggang ngayon, wala man lang nagbago sa lagay ng puso mo at sa klase ng pamumuhay mo, you are not saved, your faith is fake. Repent now. Believe in the gospel now. Trust Jesus now. At kung meron kang nakikitang transformation sa buhay mo, that is not something you boast about. You praise God for his grace. Biyaya ng Diyos ang nagligtas sa iyo. Biyaya ng Diyos ang bumabago sa buhay mo. Biyaya din ng Diyos ang magdadala sa iyo hanggang sa dulo. But more of that next week.

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.