Sola Fide Part 3 – Perseverance of the Saints

Matinding pagsubok ang pinagdadaanan ng mga kapatid natin sa iba’t ibang bansa tulad ng Iran, North Korea, Sudan, Nigeria, Sri Lanka. Sa pag-uusig na ginagawa sa kanila, kailangan nating ipanalangin na magpatuloy sila sa pananampalataya. Matindi rin naman ang kinakaharap ng maraming Cristiano sa bansa natin, maraming nagiging kampante sa kalagayan nila at hindi na nagkakaroon ng pagsusuri sa sarili nila kung sila ba ay tunay na sumasampalataya. Kailangan din nating ipanalangin iyan.

Google-Drive-Download-Button1024px-Solid_color_You_Tube_logo

Kaya naman binigyang-diin ko last week kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pananampalataya. Faith=Justification+Works. Ang tunay na pananampalatayang nakapagliligtas ay gumagawa, aktibo, may bunga, may pagbabagong nangyayari sa buhay. Kung wala, ang pananampalatayang yun ay patay, walang buhay, walang kabuluhan, peke, sa nguso lang, hindi nakapagliligtas.

Merong mga lumapit sa akin, feeling daw nila patay ang pananampalataya nila, feeling daw nila parang hindi si Christian nang mapakinggan nila ang mensaheng iyon. Totoo ngang kung kumportable ka na, dapat mag-isip-isip ka at mapaalalahanan. Pero ang intensyon ko bilang pastor n’yo ay hindi basta takutin kayo. Pero siyempre, if you are not a true believer, o kaya naman you are walking away from God, dapat lang na matakot ka sa kahihinatnan mo. Pero kung true believer ka, natural pa ring magkakaroon ng doubt sa heart ninyo. Pero in the end, I pray na magresult ito ng greater assurance and confidence na kayo nga ay totoong ligtas.

Kung totoo ngang faith = justification + works, mainam na tanungin natin ang sarili natin ng tatlong tanong na ito (galing kay Wayne Grudem):

  1. Nagtitiwala ba ako ngayon kay Cristo para sa aking kaligtasan? Ngayon ang pinag-uusapan natin. Hindi yung, nagtiwala ka ba dati? o nagpray ka ba dati? o nagpabaptize ka ba dati? Ang magbibigay sa atin ng assurance ay kung nakikita natin o nararamdaman sa puso natin na ang pananampalataya natin noon ay nagpapatuloy hanggang ngayon. Kung nasa puso mo ang pagtitiwala kay Jesus ngayon, at sa kanyang ginawa para sa iyo, you are a true Christian.
  2. Kung justified ka, ibig sabihin nasa iyo na ang Holy Spirit para baguhin ka. Meron bang ebidensiya na meron na akong bagong buhay at patuloy na gumagawa ang Banal na Espiritu sa puso ko? Do you see the fruit of the Spirit in your life (Gal. 5:22-23). Nararamdaman mo ba ang pagkilos niya? Ang karunungang galing sa kanya? Ang kapangyarihang magawa ang mga bagay na imposible sa iyo?
  3. Meron ba akong nakikitang long-term pattern of growth sa aking buhay Cristiano? Yes, nag-iistruggle pa rin sa kasalanan. Pero bumabalik sa Panginoon. Nagsisisi. Nagkakaroon ng greater obedience, growing in the likeness of Christ. Do you see the fruit of faith, yung good works, sa buhay mo? Yung good works na motivated by love and faith in Jesus?

Kailangan natin ng ganitong mga self-examination. I love you as your pastor kaya pinag-uusapan natin ‘to. Marami kasi ang namamatay sa maling akala. Mahirap maging “assuming” sa pagiging Christian.

At kahit naman totoong Christian ka, alam mo na ligtas ka na, alam mo na you are in Christ, pero di pa rin maaalis sa atin yung mga doubts, yung lack of assurance, yung mga questions na: Paano ako makakasiguro na hanggang sa dulo believer pa rin ako? Posible kaya na isang araw I decide na tuluyan nang lumayo sa Panginoon? What if I’m struggling big time sa kasalanan ngayon, posible pa kayang makabangon ako o baka tuluyang dito na lang ako sa kasalanan? Paano yung iba, yung kapamilya ko, yung kaibigan, dati naman active sila sa faith nila, pero ngayon wala na, saved kaya sila, may pag-asa kaya para sa kanila? Mahalagang mga tanong yan na dapat nating pagtuunan ng pansin at tingnan natin ang tinuturo ng Bibliya tungkol diyan.

Warning: Some will fall away.

Maraming mga passages na nagbibigay ng real warning sa atin na di tayo dapat tumulad sa mga taong nagsasabing believer o disciple sila ni Cristo pero huminto sa pananampalataya at tumalikod nang tuluyan kay Cristo. This is called “apostasy” o falling away from the faith. Totoo namang nanghihina o nanlalamig ang faith natin. Tulad ni Pedro nang ideny niyang kilala niya si Jesus. But apostasy is different. Ito yung mga tulad ni Judas na tuluyang tumalikod kay Jesus. Tulad ng tinutukoy ni Paul kay Timothy na wag niyang tutularan:

  • “May mga taong hindi nakinig sa konsensya nila, at dahil dito, sinira nila ang kanilang pananampalataya. Kabilang na rito sina Hymeneus at Alexander” (1 Tim. 1:19-20 ASD).
  • “Ang mga katuruan nila’y parang kanser na kumakalat sa katawan. Kabilang sa mga taong ito ay sina Himeneo at Fileto. Lumihis sila sa katotohanan at ginugulo nila ang pananampalataya ng iba” (2 Tim. 2:17-18 MBB).
  • “…iniwanan ako ni Demas at nagpunta siya sa Tesalonica. Iniwanan niya ako dahil mas mahal niya ang mga bagay sa mundong ito” (2 Tim. 4:10 ASD).
  • “Magkakaroon ng mga huwad na guro sa inyo at palihim nilang ituturo ang mga aral na makakasira sa pananampalataya ninyo. Itatakwil nila maging ang Panginoon na tumubos sa kanila, kaya biglang darating sa kanila ang kapahamakan” (2 Pet. 2:1 ASD).
  • “Kapag sila’y tumalikod pagkatapos malasap ang lahat, hindi na sila maaari pang maakay sa pagsisisi at mapanumbalik sapagkat muli nilang ipinapako sa krus at inilalantad sa kahihiyan ang Anak ng Diyos” (Heb. 6:6 MBB).

Dahil sa mga talatang tulad nito, kaya itinuturo ng Roman Catholic Church, maging ng ilang mga grupo within Protestantism/Evangelicalism na posibleng ang isang mananampalataya ay tumalikod sa pananampalataya nang tuluyan. Ibig sabihin, nasa iyo dati ang kaligtasan, pero mawawala dahil tumalikod ka. Sa mga grupong nagtuturo nito, imposibleng magkaroon ng assurance of salvation. You can just never be sure. Kasi nga ang salvation is faith plus works. Nakasalalay in part sa biyaya ng Diyos, at in part sa gawa ng tao.

Pero ang tanong, were they true believers in the first place? Itong mga tumalikod, talaga bang naging believer sila? Pwedeng nakasama natin sila sa church, pero pwedeng hindi naman sila totoong Christian. Like sa Israel, hindi komo Israelita ka, part of God’s elect people ka na. Sabi ni Paul, “…sapagkat hindi naman lahat ng nagmula kay Israel ay maituturing na pinili ng Dios” (Rom. 9:6 ASD).  Heto pa, “Kahit na sila’y mga dati nating kasamahan, ang mga taong iyon ay hindi natin tunay na kasama. Sapagkat kung sila’y tunay na atin, nanatili sana silang kasama natin. Ngunit umalis sila, kaya’t maliwanag na silang lahat ay hindi tunay na atin” (1 John 2:19 MBB). Hindi ito yung umalis sa church natin, kundi yung umalis talaga sa pananampalataya. Ibig sabihin, they were not of us from the beginning. Hindi talaga sila totoong ligtas. Hindi talaga sila totoong born again. Hindi talaga sila totoong Christians. Akala natin, pero hindi pala.

May warning dito para sa atin. Meron ding warning na dapat tayong ibigay sa mga taong dati’y kasama natin pero nasa kamunduhan na ulit. We need to warn them, kung di sila babalik kay Cristo, kahit pa sinabi nilang “tinanggap nila si Cristo noon” they were not truly saved, they are going to hell. Kung di ka totoong Christian, you really need to fear. But if you are a true believer, take heart, assurance of salvation is possible, biyaya ito ng Diyos.

Comfort: True believers will persevere.

A lot of passages in Scripture affirm this. “Ang sumasampalataya sa Anak ng Dios ay may buhay na walang hanggan” (Jn 3:36 ASD; 5:24; 6:54). Buhay na walang hanggan. Kung meron ka na noon, hindi na mawawala yun, walang hanggan nga!

Ito ang kalooban ng Diyos na tiyak na mangyayari: “Ito ang kalooban ng nagsugo sa akin: na huwag kong pabayaang mawala ang kahit isa sa mga ibinigay niya sa akin; sa halip ay bubuhayin ko silang muli sa huling araw. Sapagkat kalooban ng aking Ama na ang lahat ng kumikilala at sumasampalataya sa Anak ay magkaroon ng buhay na walang hanggan, at bubuhayin ko silang muli sa huling araw” (Jn 6:39-40 ASD).

“Nakikinig sa akin ang aking mga tupa. Kilala ko sila at sumusunod sila sa akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanman ay hindi sila mapapahamak. Walang makakaagaw sa kanila sa aking kamay. Ibinigay sila sa akin ng Ama na higit na makapangyarihan sa lahat. Walang makakaagaw sa kanila mula sa kamay ng aking Ama” (Jn 10:27-29 ASD). Walang makakaagaw. We are secured in the hands of God. You’re in good hands. Nothing in “all creation will be able to separate us from the love of God in Christ Jesus our Lord” (Rom. 8:39 ESV).

Heto ang unbreakable chain of our salvation, hindi mapuputol yan: “And those whom he predestined he also called, and those whom he called he also justified, and those whom he justified he also glorified” (Rom 8:30 ESV). Walang sinuman sa pinili at iniligtas ng Diyos ang sa bandang huli ay mapapahamak. Pangako ng Diyos ‘yan. Katapatan niya at karangalan ng pangalan niya ang nakasalalay diyan.

Hindi na mawawala ang kaligtasang tinanggap mo, kung tunay ang pananampalataya mo siyempre. Tiyak na maliligtas ka kung pinanghahawakan mo ang Mabuting Balita ni Cristo, pero tulad ng sabi ni Paul, “maliban na lamang kung hindi talaga tunay ang inyong pananampalataya” (1 Cor. 15:2 ASD). “If indeed you continue in the faith” (Col. 1:23).

The phrase “once saved always saved” while true is unhelpful. Like “eternal security of believers.” Gives impression that once you are saved, but even when you make a shipwreck of your faith, you will still have eternal life. For faith to be true faith, it must be working faith (last week). For faith to be true faith, it must be persevering. Nagpapatuloy hanggang wakas. “Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod sa akin, ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.” (Mat. 10:22 MBB). “Ang kasamaa’y lalaganap, kaya’t manlalamig ang pag-ibig ng marami. Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas” (24:13 MBB). “Sapagkat kasama tayo ni Cristo kung mananatiling matatag ang pananampalataya natin sa kanya hanggang sa wakas” (Heb. 3:14).

Ang pananampalatayang nagpapatuloy hanggang wakas, ito ang “perseverance of the saints.” Hindi ibig sabihing mukha na tayong “santo” palagi. We still fall into sin. Saints and sinners tayo at the same time. We still struggle with sin and unbelief. We are still capable of sinning big time. Pero magpapatuloy tayong magsisi at sumampalataya kay Cristo, hanggang sa kamatayan natin o sa kanyang muling pagbabalik.

Louis Berkhof: “It is strickly speaking, not man but God who perseveres. Perseverance may be defined as that continuous operation of the Holy Spirit in the believer, by which the work of divine grace that is begun in the heart, is continued and brought to completion” (Systematic Theology, 546). Wayne Grudem: “The perseverance of the saints means that all those who are truly born again will be kept by God’s power and will persevere as Christians until the end of their lives, and that only those who persevere until the end have been truly born again” (Systematic Theology, 788). Ang lahat ng mga tunay na “born again” (we’re not talking here about a religious group, but a status of the heart) ay iingatan ng kapangyarihan ng Diyos at mananatiling mga Cristiano (o magpapatuloy sa pananampalataya) hanggang sa katapusan ng kanilang buhay, at sila lamang mga nagpatuloy hanggang wakas ang tunay na mga na-born again.

A look at 1 Peter 1:1-9

Yung mga words na ginamit diyan ni Wayne Grudem ay very close sa mga salitang ginamit ni apostol Pedro sa bungad ng kanyang unang sulat sa verses 1-9. Verses 1-2, “Mula kay Pedro na apostol ni Jesu-Cristo. Mahal kong mga pinili ng Dios na nangalat at naninirahan bilang mga dayuhan sa Pontus, Galacia, Capadosia, Asia at Bitinia: Pinili na kayo ng Dios Ama noon pa para maging mga anak niya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, para sundin nʼyo si Jesu-Cristo at upang linisin kayo sa mga kasalanan nʼyo sa pamamagitan ng kanyang dugo. Sumainyo nawa ang higit pang biyaya at kapayapaan” (ASD). Grace and peace, hindi ito ordinaryong pagbati na hi, hello. Totoong biyaya at kapayapaan ang mapapasaatin kung alam nating Diyos mismo – Ama, Anak, Espiritu – nagtutulong-tulong, nagkakaisa para tiyaking magpapatuloy tayo hanggang wakas. Pinili ng Ama, tinubos ni Cristo, at binabago’t iniingatan ng Espiritu.

Ang basis ng assurance natin ay wala sa mga nakaraang gawa natin, kundi sa naranasan na nating awa ng Diyos. Verses 3-4, “Purihin natin ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Dahil sa dakila niyang awa sa atin, ipinanganak tayong muli sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito ang nagbibigay sa atin ng malaking pag-asa na may nakahandang mana ang Dios para sa atin. Ang manang itoʼy nasa langit, walang kapintasan, hindi nasisira, at hindi kumukupas.” Ang buhay na kasama ang Diyos magpakailanman ang nakahandang mana para sa atin. Nakalaan na at inaasahan natin hindi dahil sa gawa natin, kundi dahil sa awa ng Diyos. Awa ng Diyos kaya naparito si Jesus, namatay sa krus at muling nabuhay. Awa ng Diyos kaya tayo ngayon ay naborn again, nakakilala sa kanya at nagkaroon ng bagong buhay. Awa ng Diyos kaya makatitiyak tayo na mapapasaatin ang manang iyon.

Sigurado yun. Secured na yun. The only thing that can disqualify us is unbelief. Pano ngayon yun? How can you be so sure na you will keep trusting Christ to the end? Verse 5, “At sa pamamagitan ng pananampalataya nʼyo, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Dios habang naghihintay kayo ng kaligtasang nakalaang ihayag sa huling panahon.” Kapangyarihan ng Diyos ang nag-iingat sa atin. Paano? Sa pamamagitan ng pananampalataya. Ibig sabihin, God will do everything necessary to sustain our faith. Sometimes our faith will weaken or grow cold. Satan will do everything in his power to break our faith. Tulad ng ginawa niya kay Pedro noon. Pero ano ang dahilan bakit nagpatuloy si Pedro, even dying for his faith in Jesus? Sabi ni Jesus sa kanya, “Simon, Simon! Hiniling ni Satanas na subukin kayo tulad sa pag-aalis ng ipa sa mga trigo. Subalit idinalangin kita upang huwag (tuluyang) manghina ang iyong pananampalataya. At kapag nagbalik-loob ka na, patatagin mo ang iyong mga kapatid” (Luke 22:31-32 MBB).

Perseverance of the saints pwede rin nating sabihing preservation of the saints. On our part, nagpapatuloy tayo. On God’s part, iniingatan tayo ng Diyos para matiyak na magpapatuloy tayo. Titiyakin ng kapangyarihan ng Diyos na di tayo babagsak. Gagamitin niya maging ang mga pagsubok, mga sufferings, mga pains na nararanasan natin sa araw-araw to even strengthen our faith and make us persevere to the end. Verses 6-7, “Dahil dito, dapat kayong magalak sa kabila ng ibaʼt ibang pagsubok, dahil ang mga pagsubok na itoʼy panandalian lang, at dapat ninyong maranasan, para masubukan kung talagang tunay ang pananampalataya ninyo. Katulad ng ginto, sinusubok ito sa apoy para malaman kung tunay o hindi. Pero mas mahalaga ang pananampalataya natin kaysa sa ginto na nawawala. Kaya kapag napatunayang tunay ang pananampalataya nʼyo, papupurihan kayoʼt pararangalan pagdating ni Jesu-Cristo.” Ang sufferings ngayon sandali lang kumpara sa walang hanggan na meron tayo in glory. Ang sufferings ngayon “necessary”, dapat ninyong maranasan sabi ni Pedro, ginagamit ng Diyos to purify our faith, to strengthen us, to keep us believing that Jesus is everything and he is enough for us kahit mawala ang lahat ng bagay sa atin.

Don’t waste your sufferings and pains. Ginagamit yan ng Diyos para maranasan nating we love Jesus more than all this world can offer, our joy is in him not in the conveniences of this world, and that he is our everlasting treasure not the temporal possessions we have now. Verses 8-9, “Kahit hindi nʼyo siya nakita ay mahal nʼyo siya, at kahit hindi nʼyo pa siya nakikita hanggang ngayon, sumasampalataya pa rin kayo sa kanya. At nag-uumapaw ang inyong kagalakan na hindi kayang ipahayag ng bibig, dahil tinatanggap nʼyo ang bunga ng pananampalataya nʼyo, na walang iba kundi ang inyong kaligtasan.” Iniligtas na tayo mula sa parusa ng kasalanan at ibinilang na matuwid (justification). Inililigtas tayo sa kapangyarihan ng kasalanan at ginagawang matuwid (sanctification). Ililigtas tayo sa presensya ng kasalanan at lulubusin ang pagiging matuwid at kawangis ng Panginoong Jesus (glorification).

God will make sure that the One we love, the one we believe in, the object of our faith, love and joy, we will finally see. Sure yan.

Means to persevere

Ang kumpiyansa natin, at yan ang ibig sabihin ng sola fide – ay nasa ginawa ng Diyos (through Christ), sa ginagawa ng Diyos (as the Spirit makes us more like Christ), at sa gagawin ng Diyos (when we finally see Christ face to face). Sola fide, faith alone, naligtas tayo dahil lang sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Cristo (part 1) at ang pananampalatayang ito ay nagbubunga ng mabuting gawa sa buhay ng isang mananampalataya (part 2) at ito ay nagpapatuloy hanggang wakas (part 3). So faith is believing, trusting, resting on the grace of God from beginning to end. Pero hindi ibig sabihin passive tayo sa Christian life. Faith is an active, striving, persevering faith. Kaya sabi ni Paul, “Work out your salvation with fear and trembling.” Sabi din niya, “Fight the good fight of faith.” We Christians are responsible in using all the means of grace God has given us to help us persevere and finish the race. So…

Expose yourself to the gospel. Kapag may gathering ang church, commit to be there. Sa worship gatherings or sa mga bahay-bahay in our grace communities. Makinig ka ng mga mensaheng si Cristo at ang gospel ang laman. Don’t settle for anything less than that. Kapag may Lord’s Supper, take time to remember what Jesus did for you. Kapag may baptism, be baptized or remember your baptism kung paanong nasecure na ang buhay mo dahil sa pakikipag-isa mo sa Panginoong Jesus. You will not persevere in the Christian life without exposing yourself to the gospel. This church is committed to give you maximum exposure to the gospel.

Expose yourself to the Word. Pero mahalaga din ang personal Bible reading mo. Wag mong pabayaan yan. Take time to listen to the Word everyday. Ang Diyos, through the Spirit, ang magpapaalala sa iyo. Pay attention to the commands of God, kung paano tayo mamuhay ayon sa gospel na pinaniniwalaan natin. Listen carefully to its warnings, yung mga consequences of failing to believe and live in light of the gospel. Cherish God’s precious promises, na siyang magbibigay lakas sa atin to continue to the end. Paano ka magpapatuloy sa pananampalataya kung hindi mo binabasa ang kanyang Salita?

Expose yourself to community. “Take care, brothers, lest there be in any of you an evil, unbelieving heart, leading you to fall away from the living God. But exhort one another every day, as long as it is called “today,” that none of you may be hardened by the deceitfulness of sin” (Heb. 3:12-13). Make sure you have gospel friendships, yung tinatawag nating fight clubs. Sila kasi ang tutulong sa iyo para makita mo ang mga kasalanan mo, magpapaalala sa iyo tungkol kay Cristo, at lalaban para sa iyo. Perseverance is not an individual project, it is a community project. Sa mga panahong nanghihina ka, may magpapalakas sa iyo. Sa mga panahong nanlalamig ka, surround yourselves with people na magpapainit ulit sa iyo. Sa mga panahong nahuhulog ka sa kasalanan, alalahanin mong meron kang mga kapatid kay Cristo na pwede at dapat mong lapitan para humingi ng tulong para muli kang makabangon at magpatuloy sa pagsunod kay Cristo hanggang sa katapusan.

Sa biyaya ng Diyos, titiyakin niyang lahat ng mga pinili niya, tinubos ni Cristo, at pinananahanan ng Espiritu Santo ay mananatiling tapat hanggang wakas. Kaya ikaw, tiyakin mo ring gagamitin mo anumang ibinigay na biyaya ng Diyos sa iyo para magpatuloy ka sa pananampalataya hanggang wakas.

 

 

 

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.