Nagdiwang sila Tatay Hermie at Nanay Nita ng kanilang 50th anniversary. Hindi lang sila kundi kasama ang church family. We celebrate God’s grace together. Nagkasakit si Nanay Nita at ngayon ay patuloy na nararanasan ang sakit sa kanyang katawan. Hindi niya kaya mag-isa, kailangan niya ng pamilya. Si Nanay Auring, namatay last week. Three days bago nakita ang katawan niya, mabaho na. Ang dahilan? Wala kasi siyang kasama sa bahay. Walang pamilya na nakaalalay sa kanya.
May mga panahong gusto nating mag-isa. Pero kung haharapin natin ang realidad sa buhay, aaminin nating kailangan natin ang bawat isa. When we isolate ourselves, we die slowly. When we share our life in relationship with others, we become fully alive. Yan kasi ang disenyo ng Diyos nang likhain niya ang tao. Hindi si Adan lang, kasama si Eba. Yun din naman ang dahilan kung bakit iniligtas tayo ni Cristo at inilagay sa church (iglesia). Hindi para mag-isa, kundi para may makasamang pamilya. Tulad ni Adan, di mabuti sa atin ang mag-isa.
Gospel-centered family (1 Tim. 3:14-15)
Kaya ginagamit natin ang GraceCommunities bilang primary organizing structure ng church natin. Ano ulit ang GraceComm? “Pamilya ng Diyos na binubuo ng Kuwento ng Diyos at nakikibahagi sa misyon ng Diyos.” Last week pinag-usapan natin ang gospel foundation ng GraceComm, na ito ang kailangan pa rin natin sa araw-araw, we are being formed by God’s Story. Ang church natin, ang buhay ng bawat isa sa atin, dapat gospel-shaped. At kung itong gospel ang humuhubog sa atin, hindi pwedeng tayo ay naka-isolate. We live out the gospel in community o bilang isang pamilya ng Diyos. Malinaw na ito ang disenyo ng Diyos sa church.
Kaya sulat ni Pablo kay Timoteo,
Kahit na inaasahan kong makakapunta riyan sa iyo sa lalong madaling panahon, isinulat ko pa rin ang tagubiling ito para kung sakaling maantala ako, alam mo na kung ano ang dapat ugaliin ng mga mananampalataya bilang pamilya ng Dios (sa mga sulat ni Pablo karaniwan nang tinatawag niya ang mga Christians na “mga kapatid kay Cristo”). Tayong mga mananampalataya ang iglesya ng buhay na Dios, ang haligi at saligan ng katotohanan (gospel!) (1 Tim. 3:14-15 ASD).
Yun ang ibig sabihin ng GraceCommunity, pamilya ng Diyos na nakasentro sa Mabuting Balita ni Cristo, namumuhay ayon sa biyaya ng Diyos. Ayon kay Jonathan Dodson, ito ay “set of relationships centered on the gospel.
Sabi naman ni Jerry Bridges (True Community), “Biblical community is first of all the sharing of a common life in Christ.” Ang nagbubuklod sa atin ay hindi pare-parehong interes, pare-parehong economic status, pare-parehong edad. No! Ang nagbubuklod sa atin ay ang pare-parehong buhay na meron tayo kay Cristo. Sa mga GCs, binibigyang-diin natin ang five-fold identity natin. We are learners, worshipers, family, servants, and missionaries. At magkakakabit lahat yan. We learn the gospel and follow Christ together. We worship God together. We serve others and go on mission to share the gospel together. Yan ang ibig sabihin ng church as family. We are together for the gospel.
What a GraceCommunity is not
Kung ito ang definition ng isang GraceComm – gospel-centered missional family – dapat klaruhin pa natin na hindi ito tulad ng nakagisnan natin definition ng isang church. Hindi ito…
Bible study group. Siyempre naman nag-aaral tayo ng Bibliya. Hindi pwedeng mawala iyon. Pero hindi iyon ang focus, kundi ang pagsasabuhay nito at kung paano natin matutulungan ang bawat isa sa paglago sa pagsunod kay Cristo.
Small group. Oo nga’t maliit na grupo lang ang isang GC (6-20 miyembro). Pero hindi ito tulad ng karaniwang small groups na binubuo ng pare-parehong lalaki, pare-parehong babae, pare-parehong kabataan. Halu-halo, anuman ang edad, anuman ang hilig, anuman ang estado sa buhay. Kasi nga pamilya!
Social gathering. Hindi lang ito para meron kang makakuwentuhan o makasamang kumain. Na parang mga social clubs or organizations na wala naman talagang nabubuong malalim na relasyon. Ang goal ng GC ay para mas lumalim ang relasyon natin sa isa’t isa bilang magkakapatid kay Cristo, bilang isang pamilya.
Weekly gathering. Oo nga’t mahalaga na merong regular gathering (two to four times a month). Pero hindi ito limitado lang sa mga oras na nagtitipon tayo. Kundi sinisikap nating ipamuhay araw-araw ang relasyon natin sa isa’t isa at ang misyong ibinigay sa atin ng Panginoon. We don’t go to church every Sunday or go to GC every Tuesday. We are the church.
Distinguishing features of biblical community (Acts 2:42-47)
Ano ang hitsura ng isang biblical community? Ano ang nais nating makita sa ating mga GCs? Tingnan natin ang mga katangian ng unang iglesia. Matapos ipangaral ni Pedro ang Mabuting Balita ni Cristo, 3,000 ang tumugon at nadagdag sa bilang ng mga tagasunod ni Jesus (Acts 2:41). Paano isinalarawan ang naging pamumuhay nila, kahit na sila’y mula sa iba’t ibang lugar at iba’t ibang klase ng mga tao?
Naging masigasig sila sa pag-aaral ng mga itinuturo ng mga apostol, sa pagtitipon bilang magkakapatid, sa paghahati-hati ng tinapay, at sa pananalangin. 43Maraming himala at kamangha-manghang ginawa ang Dios sa pamamagitan ng mga apostol. Kaya namuhay ang mga tao nang may paggalang at takot sa Dios. 44Maganda ang pagsasamahan ng mga mananampalataya, at pinag-isa nila ang kanilang mga ari-arian para makabahagi ang lahat. 45Ipinagbili nila ang kanilang mga lupa at mga ari-arian, at ang peraʼy ipinamahagi nila sa kanilang mga kasama ayon sa pangangailangan ng bawat isa. 46Araw-araw, nagtitipon sila sa templo at naghahati-hati ng tinapay sa kanilang mga bahay. Lubos ang kagalakan nila sa kanilang pakikibahagi sa pagkain, 47at palagi silang nagpupuri sa Dios. Nagustuhan sila ng lahat ng tao. Araw-araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga taong kanyang inililigtas (Acts 2:42-47 ASD).
Limang katangian ng isang GraceComm ang makikita natin dito.
Gathered, not isolated. Hindi yun bang pagkatapos magrespond sa message ni Peter, umuwi na at sinabing pwede naman magbasa ng Bible at magpray sa bahay na mag-isa lang. “Nagtitipon sila bilang magkakapatid” (v. 42). Meron nga ba namang pamilyang hiwa-hiwalay at kanya-kanya? Nagtitipon sila sa templo (v. 46), malakihang gathering yun (tulad ng ginagawa natin ngayon sa Worship Service). Pero sama-sama din silang kumakain sa kanya-kanyang bahay (v. 46), small gatherings tulad ng ginagawa natin sa GC. You won’t experience community kung solo-solo ka. Kaya nga ipinaalala sa atin na wag nating pababayaan ang ating mga pagtitipon (Heb. 10:25)
Devoted, not passive. Hindi lang basta nagtitipon. Madali lang naman kasi kung pupunta ka lang, para makapunta lang ba. Makikinig ng Salita ng Diyos, kakanta, sasabay sa kung ano man ang ginagawa. You can just go through the motions. Pero sa unang iglesia, “Naging masigasig sila…” (v. 42). They devoted themselves. Kay Cristo, sa pakikinig sa salita niya, pagsunod sa kanya, pakikipag-usap sa kanya at pagpupuri sa kanya. They also devoted themselves to one another.
Other-centered, not self-centered. Hindi lang sarili nila ang iniisip nila. Na tulad ng iba na hindi lang napansin o hindi nadalaw, nagtampo na at lumipat na ng church. Pero sila, iniisip nila kung paano makipagrelasyon o makisama sa mga kapatid sa Panginoon. Naging “maganda ang pagsasama nila…” (v. 44). Sa pag-iisip nila sa kapakanan ng iba, pati sarili nilang ari-arian ipinagbibili na nila makatulong lang sa mga kapatid na nangangailangan (v. 45).
Joyful, not burdensome. Kung magsakripisyo para sa iba, kailangang maglaan ng oras, ng lakas, ng pera. Pero dahil sa biyaya ng Panginoon, di ito magiging kabigatan kundi kagalakan pa nga. “Lubog ang kagalakan nila” (v. 46). Kaya ganito ako kapursigido na hikayatin ang bawat isa na makibahagi sa GC. I don’t want to give you more burdens. I want you to experience more joy! “We work with you for your joy” (2 Cor. 1:24).
Attractive, not repulsive. Nakikita ng mga tao ang gawa ng Diyos sa isang church na namumuhay bilang isang pamilya ng Diyos (v. 43). “Nagustuhan sila ng mga tao. Araw-araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga taong kanyang inililigtas” (v. 47). Attractive sa mga tao kung makikita nila na kahit di naman tayo noon magka-ano-ano, pero nakikita nilang tunay na nagmamahalan at nagdadamayan (John 13:35).
How is this possible?
Ito ang prayer natin para sa church natin. Na makita natin ang mga katangian ng isang community of grace. We are not perfect. Kaya wag mong iisiping, “Ay, hindi naman ako qualified dyan.” Hindi naman ito tungkol sa kung qualified ka o hindi, kung worthy ka o hindi. Hindi ito tulad ng mga clubs or organizations na kapag hindi ka pasado sa qualifications o kapag hindi ka sumusunod sa mga rules, out ka na. We are a gospel-centered community. Ibig sabihin, ang qualifications lang dito ay kung kikilalanin mong hindi ka qualified! Pero dahil kay Jesus ikaw ngayon ay accepted, loved, and forgiven. So nasaan ang pag-asa natin na ang ganitong katangian ng isang biblical community ay mangyayari? In the gospel of Jesus (the finished work of Jesus) and in the Spirit of Jesus (the transforming work of the Spirit in us).
Shaped by the Gospel of Jesus. Dahil sa gospel, di natin kailangang maging perfect, because Jesus was perfect for us. Kung may magkamali man sa atin o madisappoint natin ang iba o madisappoint tayo ng iba, kay Cristo tayo tumitingin hindi sa tao. Dahil tinanggap na tayo ni Cristo, matatanggap na rin natin ang iba. Dahil minahal na tayo, mamahalin din natin ang iba. Dahil pinatawad na tayo, patatawarin din natin sila. Dito sa GraceComm, di kailangang magpanggap o magperform para sa Diyos o para sa church. “You don’t have to pretend to be perfect, because all of us are imperfect people clinging to a perfect Christ, being perfected by the Spirit” (Jonathan Dodson)!
Empowered by the Spirit of Jesus. Being perfected by the Spirit! Good news ito, kasi ano man ang kalagayan mo ngayon, gaano man ka-self-centered pa ang ugali mo, babaguhin ka ng Espiritu para maging tulad ni Cristo (2 Cor. 3:18). Kung nasayo ang Espiritu, at nasayo kung ikaw ay nakay Cristo, ito ang bunga niyan sa buhay mo: “love, joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, self-control” (Gal. 5:22-23). Posible na maranasan natin ang pagiging tunay na pamilya ng Diyos dahil sa ginawa ni Cristo para sa atin at sa pamamagitan ng patuloy na ginagawa niya sa pamamagitan ng Espiritu.
Community rhythms
Bilang tugon sa biyaya ng Diyos sa atin at para maipamuhay ang pagiging pamilya ng Diyos, merong mga gawaing ginagawa natin nang magkakasama. Ito rin ang makikita natin sa Acts 2:42-47. Mga ordinaryong gawain ito, walang extraordinary dito. Lahat tayo kaya nating gawin. Nagiging extraordinary dahil ginagawa nating magkakasama at dahil sa pagkilos ng Espiritu. Anu-ano ito?
Pakikinig at Pagkukuwento (listen/storytelling). Nakikinig sila sa turo ng mga apostol, sa salita ng Diyos. At ang napakinggan nila, itinuturo nila sa isa’t isa at sa ibang tao. Ganoon din sa mga GCs natin. We study the Word of God. Pinakikinggan natin ang Kuwento, pinag-uusapan, at tulung-tulong na ipinamumuhay. Nakikinig tayo sa Diyos sa panalangin. At ang narinig natin na Salita niya ay siya namang itinuturo at ikinuwento natin sa iba.
Pagpapala/paglilingkod (bless/serve). Pinagpala tayo ng Diyos. Kaya sumasamba tayo at nagpupuri sa kanya. At tulad ng unang iglesia, sinisikap din nating maging pagpapala sa iba. Anumang espirituwal na kaloob na bigay sa atin ng Diyos, anumang oras, lakas o kayamanan na meron tayo, ginagamit natin sa paglilingkod sa mga nangangailangan sa church natin o maging sa ibang tao. Dahil pinagpala tayo ng Diyos, iniisip natin kung paano tayo magiging pagpapala naman sa iba.
Pagdiriwang at pakikiramay (celebrate/suffer). Kapag may espesyal na okasyon, dapat ipagdiwang bilang isang pamilya. Kung may birthdays man, anniversaries, graduation, promotion, baptism, at iba pa. We celebrate life together. At kung may mga difficulties naman o sufferings, walang iwanan. May pagdadamayan. Tulad ng kapag may nagkasakit, o may namatay, o may bumagsak ang negosyo o nawalan ng trabaho o nasunugan o nanakawan. Sa hirap at ginhawa, sa kasiyahan o sa kalungkutan, pamilya tayo. We pray together. We encourage one another. We cry together.
Pagkain (eat). Ang unang iglesia magkakasamang kumain sa bahay. They also eat the Lord’s Supper. Sa GC din natin, nagmemeryenda o naghapunan tayo na magkakasama. We also eat the Lord’s Supper at mas nagiging meaningful kasi mas intimate. At inaanyayahan din naman natin ang ibang tao na bumisita sa atin at makasalo natin. The family that eats together stays together! Tama naman yan, kasi kung ang pamilya n’yo di na kayo nagkakasalo sa pagkain, ibig sabihin di rin kayo nagtatagpo o di na kayo nakakapag-usap. Pero sa kainan, hindi lang mabusog ang habol natin, kundi makapagkuwentuhan at makausap ang bawat isa sa mga pinagdadaanan sa buhay.
Pahinga at pagsasaya (rest/recreate). Binigay ng Diyos ang kanyang nilikha sa atin para maenjoy at mas makilala natin siya. Kaya sa GC natin, hindi lang puro seryosong bagay, hindi lang mga activities o missions. Magkakasama rin na magpahinga, magrelax, mamasyal, mag-outing, magretreat. At sa pamamagitan din nito, makikita ng mga tao na tayo rin ay mga ordinaryong tao na katulad nila at ineenjoy ang buhay na bigay sa atin ng Diyos.
Two major objections
“I’m too busy.” Maaaring itanong mo, “Sobrang busy ko na nga, tapos sasali pa ko sa GC. E di lalo na akong magiging busy niyan.” Tama namang concern iyan. Oo nga’t meron tayong trabaho, eskuwela, pamilya, libangan at mga ordinaryong gawain sa araw-araw (paglalaba, paglilinis, pagluluto). Paano pa maisisingit ang higit sa isang araw na pagkikita kada Linggo. Baka OK na naman ang pagdalo sa Sunday Worship.
Karamihan sa mga “rhythms” na nabanggit ko ay mga araw-araw na gawain na ginagawa na naman talaga natin. Kumakain, nakikipagkuwentuhan, nagcecelebrate, nagpapahinga. Ang kailangan lang ay gawin natin na magkakasama bilang isang pamilya. Tandaan na ang church ay hindi lugar na pinupuntahan mo; tayo ang church! Kaya, anumang mga ordinaryong bagay gawin natin na may “gospel intentionality.” Gawin natin ang mga araw-araw na gawain natin na naipapakita ang devotion natin sa Panginoong Jesus, sa isa’t isa, at sa misyong ipinagkatiwala niya sa atin para abutin din ang ibang tao.
Sobrang busy ka ba? Anong mangyayari sa isang pamilya kung sa sobrang ka-busyhan ay wala nang panahon ang mga magulang sa anak o sa isa’t isa? Ano ang pinagkakaabalahan mo na sobrang importante na inilalayo mo ang sarili mo sa church bilang pamilya ng Diyos?
“It’s so messy.” Totoo namang magandang makita ang ganitong relasyon aa church. Pero sa totoong buhay, kung susuungin mo ang ganitong relasyon, it’s messy. Messy kasi ang pamilya ay binubuo ng mga taong nagkakasala pa rin at nagiging makasarilo pa rin. Dahil sa kasalanan, merong maaaring mangyaring tsismisan, siraan, pagrereklamo, pagbabalewala sa iba.
Ang isang gospel-centered community ay hindi perpekto, pero totoo. May mga conflicts, may mga tensions. Pero di na yan iba o surprising sa Panginoon. Katunayan nga ginagamit niya yan para mas makita natin ang biyaya niya kung paano niya tayo patuloy na hinuhubog sa relasyon sa iba. Isa rin itong oportunidad para maipakita natin sa iba kung ank ang kahulugan ng “grace” – na itinatrato natin ang iba hindi ayon sa dapat para sa kanila kundi ayon sa pagtrato din sa atin ng Diyos. Dahil kay Jesus, tinanggap at pinatawad tayo ng Diyos. Kaya matatanggap at mapapatawad din natin ang iba. (Eph 4:32).
Gaano man ka-messy ang maging mga relasyon natin, paraan ito ng Diyos para matutunan natin how to speak the truth in love to one another (Eph 4:15). Mainam yan kasi lahat tayo kelangan natin ng may nagmamahal at may nagsasabi sa atin kung ano ang totoo. Hindi lang totoo tungkol sa kasalanan natin, kundi totoo ayon sa bago nating identity dahil kay Cristo.
Conclusion
Gaano ka man kabusy, gaano man kamessy ang mainvolved sa isang GraceComm, itutuloy pa rin natin at sisikapin nating makibahagi dahil ito ang magandang plano ng Diyos sa atin. Sa grupo ng tatlo (ka-GC o kung wala pang GC ay kalapit ng lugar), pag-usapan ito:
Kung may GC na:
- Paano mo nararanasan ang pagiging pamilya sa GC?
- Ano pa ang gagawin mo para maipadama sa kaGC mo na sila’y kapamilya mo?
- Meron ka bang nakikitang pangangailangan ng kasama mo sa GC na pwede mong tulungan? Anong gagawin mo?
Kung wala ka pang GC:
- Ano ang humahadlang sa iyo para makibahagi?
- Ano ang nakita mong kahalagahan ng GC sa mensaheng napakinggan mo? Naniniwala ka ba dito?
- Ano ang susunod na hakbang na gagawin mo para makibahagi sa isang GC? Meron ka bang gustong salihang GC o gusto mong makapagsimula sa lugar nyo?
1 Comment