The gospel is what brings unity to all that we do. Every form of ministry is empowered by the gospel, based on the gospel, and is a result of the gospel (Tim Keller, Center Church).
Ang mga GraceCommunities ay ang primary organizing structure ng Baliwag Bible Christian Church. Ito ang pangunahing paraan o strategy para tuparin natin ang misyong bigay sa atin ng Panginoong Jesus: “to make disciples of all nations” (Matt. 28:19). Kaya nga ang mission statement natin ay ito: “We exist to glorify God by building local and global GraceCommunities of disciples of Jesus who make disciples of Jesus.”
This July, pag-uusapan natin ang tungkol sa GraceComm. Ano ba ang ibig sabihin ng pagiging “church” ng Panginoong Jesus sa panahon ngayon? Paano natin mararanasan ang disenyo ng Diyos para sa church natin at paano tayo makikibahagi sa misyong ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ng GraceComm? Ano ba ang isang GraceComm? Ang GraceComm ay isang grupo ng mga tagasunod ni Jesus sa isang partikular na lugar, binubuo ng 6-20 tagasunod ni Cristo at “namumuhay bilang isang pamilya ng Diyos na binubuo ng Kuwento ng Diyos at nakikibahagi sa misyon ng Diyos” (“living as God’s family, formed by God’s Story, participating in God’s mission”). Sa seryeng ito, pag-uusapan natin ang tatlong elemento ng GraceComm: Gospel (God’s Story), Community (God’s family), at Mission (God’s mission). At sa ika-apat na linggo ay pag-uusapan natin ang commitment natin sa GraceComm.
Ano ang purpose ng sermon series na ‘to?
- Kung di ka pa nakikibahagi sa isang GraceComm, I pray na magsimula ka nang makibahagi. Christian ka man o hindi, umaattend ka sa Sunday Worship Service, maiintindihan mo na ang Christianity ay hindi lang Sunday event. Ang pagiging bahagi ng isang church ay higit pa sa pagdalo sa worship service. At kapag naintindihan mo iyon, I hope na sasali ka na sa isa sa mga existing na GCs o kung malayo ang lugar n’yo, magsisimula kang magpray at magplano kung paano makapagsisimula ng bagong GC. Tutulungan namin kayo!
- Kung bahagi ka na ng isang GraceComm, I pray na maging paraan ito para mas maging focused ka at mas maging committed pa. Na hindi ka maging kumportable lang na basta involved. Dapat mas maintindihan mo kung ano yang sinasalihan mo at para saan. Gagamitin natin ang sermon series na ‘to para makabuo ng isang GraceComm primer na ituturo natin sa mga bagong disciples. Ito na rin ang gagamitin natin na membership class. Magiging miyembro ka hindi kung magpabaptize ka lang, magfill-out ng application form, at pumirma sa Statement of Faith at Church Covenant. You become a full-pledged member ng church kung nakikibahagi ka sa isang GC.
And I pray na kung bahagi ka ng isang GC, mararanasan mo ang church bilang isang pamilya na nabuo dahil sa biyaya ng Diyos (kaya GraceComm), at kung paano tayo lalago sa pag-ibig natin kay Cristo, sa isa’t isa, at sa mga nangangailangan sa kanya sa ating bayan at sa bawat lahi sa buong mundo.
[Gusto kong magpasalamat kay Jeff Vanderstelt, pastor ng Soma Communities. Siya ang nakatulong sa akin pati ang resources na galing sa kanila para makapagsimula rin tayo ng mga “missional communities.” Yung idea ng “Story of God” sa kanya ko rin unang narinig (with Caesar Kalinowski). Ganun din kay Jonathan Dodson, pastor ng Austin City Life Church. Yung City Groups Primer ang ginagamit kong guide para sa sermon series na ‘to. Sa kanya ko rin unang nakita ang idea ng “Fight Clubs.” At kay Tim Keller, pastor ng Redeemer Presbyterian Church sa New York, for helping me understand what gospel-centered ministry is.]
Gospel-centered
Simulan natin sa Gospel. Bakit iyon ang simula? 1 Corinthians 15:1-5:
Now I would remind you, brothers, of the gospel I preached to you, which you received, in which you stand, 2 and by which you are being saved, if you hold fast to the word I preached to you—unless you believed in vain. 3 For I delivered to you as of first importance what I also received: that Christ died for our sins in accordance with the Scriptures, 4 that he was buried, that he was raised on the third day in accordance with the Scriptures, 5 and that he appeared to Cephas, then to the twelve.
Bakit gospel ang simula at foundation ng lahat ng ginagawa natin? Verse 3, sabi ni Paul, ito ay “of first importance.” Pinakamahalaga sa lahat. Sabi ni Tim Keller, “The gospel is what brings unity to all that we do. Every form of ministry is empowered by the gospel, based on the gospel, and is a result of the gospel” (Center Church).
What is the gospel?
Ang gospel ay hindi good advice – hindi ito tungkol sa kung ano ang ginawa na natin (mabuti man o masama), o ginagawa natin, o gagawin natin o dapat nating gawin. It is not about us! Ang gospel ay mabuting balita tungkol sa mabuting gawa ng Diyos –
Ginawa ng Diyos ang hindi natin magagawa para sa sarili natin; ayon sa kanyang plano, si Jesus na Anak ng Diyos nagkatawang tao, namuhay na matuwid para tayong mga nananalig sa kanya ay maituring na matuwid sa paningin ng Diyos, namatay sa krus para akuin ang lahat ng parusang nararapat sa ating mga makasalanan, at sa ikatlong araw ay nabuhay na muli at nagtagumpay laban sa kasalanan, kamatayan, at lahat ng kasamaan para baguhin ang lahat ng kanyang nilikha at tayo’y mapanumbalik sa Diyos.
That is the gospel. At para mas maging malinaw sa atin, tingnan natin ang limang aspeto ng gospel:
The gospel is historical.
Totoong Kuwento, totoong nangyari. Hindi kathang isip lang. Hindi kuwentong barbero lang. Mula verses 5-8, paulit-ulit na binanggit na pagkatapos mabuhay na muli si Jesus, “nagpakita siya…” kay Pedro, sa mga apostol, sa 500, at kay Pablo. Ang lahat sa buhay natin ay nakatali sa historical reality ng muling-pagkabuhay ni Jesus, “And if Christ has not been raised, then our preaching is in vain and your faith is in vain” (v. 14).
Ito ay nangyari ayon sa plano ng Diyos na nakasulat sa Old Testament. Ang kamatayan niya, “in accordance with the Scriptures” (v. 3). Ang pagkalibing sa kanya at ang kanyang muling-pagkabuhay, “in accordance with the Scriptures” (v. 4). Kaya nga bago natin ibahagi si Cristo sa mga tao, we give them background kung bakit kailangang dumating si Jesus. Kaya “The Story of God” ang gamit natin sa pag-share ng gospel. Mahahati ito sa apat na bahagi.
- Creation. Nilikha tayo ng Diyos sa sa kanyang larawan, para bigyan siya ng karangalan sa lahat ng bahagi ng buhay natin.
- Rebellion. Anong naging problema? Nagkasala ang tao, sumuway sa Diyos, at namuhay para sa sariling karangalan at kagustuhan. Mula kay Adan at Eba, hanggang sa mga sumunod na henerasyon, hanggang ngayon.
- Redemption. Ano’ng solusyon sa problemang ito? Wala sa atin. Kundi nasa plano at pangako ng Diyos na natupad sa pagdating ni Jesus at sa kanyang ginawa sa krus para sa atin.
- Restoration. Ano ang resulta ng ginawa ni Jesus? Mararanasan natin, kung sasampalataya tayo sa kanya, ang isang bagong buhay, na malulubos sa muli niyang pagbabalik, kasama ang pagpapanibagong-muli (renewal) ng lahat ng nilikha ng Diyos.
Binabago ng gospel (as God’s Story) ang pagtingin natin sa realidad sa mundong ito. Hindi lang ito historical, history-making din. Naiintindihan natin na kahit anong nangyayari sa mundo – gaano man kasama, gaano man kagulo – ayon sa plano at disenyo ng Diyos. Hindi pa siya tapos. Sa buhay natin, hindi pa rin siya tapos. Inaanyayahan tayo sa Kuwentong ito na ang kuwento ng buhay natin ay makita nating bahagi nito. We find our life’s significance as part of God’s Story.
The gospel is doctrinal.
Hindi lang ito Kuwento na dapat nating pakinggan. Ito rin ay nagtuturo ng mga katotohanang dapat nating paniwalaan. Verses 1-2, “which you received, in which you stand…unless you believed in vain…” Binabago nito ang paniniwala natin. As we look at the gospel as Story, we must also look at it as Theology. Merong apat na pangunahing paksa na may kinalaman dito.
- God. Sino ang Diyos? Siya ay banal, makatarungan, mapagmahal at puno ng biyaya o kagandahang-loob.
- Man. Sino ang tao? Nilikha sa larawan ng Diyos. Makasalanan, gumagawa ng kasalanan. We are broken, we are suffering sinners in need of God’s grace.
- Christ. Sino si Cristo? Siya ang Panginoon, ang Tagapagligtas, ang Manunubos na umako ng ating kasalanan at nagbigay sa atin ng bagong buhay sa pamamagitan ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay.
- Faith. Ano ang response natin? Hindi tayo maliligtas sa pamamagitan ng mabuting gawa, kundi dahil lang sa biyaya ng Diyos na tinanggap natin sa pamamagitan ng pagtitiwala kay Cristo.
Ito ba ang pinaniniwalaan mo?
The gospel is Christological.
Inaanyayahan tayo nito na hindi lang paniwalaan ang isang Kuwento o isang doktrina. It invites us to put our trust, our faith, our hope, our devotion, our allegiance in a Person, our Lord Jesus Christ. Sabi ni Jesus kay Martha, “I am the resurrection and the life. Whoever believes in me, though he die, yet shall he live, and everyone who lives and believes in me shall never die. Do you believe this?” Sagot naman ni Martha, “Yes, Lord; I believe that you are the Christ, the Son of God, who is coming into the world” (John 11:25-27).
Ang tiwala mo ba at pag-asa ay nakay Cristo? Hindi lang siya isa sa iba’t ibang valid na spiritual ideas. He is not just an option. He is the One! He is the Way (Acts 4:12; 1 Tim. 2:5-9). Dahil sa gospel, nababago ang naisin, hangarin, at tinitibok ng puso natin. Si Cristo lang, wala nang iba.
The gospel is transformational.
Totoo namang ito ay bumabago ng buhay. Pero karaniwan iniisip nating para lang ito sa mga “sinners” or “non-Christian” para mabago sila. Para din ito sa lahat ng Christians na. 1 Cor. 15:1, “Now I would remind you, brothers…” Para ito sa mga Christians sa Corinth na may struggle pa rin sa pagkakampi-kampi, pagmamataas, pag-aaway-away, sexual immorality, atbp. Hindi niya sinasabi dito kung ano ang dapat nilang gawin (advice), bagamat ginawa niya iyan sa ilang bahagi ng sulat niya. Pero dito, ipinaalala niya kung ano na ang ginawa ng Diyos para sa kanila.
Hindi lang natin ito tinanggap noong una, kundi patuloy na tinatayuan. “Which you received, in which you stand.” Hindi lang ito ang nagligtas sa atin, kundi ito rin ang patuloy na nagliligtas o bumabago sa atin, “by which you are being saved.”
Binabago tayo ng Diyos para maging katulad ni Jesus. “And we all, with unveiled face, beholding the glory of the Lord, are being transformed into the same image from one degree of glory to another. For this comes from the Lord who is the Spirit” (2 Cor. 3:18). Nangyayari ang pagbabagong ito kung tayo’y patuloy na kay Jesus titingin. Kung titingin lang tayo sa mga pagkakamaling nagagawa natin, hindi mangyayari.
Dahil sa Mabuting Balita, malaya na tayong aminin ang mga kasalanan natin, dahil ang halaga ng ating pagkatao ay hindi na nakatali sa success or accomplishments natin; kundi nakakabit kay Cristo at sa kanyang accomplishments para sa atin. Malaya na tayong aminin ang mga kasalanan natin na walang takot ng kahatulan dahil inako na ni Jesus ang parusang nararapat para sa atin. “For every look at sin we should look ten times at Christ” (Jonathan Dodson).
The gospel is the power of God for our salvation because of the power of the Holy Spirit transforming us. “For this comes from the Lord who is the Spirit” (2 Cor. 3:18). Siya ang tumutulong sa atin para ibaling ang paningin natin mula sa kasalanan at sa makasariling hangarin tungo kay Cristo. Di naman biglaan ang pagbabago. Unti-unti. Araw-araw. Pero siguradong merong progreso. As we look to Jesus more and more, we become like Jesus more and more.
The gospel is missional.
Ang news binabalita. Kaya nga news! Tulad ng ginawa ni Paul sa mga taga-Corinth, noong di pa sila Christians at kahit noong Christians na sila. “I would remind you…the gospel I preached to you…the word I preached to you…I delivered to you what I also received.” Ang gospel, personal oo. Pero hindi ito sinasarili. Sa week 3 (Mission) pag-uusapan pa natin iyan.
The gospel changes everything
The gospel changes everything. Hindi lang ito good news para sa atin. Para rin ito sa mga kapitbahay natin, mga kaibigan natin, mga kamag-anak natin, mga mahihirap, mga naaapi, para sa bayan natin, para sa lahat ng lahi, wika, bansa sa buong mundo. Para sa lahat, dahil ang layunin ni Cristo ay baguhin ang lahat, total renewal of all things. He’s doing it now wherever the gospel is preached and Jesus is reigning. It will be complete when he returns.
The Gospel: An Illustration
Sa kabuuuan ng buhay at ministeryo ni Jesus, nagbabago ang buhay ng mga taong lumalapit at sumusunod sa kanya. Ito ang mga taong “makasalanan” (at inaaming sila’y makasalanan) tulad ng mga kurakot, traydor, mapang-api at gahaman sa salapi na tax collectors (tulad ni Zaccheus) at mga maruruming sexually immoral prostitutes. Nagreklamo ngayon ang relihiyoso at mga banal na Bible scholars (scribes and Pharisees). Sabi nila, “Tinatanggap niya ang mga makasalanan at kumakain siyang kasama nila. Iskandaloso!” (Luke 15:1-2)
Dahil doon, may ikinuwento si Jesus sa kanila (15:11-32):
Merong isang lalaki na may dalawang anak. Sabi ng nakababata sa kanyang ama, “Tatay, ibigay n’yo na ang mana ko.” Pumayag naman ang tatay niya. Umalis siya. Nagtungo sa malayo. At nilustay ang lahat ng kanyang ari-arian sa kung anu-anong luho at kahalayan. Walang-wala na siya. Dumating ang taggutom. Wala siyang makain. Nagtrabaho siya sa babuyan. Pati pagkain ng baboy yun na rin ang kinakain niya.
Napag-isip-isip niya, “Kesa mamatay ako sa gutom, mainam pang bumalik na lang ako sa bahay ng aking tatay. Uuwi ako, sasabihin ko sa kanya, ‘Tatay, nagkasala ako sa Diyos at sa iyo. Di ako karapat-dapat na tawaging anak n’yo. Ituring mo na lang ako na isa sa mga tauhan n’yo.'”
Nagsimula na siyang maglakbay pauwi sa kanila, habang paulit-ulit na kinakabisa ang script ng sasabihin niya. Malayo pa siya, natanaw na siya ng tatay niya, naawa sa kanya, kumaripas ng takbo at niyakap at hinalikan siya. Amoy-baboy pa siya. Sabi niya sa tatay niya, “Nagkasala ako laban sa Diyos at sa iyo. Di na ko karapat-dapat tawaging anak n’yo.”
Di pa siya tapos magsalita, tinawag na ng tatay niya ang mga tauhan at sinabi, “Dali, kunin n’yo ang pinakamagandang damit, isuot sa kanya, pati ang singsing na para sa aking anak, at pati ang sapatos. At ang baka, litsunin n’yo. Dali. Kakain tayo at magpaparty. Namatay ang aking anak, pero siya’y nabuhay muli; nawala, pero natagpuan na.”
Habang nagpaparty sila, may malakas na tugtugan at may sayawan, dumating ang panganay na anak. Ibinalita sa kanya na bumalik ang kapatid niya. Galit siya. Ayaw niyang pumasok. Hinarap siya ng tatay niya, at sagot niya sa tatay niya, “Ilang taon kitang pinaglingkuran, di ako sumuway sa iyo, di mo man lang ako ipinaghanda na tulad niyan. Pero itong pasaway n’yong anak, nilustay na nga ang kayamanan n’yo sa mga prostitutes, pinaglitson n’yo pa!”
Sabi ng tatay niya, “Anak, lagi mo akong kasama, lahat ng sa akin ay sa iyo rin. Dapat lang na magsaya tayo’t magdiwang, dahil ang kapatid mo ay namatay, pero ngayon ay buhay; naligaw, at ngayo’y natagpuan na.”
This is the gospel. How should we then respond?
Wrong responses
Religious response. Tinatawag din itong legalism. Ganito ang response ng mga Pharisees (religious leaders) at scribes (interpreters of the Law), na nasasalamin sa response ng panganay na anak sa kuwento ni Jesus. Sinasabi ng mga religious, “Sumusunod ako, gumagawa ako ng mabuti, kaya ako’y minahal at tinanggap ng Diyos.” Anti-gospel iyan. Ang response na ayon sa gospel ay ganito: “Ako’y minahal at tinanggap ng Diyos, kaya ako’y sumusunod at gumagawa ng mabuti.” Hindi mo kailangang magpakitang-gilas sa Diyos o sa church; si Jesus na ang nagpakitang-gilas para sa iyo. “You don’t have to pretend to be perfect, because all of us are imperfect people clinging to a perfect Christ, being perfected by the Spirit” (Jonathan Dodson). “How long will it be before we discover we cannot dazzle God with our accomplishments? When will we acknowledge that we need not and cannot buy God’s favor” (Brennan Manning, Ragamuffin Gospel).
Rebellious response. Tinatawag din itong spiritual license or antinomianism (anti-law). Maling response kung ito namang mga makasalanan ay magpapatuloy sa kasalanan o iyong “prodigal son” sa story matapos na siya’y bumalik sa bahay ay magdadala ng mga prostitutes sa kanilang bahay. Dapat bang patuloy na magkasala para mas sumagana ang biyaya ng Diyos? Sagot ni Paul, “No way!” (Rom. 6:1-4). Sinasabi ng rebellious, “Dahil pinatawad na ko’t tinanggap ng Diyos, malaya na akong sumuway at magkasala.” That’s anti-gospel. Ang tamang response sa gospel ay ito, “Dahil pinatawad na ko’t tinanggap ng Diyos, nararapat lang na ako’y sumunod at mamuhay sa kabanalan. Si Jesus ang Tagapagligtas at Panginoon ng aking buhay.”
Parang magkaiba ang religious at rebellious, pero mukha lang. Parehong nakatingin sa sarili; ang religious nakatingin sa sariling kabutihan; ang rebellious sa sariling kagustuhan. But the gospel invites us to look to Jesus. He is our life, our joy, our treasure.
Right Response
How do we respond to the gospel? Tulad ng mga makasalanan sa kuwento na lumalapit kay Jesus; hindi nananatili sa putikan ng kasalanan kundi lumalapit kay Jesus, tulad ng anak na nagbalik sa kanyang ama.
Now after John was arrested, Jesus came into Galilee, proclaiming the gospel of God, and saying, “The time is fulfilled, and the kingdom of God is at hand; repent and believe in the gospel” (Mark 1:14-15).
Repent and believe. Mukhang dalawang responses pero kung titingnang mabuti ay isa lang iyan, parang two sides of the same coin. Ano ba ang “repent” o “magsisi”? Akala ng iba basta di maganda ang naramdaman mo pag nakagawa ng kasalanan (feel bad, feel guilty), o basta mag-sorry ka lang at humingi ng tawad. Pero hindi lang iyon! Ano naman ang “believe” o “maniwala”? Basta maniwala lang (sa isip) tungkol kay Jesus? Hindi lang iyon! Ang repentance at faith ay ang pagtalikod hindi lang sa ginagawang kasalanan kundi maging sa mga kasinungalingang pinaniniwalaan natin, sa mga diyus-diyosang higit na pinahahalagahan kaysa sa Diyos. Lumapit nang may pagtitiwala kay Jesus, na siyang higit sa lahat at sapat para sa lahat. Kapitan ang mga pangako niya, ilagak ang pag-asa, pagtitiwala, at pananalig sa kanya.
Ang pagsisisi at pananampalataya ay hindi minsanan lang sa buhay Cristiano, hindi lang noong unang araw ng iyong pagiging Christian. Ito ay araw-araw. Araw-araw kasi may struggle tayo sa kasalanan, araw-araw din na kailangan natin ang biyaya ng Diyos. Kung ang struggle mo ay sa lust (tulad ng premarital-sex or porn), talikuran mo ang kasinungalingan na ang sex o relasyon sa tao ang makapagbibigay sa iyo ng pagmamahal at kasiyahang hinahanap mo. Paniwalaan mo ang katotohanang “the joy of Jesus is infinitely better.” Kung materialism naman (na ang bunga sa iyo ay pagkabalisa o kasakiman), talikuran mo ang kasinungalingang pera o materyal na bagay ang solusyon sa problema mo o makapagbibigay ng halaga sa pagkatao mo, at paniwalaan ang katotohanang, “the riches of Jesus is infinitely better.” Kung performancism naman (na dulot ay pride kung ok ginagawa mo, envy kung mas ok ang iba, depression kung di ok ang ginawa mo), talikuran mo ang kasinungalingang nakatali sa performance mo ang halaga ng pagkatao mo at paniwalaan ang katotohanang “Jesus is enough for me.”
Araw-araw ang laban natin sa kasalanan. Araw-araw na kailangan natin ang biyaya ng Diyos na matatagpuan sa gospel o Mabuting Balita ni Cristo. Araw-araw din tayong dapat na magsisi at magtiwala kay Cristo. Pero di natin dapat gawin ito na nag-iisa. Kaya kailangan natin ng ka-pamilya tulad ng GraceComm sa labang ito.
1 Comment