Dati, kami lang ni Jodi ang naghuhugas ng pinagkainan. Pero ngayon, si Daniel nasasanay na rin. Minsan siya pa ang magvolunteer. Minsan naman, parang ayaw namin kasi masyadong magastos sa pagsabon, minsan may naiiwan pang sabon. Pero ito ay isang halimbawa ng saya ng isang magulang, ang makita ang anak na nasasanay sa gawaing bahay, sa mabuting gawa. Ilang panahon na lang, kaya na niyang gawin iyan na mag-isa. At higit na marami pa siyang magagawa bukod sa paghuhugas ng pinagkainan.
Ang disciplemaking ay para ring parenting. Heto ang definition natin ng disciplemaking: “pagtulong sa ibang tao na mas makilala si Jesus, mas magtiwala kay Jesus at mas sumunod kay Jesus.” Merong paglago hindi lang sa kaalaman, kundi sa pagtitiwala at pagsunod. Parang ganito ang relasyon ni Paul kay Titus na tinawag niyang “tunay kong anak sa pananampalataya” (Tit. 1:4 MBB).
Maaaring si Paul ang nagshare ng gospel kay Titus. Kung hindi naman, malinaw na dinisciple niya si Titus, sinasama sa mga missionary travels niya, sinasanay sa ministry, hanggang maipagkatiwala sa kanya ang pangunguna sa mga iglesia sa Crete.

Dito kasi sa Crete (show map), isang isla sa Greece, meron nang mga churches. Bagamat napadaan si Paul sa Crete noong papunta siya sa Roma (Acts 27:7-13, 21), malamang ay wala naman siyang time nun para magplant pa ng church dun. Maaaring ang mga Cretans na nasa Jerusalem on the day of Pentecost ang nagdala ng gospel sa lugar nila (Acts 2:11). Posible na si Paul, matapos siyang makalaya sa kanyang first Roman imprisonment, ay nakadalaw sa Crete, tinulungan ang mga chuches dun na nakakalat sa one hundred cities.
Pero kailangan na niyang umalis, kaya ipinaubaya niya kay Titus ang responsibilities na naiwan niya. Malaking kagalakan kay Pablo na ipagkatiwala ang ministry kay Titus. Pero bilang isang mapagmahal at responsableng magulang, kailangan pa rin niyang magpaalala at tulungan si Titus na gampanan ang kanyang responsibilidad.
Biblically qualified elders are needed to lead churches (v. 5).
Ano ang tungkulin ni Titus? “Iniwan kita sa Crete upang tapusin ang mga gawaing hindi ko natapos, gaya ng bilin ko sa iyo na pumili ng mga mamumuno sa iglesya sa bawat bayan” (1:5 ASD). Bilang misyonero, ang strategy kasi ni Paul ay ishare ang gospel sa isang lugar, magdisciple, at mag-appoint ng mga elders sa bawat iglesia, bago siya umalis at pumunta sa ibang lugar (Acts 14:21-23). Ganoon din ang gusto ni Paul na gawin ni Titus.
“Sa bawat bayan.” Dito kasi sa Crete, merong maraming bayan o lungsod. Maaaring marami nang mga churches (house churches, tulad ng mga GraceComms natin sa iba’t ibang barangay at bayan). Habang dumarami ang mga iglesia, dapat dumarami rin ang mga nasasanay, naihahanda, at qualified na mga elders.
Naniniwala tayo na ang disenyo ng Diyos ay plurality of elders, “elders in every town.” Hindi lang isa sa bawat iglesia, kundi dalawa o higit pa. That’s why we have multiple elders in our church. Naniniwala din tayo na ang eldership ay para lang sa mga lalaki. Hindi sapat ang panahon natin ngayon para pag-usapan iyan. Pero isang matibay na ebidensiya dito ay ang disenyo ng Diyos sa iglesia bilang isang pamilya, at sa disenyo ng Diyos sa pamilya mula pa kay Adan at Eba ay male leadership.
Ako na leading pastor ng church ay isa ring elder. At ang mga elders natin ay tinatawag din nating pastor. Bakit? Ang salitang “elder” (Gk. presbuteros, kung saan galing ang Presbyterian, “rule of the elders”) ay tumutukoy sa spiritual maturity, not necessarily nakatatanda sa edad. Ang “pastor” ay galing sa salitang poimen, na ang emphasis ay nasa tungkulin ng pangangalaga sa iglesia bilang kawan. Pansinin n’yong pareho itong ginamit sa1 Peter 5:1-2 (ESV), “I exhort the elders among you…shepherd (poimano, to pastor) the flock of God that is among you, exercising oversight” (Gk. episkopeo, kung saan galing ang Episcopalian, “rule of the bishop,” tulad din ng sistema ng Roman Catholic Church). Itong salitang episkopeo ay ginamit din saTitus 1:7, “For an overseer…” at sa 1 Tim. 3:1. Ang emphasis naman dito ay sa responsibility ng pastor na spiritual oversight, o pagbabantay sa espirituwal na kalagayan ng kanyang mga tupa.
Sa New Testament, di tulad ng maraming church traditions ngayon, ang elder, pastor, at bishop ay iisa lang ang tinutukoy. Pero di na natin kailangang pagtalunan pa iyan, ang mahalaga ay ang responsibilidad o tungkuling dapat gawin ng isang elder o pastor. At ang marealize natin na sa isang iglesia o sa mga GraceCommunities natin, kailangan merong elder/leader/pastor na mangunguna sa kanila, anuman ang tawag sa kanila. At hindi lang basta meron, mahalaga na biblically qualified.
Sa verse 6, dapat ang elder ay may mabuting pamilya, hindi perpekto pero exemplary, dapat tularan. Sa verses 7-8, dapat ang elder ay may mabuting pag-uugali, hindi perpekto pero exemplary, dapat tularan. Sa verse 9, dapat matibay ang paniniwala niya sa Mabuting Balita (gospel), hindi mahusay na mahusay, pero may abilidad para ito ay ituro sa iba.
An elder, leading a gospel ministry, must have gospel fluency (v. 9).
Unahin muna natin ang verse 9, “He must hold firm to the trustworthy word as taught.” Yung “word” (also v. 3) na binabanggit dito ay ang katotohanan (“the truth,” v. 1) ng Salita ng Diyos, ng Mabuting Balita ni Cristo. Ito ang itinuro ni Pablo kay Tito. At ito ay “trustworthy” dahil ito ay totoo at ang dulot sa buhay ay tunay na pagbabago. At ang ministry natin ay ang pangangaral o pagpapahayag ng salitang ito (v. 3). Ministry ito ng lahat ng tagasunod ni Cristo. Kaya naman mahalaga na ang mga elders, bilang tagapanguna, ay matibay na pinanghahawakan ang salitang ito. Sabi ni JD Greear, “Elders exist on account of the gospel…Elders are gospel men.” Hindi lang basta pinanghahawakan, kundi nakikitang ito ang bumabago rin sa buhay nila.
Bakit mahalaga ito? Una, “so that he may be able to give instruction in sound doctrine.” Ito rin ang instruction niya kay Titus (2:1, 15). Dapat may abilidad na magturo ng tamang doktrina, tamang katuruan ng Bibliya. Not necessarily sa formal preaching or teaching. Basta may kakayahang gamitin ang Salita ng Diyos para ituro sa dinidisipulo, para sa pagpapayo, para sa pagtuturo sa maliit na grupo.
Pangalawa, “to rebuke those who contradict it.” Alam niya kung ano ang turo na anti-gospel, pati ang uri ng pamumuhay na taliwas dito. Ang isang elder ay may kakayahang hindi lang basta magturo, kundi ituwid ang maling turo, ituwid ang maling pamumuhay. Ito ang magiging focus ni Paul sa susunod na section (1:10-16).
Mahalaga na ang isang elder ay may matibay na paghawak sa turo ng Salita ng Diyos, dahil ito ay kagamit-gamit at mapapakinabangan sa pagtuturo, pagsaway, pagtutuwid at pagsasanay sa katuwiran (2 Tim. 3:16-17; 4:1-2).
Church leadership is a matter of gospel integrity (vv. 6-8).
Kapag pag-aaralan mo ang Bibliya, pansinin mo kung ano ang binibigyang diin ng sumulat. Oo, mahalaga na tama ang doktrina na pinaniniwalaan at itinuturo. Pero pansinin n’yo na ang diin ni Pablo ay nasa verses 6-8 dahil mas mahaba ang inilaan niya na pag-usapan ang tungkol sa character qualifications ng isang elder, higit pa sa kanyang kaalaman o kakayahan sa ministeryo. The main issue here in ministry leadership is gospel integrity. Ibang-iba ito sa business world na pangunahin ang education, expertise at experience. Na nakuha naman ng maraming mga churches na ang hinahanap na mga leaders ay ang edukado, mga businessmen, at experts.
Mahalaga naman ang kaalaman at kakayahan. Kaysa naman may leader tayo na walang alam at kulang sa kakayahan. Pero higit na mahalaga ang gospel integrity. Last week, natutunan nating itong Mabuting Balita ang dulot o bunga ay pagtalikod sa masamang gawa tungo mabuting gawa (“the truth that leads to godliness,” 1:1 NIV). At kung ang ministry natin ay gospel ministry, tayong mga elders/leaders ay dapat may buhay at katangian na nagpapakita na totoo ang gospel sa buhay natin. Elders are gospel men. Elders are also godly men. Elders are men of integrity.
Ang basic definition ng “integrity” ay “moral uprightness.” Mas binibigyang halaga dito ang katangiang tulad ni Cristo. Bakit? Because in our ministry we represent Christ. At kung ang itinuturo natin ay Mabuting Balita, dapat nakikita ito sa buhay natin. Dahil kung hindi, mapipintasan nila ang itinuturo natin. To summarize yung concern ni Paul sa integrity ng mga elders, ginamit niyang word ay “above reproach.” Sa ASD, “magandang reputasyon.” Sa MBB, “walang kapintasan.” Hindi lang isang beses binanggit, kundi dalawa. Verse 6 at verse 7. Kapag magbabasa ka ng Bible, at may inulit ang author na kasasabi lang niya, ibig sabihin mahalaga, yun ang emphasis niya.
Ano ba ibig sabihin ng “above reproach” or “blameless”? Hindi ibig sabihing wala nang kasalanan! Wala pang glorifed, sinless, perfect pastor. Si Jesus lang yun! Sabi sa notes ng ESV Study Bible, “…there should be no legitimate accusation that could be brought against the elder that would bring disrepute on the gospel or the church; his life should be seen as worthy of imitation.” Sabi naman ni William MacDonald (Believer’s Bible Commentary), “of unquestioned integrity. No charge of false doctrine or irregular behavior can be proved against them. It does not mean that they are sinless, but that if they do minor wrongs, they are prompt to make them right by confession to God, by apology to the person(s) wronged, and by restitution, if applicable.” Makikita sa buhay ng isang elder na siya’y dapat tularan at ang itinuturo niya ay di dapat mapipintasan.
Take note, hindi lang ito para sa mga elders. All Christians must live a life of gospel integrity. Bakit daw dapat ang mga babae ay magpasakop sa kanilang asawa? “…upang hindi mapintasan ang salita ng Dios” (2:5 ASD). Bakit daw ang mga alipin ay dapat maging tapat sa kanilang mga amo? “Nang sa ganoon, maipapakita nila sa lahat ng kanilang ginagawa ang kagandahan ng ating mga itinuturo tungkol sa Dios na ating Tagapagligtas” (2:10 ASD). Ang buhay ba natin ay sang-ayon sa Mabuting Balita na pinaniniwalaan at itinuturo natin? Mahalagang tanong, hindi lang sa mga elders, kundi para sa bawat isa.
We are all stewards of the grace of God (1 Pet. 4:10). Bilang katiwala, may responsibilidad at pananagutan tayo sa Diyos. Lalo na ang mga elders. “For an overseer, as God’s steward, must be above reproach” (v. 7). Steward, “tagapangasiwa” (ASD) o “katiwala ng Diyos” (MBB). Galing sa salitang oikonomos, na sa panahong iyon ay tumutukoy sa isang household manager, isang taong ipinagkatiwala ang pangangasiwa sa sambahayan ng kanyang amo. Ang iglesia ay sambahayan ng Diyos. Kaming mga pastors/elders ay mga katiwala. This is not our church. This is God’s church. Kaya sa paglilingkod at pangunguna sa iglesia, mahalaga ang faithful stewardship.
The elder’s gospel integrity is seen in his family (v. 6).
Isa pang ibig sabihin ng “integrity” ay wholeness, o pagkakaroon ng balanseng buhay. Hindi lang sa ministeryo, kundi pati sa kanyang pamilya. Sa pagiging manager sa isang company, o kahit pagiging presidente ng bansa, di gaanong isinasaalang-alang ang kanyang pamilya. Pero sa church, hindi pwedeng ganoon din. Ang pamilya ng isang elder ay magpapatunay kung siya ay may sapat na katangian at kakayahang pangunahan ang iglesia bilang pamilya ng Diyos. Sabi ni Paul kay Timothy, “He must manage his own household well, with all dignity keeping his children submissive, for if someone does not know how to manage his own household, how will he care for God’s church? (1 Tim. 3:4-5).
Ito rin naman ang inuna ni Paul sa qualifications ng isang elder sa sulat niya kay Titus, ang kanyang buhay pamilya, “if anyone is above reproach, the husband of one wife, and his children are believers and not open to the charge of debauchery or insubordination” (Tit. 1:6).
Una, dapat maganda ang relasyon niya sa kanyang asawa, “the husband of one wife.” Hindi ibig sabihing hindi pwedeng maging elder ang isang single. Kung may asawa, dapat maganda ang relasyon sa asawa. Hindi lang basta isa ang asawa, dapat faithful siya sa kanyang asawa. Kung hiwalay sa asawa o kaya ay nangalunya, maaaring maging case for his disqualification. Hindi namang ibig sabihin perfect ang marriage! Pero nandun yung growth, nandun yung clear evidence that the gospel is at work. At paalala sa ating mga leaders, pahalagahan natin ang relasyon natin sa asawa natin. Wag nating gawing excuse ang ministry para mapabayaan ang marriage natin. Minsan, ang ministry ang nagiging “mistress” natin.
Pangalawa naman ay ang relasyon sa mga anak. Siyempre, kung may anak, at ang mga anak ay nasa puder pa ng magulang. “His children are believers.” Medyo problematic ito kasi paano kung hindi maging believers ang mga anak, di naman kasalanan ng magulang iyon. Maliban na lang kung ang magulang ay pinabayaan naman talaga ang kanyang mga anak at hindi inilapit sa Panginoon. Ang salitang “believers” dito ay galing sa salitang pwede ring ibig sabihin ay “faithful” or “trustworthy.” Yes, posible na di maging believers ang mga anak namin dahil hindi naman namin hawak ang puso nila. Pero tulad ng sabi sa sumunod, “Not open to the charge of debauchery or insubordination.” Hindi ito tumutukoy sa behavior ng bata na magulo at malikot, natural sa bata iyon! Kundi sa moral behavior. Nagrerebelde sa magulang, namumuhay sa tahasang imoralidad. Dahil kung mismong mga anak ay hindi napapangunahan, at ang kanyang authority ay hindi iginagalang, paano niya mapapangunahan ang sambahayan ng Diyos?
Ang ang isang lalaki ay qualified na maging isang elder, ang una dapat na mag-approve ay ang kanyang asawa at mga anak. Seven years ago, bumoto ang congregation for my confirmation ay leading pastor. Merong isang nag-“No.” Kung asawa ko ang isa na iyon, mukhang disqualified ako kahit “Yes” pa kayong lahat. Mas kilala tayo ng sarili nating pamilya kaysa ng ibang tao. Dahil mas totoo tayo sa loob ng bahay kaysa sa labas. Kung tatanungin natin ang mga kasama mo sa bahay, masasabi ba nilang nakikita sa buhay mo ang bunga ng Magandang Balita ni Cristo? Integrity check for all of us, not just for elders.
The elder’s gospel integrity is seen in his character (vv. 7-8).
Pagkatapos ng tungkol sa pamilya ng isang elder, nilista naman ni Pablo ang katangian na dapat makita sa kanya sa verse 7-8. Again, hindi perfection ang usapan dito, but the reality that the gospel is bearing fruit in his life. Eleven ang nilista niya, yung unang lima stated negatively (v. 7), yung sumunod na anim stated naman positively (v. 8).
- Not arrogant. Arogante ang isang tao puro sa sarili nakatingin, mataas ang tingin sa sarili, kailangang palaging tama, at ang gusto ang palaging gustong masunod. Hindi nakikinig kung siya ay itatatama, o kahit sa suggestions ng iba, parating siya ang magaling. Dulot ng Mabuting Balita ay tamang pagtingin sa sarili. Habang mas nakikita natin ang sarili nating kasalanan, kahinaan at mga pagkukulang, imbes na maging arogante, naroon ang pagpapakumbaba.
- Not quick-tempered. Hindi madaling magalit, madaling uminit ang ulo. Hindi sumisigaw o nagdadabog o agad nawawalan ng pasensiya sa iba. Hindi lang sa mga kasama sa church, kundi pati rin sa bahay. Ang dulot ng Mabuting Balita ay ang mahabang pasensiya, kung paanong pinagtiyagaan tayo ng Panginoong Jesus sa paulit-ulit nating mga kasalanan sa kanya.
- Not a drunkard. Hindi dapat lasenggo, o addict sa alcoholic beverages. Hindi naman masama ang uminom. Pero it is wise to abstain, dahil sa culture natin na associated na ang alak sa paglalasing. Dapat tayong lahat, lalo na ang mga elders, kontrolado ng Banal na Espiritu, hindi ng espiritu ng alak (Eph. 5:18).
- Not violent. Hindi dapat palaaway. Hindi dapat bully. Hindi abusado sa authority. Hindi nananakit physically, emotionally, or verbally. Kung ikaw ay elder, you are in pastoral ministry, dapat may puso ng isang pastor, na ang nais ay hindi manakit ng iba kahit pa malaki ang pagkakasala sa iyo, kundi yakapin sila at mahalin. Tulad ni Jesus, our Good Shepherd. Tulad ni Jesus, hindi tayo mananakit kundi hahayaan pa nating tayo ang masaktan o kaya’y mamatay alang-alang sa iba.
- Not greedy for gain. We shepherd “not for shameful gain, but eagerly” (1 Pet. 5:2). Mahalaga ang integridad patungkol sa pera. Dahil sa ministry, may involved na finances. Ang isang lalaking sakim sa salapi ay disqualified sa ministry. Because the gospel causes us to be generous, not to take advantage of others for our own gain. Hindi ibig sabihin masamang yumaman, pero hindi dapat gamitin ang ibang tao o ang ministeryo para sa pansariling interes.
- Hospitable. Hindi lang pagtanggap sa mga members, but even strangers. Kahit na may inconvenience at sacrifice, alang-alang sa iba, maipadama lang na welcome sila, accepted at loved, gagawin. Tulad ni Jesus na tumanggap sa atin kahit noong tayo’y madungis pa at di karapat-dapat.
- A lover of good. Dulot ng Mabuting Balita, mabuting gawa. We don’t just do good. We love what is good, we love what God loves. We hate what is evil, we have what God hates.
- 9. 10. 11. Self-controlled, upright, holy, disciplined. Hindi ibig sabihing perpektong santo, pero dapat obvious ang gawa ng Espiritu Santa. Self-control is fruit of the Spirit. Nakikita sa buhay ng isang elder na hindi na sarili niya ang nangingibabawa, kundi ang pagkilos ng Diyos sa buhay niya.
Ang bunga ng Mabuting Balita sa buhay ng isang mananampalataya ay pagtalikod sa masasamang gawa patungo sa mabubuting gawa. Lalo namang dapat itong nakikita sa mga tagapanguna, sa mga elders – mabuting pangunguna sa pamilya, mabuting pag-uugali, at mabuting halimbawa.
Application
Binibigyang diin ni Pablo sa Tito 1:5-9 ang kahalagahan ng buhay ng isang mananampalataya, lalo na ng mga tagapanguna, na nakasang-ayon sa Mabuting Balita na ating pinanghahawakan. Ano ngayon ang dapat nating gawin bilang tugon dito?
Application #1 – Aspiration. Pakanaisin natin na ang buhay natin ay makakitaan ng tunay na kabanalan. Oo nga’t sinabi ni Pablo kay Timoteo na ang sinumang nagnanais na maging elder/pastor/overseer ay may mabuting hangarin (1 Tim. 3:1), hindi posisyon ang pinag-uusapan dito, kundi ang kabanalang kaakibat ng pagiging isang elder. Hindi mo pwedeng sabihing ikaw ay isang ordinaryong Cristiano lang at ang mga katangiang ito ay para lang mga pastor. No! No! No! “Sikapin ninyong…magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito” (Heb. 12:14 MBB).\
Application # 2 –Assessment. Mga elders, siyasatin natin ang ating sarili. Kung paanong halaga ang binibigay natin sa ating pagtuturo at ministeryo, ganoon din dapat sa ating personal na buhay. “Watch your life and your doctrine closely” (1 Tim. 4:16 NIV). Para sa lahat din sa inyo, “Examine yourselves…test yourselves…” (2 Cor. 13:5). Are you growing deeper into the gospel? Are you growing in godliness? Kung hindi, bakit kaya?
Application #3 –Assistance. Tulungan natin ang iba na lumago sa kabanalan. Kung may One2One discipleship kayo, ang goal n’yo hindi lang makatapos ng mga lessons. No! Turuan mo ang dinidisciple mo na makasunod sa kalooban ni Cristo, na magkaroon ng magandang relasyon sa pamilya, na magkaroon ng mga katangiang nakasulat sa dito sa passage na ‘to. Malay mo, kung ang dinidisciple mo ngayon siya pala ang susunod na magiging elder or pastor or GraceComm leader. At ako bilang pastor n’yo ay nagcocommit na paglalaanan ko ng panahon at matinding panalangin ang ilang mga lalaki para sanayin sa pangunguna.
Application #4 –Accountability. Bantayan natin ang isa’t isa. Let us hold each other accountable. “Iron sharpens iron, so one man sharpens another” (Prov. 27:17 NASB). Sa pulong at mga pag-uusap ng mga elders at GC leaders, pag-uusapan namin hindi lang ministry, kundi ang buhay ng bawat isa. Ganoon din sa inyo, wag kung anu-ano lang pinag-uusapan. Maganda meron kayong Fight Club, na tutulong sa inyo para sawayin kayo kung nagkakasala at tulungan sa paglago sa kabanalan. At kung may makita kayo sa akin o sa ibang leaders na anumang kontra o taliwas sa turo ng Panginoong Jesus, sabihan din ninyo kami. Kung may elder na mapatunayang disqualified sa ministry, tatanggalin natin, pero tutulungang magbalik-loob sa Panginoon. Basta tulungan tayo to fight the good fight of faith, to finish the race, to keep the faith (2 Tim. 4:6-8), at tiyaking di tayo ma-disqualified sa gantimpalang nakalaan sa sinumang naghihintay sa pagbabalik ng Panginoong Jesus.