Gospel-Driven Prayer

monkimageIsa sa mga dahilan kung bakit ako magsasabbatical ng three months simula next week ay para mas madevelop ang prayer life ko. Aaminin kong ito ang isang pinakabasic na spiritual discipline pero pinakafrustrating para sa akin. Alam ko I need to pray more. I want to pray more. Pero feeling ko hanggang ngayon “beginner” pa rin ako sa prayer. Sabi nga ni Philip Yancey, lahat naman ng Christians pagdating sa prayer, “We are all beginners.” Anuman ang pagkukulang sa prayer life ko, anuman ang frustrations ko, anuman ang struggle ko, alam ko na ganoon din sa inyo.

Maraming beses kapag magsisimula na ako sa prayer, nahihirapan akong magfocus. May maiiisip na kailangang gawin. Minsan din nararamdaman ko na paulit-ulit naman ang prayers ko. Para bang nawawala ang excitement. O kung magpray naman, pero karaniwang kung ano ang gusto ko yun ang susundin ni Lord. Baligtad. Paano nga ba tayo mananalangin “ayon sa kalooban niya”? Madalas kasi nakasentro sa tao – kung ano ang gusto ko, kailangan ko, damdamin ko. Paano nga ba magpray na si Jesus ang nasa sentro? Karaniwan din di ko nararamdaman ang power of prayer na nakikita ko sa buhay ni Moses, Elijah, at ng early church sa Acts. How can we pray in such a way na mararanasan talaga natin ang kapangyarihan ng pangalan ni Jesus?

Gospel-Centered Prayer

Iyon naman kasi ang ibig sabihin kapag sinasabi natin sa dulo ng prayer natin, “Sa pangalan ni Jesus, Amen.” Hindi siya formula lang, o nakasanayan lang, o pantuldok lang. Ibig sabihin (dapat!) na ang prayer natin nakasentro kay Cristo, para sa karangalan ng pangalan niya, sa pamamagitan lang ng ginawa niya para s atin, at ang resulta ay dahil sa kapangyarihan ng pangalan niya. Isa ito sa naging instrumental kaya nagkaroon ng pagbabago sa prayer life ko (and I’m still learning!). Ito yung matatawag nating gospel-centered prayer.

Ang gospel-centered prayer ay panalangin na nakabatay sa katotohanang galing sa Salita ng Diyos na si Jesus ang nasa sentro. Kaya naman last week, inuna muna nating pag-aralan kung paano magiging gospel-centered ang Bible reading natin. Bible reading and prayer – ito ang dalawang pinakaimportante at pinakabasic na spiritual disciplines na dapat matutunan ng lahat ng tagasunod ni Cristo. Kasi nga naman, kung ang layunin bakit namatay si Cristo para sa atin, bakit tayo iniligtas, ay para ilapit tayo sa Ama, to have a deeper love relationship with him, hindi pwedeng di tayo nakikinig sa kanya (through the Word) at nakikipag-usap sa kanya (through prayer). We listen to God. We pray to God. We are loved by God to love God. So we read the Bible prayerfully. And we pray biblically. Eto yung tinatawag ni Don Whitney sa book niya na Praying the Bible.

Sabi ng Panginoong Jesus, “At anuman ang hilingin nʼyo sa aking pangalan ay gagawin ko upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ko na kanyang Anak. Oo, gagawin ko ang anumang hilingin ninyo sa aking pangalan” (John 14:13-14 ASD;  also 15:7, 16). Paano natin makikilala ang “pangalan” ni Jesus kung di nakabatay sa Bibliya? Paano ngayon tayo magkakakumpiyansa sa panalangin na sasagutin ng Panginoon? Sabi ni John, “At may kapanatagan tayo sa paglapit natin sa Dios, dahil naniniwala tayong ibibigay niya sa atin ang anumang hilingin natin na ayon sa kanyang kalooban. At kung alam nating nakikinig sa atin ang Dios, alam nating tinatanggap na natin ang hinihiling natin sa kanya” (1 John 5:14-15 ASD). Paano ka mananalangin “according to his will” kung hindi ito ayon sa Bibliya kung saan niya ipinahayag ang kanyang kalooban?

Word and Prayer – Inseparable

Ito ang nadiskubre ni George Mueller sa kanyang prayer life. Kilala siya sa pagtatayo ng mga bahay-ampunan at mga sagot ng Diyos sa panalangin niya para matustusan ang mga pangangailangan ng libu-libong mga batang nasa pangangalaga niya. Ayon sa kanya, noong unang sampung taon ng prayer life niya, madalas siyang nagstruggle na sa prayer, o iyon bang maramdaman ang “spirit of prayer.” Nagbago ito nang magkaroon siya ng pagbabago sa paraan ng panalangin niya. Heto ang paliwanag niya (quoted in Don Whitney’s post):

The difference, then, between my former practice and my present one is this: formerly, when I rose, I began to pray as soon as possible, and generally spent all my time till breakfast in prayer, or almost all the time. At all events I almost invariably began with prayer. . . . But what was the result? I often spent a quarter of an hour, or half an hour, or even an hour on my knees before being conscious to myself of having derived comfort, encouragement, humbling of soul, etc.; and often, after having suffered much from wandering of mind for the first ten minutes, or quarter of an hour, or even half an hour, I only then really began to pray.

I scarcely ever suffer now in this way. For my heart being nourished by the truth, being brought into experimental [today we would say “experiential”] fellowship with God, I speak to my Father and to my Friend (vile though I am, and unworthy of it) about the things that He has brought before me in His precious Word. It often now astonishes me that I did not sooner see this point.

Gospel-centered ang prayer niya dahil ang motivation niya ay gospel-centered. May confidence siya na kausapin ang Ama kahit na siya’y makasalanan at di karapat-dapat pakinggan. Hindi lang motivation, but also his method is gospel-centered. Kasi ang sinasabi niya sa Ama ay “about the things that He has brought before me in His precious Word.”

Word-Prayer Dynamic in Hezekiah’s Story

Nakita ko rin yung ganitong dynamic sa prayer sa buhay ni King Hezekiah ng Judah. Katatapos lang lusubin ng Assyria ang northern kingdom, Israel. Bumagsak sila dahil sumuway sila at di nakinig sa Diyos. Ang natira na lang ay ang southern kingdom, Judah. Si Hezekiah ang hari, at nagtitiwala siya sa Diyos, di tulad ng mga naunang hari sa kanya (2 Kings 18:5-6). Lulusubin din sila Assyria. Nagpadala ng mensahe ang hari ng Assyria sa Judah at tinatakot sila, at nilalait ang Panginoon. Nabahala si Hezekiah kaya nagluksa siya at nagfasting at ipinatanong kay propeta Isaias kung ano ang salita ng Diyos. Sa mga panahong naririnig natin ang salita sa paligid natin na nakapanghihina ng loob, kailangan natin ang pag-asa galing sa salita ng Diyos. Nagsalita naman ang Diyos at ipinasabing, “Wag kang matakot. Ako ang bahala sa hari ng Assyria” (19:6-7).

May ipinadala ulit na sulat ang hari ng Assyria. Hawak ni Hezekiah ang sulat na ito at inilatag sa harapan ng Diyos sa templo. At, in essence, ganito ang prayer niya, “O Panginoon, Diyos ng Israel, ikaw lang ang Diyos at Hari sa lahat ng kaharian sa mundo. Ikaw ang maylikha ng langit at ng mundo. Tingnan mo, Panginoon, pakinggan ang panlalait sa iyo ng kaaway namin. Winasak nila ang ibang bansa, dahil ang mga diyos nila ay kahoy at bato lang. Kaya ngayon, Panginoon, iligtas mo kami, nagmamakaawa kami, para malaman ng buong mundo na ikaw lang ang Diyos at wala nang iba” (19:15-19). Panalangin ba iyan ayon sa kalooban ng Diyos? Yes! Para ba iyan sa karangalan ng Diyos? Yes! Parang itinuro ng Panginoong Jesus, “Hallowed be your name, your kingdom come, your will be done on earth as it is in heaven” (Matt. 6:9-11).

Pagkatapos ng prayer ni Hezekiah, nagsalita ang Diyos through the prophet Isaiah (19:21-34) at tiniyak ang plano niyang ibagsak ang Assyria at iligtas ang Judah. “The zeal of the Lord will do this…I will defend this city to save it, for my own sake and for the sake of my servant David” (19:31, 34). Mabilis na sumagot ang Diyos sa prayer ni Hezekiah. Noong gabi ding iyon, dumating ang anghel ng Panginoon at pinatay ang 185,000 na sundalo sa kampo ng mga Assyrians. At ang hari ng Assyria ay umuwi at pinatay ng kanyang dalawang anak (19:35-37).

Nagsalita ang Panginoon, nanalangin si Hezekiah. Nagsalita ang Panginoon, nanalangin si Hezekiah. Nagsalita ang Panginoon, makapangyarihan ang sagot ng Diyos sa panalangin ni Hezekiah. Kahit sa chapter 20, ganito pa rin ang makikita natin tungkol naman sa pagkakasakit ni Hezekiah. Ang point? Gusto ng Diyos na lumapit sa atin (Word) at tayo naman ay lumapit sa kanya (prayer). Wag nating paghiwalayin ang pinagsama ng Diyos!

Gospel-Centered Prayer

Kung ang Bible reading mo ay gospel-centered, malamang na ang resultang prayer nun ay gospel-centered din. Last week, meron akong four instructions na binigay sa inyo about gospel-centered Bible reading. Pagdating sa prayer, related din sa apat na yun.

# 1: Praises to God

Heto ang number 1 na instruction sa Bible reading, “Kilalanin mo ang Diyos sa pagbabasa mo ng Bibliya.” Sa Bibliya, ipinakita ng Diyos sa iyo kung sino siya, ano ang plano niya, ano ang mga ginawa niya. In response sa prayer, Purihin mo ang Diyos – ang kanyang mga kahanga-hangang katangian at mga gawa. Ang panalangin ay hindi puro requests, it’s not about you, it’s about God. Tingnan n’yo ang prayer ni Nehemiah. Bumagsak din kasi eventually ang Judah at Jerusalem sa mga Babylonians. Pero pagkatapos ng 70 years of exile nakabalik na sila. Si Nehemiah, na cupbearer ng king of Babylon, nabalitaan ang kalagayan ng mga kababayan niyang nakabalik na na sira-sira pa rin ang pader ng lunsod. Ibig sabihin, vulnerable sila sa mga kaaway nila.

Naiyak siya at nagdalamhati nang ilang araw dahil sa nabalitaan niya (Nehemiah 1:4). Ganito ang prayer niya, “Panginoon, Dios ng kalangitan, makapangyarihan po kayo at kamangha-manghang Dios. Tinutupad nʼyo ang inyong kasunduan nang may pag-ibig sa mga umiibig sa inyo at tumutupad sa inyong mga utos. (v. 5 ASD). Nagsimula siya sa papuri sa Panginoon, na ayon din sa ipinahayag sa Kasulatan at sa kanilang kasaysayan.

#2: Confession of Sins

Heto ang ikalawa sa hakbang sa gospel-centered Bible reading, “Hayaan mong ipakita sa iyo ng Diyos ang tunay na kalagayan ng puso mo.”  So kung sa pagbabasa mo ng Bibliya, ipinakita sa iyo ng Diyos ang mga kasalanan sa puso, pagsuway mo sa kalooban niya, kawalan mo ng tiwala sa kanya, anong gagawin mo ngayon sa panalangin? Aminin at pagsisihan mo ang mga kasalanang nagawa mo, at aminin mong kailangan mo ang awa at pagpapatawad niya. Hindi tayo humihiling sa Diyos at inaasahang ibibigay niya ang hinihiling natin dahil sa mabubuti nating gawa. Inaamin nating di tayo karapat-dapat man lang na lumapit sa kanya at humiling ng anumang mabuting bagay sa kanya.

Ganoon din ang sumunod sa prayer ni Nehemiah: “Akong lingkod nʼyo ay nananalangin araw at gabi para sa bayan ng Israel na mga lingkod ninyo. Pakinggan nʼyo po ako at tugunin ang dalangin ko. Ipinapahayag ko sa inyo ang mga kasalanan naming mga Israelita, pati ang mga kasalanan ko at ng aking mga ninuno. Lubha pong napakasama ng ginawa namin sa inyo. Hindi namin tinutupad ang mga utos ninyo at mga tuntuning ibinigay sa amin sa pamamagitan ni Moises na inyong lingkod” (vv. 6-7). Nakita niya ang kasalanan niya ayon sa Kautusang bigay ng Diyos kay Moises. Ang confession niya ay galing din sa standard ng salita ng Diyos.

#3: Confession of Faith

Heto ang pangatlo, “Alalahanin mo si Jesus at ang Magandang Balita ng ginawa niya para sa iyo.” Remember the gospel. Preach the gospel to yourself. At ang resulta nito ay mas lumalalim ang faith mo sa Panginoon. So sa prayer mo, sabihin mo sa kanya, Ipahayag mo sa Diyos ang pagtitiwala at pasasalamat mo kay Jesus at sa mga pangako niya. 

Ituloy natin ang prayer ni Nehemiah, “Alalahanin po ninyo ang sinabi nʼyo noon kay Moises (he’s praying the Bible!, hindi dahil nakakalimot ang Diyos, but as an expression of faith in God’s promises): ‘Kung kayong mga Israelita ay hindi maging matapat sa akin, pangangalatin ko kayo sa ibang mga bansa. Ngunit kung manunumbalik kayo sa akin at tutupad sa mga utos ko, kahit mangalat pa kayo sa pinakamalayong lugar, titipunin ko kayong muli (promise!) sa lugar na pinili ko upang akoʼy parangalan.’ Kami po ay mga lingkod nʼyo (identity) at mga mamamayang iniligtas ninyo (gospel!) sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan at lakas” (vv. 8-10).

Sinasabi ni Nehemiah, “Pinanghahawakan ko, Panginoon, ang pangako n’yong pagliligtas!” Sa atin ngayon, sinasabi natin sa Panginoon na lumalapit tayo sa kanya, humihiling, hindi dahil sa kabutihan natin, kundi dahil sa ginawa na ni Cristo para sa atin.

#4: Prayer for Life-Change

Heto ang number 4 sa Bible reading, “Pag-isipan at pagplanuhan mo kung ano ang dulot nitong pagbabago sa buhay mo.” Merong dapat baguhin sa puso natin, may mga utos ang Diyos na dapat nating sundin, may mga bagay na iiimpress sa atin ang Holy Spirit na gawin bilang application ng Word na nabasa natin. Pero alam natin sa sarili natin di natin kayang baguhin ang puso natin, wala tayong lakas sa sarili natin na makasunod sa kalooban niya. So anong gagawin mo? Mananalangin ka. Hilingin mo sa Espiritu na baguhin ang puso mo para maging tulad ni Cristo (2 Cor. 3:18), at bigyan ka ng kapangyarihang makasunod sa kalooban niya.

Tulad ni Nehemiah. Alam niyang nais ng Diyos na bumalik siya sa Jerusalem para tumulong sa rebuilding ng walls. Kailangang magpaalam siya sa hari. Ano ang prayer niya? “Panginoon, dinggin nʼyo po ang dalangin ko, na inyong lingkod, at ang dalangin ng iba pa ninyong mga lingkod na nasisiyahang igalang kayo. Bigyan nʼyo po ako ngayon ng tagumpay sa paghiling ko sa hari. At nawaʼy kabutihan ang maipakita niya sa akin” (v. 11). Sa ganitong paraan, inaamin nating kailangan natin ang tulong ng Diyos at nakadepende tayo sa pagkilos niya.

Kung ang layunin ng prayer ay makakonekta tayo sa Diyos, makakatulong itong gospel-centered prayer para makarelate tayo sa Diyos na Three-in-One: We praise God the Father, we confess faith in Jesus the Son, and we pray for the Spirit’s help and power. At makakatulong din ito para makakonekta tayo sa ibang tao. Kasi mag-ooverflow ang prayer natin sa panalangin para sa iba. Kung ano ang nabasa natin sa Word of God, at pinagpray natin sa sarili natin, pwede rin nating ipagpray sa family natin, sa church leaders, sa members ng church, sa iba pang pastors at mga missionaries, sa ibang churches, sa mga non-Christians pa, sa society natin, sa bansa, at sa iba’t ibang lahing di pa naaabot ng Magandang Balita ni Cristo (unreached).

Simply praying the Bible

Dahil ang goal ng Bible reading ay greater intimacy with God at hindi additional information sa utak mo, natural na mauuuwi ito sa prayer o pakikipag-usap sa Diyos. Bawat bahagi ng Bibliya, bawat salita ng Diyos, ay gusto ng Diyos na marinig sa panalangin sa kanya. Pwede kang magsimula, kung bago pa itong praying Scripture back to God sa iyo, sa Psalms o sa prayers of Paul kasi iyon medyo direct at straightforward ang dating.

Halimbawa, Psalm 23:1-3. O Panginoon, kayo ang aking pastol. Sapat kayo sa lahat ng pangangailangan ko. Ibinibigay n’yo sa akin ang sapat na kapahingahan at ibinibigay ang kailangan ko sa araw araw. Kayo ang pumapawi ng pagkagutom at pagkauhaw ng aking puso. Salamat po dahil sa tuwing nanghihina ako pinalalakas n’yo ako. Kapag nalilito ako at di malaman kung anong kailangang gawin, kayo ang nagiging gabay ko. Lahat ng ito ay ginagawa n’yo para maparangalan ang pangalan n’yo kaya naman pinupuri kita. 

O kaya ang confession ni David sa Psalm 51:1-2. Napakalaki ng pagkakasala ko sa iyo Panginoon. Maawa po kayo sa akin. Iparamdam n’yo ang pag-ibig at biyaya n’yo sa akin bagama’t di ako karapat-dapat. Alisin n’yo at patawarin ang lahat ng mga kasalanan ko ayon sa dakilang pagibig n’yo. Patuloy na linisin mo ang puso ko at maramdaman ko ang katiyakan ng pagpapatawad mo. 

O kung ipagpray mo ang mga leaders ng church, pwede mong gamiting ang Phil. 1:9-11. Father, dalangin ko po sa inyo ang mga leaders ng church namin (sina…) na patuloy na sumagana ang pag-ibig ninyo sa puso nila, at masangkapan ng malinaw na kaalaman at pagkaunawa, para kapag magdedesisyon sila o haharap sa tukso, piliin nila kung ano ang pinakamahalaga sa lahat. Prayer ko rin po para sa kanila na ihanda mo sila para sa pagbabalik ng Panginoong Jesus ay matagpuan silang malinis at walang kapintasan at sagana sa magagandang katangiang katulad ni Cristo, para sa buhay nila at sa pangunguna nila sa church, kayo lamang ang maparangalan at madakila. 

The Gospel as Motivation to Pray (not about the method)

Nitong nakaraang araw, nasa 2 King ang Bible reading ko. Nabasa ko na eventually hindi lang ang Israel ang pinalayas ng Panginoon, pati ang Judah after many years pinalayas din. Kahit na nagkaroon pa ng mga reforms sa panahon ni Hezekiah at Josiah, di sapat para di sila maparusahan. Heto ang dahilan, 2 Kings 24:3-4. “Nangyari ito sa Juda ayon sa iniutos ng Panginoon, para mapalayas niya ang mga ito sa harapan niya, dahil sa mga kasalanang ginawa ni Manase. Ang pagpatay niya sa mga inosenteng tao at ang pagdanak ng dugo nito sa Jerusalem ay hindi mapapatawad ng Panginoon.”

Hindi mapatawad ng Panginoon ang kasalanan ni Haring Manasseh kahit ilang taon na siyang patay nang panahong ito. Nagreflect ako dun. At ang prayer ko ay ganito.

“Father, gusto n’yo po na ako ay mapalapit sa inyo. Na pakinggan kayo, na sundin kayo, na ibigin kayo. Banal kayo at makatarungang humatol sa mga di sumusunod sa iyo. Inaamin ko po na di naman ako inosente. Tulad ng Judah, tulad ni Manasseh, nagrebelde din po ako sa inyo. Maraming panahon di ako nakikinig sa salita mo, mas pinahahalagahan ko ang iba nang higit sa iyo. Dapat lang na ako’y palayasin at parusahan n’yo. Kung di n’yo ako patatawarin, di ko kayo pwedeng sumbatan. Pero pinatawad n’yo ako! Di tulad ni Manaseh. Ibinalik n’yo ako palapit sa inyo. Sa pamamagitan ni Jesus na siyang palaging tapat sa pagsunod sa kalooban n’yo. Siya ay inosente pagdating sa kasalanan. Pero siya pa ang pinatay at ang dugo niya ang dumanak para ako ay mapatawad n’yo. I am now fully forgiven. Malaya na akong lumapit at manalangin sa inyo sa pangalan ni Jesus. May panahon na hindi perfectly pure ang motive ko, may mga panahon na wala akong gana sa prayer, pero dahil sa Panginoong Jesus, you welcome even my imperfect prayers. Tulungan mo po akong lumapit sa iyo nang walang pag-aatubili, walang pag-aalinlangan. In Jesus’ name, Amen.”

Ang gospel ay hindi lang nasa sentro ng prayer natin, ito rin ang nagmomotivate sa atin na lumapit sa Diyos. We pray not because we are worthy. We are not worthy, but we have the righteousness of Christ. He makes our prayers, gaano man kaimperfect, acceptable to God.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.