Part 4 – The Power of Confesssion

confession-w855h425

Talo si Pacquiao kay Mayweather. Tsk, sayang. Nang iannounce kung sino nanalo, hirap tayong makapaniwala na talo si Pacman. Kasi naman siya ang gusto nating manalo. Ayaw natin sa kalaban niya. Tapos parang siya pa ang aggressive, sugod nang sugod, tapos itong si Mayweather, depensa lang. Pero sa scorecards ng mga judges, panalo talaga si Mayweather, pati na sa mga punch stats lamang na lamang.

Ganoon din naman sa mga conflicts, paglalaban o away na nararanasan natin. May pinapaboran tayo. At ang pinaka-pinapaboran natin ay ang sarili natin. Gusto natin tayo ang panalo, tayo ang tama, siya ang talo, siya ang mali. Tulad na lang noong sermon ko last week. Bago ka tumingin sa iba, tumingin ka muna sa Diyos at tumingin ka sa sarili mo. Tingnan mo ang puso mo kung ano ang laman niyan na naging contribution mo sa conflict. Tumingin ka sa sarili mo, yan ang message last week. Pero ang ilan sa inyo habang nakikinig, tumitingin sa asawa, tinatapik, tinuturo. Tapos may nagcomment pa after ng sermon, “Buti na lang yan ang sermon ni pastor. Ang asawa ko kasi madalas mainit ang ulo pagdating sa bahay.” Haay…tumingin nga sa sarili. Tapos sa asawa nakatingin.

Obviously, mahirap ito para sa ating lahat. Without exemptions yan. Mas madali nating makita ang kasalanan ng iba, kesa sa sarili nating kasalanan. Sabi nga ni Paul Tripp, “We are not just blind to our own sins, we are also blind to our blindness” (Dangerous Calling). Di ba’t ganyan din ang sabi ng Panginoon?

Why do you see the speck that is in your brother’s eye, but do not notice the log that is in your own eye? 4 Or how can you say to your brother, ‘Let me take the speck out of your eye,’ when there is the log in your own eye? 5 You hypocrite, first take the log out of your own eye, and then you will see clearly to take the speck out of your brother’s eye. (Mat 7:3-5 ESV)

You do not notice, sabi ni Jesus (v. 3). Ikaw din makasalanan. Tumingin ka sa salamin, makikita mo ang dumi sa mukha mo. Kung di mo inaamin na ikaw ay nagkasala din, hipokrito ka sabi ng Panginoon (v. 5). You are deceiving yourself, ayon naman kay apostol Juan, “If we say we have no sin, we deceive ourselves, and the truth is not in us…If we say we have not sinned, we make him a liar, and his word is not in us” (1Jo 1:8, 10 ESV). Hindi lang iyon, ginagawa pa nating sinungaling ang Diyos.

Takot tayong harapin ang katotohanan tungkol sa sarili natin. So we deceive ourselves. We try to maintain the illusion that we are good and righteous. Kung makita man natin ang “bad” sa sarili natin, at least sinasabi nating we are not that bad.

Instead of Confession…

Dahil tayo’y natural na bulag o ipinipikit ang mata natin pagdating sa sarili nating kasalanan, anong ginagawa natin pagdating ng conflicts? Sa halip na aminin ang sarili nating kasalanan o contribution sa conflict…

We deny. Sinasabi natin, “Hindi naman siguro kasalanan iyon. Thirty minutes lang naman akong late, hindi naman masyadong late. Nagtampo na agad siya. Napakainsensitive.” Hindi mo na nga inaming nagkasala ka – may usapan kayo, hindi ka tumupad – sinisi mo pa siya na insensitive.

We blame others. “Kasalanan niya iyan.” Minsan naman, inaamin natin ang kasalanan natin. Pero parang meron tayong tinatawag na 40-60 rule, ayon kay Ken Sande. Ibig sabihin, 40% contribution ko sa conflict, sa kanya 60%. “Oo nga’t mali ang nasabi ko, pero nasabi ko lang naman iyon dahil sa ginawa niya. Mas grabe naman ang kasalanan niya kaysa sa akin.” Hindi pa rin talaga natin inaamin ang kasalanan natin. At minsan naman kapag obvious na na tayo ang nagkasala, wala nang lusot, ang ginagawa natin…

We hide or cover our sin. Halimbawa, ayaw akong kibuin ng asawa ko. Narealize ko na dahil pala hindi ko siya binibigyan ng masyadong atensyon sa sobrang kaabalahan. Imbes na sabihin ko sa kanyang, “Sorry, hindi kita nabibigyan ng sapat na atensiyon,” dahil hirap nga akong umamin sa kasalanan, ang gagawin ko ay bibili ng chocolate o flowers o kaya’y aakuin ang mga gawaing bahay para makabawi’t matakpan ang nagawa kong kasalanan. Pero kahit anong gawin mo, hindi ka pa rin umaamin. Gusto mong ipakita sa asawa mo, “Well, you see, I’m a good husband, I’m not as neglectful as you think you are.” Pero may mga pagkakataon namang umaamin tayo, but…

We rationalize or justify our actions. “Nagawa ko naman iyon o hindi ko nagawa ang gusto mo kasi ___________.” Fill in the blanks. Pagod ako. Nakakainis ang kasama ko sa trabaho. Masakit ang ulo ko. I’m not in the mood. We make excuses, excuses, excuses. Para nga naman maabswelto sa kasalanan.

God-Given Resources to Help Us See

Bulag tayo pagdating sa sarili nating kasalanan. At kung makita man natin ang kasalanan natin, nagbubulag-bulagan tayo. Hirap tayo na harapin ang kundisyon ng puso nating kailangang baguhin din ng Diyos. Pero kahit na mahirap, we need to come face to face with the sins remaining in us. Kung gusto nating maparangalan ang Diyos sa buhay natin, kung gusto nating maayos ang relasyon natin sa iba, kung gusto nating maranasan ang transforming power of the grace of God sa buhay natin. Buti na lang, na kahit hirap tayo, kahit reluctant tayo, binigyan tayo ng Diyos ng sapat na resources para makita ang kasalanan sa puso natin. We have the Word of God, the Spirit of God, and the people of God.

The Word of God. Ang exposure natin sa salita ng Diyos ay parang Xray. Makikita natin ang totoong kundisyon at problema ng puso natin. “For the word of God is living and active, sharper than any two-edged sword, piercing to the division of soul and of spirit, of joints and of marrow, and discerning the thoughts and intentions of the heart” (Heb 4:12). Makakatulong ito sa atin sa pagtuturo, pagsaway, pagtutuwid at pagsasanay sa katuwiran (2 Tim 3:16-17).

Hindi natin nakikita nang malinaw ang sarili nating kasalanan kung ang standard natin ay ang buhay ng ibang tao. Our standard is the Word of God. Everyday, practice yourself, paggising pa lang sa umaga, hindi sa Facebook titingin, hindi sa salamin, kundi sa Salita ng Diyos. At habang nagbabasa ka, tanungin mo ang sarili mo, “Sa paanong paraan hindi ko nabigyan ng karangalan ang Diyos? Sa paanong paraan hindi ko naipakita o nagaya ang karakter ng Diyos sa relasyon ko sa pamilya o sa ibang tao?”

Nagamit ko ba ang dila ko na isang sandata para labanan ang mga taong nanakit sa akin? Naging padalus-dalos ba ako sa pagsasalita at nakasakit din? Nagreklamo ba ako? Nakapagsabi ba ako ng kasinungalingan? Nagtsismis ba ako at ikinuwento sa iba ang mga negatibong bagay tungkol sa nakagalit ko? Di ba ako nakapagsalita sa paraang makakatulong sa iba? Nanahimik lang ba ako sa panahong dapat akong magsalita?

Nakontrol ko ba ang ibang tao sa leadership ko? O sa pagbebenta ko ng produkto? O sa pagsasalita kong parang nambobola lang? Di ko ba nagamit nang tama ang authority na meron ako?

Nagkasala ba ako ng sexual immorality? Naging mahalay ba ako sa pag-iisip at pakikitungo sa ibang tao? Nagtanim ba ako ng galit? Inisip ko bang maghiganti? Naging sakim ba ako at nangibabaw sa akin ang materialism? May sinabi ba ako o ipinangako na nilabag ko at hindi tinupad? Hindi ba ako gumalang at nagpasakop sa taong may authority sa akin – tulad ng asawang lalaki, supervisor o pastor?

Sa mga nakagawa kong kasalanan, anong mga idolatrous desires ang nangibabaw sa puso ko – matinding pagnanasa sa kasiyahan, pagmamataas, pag-ibig sa salapi, takot sa ibang tao, pag-aalala sa sasabihin ng iba tungkol sa akin, o kahit magagandang bagay na gustung-gusto kong makuha?

Tingin ko ba sa sarili ko ay “righteous” na ako at mas mabuti kaysa sa ibang tao? Kailangan nating tanungin ang sarili natin ng mga hard, xray questions.

The Spirit of God. Tutulungan tayo ng Espiritung nasa atin para mas makita ang mga kasalanan natin (John 16:8). “For the Spirit searches everything, even the depths of God. (1 Cor 2:10). Kaya dapat ang prayer natin, “Search me, O God, and know my heart! Try me and know my thoughts! And see if there be any grievous way in me, and lead me in the way everlasting” (Psa 139:23-24). Tandaan nating the Spirit inside of us is greater than the sin remaining in us. Kaya gawin nating ang confession ay araw-araw na practice. Sabi nga ni Martin Luther na ang Christian life ay life of daily repentance. Oo, makakalapit tayo sa Diyos. Pero hindi ibig sabihing ang confession ay one on one with God lang.

The People of God. Kailangan natin ang iba para maranasan ang liberating and transforming power of confession. “Ang nagtatago ng kanyang kasalanan ay hindi mapapabuti ngunit kung ipapahayag niya ito at tatalikdan, siya’y kahahabagan” (Kaw 28:13 ASD); “He who covers his sins will not prosper, But whoever confesses and forsakes them will have mercy” (NKJV). Kailangan natin ang iba para sumaway sa atin, para magsabi ng mga hard truths sa sarili natin. To speak the truth in love to us. At tayo rin, maging malaya na sabihin sa iba ang mga kasalanan natin. “Therefore, confess your sins to one another and pray for one another, that you may be healed” (Jam 5:16 ESV). I encourage you na magkaroon kayo ng Fight Club, para meron kayong grupo ng kapwa lalaki o kapwa babae na pwede n’yong ipractice ang regular confession of sins.

Why Confession is Hard for All of Us

The Word of God. The Spirit of God. The People of God. “God has given us everything we need for living a godly life” (2 Pet 1:3 NLT). Pero bakit hirap pa rin tayong aminin ang kasalanan natin? Kahit na obvious na. Sabi nga ng boss ko dati, ang standard practice daw para sa mga lalaking mahuli ng asawa nila na sila’y nambababae, “Kahit mahuli ka, kahit caught in the act, huwag kang aamin.” Kahit naman tayong Christians na, parang nagkaroon din tayo ng ganyang panata sa buhay. Bakit kaya?

Fear. “Natatakot ako.” Saan tayo natatakot? Maaaring sa taong nasaktan natin, sa gagawin nila para gantihan o parusahan tayo. O maaaring natatakot ka sa posibleng mangyari kapag umamin ka. Baka matanggal ka sa trabaho. Baka di ka na mapatawad ng asawa mo.

Shame. “Nakakahiya.” Mas gusto lang nating pag-usapan mga bagay na maganda tungkol sa atin. Pero kapag mga pangit na, nahihiya tayo. Baka kasi mag-iba ang tingin ng ibang tao sa atin. Baka di na tayo irespeto. Baka pag-usapan tayo. Reputasyon ang nakasalalay.

Pride and self-righteousness. Ang taas ng tingin natin sa sarili natin. Gusto natin tayo ang bida. Gusto natin tayo ang magaling. Tayo ang tama. Kitang-kita ko yan nang naghahanda ako ng sermon sa series na ‘to two weeks ago. Ang topic kasi “exposing idols”. Ayan tuloy, heart ko muna ang inexpose ng Panginoon. Kahirap naman magpreach nito. Para ngang nasabi ko sa sarili ko, ano ba ‘tong pinasok ko. Siyempre, kailangan kong magconfess sa asawa ko. Pero hirap akong aminin ang mga nagawa kong kasalanan sa kanya. Nandoon ang takot. Takot ako sa asawa ko! Nahihiya din ako. Siyempre pastor ako. Dapat ako ang model husband and father sa church. Nandoon ang pride sa akin bilang lalaki, hirap talagang magsorry.

True Repentance

Pero itinuro sa akin ng Diyos na hindi lang naman ako nagkasala sa asawa ko. When I neglect my responsibility as husband and father and leader of the family, sa Diyos ako nagkasala kasi siya ang nagbigay ng responsibilidad na iyon. And I failed to reflect his Fatherhood!

Hirap tayong umamin sa kasalanan natin kasi naman hindi natin nakikita kung gaano kaseryoso ang kasalanan natin sa harapan ng Diyos. Akala natin sa ibang tao lang tayo nagkasala. Pero hindi natin narerealize na hirap tayong umamin sa kasalanan natin sa iba kasi sa Diyos ganoon din tayo. Hindi natin makita kung paanong di natin naitrato ng tama ang ibang tao na nilikha rin naman sa larawan ng Diyos. Hindi natin nauunawaang lubos kung gaano kaseryoso ang responsibilidad na binigay sa atin ng Diyos na mahalin ang ating kapwa, lalo na ang miyembro ng ating pamilya at iglesia.

Ang totoong pagsisisi o repentance ay ang pagkilala na nagkasala ka hindi lang sa ibang tao, kundi sa Diyos mismo. Si Jose, nang tinutukso siya ng asawa ng kanyang amo na sumiping sa kanya, di niya ginawa. Dahil kapag ginawa niya iyon nagkasala siya hindi lang sa amo niya, kundi sa Diyos mismo. “How then can I do this great wickedness and sin against God” (Gen 39:1 ESV)? Nang magkasala si David nang sexual immorality kay Bathsheba na asawa ni Uriah na kanya naman pinapatay, kanino siya nagkasala? Kay Bathsheba, oo. Kay Uriah, oo. Sa bansang pinamumunuan niya bilang hari, oo. Pero ang sabi niya, “Wash me thoroughly from my iniquity, and cleanse me from my sin! 3 For I know my transgressions, and my sin is ever before me. 4 Against you, you only, have I sinned and done what is evil in your sight” (Psa 51:2-4 ESV).

Nais nang Diyos na makita nating mabuti ang mga kasalanan natin. Umamin. Humingi ng tawad sa kanya. “If we confess our sins, he is faithful and just to forgive us our sins and to cleanse us from all unrighteousness” (1 John 1:9). Mabuti ang Diyos. Inaanyayahan tayong aminin ang kasalanan natin para maranasan natin ang katotohanan ng pagpapatawad niya at patuloy na paglilinis sa atin. Mabigat sa kalooban natin kung meron tayong kinikimkim na kasalanan. Naranasan iyan ni David. Physically, emotionally, spiritually, apektado siya. “For when I kept silent, my bones wasted away through my groaning all day long. For day and night your hand was heavy upon me; my strength was dried up as by the heat of summer” (Ps 32:3-4). Akala natin iniingatan natin ang sarili natin kapag di tayo umaamin o kaya’y nagtatago ng kasalanan. Pero ang totoo, we are doing ourselves harm. If you want to experience real freedom and real happiness, confess. Kaya dugtong ni David, “I acknowledged my sin to you, and I did not cover my iniquity; I said, ‘I will confess my transgressions to the LORD,’ and you forgave the iniquity of my sin” (Ps 32:5 ESV).

The Gospel and Confession

Pinatawad na. Bakit pa tayo mahihiya? Bakit pa tayo matatakot? Tinanggap na tayo ng Diyos. Pinalaya na tayo. Tumingin ka sa Krus. Diyan mo makikita ang motivation and power na kailangan mo para maamin mo ang kasalanan mo. Kaya nga sa pagtingin mo sa sarili mo, look to the Cross. Bago ka lumapit sa nakaaway mo, tumingin ka sa Cross. Your identity is secured because of Jesus. Wala ka nang dapat ikatakot o ikahiya sa sasabihin ng iba. Pinakamahalaga na sa atin ang sinasabi ng Diyos, “You are my beloved child.” Sabi ni Comiskey, “The cross bids us die. Our confession must initiate a decision to let go of the idol we have cherished” (Strength in Weakness, 100). Sabi naman ni Ken Sande:

God’s grace, as revealed in the gospel of Christ, is the driving force behind peacemaking… This incredible news reveals our radical sinfulness – nothing could save us except the death of God’s only Son. But it also reveals the depths of God’s radical mercy – he gave his Son to die for us! As we reflect on and rejoice in the gospel of Christ, two things happen. Our pride and defensiveness are stripped away, and we can let go of our illusion of self-righteousness, honestly examine ourselves, and find freedom from guilt and sin by admitting our wrongs. At the same time, the gospel shows us how important reconciliation is to God, which inspires us to do everything we can to repair any harm we have caused others and to be reconciled to those we have offended (The Peacemaker, 117).

Sapat-sapat na ang ginawa ni Jesus para bayaran ang lahat – lahat! – ng ating mga kasalanan. Sabi ni Paul Tripp sa aming mga pastor na hirap din mag-confess, “Pastor, you don’t have to be afraid of what is in your heart, and you don’t have to fear being known, because there is nothing in you that could ever be exposed that hasn’t already been covered by the precious blood of your Savior king, Jesus” (Dangerous Calling, 28). That’s good news!

5As of Confession

Because of the gospel, we can now approach other people and confess our sins against them. “While sin breaks down relationships, confession restores them” (Andy Comiskey, Strength in Weakness, p. 102). Lapitan mo ang sinumang nagawan mo ng kasalanan, nasaktan mo, at nasira ang relasyon mo sa kanya. At paglapit mo sa kanya, ganito ang gawin mo…

  1. Admit. “Inaamin ko…” No “if, but, maybe” – Kung sakali, pero, siguro. Anong mga excuses o paninisi ang dapat mong iwasan? Anu-anong desires ang nangibabaw sa puso mo? Anu-anong kasalanan ang nagawa mo? Anu-anong biblical principles ang sinuway mo? Anu-ano ang dapat mong gawin na hindi mo naman ginawa?
  2. Apologize. “Nasaktan kita…Humihingi ako ng tawad…” Ano ang naramdaman niya sa nagawa mong kasalanan?
  3. Accept. “Tinatanggap ko ang anumang consequences ng kasalanan ko…” Anu-ano ang consequences na dapat mong tanggapin? Paano mo maaayos ang mga pinsalang naidulot mo?
  4. Ask. “Hinihiling kong patawarin mo ako. Pinapatawad mo na ba ako?” It takes time for some. Ano ang posibleng dahilan kung bakit nahihirapan siyang patawarin ka? Ano ang magagawa mo para matulungan siyang magpatawad?
  5. Alter. “Simula ngayon, babaguhin ko…” Anu-anong pagbabago ang dapat gawin sa tulong ng Diyos sa pag-iisip mo, sa pagsasalita mo, at sa pagkilos mo sa relasyon sa kanya?

The Joy and Freedom of Confession

Saturday night, two weeks ago, after my sermon preparation, kinausap ko ang asawa ko, humingi ako ng tawad sa kanya. Nakita ko ang ngiti sa kanya. Naranasan ko ang freedom ang joy of a restored relationship. Confession to God and to one another must be a regular practice sa lahat sa atin kung gusto nating maranasan ang kagalakan at kalayaang nanggagaling sa Diyos. Tulad na lang last Friday. Nakita namin pareho ni Jodi na nagkaroon ng anger sa pagdidisiplina namin sa anak naming si Daniel dahil ayaw niyang sumunod. Nandoon ang love, pero nangibabaw ang galit, impatience, at lack of self-control. May nasabing di dapat sabihin. May nagawang di na dapat gawin. Habang nasa breakfast table, humingi ng tawad sa anak namin, humingi ng tawad sa Diyos. At narinig namin ang assurance ng Diyos, “Anak, mga anak, you are forgiven. Lahat ng kasalanan n’yo ay binayaran na ng aking Anak na si Jesus.”

Totoo nga ang sinabi ni Haring David, “Mapalad ang taong pinatawad na sa kanyang kasalanan, na ang sala’y kinalimutan na ng Panginoon. Mapalad ang tao na ang kasalanan ay hindi ipinaratang sa kanya ng Panginoon” (Psa 32:1-2 ASD).

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.