Looking Up When Feeling Down (Psalm 42) – Aldrin Capili

Dapat pa bang pinag aaralan yung mga Awit? Diba dapat kinakanta nalang to?

Ang book of Psalms ay mga kanta, pero ito din ay part ng buong kasulatan at lahat ng kasulatan ay inspired by God at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap at handa sa lahat ng mabubuting gawain. So, dapat pa bang pinag aaralan yung aklat ng mga Awit? Yes.

Sabi sa heading ng ating text “Sa Punong Mang-aawit. Isang Maskil ng mga Anak ni Kora.”
Ang mga anak ni Korah ay part ng music team ng mga Israelita. Sabi sa 2 Chronicles 20:19 “Tumayo naman ang mga Levita sa angkan ni Kohat at Korah at sa napakalakas na tinig ay nagpuri sila kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.” Yun ang mga anak ni Korah, pero sino naman si Korah? Si Korah ay may interesting story sa Book of Numbers. Si Korah ay pinsan ni Moses at Aaron. Kinalaban niya sila Moses at Aaron at pinamunuan niya ang isang rebellion against Moses at Aaron kasama ang 250 na iba pang mga pinunong Israelita.

Ang problema sa ginawa nila, ito ay hindi lang rebellion against sa kanilang leader. Ito ay rebellion against kay Yahweh na siyang pumili kay Moses at Aaron. Meron kayang aasahang victory si Korah sa laban na to? Dahil sa ginawa ni Korah laban kay Moses at Aaron at laban kay Yahweh. Ito ang nangyari sa kaniya at sa mga kasama niya.

Mga Bilang 16:31-35
Hindi pa halos natatapos sa pagsasalita si Moises ay bumuka na ang lupa, at nilulon nang buháy sina Korah pati ang kanilang mga pamilya at mga ari-arian. 33 Silang lahat ay nalibing nang buháy. Muling nagsara ang lupa at hindi na sila nakita ng mga Israelita. Dahil dito, nagtakbuhan ang mga taong-bayan dahil sa kanilang nasaksihan. “Lumayo tayo rito!” ang sigawan nila. “Baka pati tayo’y lamunin ng lupa.” Pagkatapos nito’y nagpaulan ng apoy si Yahweh at sinunog ang 250 kasamahan ni Korah na nagsunog ng insenso.

Mukhang dahil sa nangyari kay Korah ay natuto na ang kanyang sumunod na lahi, at sa halip na maghimagsik ay mas pinili nilang sumunod at maglingkod kay Yahweh.

Isang Maskil ng mga Anak ni Kora. Ano naman yung Maskil?
Kung natatandan natin yung salitang Maskil, ito ay ginamit din natin sa nakaraang pag-aaral natin ng Psalm 32 at natutunan natin yung ibig sabihin nito na “to instruct” or “to make someone wise”.

So, kung ia apply natin ito sa ating pag-aaral ng mga Awit, maaari nating sabihin na yung mga awit na ito ay meant to instruct, to make us wise or wiser, at ito ay puno ng karunungan. Tulad ng sinabi sa Awit chapter 1. “Blessed is the man whose delight is in the instruction of the Lord, and on his instruction he meditates day and night.”
so kung ganun nga, sa ating pag-aaral ng Awit 42, muli nating ihanda ang ating mga sarili, ang ating mga puso, for the instructions coming from the Lord.

Let’s Pray. Sa iyong biyaya at kalooban pinagkakatiwala namin ang araw na ito. Sa kapangyarihan ng iyong Banal na Espiritu nawa ay lubos naming maunawaan ang iyong mga salita na aming pag-aaralan ngayong umaga. Lahat ng ito nawa Ama ay maging kapurihan lamang sa pangalan mo. Amen.

Ang Awit 42 ay isang malungkot na awit. Sabi sa verse 3. Araw-gabi’y tumataghoy, gabi’t araw tumatangis; naging tanging pagkain ko’y mga luha sa paghibik.
Ito ay awit ng isang taong alam niya, na sa kanyang current situation ay wala siyang ibang maaasahan kundi si Yahweh. Siguro sa iba sa inyo ay nakaranas na kayo or maaaring dumadaan kayo ngayon sa ganitong situation na alam ninyo na wala kayong kahit na anong magagawa kundi umasa sa ating Diyos para mabago ang sitwasyon.
Sobrang hirap na tinatanong na siya nung mga kaaway niya sa verse 3. “Nasaan ba ang iyong Diyos? Inulit din ito sa verse 10. “Ang Diyos mo ba ay nasaan?”
Sa gitna ng hirap na pinagdaanan niya ay dumagdag pa itong kanyang kaaway na nagtatanong sa kanya ng Nasaan ba ang iyong Diyos? Makikita natin dito yung intense na feeling nung sumulat ng awit na sobrang down nung kanyang kalagayan.

Ang title ng ating message for today ay Looking Up When Feeling Down. Looking up simply means looking to Christ. Pero aminin natin na looking up to Christ when you’re feeling down ay hindi ganun kadali. Sa mga situation na tayo ay Feeling Down ay dapat doble ang ating pag-iingat at doble ang ating pananampalataya. Alam ng kaaway, alam ni Satan kung kailan tayo sobrang down, alam ng kaaway kung kailan tayo vulnerable, kung kailan tayo confused, kung kailan tayo naghahanap ng temporary relief, temporary joy or satisfaction.

Sa mga panahon na tayo ay sobrang lungkot or sobrang galit na galit, dito tayo madalas nakapag sasalita ng hindi maganda, dito tayo madalas nakakagawa ng mga maling desisyon dahil napakadali nating malinlang ng kaaway. Napakadali nating marinig yung mga salita ng kaaway na nagsasabing, “Nasaan ang Diyos mo?”, Bakit niya hinayaang mapunta ka sa sitwasyon na to?

Binibigyan tayo ng kaaway ng dahilan para magkasala. Sinasabi niya na, “Galit ka, kaya may karapatan kang pagsalitaan siya ng masama. Ginawan ka ng masama, kaya may karapatan kang sumigaw at maliitin yung kausap mo.” “Malungkot ka kaya may karapatan kang magpakasaya kahit sa maling paraan.” Mayroon kang bulong na maririnig na nagsasabing “For once, you deserve to be happy”. Sagot natin diyan, oo nga. Minsan lang naman. Sagot ni Jesus diyan. No, you deserve to be Holy. Walang valid and acceptable reason para magkasala.

Kung paanong ang ating Panginoong Hesus, sa oras na siya ay gutom, pagod, at hirap ay dun siya tinukso ni Satan. Pero sa halip na makinig ang Panginoong Hesus kay Satan ay nilabanan niya ito. Ito din yung pinapakita nung sumulat ng awit nato, kung paano niya labanan ang sarili niyang emosyon at desire. Alam niya na mahirap yung situation niya. Sabi niya sa verse 7. Lahat ng iyong alon at iyong malalaking alon sa akin ay tumabon. Ganun kabigat yung kanyang nararanasan na kailangan niyang labanan yung malalaking alon na humahampas sa kanya. Pero sabi din niya sa verse 5. bakit ka nanlulumo, O kaluluwa ko? Bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Diyos; sapagkat siya’y muling pupurihin ko, dahil sa kaligtasan mula sa kanyang harapan. At sabi sa verse 11. Bakit ka nanlulumo, O kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Diyos; sapagkat siya’y muling pupurihin ko, ang tulong sa aking harapan, at Diyos ko. Umasa ka sa Diyos. Yan ang kanyang panlaban sa buhay, yung pag-aasa na may gagawin ang Diyos. Na hindi siya bulag o bingi sa mga nangyayari sa paligid.

Umasa ka sa Diyos, sabi ng awit. Isa sa pinaka mahirap gawin, yung umasa, kasi may kasamang paghihintay at pag aalinlangan. Aligaga pa naman tayo. Ayaw nating naghihintay, pag nag order tayo sa shoppee gusto natin bukas nandiyan na. Pag inabot ng 3 araw yung delivery, 1 star ka sakin.

Kahit ang Diyos na ang nangako kadalasan naiinip pa din tayo at nag dududa. So, anong gagawin natin? Mula sa Awit chapter 42 ay bibigyan ko kayo ng 6 ways to wait for the Lord.

  1. We praise while we wait.

Sabi sa verse 5, Umasa ka sa Diyos; sapagkat siya’y muling pupurihin ko. Sa verse 11. Umasa ka sa Diyos; sapagkat siya’y muling pupurihin ko. Darating ang araw lahat ng umaasa sa Diyos ay hindi na aasa dahil kasama na natin siya. Pero habang naghihintay tayo sa araw na yun, muli at muli natin siyang pupurihin.

The big question here is paano ka nagpupuri sa Diyos?
Madalas nakakahiya tayo. Nakakahiya yung pag awit natin, nakakahiya yung pagsamba natin, nakakahiya sa Diyos kung makikita niya yung laman ng puso natin habang nagpupuri tayo sa kanya, nakakahiya na nga yung pagpupuri natin, nakakahiya pa yung pamumuhay natin na katulad na tayo ng mundo. God deserves more than empty songs, He deserves more than our half hearted, half lazy, half focused, and sleepy worship, He deserves more than leftover offerings at more than tira tirang oras. He deserves greater glory, greater worship and better worshippers.

Mga kapatid these are not the kind of worship na ibinibigay sa nag iisa at buhay na Diyos.
The measure ng quality of our worship is the same measure of how much we enjoy God. Ang ating pagpupuri at pagsamba ay paraan ng Diyos for us to experience and enjoy Him habang hinihintay natin siya. So your worship is boring dahil para sayo, ang Diyos ay boring.

Kung hindi mo maenjoy ang worship ng once a week, paano kung pag dating ng Panginoong Hesus ay ito lang gagawin natin everyday. Dahil mabuti ang Diyos, dinala niya tayo sa isang local Church na habang naghihintay tayo we can continue to gather every week kasama ang lahat ng mananampalataya para purihin at sambahin siya. Hindi ka aasa sa Diyos ng nag-iisa kapatid. Aasa tayo sa Diyos ng sama sama, magpupuri tayo sa Diyos ng sama sama. We praise while we wait. Kung tatanungin ninyo kung hanggang kailan. Sabi sa lyrics ng isang kanta na kinakanta din natin.

“Till the day that death shall lose me, I will sing, oh I will sing.

  1. We talk to God while we wait.

Sabi sa verse 9. Sinasabi ko sa Diyos na aking malaking bato:
    “Bakit kinalimutan mo ako?
Bakit ako’y tumatangis sa paghayo
    dahil sa kalupitan ng kaaway ko?”

Totoo bang kinalimutan na ng Diyos yung sumulat ng Awit na ito? Hindi ko alam, malamang di rin niya alam, pero yun yung nasa puso niya, yung nararamdaman niya. Maraming bagay at maraming pangyayari ang hindi natin nauunawaan. MInsan parang unfair. Madalas hindi natin alam kung bakit, madalas hindi natin alam kung para saan. Minsan parang walang sense yung mga nangyayari.

Kahit ano pa mang sitwasyon mo kapatid, kausapin mo ang Diyos. Hindi kayabangan na tanungin ang Diyos kung bakit nangyayari yung mga nangyayari. Alam naman ng Diyos yung nasa puso mo, yung gusto mong malaman, kaya maaari tayong maging honest sa kanya.

Alam ng Diyos yung limitasyon natin sa karunungan kaya expected na sa atin na magtatanong tayo, kasi maraming bagay ang hindi natin alam. Mas mainam na yung Kristiyanong limitado sa karunungan na umaasa sa Diyos kaysa sa isang taong maraming alam na umaasa sa kanyang sariling karunungan.

Walang Kristiyano na hindi nananalangin at hindi kumakausap sa Diyos. We pray because:

1. Only way to communicate with God: Many people pray as a way to communicate with a higher power or the divine. They see prayer as a means of establishing a connection with God, gods, or spiritual forces, sharing their thoughts, feelings, and desires.

2. Humingi ng Gabay: Prayer is often used as a way to seek guidance, wisdom, and clarity in decision-making. People may pray for discernment when facing difficult choices or seeking direction in their lives.

3. Para magpasalamat: Prayer allows individuals to express gratitude for blessings, provision, and answered prayers. Giving thanks through prayer can cultivate a sense of appreciation and humility.

4. Seeking Comfort: In times of distress, grief, or suffering, prayer can provide comfort, solace, and emotional support. Many people turn to prayer as a source of strength and consolation during difficult circumstances.

5. Requesting Help and Intervention: People often pray to request help, intervention, or divine assistance in overcoming challenges, healing from illness, or finding solutions to problems. They may petition for specific needs or desires to be met.

6. Para aminin ang kasalanan at magsisi: Prayer is a way for individuals to confess their sins, shortcomings, and mistakes to God and seek forgiveness. It can be a means of acknowledging wrongdoing and committing to change or repentance.

7. Ipanalangin ang ibang tao: Prayer is not only about personal needs but also about interceding for others. Many people pray for the well-being, protection, and blessing of family members, friends, communities, and even strangers.

8. Intimacy with God: Prayer is a spiritual practice that can deepen one’s relationship with the divine and foster spiritual growth. Through prayer, individuals may seek greater intimacy with God, enlightenment, and spiritual transformation.

9. Nagpapalakas ng ating pananampalataya:

  1. We remember God’s love while we wait

Verse 8. Kapag araw ay inuutusan ng Panginoon ang kanyang tapat na pag-ibig, at sa gabi ay kasama ko ang kanyang awit, isang panalangin sa Diyos ng aking buhay.

Sa verse 5 and 11, tinawag niya ang Diyos na “My salvation and my God.”
Kahit sa gitna ng paghihirap, alam natin na hindi nawawala at hindi nababawasan ang pag-ibig ng Diyos sa kanyang mga anak. Kaya nga tinawag niya itong tapat na pag-ibig. Tuwing maririnig natin yung tapat na pag-ibig sa atin ng Ama, walang ibang dapat na pumapasok sa isip natin kundi yung ginawa ng Panginoong Hesus. At dahil sa pag-ibig niya sa atin, kaya isinugo niya ang Panginoong Hesus. Ang nag-iisa nating kaligtasan. Our salvation and our God.

We remember God’s love by remembering yung ginawa ng Panginoong Hesus. Ang Panginoong Hesus ang katunayan ng pag-ibig ng Diyos. Ito yung pinapangaral namin tuwing Linggo. Siya yung laman ng Gospel na ibinabahagi natin sa ibang tao. Si Kristo ang katuparan ng pag-ibig ng Diyos ipinapahayag natin sa bawat isa at dapat din na nakikita sa buhay natin araw araw. Kaya din nirerecite natin yung apostles creed dahil nakapaloob dito yung pag-ibig ng Diyos sa atin.

I believe in God, the Father almighty, creator of heaven and earth.
I believe in Jesus Christ, his only Son, our Lord, who was conceived by the Holy Spirit and born of the virgin Mary.
He suffered under Pontius Pilate, was crucified, died, and was buried; he descended to hell.
The third day he rose again from the dead.
He ascended to heaven and is seated at the right hand of God the Father almighty.
From there he will come to judge the living and the dead.
I believe in the Holy Spirit, the holy catholic* universal church, the communion of saints, the forgiveness of sins, the resurrection of the body, and the life everlasting. Amen.

We remember God’s love while we wait.

  1. We discipline ourselves while we wait

Sabi sa verse 5. Bakit ka nanlulumo, O kaluluwa ko? Bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Diyos; sapagkat siya’y muling pupurihin ko, dahil sa kaligtasan mula sa kanyang harapan.

Tulad nung ginawa ng sumulat ng awit nato, kelan yung huling pagkakataon na sinaway mo yung sarili mo? Kelan mo sinabihan yung sarili mo na, bakit mo gagawin yan? O bakit mo ginawa yan? Yung humarap ka sa salamin at sinermonan mo yung sarili mo? Na tinama mo yung sarili mo? Napaka effective nito, wag mo lang gagawin habang nakasakay ka sa MRT tapos pinapagalitan mo yung sarili mo. Yung mga Kristiyano dapat kakaiba pero hindi sa ganoong level. Private lang. Ask the Holy Spirit na siyasatin niya yung puso natin sa mga bagay na dapat nating itama sa sarili natin at maging handa tayo na talikuran yung mga kasalanan na nakikita natin sa sarili natin.

Ultimately, ang lagi nating tanong sa sarili natin, mabibigyan ko ba ng karangalan si Kristo sa gagawin ko na to?

  1. We remember our Christian journey while we wait

Verse 4. Ang mga bagay na ito ay aking naaalala, habang sa loob ko ay ibinubuhos ko ang aking kaluluwa: kung paanong ako’y sumama sa karamihan, at sa paglakad sa bahay ng Diyos, sila’y aking pinatnubayan, na may awit ng pagpupuri at sigaw ng kagalakan, napakaraming tao na nagdiriwang ng kapistahan.

Dito  yung author ay nag sheshare ng kanyang testimony kung paano niya naaalala yung mga araw na magkakasama sila sa templo nag didiwang ng masaya. Nakakatuwa palaging makarinig ng testimony ng mga kapatiran. Kung paano sila humantong sa isang mahirap na sitwasyon na kadalasan ay dahil sa kasalanan at kung paanong inahon sila ng Diyos mula ganoong kalagayan. Bawat isa sa atin ay may sari sariling testimony, lahat tayo at one point ay ipinahamak ng sarili nating kasalanan sa sarili nating kagagawan pero lahat tayo at one point ay nakaranas ng kaligtasan at ngayon ay nagpapatuloy sa pagiging tagasunod ng Panginoong Hesus.

Lahat tayo ay may kanya kanya ding istorya kung paano tayo humantong sa BBCC, kung paano ginamit ng Diyos ang iba’t ibang tao at iba’t ibang resources para mabuo ang pamilya ng BBCC. We remember God’s faithfulness sa church na ito na nagsimula sa isang Bible Study hanggang sa pagkakaroon natin ng sarili nating Church building. Yung mga nagsimula sa Sunday School, yung mga naging pastor natin, yung visionary choir na kasali si kuya Ajie, si Derick, si Allan, at ako. Buti nalang cute kami.

Alam ko meron din kayong sari sariling kwento ng inyong Christian journey at hindi lang ito kwento ng buhay natin kundi kwento kung paano tayo inalagaan, pinrotektahan, at itinaguyod ng Diyos mula pa sa simula na tawagin niya tayo hanggang sa araw na to.

Hindi ko pinangarap na maging pastor, na maging preacher let alone maging Chairman ng COE. Bata palang ako makulit nako, pasaway nako. Ako pinaka madalas mapalo ng nanay ko kasi nangungupit ako. Ako pinaka madaldal sa klase. Grade 6 palang ako umaakyat nako ng ligaw sa bahay ng crush ko. Kahit nung nag college ako immature pa din ako. Feeling ko yung maturity ko delay ng 10 taon.

  1. We thirst for God while we wait

Verse 1 and 2. ​​Kung paanong ang usa ay nananabik sa batis na umaagos, gayon nananabik ang aking kaluluwa sa iyo, O Diyos. Ang aking kaluluwa ay nauuhaw sa Diyos, sa buháy na Diyos, kailan ako makakarating at makikita ang mukha ng Diyos?

Sa gitna ng kaguluhan at pagkakaroon ng mga kaaway sa kanyang paligid, hindi niya sinabi na siya ay nauuhaw for victory laban sa kanyang mga kaaway. Hindi niya sinabi na siya ay nauuhaw para sa isang mapayapang buhay at malayo sa kaguluhan. Hindi siya nauuhaw sa mga kayamanan at kapangyarihan. Hindi siya nauuhaw sa mahabang buhay at malakas na pangangatawan.

Naging maganda ang verse nato dahil sa katotohanan ng tunay na pangangailangan natin sa Diyos. Marami siyang pangangailangan pero to be in the presence of God ang kanyang kinauuhawan. Napaka sarap sigurong pakiramdam yung araw na papawiin ng Diyos ang ating pagkauhaw sa ibang bagay. Na sa piling niya ay pakiramdam natin na wala na tayong iba pang kailangan. Hanggang dumating yung araw na yun, patuloy tayong mauhaw sa Diyos tulad ng isang usa na nananabik sa batis na umaagos.

See the Face of God in the Gospel of Christ

Sabi sa verse 2. kailan ako makakarating at makikita ang mukha ng Diyos?
Natatandaan niyo ganito din yung tanong ni Philip. Sabi niya sa John 14:8
“8 Sinabi sa kanya ni Felipe, “Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama.”
Ang sagot sa kanya ni Jesus. “Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama.”
Sa 2 Corin 4:4 Sinabi na si Christ is the image of God.

Yung sumulat ng awit na to ay nananabik sa mukha ng Diyos hindi dahil gusto niyang makita yung itsura ng Diyos kung gaano ito ka pogi. Nagpapakita ito ng kagustuhan niya na maranasan yung kaligtasan na galing sa Diyos, yung kapahingahan, lubos na kagalakan, satisfaction, yung security at kapayapaan. Kaya nga nung sinabi ni Jesus na “Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama.” Sinasabi niya na yung hinahanap niyong kaligtasan, kapahingahan, lubos na kagalakan, satisfaction, security at kapayapaan ay nasa harap niyo na. Ano pa bang hinahanap nyo?

Sa pamamagitan ng Panginong Hesus nakilala natin ang tunay na Diyos, nakarating sa atin ang mabuting Balita. Nung tanggapin natin ang Panginoong Hesus, in a way ay nakita na din natin ang mukha ng Diyos dahil natagpuan na natin ang kaligtasan, kapahingahan, lubos na kagalakan, satisfaction, security at kapayapaan.

Sabi ng kasabihan ng matatanda, dumating tayo sa mundong ito ng hubad at walang dala, tayo din ay mamamatay ng hubad at walang dala, kung ikaw ay nakay Kristo hindi ka mamamatay ng hubad at walang dala. Dahil sa Panginoong Hesus tayo na nakipag isa sa kanya, tinakpan niya ang ating kahubaran at dinamitan nya ng kanyang katwiran. Hindi tayo mamamatay ng walang dala, dahil dala natin ang pangako ng buhay na walang hanggan dahil kay Kristo. Dala natin ang pangako na makakasama natin siya, dala natin ang pag-asa sa ipinangakong mana mula sa Diyos Ama para sa lahat na itinuring na anak ng Diyos.

Ama sinabi mo na kung kami ay nagkukulang sa karunugan ay humingi kami sayo at ito’y ipagkakaloob mo sa amin. Sinabi mo na kung kami ay nanghihina at nanlulupaypay ay lumapit kami sayo at kami ay iyong pagpapahingahin.

Share your thoughts about this post...

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.