Isang Position Paper tungkol sa Biblical Gospel, sa Diyos Ama, kay Jesu-Cristo, at sa Kautusan (by PCEC Theological Commission)

Isa itong biblical at theological na sagot sa maling turo tungkol sa kalikasan ng Diyos Ama, kay Jesu-Cristo, at sa Kautusan at sa Gospel na kumalat online kamakailan. Kahit na ang gusto lang sana nilang mangyari ay magsuri ng mga biblical truths, naapektuhan nito ang maraming churches na miyembro ng PCEC nang mag-viral ang teaching. Kaya naman, isinulat ang position paper na ito para gabayan ang ating Evangelical community.

Exodus 32 • Ang Gintong Baka

Ang Diyos ng Exodus 32 ay ang Diyos nating mga Kristiyano. At ang Diyos na ito, si Yahweh, ay committed at zealous para sa kanyang sariling karangalan. Hindi niya hahayaang ang puso natin ay magpatuloy na tumingin sa mga bagay na higit na mababa ang halaga kung ikukumpara sa Diyos. God is committed in exposing our idols—hangga’t meron pang natitirang diyos-diyosan sa puso natin. At ‘wag tayong matatakot kapag ginagawa ‘yan ng Diyos.

Part 7 – “Makikita Mo ang Gagawin Ko” (Ex. 6:1-7:7)

Mas madali kasi sa atin na tumingin sa tao at sa gagawin ng tao—sa responses ng mga unbelievers kapag nag-share tayo ng gospel sa kanila, sa responses ng mga members ng church kapag tinutulungan natin sila sa discipleship, at pati sa sarili nating magagawa lalo pa kung nakita natin yung mga failures natin o yung hindi magandang resulta ng ginawa natin. So, ang dapat nating tingnan ay kung ano ang ginagawa ng Diyos, at abangan kung ano ang sinabi ng Diyos na gagawin niya.

Part 3 – Ano ang Pangalan Mo? (Ex. 3:1-15)

‌God is an invisible God. Kung hindi siya magpapakita sa atin, hindi natin siya makikita. Pero sa kanyang kabutihan hinayaan niya na makita ng tao ang ilang aspeto ng pagka-Diyos ng Diyos. Kay Adam. Kay Abraham. Kay Isaac. Kay Jacob. At dito kay Moses. At ngayon, we have the fullness and sufficiency of God’s self-revelation in Scripture. Hindi na natin kailangang maghintay ng burning bush para makita ang Diyos. As we read the Scripture, nakikita natin (through the eyes of our faith) si Cristo. God’s self-revelation in Christ is a much better than the burning bush of Moses.