Ito ang ibig sabihin na mapabilang sa covenant people of God. Kinikilala natin na napabilang tayo dahil lamang sa biyaya ng Diyos. Hindi dahil mas karapat-dapat tayo kaysa sa iba. By grace alone through faith alone in Christ alone. At kasama sa pagiging covenant people of God ang pagtupad ng mga obligasyon na dapat nating gawin para makapamuhay ayon sa nais ng Diyos para sa mga taong kabilang sa kanyang tipan. Hindi tayo ang nagse-set ng sarili nating rules sa covenant na ‘to. Ang Diyos ang sovereign King at tayo ay nasa ilalim ng kanyang pamamahala.
Part 1: The Story of the Church as the People of God
Tama ang sinabi ni Edmund Clowney, “The story of the church begins with Israel, the Old Testament people of God” (The Church, p. 28). So ang church ay hindi lang New Testament reality. Hindi rin ito bagong plano ng Diyos, o plan B ng Diyos. Ito ay nasa isip na ng Diyos mula sa Old Testament. Sabi ni apostle Peter sa church, “You are a chosen race, a royal priesthood, a holy nation, a people for his own possession” (1 Pet. 2:9). Siksik ‘yan ng Old Testament references. Lalo na yung sinabi ng Diyos tungkol sa Israel noong nasa Mount Sinai na sila, “…you shall be my treasured possession among all peoples…you shall be to me a kingdom of priests and a holy nation” (Ex. 19:5-6).
Part 11 – Pag-alala sa Pagliligtas ng Diyos (Ex. 12:1-13:16)
Mahalagang maunawaan ang gospel. Kung ang pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan—at sa buhay natin—mahalagang palaging marinig, mahalagang palaging alalahanin, mahalagang balik-balikan, mahalagang tiyakin natin na hindi natin ‘to makakalimutan. Meron kasi tayong sakit na tinatawag na “gospel amnesia.”
The Story of God (new edition)
Ang manual na 'to ay guide para makatulong sa atin na ma-ishare ang gospel at kung paano ito makikita sa buong Kuwento ng Bibliya. Kasama dito ang ilang mga basic stories na pwede nating gamitin in a span of 12 group sessions.
