Part 20: Ang Kabayaran ng Pagsuway (Exod. 20:22-22:20)

Mahalaga ang Old Testament law para sa ating mga Christians ngayon, hindi by way of direct application. Siyempre hindi ganun. Kundi dapat makita natin na ito ay tungkol unang-una sa relasyon ng Diyos sa kanyang redeemed people, kung ano ang gusto niyang gawin nila in response sa pagliligtas na ginawa sa kanila ng Diyos, kung paano sila mamumuhay para sila’y maging “kingdom of priests” at “holy nation” (Ex. 19:5-6).

The Apostles’ Creed Part 4 – Jesus Christ, His Only Son, Our Lord

Yung mas mahalagang identity o pagkakakilanlan ko ay ang pagiging Christian: “I am a Christian.” Pero siyempre palasak na ‘yan, kasi halos lahat ng tao sa paligid natin sasabihin nila “Christian” din sila, ibang sekta nga lang, o sa pangalan lang (nominalism). Pero sana tayong lahat ay naiintindihan natin kung ano ang ibig sabihin ng Christian. Na hindi lang tayo basta naniniwala na may Diyos, o relihiyoso tulad din ng iba. Kundi yung identity natin na nakakabit kay Cristo, kaya nga Christian, si Cristo ang nasa sentro, si Cristo ang lahat-lahat.