Part 9 – Yahweh vs Pharaoh (Rounds 5 to 9) (Ex. 9-10)

We must realize, as followers of Christ, na hindi lang ito kuwento ng Israel. Nakakonekta tayo rito dahil kay Cristo na siyang fulfillment ng lahat ng ito. So, this is also our story as God’s people. Kaya mahalaga na hindi lang natin marinig, mapanood, ma-imagine, maramdaman yung “drama” ng kuwentong ito. Mahalaga yung tamang “doktrina” na nanggagaling sa kuwentong ito. Ano ang itinuturo nito tungkol sa Diyos natin? Tungkol sa pagliligtas ng Diyos sa atin? Tungkol kay Cristo? Tungkol sa buhay natin? May drama, may doktrina.

Part 8 – Yahweh vs Pharaoh (Rounds 1 to 4) (Ex. 7:8-8:32)

Sapat na ang pruweba na ibinigay sa atin ng Diyos. Gumawa sila Moises ng himala para patunayang si Yahweh lang ang nag-iisang Diyos at ang kanyang salita ay makapangyarihan at mapagkakatiwalaan. Ngayon, hindi na natin kailangang makakita ng himala o gumawa ng himala para patunayang makapangyarihan ang salita ng Diyos. Ang muling pagkabuhay ni Jesus ang “huling himala” na kailangan natin para makumpirma na totoo nga ang mabuting balita na si Cristo ay naparito para iligtas tayong mga alipin ng kasalanan.