Pwede naman palang online ang church?

Apektado ang lahat sa hindi pagtitipon ng church—yung mga mature man sa pananampalataya o yung mga hindi. Lahat tayo ay kailangang makita ang ating mga kapatid sa pananampalataya at marinig ang mga kuwento ng kanilang buhay. Kasi kung hindi, ang mga nakakasama lang natin palagi ay mga katrabaho, kaklase, o yung mga karakter sa mga pinapanood natin sa TV.

Babalik Ka ba sa Church o Hindi?

Hindi na natin pwedeng i-assume na lahat ng mga sumasampalataya kay Kristo ay naiintindihan kung bakit kailangan nila ang church. Isipin natin, mas marami ang mga taong nagsasabi na Kristiyano sila kaysa doon sa mga uma-attend nang regular sa church. At kahit nga sa mga dumadalo, kakaunti pa rin sa mga iyan ang nagsisilbi at nagbibigay sa kanilang church. Kaya huwag nating isipin na COVID-19 ang may kasalanan kung bakit hindi na nagsisimba ang ilang mga Kristiyano. Milyun-milyon ang dati nang hindi talaga committed na dumalo sa church bago pa man naging problema ang online registration, social distancing at pagsuot ng mask.

[Book] Habakkuk: Pag-asa sa Panahon ng Pandemic

Kung ikaw ay nakay Cristo, saang church ka man kabilang, prayer ko na magbigay sa ‘yo ang librong ito ng panibagong kalakasan at matibay na pag-asa na matatagpuan sa Diyos na makapangyarihan at mahabagin sa lahat. Kung ikaw ay isang pastor o tagapagturo din ng Bibliya, prayer ko na maging isang helpful resource ang librong ito para maituro mo ang salita ng Diyos sa maraming mga tao ngayon na dumaranas ng kalungkutan, depression, anxieties, at mga struggles sa kanilang pananampalataya. Sa Diyos ang lahat ng papuri.