Sobrang hirap para sa mga kapatiran sa buong mundo ang pandemyang ito dahil nga sa maraming lugar, hindi nakakapagtipon ang mga church at nakakapakinig ng salita ng Diyos nang sama-sama. Ang pakiramdam ko nga ay pagkatapos ng ilang buwan na hindi kami nagtitipon, na para bang nawawalan na ako ng koneksyon sa church namin. Hirap akong sumagot kapag minsan ay tinatanong ako ng mga kaibigan ko, “Kumusta ang church ninyo?” Tinatawagan ko ang mga members at nakikipag-chat at messaging sa kanila, pero hindi ko pa rin maramdaman na connected ako sa buong church. Para kaming hiwa-hiwalay na isla na hindi mo malaman kung paano magkakasama-sama ulit.
Ang mga elders namin ay sobrang concerned sa mga members na nahihirapan sa pananampalataya at may mga kinakaharap na temptations. Worried naman ako para sa mga nalilihis ng landas, na konti na lang ay baka tuluyan nang maglayas at lumayo sa Diyos.
Pero apektado ang lahat sa hindi pagtitipon ng church—yung mga mature man sa pananampalataya o yung mga hindi. Lahat tayo ay kailangang makita ang ating mga kapatid sa pananampalataya at marinig ang mga kuwento ng kanilang buhay. Kasi kung hindi, ang mga nakakasama lang natin palagi ay mga katrabaho, kaklase, o yung mga karakter sa mga pinapanood natin sa TV.
Nung nagsimula ang pandemya, mga quarantine, at lockdown, maraming mga church ang nagmadali na ilipat ang kanilang mga services online. Maraming natuwa sa idea ng “virtual church.” May mga pastor na sobrang ayaw sa ganitong idea noon na biglang nagbukas ng mga “virtual campuses” at nag-hire ng mga full-time pastors para sa mga online ministries na ito na sabi nila ay magpapatuloy hangga’t kailangan. Sabi ng iba, ito raw ay isang exciting development sa kasaysayan ng katuparan ng Great Commission.
Pero isipin natin, ano ba ang nawawala sa “church experience” natin kung ang lingguhang pinupuntahan natin ay isang livestream lang? Unang-una, mas madalang mo nang maisip at pag-isipan ang mga buhay ng mga kasama mo sa church. Madalang na silang sumagi sa isip mo, kasi hindi mo na sila nakakasalubong at nakakakuwentuhan—na minsan ay umaabot pa sa mas mahabang kwentuhan kapag kumain kayo ng magkasabay. Para bang inalis natin sa ating mga sarili yung responsibilidad na magbigay ng encouragement, accountability, at pagmamahal sa mga taong ito.
Maganda nga iyong pwede nating ma-“download” ang mga katotohanan sa Bibliya sa pamamagitan ng mga livestreams at mga recordings. Pero isipin natin na ang buhay Kristiyano ay hindi lang pag-iipon ng impormasyon. Kapag ang church natin ay livestream lang, hindi natin nakikita ang mga katotohanan ng salita ng Diyos na nagiging totoo sa mga anak ng Diyos. At dahil hindi natin ito nararanasan, hindi napapalakas ang ating pananampalataya at hindi natin naibibigay ang pagmamahal na kailangang maramdaman ng kapatiran—pagmamahal na galing mismo sa atin.
Pag-isipan mo itong mabuti. Tingnan mo ang mga maaaring mangyari sa isang pagtitipon. Maaaring may tinatago kang galit sa kasama mo sa church buong linggo. Pero nang makasama mo siya sa Lord’s Table, hinikayat ka ng Diyos na i-confess ang galit na ito sa kanya. Maaaring mayroon kang mga duda sa isang kapatid mo sa pananampalataya. Pero nung nakita mo siyang umaawit ng papuri sa Diyos, dahan-dahang nabura ang pagdududa mo sa kanya. Maaaring marami kang worries sa kung anong nangyayari sa mga pulitiko at gobyerno ng iyong bansa. Pero napaalalahanan ka ng preacher na si Kristo ay babalik at itatama niya ang lahat ng mali—at narinig mo ang mga response ng “Amen!” galing sa iyong mga kapatid—at biglang na-encourage ka nga na ang pag-asa natin ay nasa Diyos at sa dadalhin niyang tagumpay sa katapusan ng lahat. Maaaring naiisip mo na itago na lang ang mga problema mo at sarilinin na lang. Pero nang makausap ka ng mas nakakatandang member sa church ninyo, at narinig mo ang mahinahon niyang tanong, “Kumusta ka ba talaga?” —napagtanto mo na kailangang meron ding ibang dapat makaalam kung ano ang pinagdadaanan mo.
Lahat ng nasabi kong sitwasyon ay hindi natin mararamdaman sa online ministry at livestream. Nilalang tayo ng Diyos na physical at relational— may katawan at kailangan ang relasyon sa ating kapwa. Ang buhay Kristiyano at ang buhay natin sa church ay hindi nada-“download.” Ito ay kailangang nakikita sa buhay ng iba, naririnig, at sinasadyang sundin. Kaya naman ang exhortation ni apostol Pablo kay Timothy ay pakaingatan ang kanyang buhay at pagtuturo, dahil importante ito sa kaligtasan niya at ng mga taong nakikinig sa kanya (1 Tim. 4:16).
Kaya hindi rin naman nakakagulat na mas gusto ng marami ang virtual church o online church. Convenient siya, kasi sa totoo lang, hindi mo kailangang harapin yung mga masalimuot na problema ng pakikisama sa iba. Naiintindihan natin iyon—napakasarap isipin na hindi mo na kailangang problemahin ang mga iyon. Noong ako ay single at kakalipat lang sa isang bagong siyudad, wala akong church at wala din akong kilala. Bigla kong naisip, pwede kong gawin ang anumang gusto kong gawin. Wala namang nakakakilala sa akin at magtatanong tungkol sa akin. Medyo masarap isipin ang ganun. Buti na lang, na-rebuke ako ng Holy Spirit: “Alam mo kung saan galing ang mga naiisip mo. Hindi dapat pinapatulan at sinusunod ang mga ganyan.” Grabe ang grasya ng Diyos sa akin nung araw na iyon. Pero huwag nating kaligtaan ang dapat nating matutunan dito—na ang kapatiran sa church ay ginagamit talaga ng Diyos para tulungan tayong labanan ang temptation at mga kalokohang naiisip nating gawin.
Totoong mahirap nga ang mga relasyon sa church kapag nagtitipon tayo, pero mahirap din naman ang magmahal ng kapwa. Masalimuot talaga ang mga relasyon sa kapatiran, pero masalimuot din naman magmahal ng kapwa. Nakakatakot ang honest na conversations, pero nakakatakot din naman magmahal ng kapwa.
Natatakot rin kami na kapag nasanay tayo sa “virtual church,” masasanay din tayong maging “individual” lang sa pagiging Kristiyano, sa halip na kabilang sa isang kapatiran o community. Pwede naman nating sabihin na ang online ministry ay may magandang gamit din sa panahon ng emergency, katulad ng pandemya ngayon. Noong World War II, natigil ang mga evening church services sa mga siyudad sa America na malapit sa dagat dahil nagmandato ang gobyerno ng mga blackout dahil sa pwedeng bombahin ng kalaban ang mga lugar na ito kapag may ilaw sa gabi. Maayos naman ang mandatong iyon. Pero kung sasabihin natin na permanent option na ang “virtual church”—kahit maganda ang intensyon—ito ay nakakasira sa discipleship ng mga Kristiyano. Sinasabi natin sa mga Kristiyano na ang pananampalataya nila ay maaaring mag-survive kahit mag-isa sila. Sinasabi natin na pwede silang sumunod kay Kristo at maging bahagi ng pamilya niya, kahit hindi sila talaga maging pisikal na parte ng pamilyang iyon at mag-sakripisyo para sa kanila.

Kaya nga ang mga pastor ay dapat pinapaalala sa mga members ng church nila na hindi maganda ang “virtual church” sa pangmatagalan. Sinabi ko ito mismo sa mga elders ng church namin kamakailan lang, “Mga kapatid, kailangan nating makahanap ng paraan para mahinahong ipaalala sa kapatiran na hindi rin talaga makakabuti sa kanila ang livestream. Hindi ito makakatulong sa kanilang discipleship, at hindi ito makakatulong sa kanilang pananampalataya. Kailangang malinaw ito sa kanila, kasi baka masanay na sila sa livestream at hindi na nila maramdaman ang pangangailangan na dumalo sa pagtitipon.” Ang utos ng Bible para magtipon ay hindi pabigat sa atin (Heb. 10:25; 1 Jn. 5:3), kundi ito ay nakabubuti sa ating pananampalataya, sa ating pagmamahalan, at sa ating kasiyahan bilang magkakapatid kay Kristo.
// Jonathan Leeman, mula sa chapter 3 ng Balik Tayo sa Church: Bakit Essential ang Katawan ni Kristo, ongoing Taglish translation of Rediscover Church: Why the Body of Christ Is Essential.
Photo by Libby Penner on Unsplash