Maraming mga mananampalataya ay natutuksong hindi dumalo sa pagtitipon ng church. Kung ang ating pagtitipon in-person ay kakaiba, maraming restrictions, convenient naman online, at ang ating pisikal na pagtitipon ay medyo mapanganib, bakit pa kailangan natin mag-meet in person? Kaya kailangan nating pag-isipan kung gaano ka-importante ang pagtitipon ng church.
Tag: covid-19
Pwede naman palang online ang church?
Apektado ang lahat sa hindi pagtitipon ng church—yung mga mature man sa pananampalataya o yung mga hindi. Lahat tayo ay kailangang makita ang ating mga kapatid sa pananampalataya at marinig ang mga kuwento ng kanilang buhay. Kasi kung hindi, ang mga nakakasama lang natin palagi ay mga katrabaho, kaklase, o yung mga karakter sa mga pinapanood natin sa TV.
Babalik Ka ba sa Church o Hindi?
Hindi na natin pwedeng i-assume na lahat ng mga sumasampalataya kay Kristo ay naiintindihan kung bakit kailangan nila ang church. Isipin natin, mas marami ang mga taong nagsasabi na Kristiyano sila kaysa doon sa mga uma-attend nang regular sa church. At kahit nga sa mga dumadalo, kakaunti pa rin sa mga iyan ang nagsisilbi at nagbibigay sa kanilang church. Kaya huwag nating isipin na COVID-19 ang may kasalanan kung bakit hindi na nagsisimba ang ilang mga Kristiyano. Milyun-milyon ang dati nang hindi talaga committed na dumalo sa church bago pa man naging problema ang online registration, social distancing at pagsuot ng mask.