Inihahandog sa inyo ng Treasuring Christ PH ang audiobook version ng Balik Tayo sa Church: Bakit Essential ang Katawan ni … More
Category: Publishing
“Balik Tayo sa Church” Print Paperback Now Available!
Ang mga churches ngayon ay humaharap sa maraming mga mahihirap na isyu. Maaaring isa ka sa mga nag-iisip kung sulit ba ang mag-commit sa isang local church. Ang librong ito ay napapanahong paalala na ang church ay hindi lang basta isang livestream—ito ay isang essential fellowship ng mga miyembro ng pamilya ng Diyos na isinusulong ang misyon ng Diyos.
Babalik Ka ba sa Church o Hindi?
Hindi na natin pwedeng i-assume na lahat ng mga sumasampalataya kay Kristo ay naiintindihan kung bakit kailangan nila ang church. Isipin natin, mas marami ang mga taong nagsasabi na Kristiyano sila kaysa doon sa mga uma-attend nang regular sa church. At kahit nga sa mga dumadalo, kakaunti pa rin sa mga iyan ang nagsisilbi at nagbibigay sa kanilang church. Kaya huwag nating isipin na COVID-19 ang may kasalanan kung bakit hindi na nagsisimba ang ilang mga Kristiyano. Milyun-milyon ang dati nang hindi talaga committed na dumalo sa church bago pa man naging problema ang online registration, social distancing at pagsuot ng mask.
[Book] Habakkuk: Pag-asa sa Panahon ng Pandemic
Kung ikaw ay nakay Cristo, saang church ka man kabilang, prayer ko na magbigay sa ‘yo ang librong ito ng panibagong kalakasan at matibay na pag-asa na matatagpuan sa Diyos na makapangyarihan at mahabagin sa lahat. Kung ikaw ay isang pastor o tagapagturo din ng Bibliya, prayer ko na maging isang helpful resource ang librong ito para maituro mo ang salita ng Diyos sa maraming mga tao ngayon na dumaranas ng kalungkutan, depression, anxieties, at mga struggles sa kanilang pananampalataya. Sa Diyos ang lahat ng papuri.