Simula nang tayo ay sumampalataya kay Cristo, nag-move-in na ang Espiritu para manirahan sa atin. Hindi para bumisita at magkape. Hindi para tumambay lang nang matagal-tagal. Hindi para mag-overnight lang. Hindi para mag-staycation lang. Hindi naman parang hotel ang puso natin. Itong katawan natin ang permanent residence niya.
