Itinuturo sa atin ng salita ng Diyos dito sa Ephesians 2:8-10 na hindi dahil sa mabuting gawa natin kaya tayo naligtas, kundi dahil sa kabutihan ng Diyos at sa pamamagitan ng mabuting ginawa ni Cristo sa krus. Hindi ang mabuting gawa natin ang dahilan at paraan para tayo ay maligtas; ang mabuting gawa ang resulta ng kaligtasang tinanggap natin. ‘Yan ang good news of our salvation.
Ephesians 1:7-10 • Tinubos ng Anak
Kung wala si Cristo, kung hiwalay ka kay Cristo, walang redemption, walang salvation. Kaya ‘wag na ‘wag nating tatangkaing hanapin ang anuman sa mga pagpapalang ito nang hiwalay kay Cristo. Outside of Christ, hindi mo mahahanap ang isa man lang sa mga pagpapalang ‘yan.
Ang Pag-evangelize sa mga Naniniwala sa Prosperity Gospel
Malinaw ang sinabi ni Pablo na lahat ng Kristiyano, lalo na ang mga pastor, ang dapat na nagbabahagi ng ebanghelyo at dapat tayong “maging handa na mangaral ng Salita ng Diyos napapanahon man o hindi” (2 Tim. 4:1–5). Paano ngayon natin ibabahagi ang ebanghelyo sa mga naniniwala sa prosperity “gospel”?
Hebrews 5:11-6:8 • Ang Seryosong Kahalagahan ng Paglagong Kristiyano
Gaano man ka-tempting sa atin na umayaw na kapag hirap na hirap na sa buhay Kristiyano, nawa’y hindi natin masabi, “Ayaw ko na kay Cristo!” and walk away from the faith. Gaano man ka-attractive ang mga kayamanan at kasiyahan na inaalok ng mundong ito, nawa’y hindi natin ipagpalit si Cristo sa mga bagay na iyan. At nawa’y ‘wag din tayong maging kumpiyansa sa sarili natin na tinatawag nga natin ang sarili natin na “tagasunod ni Cristo,” kahit na walang nakikitang paglago sa buhay natin ay magiging panatag na tayo at aakalaing okay na ang lahat.
