Part 14: Pagkain at Pahinga para sa mga Reklamador (Ex. 15:22-17:7)

‌“Sinasamahan ba tayo ng Panginoon o hindi”? Kapag may mga difficulties kasi, napakadali sa atin ang makalimutan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos na nagligtas at magliligtas sa atin. Ang dali nating pagdududahan ang kanyang pagsama sa araw-araw, at ang kanyang katapatan na tuparin ang lahat ng kanyang pangako at layunin. Tulad ng nangyari sa mga Israelita sa sumunod na bahagi ng kuwento ng Exodus, mula 15:22 hanggang 17:7. Medyo mahaba ito, at merong tatlong eksena ang nakapaloob dito. Pero merong isang tema na nagbubuklod sa lahat ng ito—yung problema nila sa pagrereklamo. Tingnan natin kung ano ang problema sa puso nitong mga Israelita sa kuwentong ito, at tingnan din natin kung paano ipinapakilala ng Diyos ang sarili niya sa mga responses niya sa pagrereklamo nila.

Now Available: Gospel Fundamentals Series by Greg Gilbert

Sinagot ni Greg Gilbert sa tatlong librong ito—Ano ang Gospel?, Sino si Jesus?, at Bakit Maaasahan ang Bible?—ang tatlo sa pinakamahahalagang mga tanong tungkol sa Christianity. Saktong-sakto ito para sa mga Christians na at pati na rin sa mga hindi pa Christians. Pwede mong i-consider ang mga librong ito para magamit nang regular sa pagbabahagi ng gospel sa mga unbelievers, sa pagdidisciple ng mga kasama mo sa church, at maging sa pagtuturo sa mga bagong members ng church.