Kapag may away kayong mag-asawa, tandaan mong hindi ang asawa mo ang kaaway mo. Hindi siya ang dapat mong labanan. Your enemy is your sinful self. Kahit pa nasasaktan ka ng asawa mo, tandaan mong ang kasalanan sa puso mo ang dapat mong labanan at patayin.
Part 7 – Love, Sex and Holiness
Klarong-klaro ang kalooban ng Diyos. Our sanctification. Noong tayo'y iniligtas ni Cristo, sinimulan din niya ang image restoration project sa atin. Para unti-unti, araw-araw, progressively, hinahatak niya tayo palayo sa kasalanan at kamunduhan, at inilalapit niya tayo sa Diyos at sa kanyang kabanalan para tayo'y maging tulad niya.
