Sinagot ni Greg Gilbert sa tatlong librong ito—Ano ang Gospel?, Sino si Jesus?, at Bakit Maaasahan ang Bible?—ang tatlo sa pinakamahahalagang mga tanong tungkol sa Christianity. Saktong-sakto ito para sa mga Christians na at pati na rin sa mga hindi pa Christians. Pwede mong i-consider ang mga librong ito para magamit nang regular sa pagbabahagi ng gospel sa mga unbelievers, sa pagdidisciple ng mga kasama mo sa church, at maging sa pagtuturo sa mga bagong members ng church.
Sino ang dapat mag-preach ng gospel?
Habang ipinapaubaya na lamang ng iba ang evangelism sa mga preachers, sa mga experts sa apologetics, o marahil sa mga extroverts, iginigiit sa atin ng Bagong Tipan na dapat lahat ng mga Kristiyano ay aktibo sa evangelism: Halimbawa: Makikita natin ito sa halimbawa ng mga unang Kristiyano: “Ang mga mananampalatayang nangalat sa ibaʼt ibang lugar … Continue reading Sino ang dapat mag-preach ng gospel?
Ano ang ilan sa mga inaakala ng mga tao na “gospel”?
Heto ang ilan: 1. Gusto ng Diyos na yumaman tayo. May mga preachers ngayon na nagsasabi na ang mabuting balita ay gusto ng Diyos na tayo ay pagpalain ng maraming pera at ari-arian—at ang kailangan lang natin na gawin ay humingi! Pero ang gospel ay isang mensahe patungkol sa pang-espirituwal na pagpapala (Eph. 1:3): Ipinadala … Continue reading Ano ang ilan sa mga inaakala ng mga tao na “gospel”?
Ano ang “conversion”?
Ang conversion ay isang U-turn sa buhay ng isang tao. Ito ay ang pagbaling ng buong buhay ng isang tao mula sa kasalanan at patungo kay Cristo para sa kaligtasan. Mula sa pagsamba sa diyus-diyosan patungo sa pagsamba sa tunay na Diyos.
