Habang ipinapaubaya na lamang ng iba ang evangelism sa mga preachers, sa mga experts sa apologetics, o marahil sa mga extroverts, iginigiit sa atin ng Bagong Tipan na dapat lahat ng mga Kristiyano ay aktibo sa evangelism:
- Halimbawa: Makikita natin ito sa halimbawa ng mga unang Kristiyano: “Ang mga mananampalatayang nangalat sa ibaʼt ibang lugar ay nangaral ng Magandang Balita” (Gawa 8:4 ASD). At sa Gawa 11:19–21 ay sinasabi naman sa atin na lahat ng mananampalataya ay nagpahayag ng Magandang Balita habang sila ay kumakalat sa Jerusalem.
- Tagubilin: Mayroon ding tagubilin para sa atin si Pedro nang sinabi niya, “Dapat lagi kayong handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa ninyo” (1 Ped. 3:15 ASD).
- Alang-alang sa pag-ibig: Kung totoong mahal mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili (Mar. 12:31, San. 2:8), mayroon pa bang ibang mas mahalaga at mas mainam na paraan para ipakita ang pag-ibig mo sa iyong kapwa bukod sa pagbabahagi sa kanya ng Magandang Balita?
(This material has been adapted from The Gospel and Personal Evangelism by Mark Dever, 45-53)
*Original 9Marks article here.