Heto ang ilan:
1. Gusto ng Diyos na yumaman tayo.
May mga preachers ngayon na nagsasabi na ang mabuting balita ay gusto ng Diyos na tayo ay pagpalain ng maraming pera at ari-arian—at ang kailangan lang natin na gawin ay humingi! Pero ang gospel ay isang mensahe patungkol sa pang-espirituwal na pagpapala (Eph. 1:3): Ipinadala ng Diyos si Jesu-Cristo para mamatay at muling nabuhay para sa atin para gawin niya tayong matuwid sa Kanyang harapan, ipagkasundo sa Diyos, at bigyan tayo ng buhay na walang hanggan kasama ang Diyos (Rom. 3:24-25; 6:32, 2 Cor. 5:18-21). Bukod dito, ipinangako ng Bibliya na ang mga Cristiano ay hindi magkakaroon ng kasaganaang pang-materyal sa buhay na ito, pero kahirapan (Acts 14:22), pag-uusig (2 Tim. 3:12), at pagtitiis (Rom. 8:17), at lahat ng ito ay balang araw magbibigay daan sa hindi maipaliwanag na kaluwalhatian (2 Cor. 4:17; Rom. 8:18)
2. Ang Diyos ay pag-ibig at tayong mga tao ay okay lang.
May mga tao na nag-iisip na ang gospel ay mahal tayo ng Diyos at tanggap Niya tayo sa kung sino tayo. Pero sinasabihan ng biblical gospel ang mga tao bilang makasalanan at karapat-dapat sa galit ng Diyos (Rom. 3:23, John 3:36) at sinasabi rin sa mga tao ang pangunahing solusyon ng Diyos: Ang kamatayan ni Jesus sa krus nang inako Niya ang mga kasalanan natin. Tinatawag ng gospel ang mga tao sa parehas na radikal na tugon: na magsisi mula sa kanilang kasalanan at magtiwala kay Cristo para sa kaligtasan.
3. Kailangan nating mamuhay nang tama.
Ang gospel ay hindi isang mensahe na nagsasabi sa atin na mamuhay tayo ng mas mabuting buhay para magawa nating itama ang sarili natin sa harapan ng Diyos. Sa katunayan ang gospel ang nagsasabi ng eksaktong kabaligtaran: hindi natin kayang gawin ang nakakalugod sa Diyos at hindi natin kailanman kayang gawin na katanggap-tanggap ang sarili natin sa Kanya (Rom. 8:5-8). Pero ang mabuting balita ay ginawa ni Jesus para sa atin ang hindi natin kayang gawin para sa sarili natin: sa pamamagitan ng matuwid Niyang pamumuhay at noong dinala Niya ang galit ng Diyos doon sa krus tiniyak Niya ang kaligtasan ng mga tao na tatalikod mula sa kanilang mga kasalanan at magtitiwala sa Kanya (Rom. 5:6-11, 8:31-34).
4. Dumating si Jesus para baguhin ang lipunan.
May mga tao na naniniwala na ang misyon ni Jesus ay baguhin ang lipunan at magdala ng hustisya sa mga inaapi sa pamamagitan ng isang political revolution. Pero itinuturo ng Bibliya na ang mundo ay magiging tama lamang kapag dumating na ulit si Jesus upang magbigay-hatid sa isang bagong langit at bagong mundo (2 Thess. 2:9-10, Rev. 21:1-5). Ang gospel ay isang mensahe patungkol sa kaligtasan mula sa galit ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, hindi ang pagbabago ng lipunan sa kapanahunan ngayon.
(Some of this material has been adapted from Nine Marks of a Healthy Church by Mark Dever, pages 80-90)
Translated by Gab Nacu from the original 9Marks article, “What are some messages that people falsely claim are the gospel?”
Nawa’y lumayo ang mga tao ng Diyos sa mga nangangaral ng ganitong “false gospels”
LikeLike