Ang church mismo ay biyaya ng Diyos para sa ating paglago sa gospel. Si Cristo ang source ng lahat ng biyaya—para sa kaligtasan at sa pang-araw-araw na lakas na kailangan natin. Binigay niya ang mga church leaders para i-equip ang mga members, at ang bawat member naman ay tinawag para maglingkod at magtulungan. Kapag lahat ay gumagawa ng bahagi nila, ang resulta ay unity, maturity, at paglago kay Cristo. Pero kung walang growth, madaling matangay ng maling katuruan. Kaya’t ang bawat isa—leaders at members—ay mahalaga sa pagpapalakas ng buong katawan ni Cristo.
Pwede Ko Bang Ituring ang Small Group Bilang Church Ko?
Maraming churches ang mayroong small-group ministry. Kahit na maraming pakinabang ang pagsali sa isang small group, hindi ito maaaring maging pamalit sa pangunahing pagtitipon ng church. Kung ang small group mo ay nagiging church mo na, may mga bagay kang hindi nararanasan.
Paano ako makakapag-disciple ng ibang mga Kristiyano?
Heto ang ilang mga praktikal na suggestions sa pagdi-disciple ng mga Kristiyano. Tulad ng pagiging church member, pakikipagkaibigan, at ilan pang mga praktikal na hakbang na pwedeng gawin para sa intentional discipleship.
Sino si Jesus? Study Guide (Free Download)
Isinulat ni Greg Gilbert ang librong Sino si Jesus? upang matulungan ang mga babasa nito na sagutin ang napakahalagang tanong na ito. Sinulat namin ang study guide na ito para gabayan ka sa pagbabasa ng kanyang libro. Nakadisenyo ang mga ito na maging evangelistic tool, pero magagamit din ito para i-disciple ang mga bagong Kristiyano.
