Heto ang tatlong dahilan kung bakit hindi lang tayo inaanyayahang magmahalan kundi obligado tayong magmahalan: una, ang pagmamahalan ay nagpapatunay na tayo nga ay mga tunay na anak ng Diyos; ikalawa, ang pagmamahalan ay bunga ng magandang balita ng kaligtasang tinanggap natin; ikatlo, ang pagmamahalan ay nagpapatotoo na ang presensiya ng Diyos ay nasa church natin. At lahat ng ito ay may kinalaman sa isang mahalagang katotohanan: ang Diyos ay pag-ibig, at ipinakita niya ang pagmamahal niya sa atin sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanyang sarili sa pamamagitan ni Cristo.
Undivided Devotion (1 Cor. 7:25-40)
Kanino nakatali ang kaligayahan mo? Kung kay Cristo, at sana kay Cristo, siya ang mamahalin mo, sasambahin mo, paglilingkuran mo, at susundin mo. At hindi mo hahayaang sinuman o anuman ang mamagitan sa relasyon mo kay Cristo.
