Ang panalangin ni Cristo para sa pagkakaisa ng mga Kristiyano ay isang malaking challenge sa mga churches ngayon. Sa article na 'to, tinukoy ni Conrad Mbewe ang sampung paraan kung paanong maaaring makasira ng church, kabilang ang pagiging makasarili, kawalan ng pasensya, at tsismis. Kaya dapat nating ipaglaban ang tunay na pagkakaisa sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagkakaunawaan.
Part 10: Tulung-tulong sa Ministeryo
#8: Pagtutulungan natin ang pagpapatuloy ng mga ministeryo sa iglesyang ito na nakasentro sa Mabuting Balita ni Cristo, sa pagpapanatili ng sama-samang pagsamba, mga ordinansa, pagdidisiplina, at pagtuturo ng mga tamang doktrina, nang may mapagpakumbaba at masayang pagpapasakop sa mga itinalaga ng Diyos na mga tagapanguna (Gal. 1:6–9; 1 Cor. 5:1–13; 11:17–34; Heb. 13:17; 1 Pet. 5:1–5)
Church Unity and the Lord’s Supper (1 Cor. 11:17-34)
Part of what we do sa gathering natin na sinabi ng Panginoon na gawin natin ay Lord's Supper, once a month, sa iba once a week. Basta regular, yun ang mahalaga. Basta naiintindihan natin kung bakit, at kung paano natin dapat gawin. Ito ang problema din ng mga Christians ngayon - di natin naiintindihang mabuti kung gaano kahalaga ang Lord's Supper at ang implication nito sa relasyon natin sa isa't isa sa bilang magkakapatid kay Cristo.
