Sino ang nangunguna sa church? Bakit ito mahalaga sa Diyos? Ang panimulang pagtalakay nito sa maikling librong ito tungkol sa leadership structure ng church ay nag-uugnay ng iba't ibang church leadership roles sa isa't isa at sa kaluwalhatian ng Diyos.
Apat na Dahilan para sa Regular na Prayer Service sa Inyong Church
Kapag nagtitipon tayo upang bigyang-diin ang espirituwal higit sa pisikal, ang pangkalahatan higit sa indibidwal, pinagkakaisa natin ang mga miyembro ng church sa mga layunin ng Diyos para sa kanyang church. Ang pananalangin nang sama-sama ay nagdudulot ng pagmamalasakit para sa pagkakaisa ng lahat, at sa patotoo ng lahat bilang church.
Part 11: Tulung-tulong sa Misyon
#9: Patuloy tayong magbibigay nang masaya at naaayon sa pagpapala sa atin ng Diyos para makatulong sa ministeryo ng iglesya at mga gastusin nito, sa mga mahihirap at mga nangangailangan, at sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa lahat ng mga bansa (Matt. 28:19; Acts 2:44-45; 4:34-35; 1 Cor. 16:1-2; 2 Cor. 9:7; 1 Pet. 4:10-11).
Part 10: Tulung-tulong sa Ministeryo
#8: Pagtutulungan natin ang pagpapatuloy ng mga ministeryo sa iglesyang ito na nakasentro sa Mabuting Balita ni Cristo, sa pagpapanatili ng sama-samang pagsamba, mga ordinansa, pagdidisiplina, at pagtuturo ng mga tamang doktrina, nang may mapagpakumbaba at masayang pagpapasakop sa mga itinalaga ng Diyos na mga tagapanguna (Gal. 1:6–9; 1 Cor. 5:1–13; 11:17–34; Heb. 13:17; 1 Pet. 5:1–5)
