The Apostles’ Creed Part 13 – The Resurrection of the Body and Life Everlasting, Amen

Bihira na ituon natin ang isip natin sa eternity, o magkaroon ng eternal perspective sa mga bagay-bagay. Karaniwan, near-sighted tayo, nakapako ang atensyon sa mga bagay sa mundong ito. O baka kasi natatakot tayo na mamatay? Hindi mo alam kung ano ang haharapin mo pagkatapos, o baka natatakot ka na mawala ang mga bagay na meron ka ngayon that you hold so tightly. Baka masyado tayong nai-inlove sa mga bagay sa mundong ito.

The Apostles’ Creed Part 11 – The Holy Catholic Church, the Communion of Saints

Dahil sa word na "catholic" sa Apostles' Creed kaya hindi ginagamit ito ng ibang mga churches as part of their confession of faith. O kaya gagamitin nga, pero papalitan ng “Christian church.” Ano nga ba ang ibig sabihin ng “catholic” dito? Hindi ‘yan tumutukoy sa Roman Catholic Church specifically. Ibig sabihin, universal o pangkalahatan. Kaya sa Tagalog, “...sa banal na iglesiang pangkalahatan; sa kapulungan ng mga banal.” We will miss the essence of that word “catholic” kung tatanggalin o papalitan natin.

The Apostles’ Creed Part 10 – I Believe in the Holy Spirit

Habang lalo tayong nagiging Christ-centered sa buhay natin, sa Bible reading natin, sa prayer life natin, sa preaching natin, sa worship services natin, sa discipleship natin, sa engagement natin sa mundong ito, matutuklasan natin na yun pala ang ibig sabihin ng pagiging “Spirit-filled” o puspos ng Espiritu. Hindi pala yung pagsasalita ng kung anu-anong hindi mo maintindihan, o yung pagiging emotional sa worship services, or yung sa mga extraordinary na mga miracles ang pinaka-ebidensiya ng presensiya at pagkilos ng Espiritu.