Problems and Solutions (Nehemiah 5-6)

Lahat naman tayo may problema. Sa marriage, sa bahay, sa school, sa work, sa love life, sa araw-araw na buhay. At yung mga problemang yun ay makakahadlang sa atin sa work na pinapagawa ni Lord kung hindi natin haharapin. Hindi naman mawawala ang problema. Pwede kang lumipat ng church, pwede kang magresign as a pastor. Pero nandun pa rin ang problema. Hindi dapat iwasan o takasan. Dapat harapin.

Confession and Repentance (Ezra 9-10)

Mahirap na masanay sa kasalanan. Noong una mong ginawa naramdaman mo ang konsensya mo na nagsasabing guilty ka. Pero pag naulit, at kung paulit-ulit, natatahimik na ang konsensya mo, nasasanay na, namamanhid na ang puso mo, may kalyo na. Kahit pa laging nakikinig ka ng sermon every Sunday o sumusunod sa Bible reading plan, you can remain unmoved by the Word of God. Delikado 'yan. Wag sanang mangyari 'yan sa bawat isa sa inyo.