Introduction: Fear, Unbelief, and Idolatry
Sa pasimula ng series natin sa Genesis 1-11 last week, nakita natin na yung first two verses pa lang ng Genesis at ng buong Bible ay nagse-set na ng tone o tema ng buong kuwento ng Bibliya. Ito yung tema na in-explore ni Sidney Greidanus sa book niya na From Chaos to Cosmos: Creation to New Creation. Yung “chaos” ay yung magulo at di-maayos na kalagayan ng nilikha ng Diyos sa simula, bago niya ayusin ang lahat. Ito yung kino-communicate ng mga salitang “walang anyo at walang laman…kadiliman…kalaliman…mga tubig” (AB) sa Genesis 1:2. Sa ancient Near Eastern mythology, ang mga tubig sa dagat ay nagre-represent ng mga chaotic forces sa pamamagitan ng pagiging unpredictable at malupit nito (The Lexham Bible Dictionary, “chaos”). So, nung nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa, ginawa niya ito from chaos to cosmos. Ito ang defnition ng “cosmos” ayon sa Merriam-Webster Dictionary, “an orderly harmonious systematic universe.” Kabaligtaran ‘yan ng chaos. Titingnan natin ngayon sa pagpapatuloy natin sa Genesis 1 kung paanong ang walang anyo ay nagkaroon ng anyo, ang walang laman ay nagkaroon ng laman, ang kadiliman ay nagkaroon ng liwanag, ang kaguluhan ay nagkaroon ng kaayusan.
Nakita rin natin last week na ganito ang trajectory ng buong kuwento ng Bibliya. Kung paanong ang nilikha ng Diyos ay nagkaroon ulit ng chaos dahil sa pagkahulog sa kasalanan, ay aayusin ulit ‘yan ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo. Individually, kung tayo ay nakay Cristo, tayo ay new creation (2 Cor. 5:17), inaayos at binubuo ang sira sa buhay natin. At sa pangkalahatan, ‘yan ang gagawin ng Diyos sa pagbabalik ni Cristo: “isang bagong langit at isang bagong lupa. Wala na ang dating langit at lupa, wala na rin ang dagat” (Rev. 21:1). Ang Genesis 1 ang nagbibigay sa atin ng confidence na yung nakasulat sa Revelation 21 ay mangyayari nga.
Mahalaga na magkaroon tayo ng ganitong big picture perspective kapag pinag-aaralan ang Genesis 1. Isa sa mga difficulties, na ayon kay Greidanus ay “more troubling” sa pagbabasa ng Genesis 1 ay yung mapatangay tayo sa mga controversies ng tinatawag na “conflict between Genesis 1 and science.”
Ano ba talaga ang edad ng mundo? Anim na libong taon lang ba ito, o nasa apat na bilyong taon na? At kaugnay nito, ang mga “araw” ba sa Genesis 1 ay literal na dalawampu’t apat na oras, o mahahabang yugto ng panahon?
Sa isang banda, kung sasang-ayon tayo na mahahabang yugto ng panahon ang tinutukoy, may mga seryosong problema tayong haharapin. Kasi malinaw na sinasabi ng teksto: “Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga—iyon ang unang araw,” at ganoon din sa mga sumunod. Ang “gabi at umaga” ay malinaw na tumutukoy sa isang 24-oras na araw sa Hebrew, na nagsisimula sa paglubog ng araw. Dagdag pa, kung ang mga halaman at puno ay nilikha sa ikatlong mahabang yugto ng panahon, paano sila mabubuhay kung ang araw ay nilikha lang sa ikaapat na yugto?
Pero sa kabilang banda, kung pipiliin naman natin ang literal na 24-oras na araw, may iba pa tayong problema. Halimbawa, sinasabi ng mga scientists na ang mga dinosaurs ay nagpapagala-gala sa mundo mga 200 milyong taon na ang nakalipas, at ang mga tao naman ay lumitaw mga 200 libong taon na ang nakalipas. Pero sinasabi ng Genesis 1 na ang mga hayop sa lupa at ang tao ay nilikha sa ikaanim na araw—ibig sabihin, sa loob lang ng isang 24-oras na araw.
Mayroon ding ilang textual questions. Halimbawa, paano nagkaroon ng “mga araw,” ng “gabi at umaga,” sa unang tatlong araw bago pa malikha ang araw sa ikaapat na araw? (Preaching Christ from Genesis, p. 43)
Hopefully, magkaroon ng linaw yung ilang mga controversial questions na ‘yan. Pero I will not attempt to answer all questions regarding sa mga details ng Genesis 1. Ang primary goal ko ngayon ay mag-strengthen yung pananampalatayang ipinapahayag natin sa unang linya sa Apostles’ Creed: “I believe in God the Father Almighty, maker of heaven and earth.” Isa sa sound rule of interpretation ng Bible ay matuto tayong pakinggan ang isang Old Testament text gaya nito ayon sa intensyon ng sumulat nito para sa Israel originally. May mga tanong kasi tayo ngayon na maaaring hindi naman intended na masagot sa teksto natin. Pero may mahahalagang mga tanong na gusto ni Moises, at ng Diyos, na sagutin para sa mga Israelitang nasa disyerto noon at naghahanda sa pagpasok sa lupang ipinangako sa kanila ng Diyos:
- Sino ba ang Diyos na ito na si Yahweh?
- Ano ang kaibahan niya sa mga “diyos” na sinasamba ng mga Egyptians na pinanggalingan nila at ng mga Canaanites na pupuntahan nila?
- Mapagkakatiwalaan ba siya na tutuparin niya ang sinabi niyang gagawin niya? Magagawa niya kaya yung ipinangako niyang gagawin niya?
- Mas mabuti ba talaga na sumunod sa salita niya o mas mainam pang bumalik na lang sa Egypt?
- Paano kayang hindi sila matutulad sa mga magulang nila na namatay sa disyerto during that 40 years na paikut-ikot sila?
Merong takot sa puso nila—na pumipigil para buong tapang sila na sumunod sa sinasabi ng Diyos. Merong unbelief sa puso nila—na nagreresulta sa pagdududa sa kabutihan at kapangyarihan ng Diyos. Merong strong temptation na tumulad sa mga kaaway nila na kumapit sa mga diyos-diyosan para mas maging secure sila, para mas maging payapa ang kalooban nila, para mas maging masaya sila. Kaya sinabihan sila ng Diyos na maging maingat (Deut. 4:15): “Baka itingin mo ang iyong mga mata sa langit, at kung iyong makita ang araw, buwan, bituin, at lahat ng hukbo ng sangkalangitan ay matukso ka at iyong sambahin at paglingkuran sila na inilagay ng Panginoon ninyong Diyos sa lahat ng mga bayan na nasa ilalim ng buong langit” (Deut. 4:19). ‘Yang mga ‘yan naman kasi ang sinasamba ng mga taga-Canaan. Hindi sila dapat tularan dahil ang Diyos nila ay hindi katulad ng mga diyos-diyosan nila.
Tayo rin naman. Meron pa ring takot sa puso natin. Nag-aalala tayo dahil hindi tayo sigurado at unpredictable ang mga mangyayari sa mga susunod na araw dahil sa kaguluhan sa Middle East. Merong unbelief sa puso natin. Pinagdududahan din natin ang kabutihan at kapangyarihan ng Diyos. At natutukso pa rin tayo na makiayon sa takbo ng mundong ito, na pahalagahan ang mga bagay na pinahahalagahan nila nang higit sa Diyos.
Kaya naman sa Genesis 1 ay isa-summarize ko yung apat na observations na matututunan natin sa ine-emphasize nito sa pamamagitan ng mga paulit-ulit na literary devices na ginamit ng author. Sa bawat isang observation ay ipapakita ko kung saang bahagi ng teksto makikita yun, pagkatapos ay pag-usapan natin sandali kung ano ang mga theological at practical implications nito para sa atin ngayon. Then, next week, magkakaroon tayo ng special focus sa paglikha ng Diyos sa tao sa verses 26-31.
#1: Maayos ang paglikha ng Diyos.
Heto ang unang mapapansin natin dito: Maayos ang paglikha ng Diyos. Merong order. Merong pagkakasunud-sunod. Hindi basta-basta matapos lang. Siyempre, kaya naman ng Diyos sa isang iglap lang lahat ‘yan. Pero merong dahilan kung bakit anim na araw ang pagkakalatag niya ng lahat. Hindi naman dahil pagkatapos ng Day 1 ay napagod siya, at magpapahinga muna. Pansinin n’yo yung ginawa ng Diyos:
Forming what is without form in Days 1-3; Filling what is void in days 4-6.
Ang problema sa verse 2, ang lupa ay “walang anyo.” So, ang ginawa ng Diyos nilagyan niya ng anyo o hugis sa unang tatlong araw (vv. 3-13).
- Sa unang araw, nilikha ng Diyos ang liwanag (v. 3). Yung araw ay sa ikaapat na araw pa, so malamang na yung liwanag dito ay sa Diyos mismo nanggagaling. “God is light” (1 John 1:5). Hindi naman kailangan ng Diyos gumawa ng araw para magkaroon ng liwanag. Actually, sa new heavens and new earth, wala ring araw, “sapagkat ang kaluwalhatian ng Diyos ang nagbibigay ng liwanag doon” (Rev. 21:23).
- Sa ikalawang araw, nilikha ng Diyos ang kalawakang maghihiwalay sa tubig sa itaas at sa ibaba, ang langit o sky at ang dagat (vv. 6-8).
- Sa ikatlong araw, ginawa ng Diyos ang lupa na hindi na tigang, kundi meron nang tumutubong halaman (vv. 9-13). Inihanda ng Diyos sa unang tatlong araw ang kanyang nilikha para magkaroon ng anyo at maihandang matirhan ng tao.
Pero hindi pa tapos. May anyo na, pero wala pang laman (see v. 2). ‘Yan naman ang ginawa ng Diyos sa ikaapat hanggang ikaanim na araw (vv. 14-31), nilagyan niya ng laman ang kalawakan, ang tubig, at ang lupa.
- Sa ikaapat na araw, ginawa ng Diyos “ang mga tanglaw sa langit upang mabukod ang araw sa gabi. Ito ang magiging batayan sa bilang ng mga araw, taon, at kapistahan. Mula sa langit, ang mga ito’y magbibigay ng liwanag sa daigdig” (vv. 14-15).
- Sa ikalimang araw, nilikha ng Diyos ang mga isda na titira sa dagat at ang mga ibon na titira sa himpapawid (vv. 20-21).
- Sa ikaanim na araw, ang pinakamahaba account sa lahat, nilikha ng Diyos ang mga hayop at mga tao na titira sa lupa (vv. 24, 26).
Sa loob ng anim na araw, inayos ng Diyos ang chaos sa umpisa ng kanyang paglikha. Ang walang anyo ay nagkaroon ng anyo. Ang walang laman ay nagkaroon ng laman. Maayos ang pagkakalikha ng Diyos. At naniniwala ako na ito ay literal na 24-hour days, dahil sa bawat pagtatapos ng unang araw ay ganito ang nakasulat:
“And there was evening and there was morning, the (first) day” (vv. 5, 8, 13, 19, 23, 31)
Sa time convention natin ngayon, ang araw natin ay nagsisimula sa hatinggabi, 12:01 am to 12 midnight. Sa mga Israelita, sa gabi ang simula, 6PM, paglubog ng araw, kaya “there was evening and there was morning.” Pero merong nagsasabi na ang bawat araw rito ay pwedeng tumukoy sa mahabang panahon. Sabi kasi sa Psalm 90, “Ang sanlibong mga taon ay para bang isang araw, sa mata mo, Panginoon, isang kisap-mata lamang” (v. 4). Of course, sa Diyos na hindi saklaw ng panahon natin, outside of time, dahil eternal siya, ang libu-libong taon sa kasaysayan ay “eternal present” sa kanya. Pero sa perspective ng mga taong bumabasa nito, ang isang araw ay isang 24-oras na araw. Pero kung hindi ka naniniwala na ito ay 24-oras na araw, I will not hold that against you. Basta naniniwala ka na hindi kailangan ng Diyos ang mahabang panahon para tapusin ang lahat ng ito. He is maker of heaven and earth.
Theological and Practical Implications
Ngayon, kung ganito kaayos ang paglikha ng Diyos, maayos din niyang inilalatag ang bawat pangyayari sa kasaysayan bago tapusin ang plano niya. Kinailangang mahigit 300 years ang mga Israelita sa Egypt bago sila palayain. Kinailangang 40 years silang maglakbay sa disyerto bago makapasok sa promised land. Kinailangang 70 years na sila’y ma-exile sa Babylon bago sila makabalik sa Judah. Kinailangang 400 years na walang propetang pinapadala ang Diyos bago dumating ang Messiah. Kinakailangang mahigit 2000 years bago bumalik ang Panginoong Jesus.
Hindi dahil kailangan ng Diyos ang mahabang panahon, kundi dahil sa kanyang karunungan ay isinasaayos niya ang lahat, hindi man natin lubos na nauunawaan kung bakit. “He has made everything beautiful in its time. / Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa tamang kapanahunan. Ang tao’y binigyan niya ng pagnanasang alamin ang bukas ngunit hindi binigyan ng pagkaunawa sa ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas” (Ecc. 3:11). Hindi man natin alam ang lahat, pagtiwalaan natin ang Diyos na nakakaalam ng lahat at ginagawa ang lahat nang maayos.
#2: Makapangyarihan ang salita ng Diyos.
Ikalawang bagay na mapapansin natin sa Genesis 1 ay ito: Makapangyarihan ang salita ng Diyos. Imposible namang hindi mo ‘yan mapansin kasi simula pa lang sa verse 3 ‘yan na ang bungad, “Sinabi ng Diyos: ‘Magkaroon ng liwanag!’ At nagkaroon nga” (Gen. 1:3). May kapangyarihan ang salita ng Diyos to create what it commands. Kung ano ang sinabi niya yun ang mangyayari. Ganito yung bungad ng bawat araw ng creative activity ng Diyos:
- Day 2: “Sinabi ng Diyos: ‘Magkaroon ng kalawakang maghahati sa tubig upang ito’y magkahiwalay!’ At nangyari ito” (Gen. 1:6-7).
- Day 3, dalawang beses: “Sinabi ng Diyos: ‘Magsama-sama sa isang dako ang tubig sa silong ng langit upang lumitaw ang lupa.’ At nangyari nga ito” (Gen. 1:9); “Pagkatapos, sinabi ng Diyos: ‘Magkaroon sa lupa ng lahat ng uri ng tumutubong halamang nagkakabinhi at mga punong namumunga.’ At nangyari ito” (Gen. 1:11).
- Day 4: “Sinabi ng Diyos: ‘Magkaroon ng mga tanglaw sa langit upang mabukod ang araw sa gabi. Ito ang magiging batayan sa bilang ng mga araw, taon at kapistahan. Mula sa langit, ang mga ito’y magbibigay ng liwanag sa daigdig.’ At gayon nga ang nangyari” (Gen. 1:14-15).
- Day 5: “Sinabi ng Diyos: ‘Magkaroon sa tubig ng maraming bagay na may buhay, at magkaroon din ng mga ibon sa himpapawid’” (Gen. 1:20). Sa salitang iyon, nilikha ng Diyos ang mga isda at ang mga ibon (Gen. 1:21).
- Day 6, dalawang beses ulit: “Sinabi ng Diyos: ‘Magkaroon ng lahat ng uri ng hayop sa lupa—maaamo, maiilap, malalaki at maliliit.’ At gayon nga ang nangyari” (Gen. 1:24); “Pagkatapos, sinabi ng Diyos: ‘Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis…’ Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan” (Gen. 1:26, 27).
Makapangyarihan lumikha mula sa wala ang salita ng Diyos. “Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay ginawa ang mga langit; at lahat ng mga hukbo nila sa pamamagitan ng hinga ng kanyang bibig…Sapagkat siya’y nagsalita at iyon ay naganap, siya’y nag-utos, at iyon ay tumayong matatag” (Psa. 33:6, 9 AB). Lahat ng nilayon at itinakda ng Diyos ay nangyari at mangyayari. Walang nakasulat sa Genesis 1 na, “At sinabi ng Diyos…tapos hindi nangyari ang sinabi ng Diyos.” “Anumang nais ni Yahweh sa langit man o sa lupa, at kahit sa karagatan, ang anumang panukala, ginaganap niya ito, sa sariling pagkukusa” (Psa. 135:6 MBB). Kaya naman siya ay “dakila, higit siya sa alinmang diyus-diyosang naglipana” (Psa. 135:5). Kaya sinabi ni propeta Habakkuk na walang kabuluhan ang diyus-diyosan: “Ito ay isang diyos na hindi man lang makapagsalita…May maipapahayag ba sa inyo ang isang diyus-diyosan? Maaaring ito’y nababalot sa pilak at ginto, ngunit wala naman itong buhay” (Hab. 2:18-19).
Theological and Practical Implications
Makapangyarihan ang salita ng Diyos. Tanging salita lang ng Diyos ang may ganitong kapangyarihan to create what he commands. Ito ang kapangyarihan ng salita ng Panginoong Jesus. Ito ang mga salitang nagpapasunod sa mga masamang espiritu (Mark 1:25-27), nagpapagaling sa balat ng isang ketongin (Mark 1:41, 42), nagpapalakad sa isang paralitiko (Mark 1:11, 12), nagpapakalma sa malakas na bagyo sa dagat, nagpapatigil at nagpapatahimik sa malalakas na hangin at malalaking alon, at tumitigil at tumatahimik nga sila (Mark 4:39-41). Siya ang Salita na sa pamamagitan niya ay nalikha ang lahat (John 1:3). Siya rin ang may hawak-hawak sa buong universe “sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita” (Heb. 1:3).
Kung merong creative power ang salita ng Diyos, ‘wag nating ipapalagay na noong na-convert tayo at naging tagasunod ni Cristo, na nangyari yung dahil sa ginawa nating desisyon o dahil sinabi natin ang “sinner’s prayer.” Paano ba natin nakita ang liwanag ng kagandahan ni Cristo nang marinig natin ang mabuting balita? “Sapagkat ang Diyos ang nagsabi, ‘Magningning ang ilaw sa kadiliman’ (malinaw na reference sa Genesis 1:3), na siyang tumatanglaw sa aming mga puso upang magbigay-liwanag sa pagkakilala sa kaluwalhatian ng Diyos sa mukha ni Jesu-Cristo” (2 Cor. 4:6 AB). Ang Diyos ang maylikha ng liwanag na ‘yan. Paano ba tayo na-born again? Dahil ba sa sarili nating willpower? “Hindi sa pamamagitan ng binhing nasisira, kundi sa pamamagitan ng buháy at walang kamatayang salita ng Diyos…ang salita ng Panginoon ay nananatili magpakailanman. Ang salitang ito ay ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo” (1 Pet. 1:23, 25 MBB).
Ang mabuting balitang ito ay makapangyarihang salita ng Diyos, “the power of God for salvation” (Rom. 1:16). May kapangyarihan itong iligtas ang sinumang niloob ng Diyos na maligtas. Kaya ‘wag natin itong ikahiya, maging sabik, maging matapang, maging confident tayo na ipangaral ito kahit sa kaninong makasalaan. Let us trust God na hindi mababalewala ang kanyang salita. God is at work, powerfully at work, even now in the preaching of his Word.
Ang ulan at yelo na bumabagsak mula sa langit ay hindi na nagbabalik, kundi dinidilig nito ang lupa, kaya lumalago ang mga halaman at namumunga at nagbibigay ng butil na panghasik, at tinapay upang maging pagkain. Gayundin naman ang mga salita na lumalabas sa aking bibig, ang mga ito’y hindi babalik sa akin na walang katuturan. Tutuparin nito ang aking mga balak, at gagawin nito ang aking ninanais. (Isa. 55:10, 11)
Hindi palaging magreresulta sa conversion ang pangangaral ng salita ng Diyos. Pero hindi ito “walang katuturan” o “walang bunga” (AB). Anumang layunin ng Diyos sa pangangaral ng kanyang salita ay maisasakatuparan. Walang anumang salita mula sa Diyos ang masasayang o mababalewala.
In response, ‘wag din nating babalewalain ang mga salitang nababasa at napapakinggan natin. Pakinggan n’yo yung introduction bago sabihin yung Sampung, o literally, Sampung Salita, “Binigkas ng Diyos ang lahat ng salitang ito, na sinasabi…” (Exod. 20:1 AB). Kung makapangyarihan ang salita ng Diyos, at lahat ng nilikha niya sa Genesis 1 ay sumusunod sa sinabi niya, bakit tayong mga tao na pinakamahalaga sa lahat ng nilikha ng Diyos ay sumusuway sa salita ng Diyos? Iyon ay dahil hindi natin kinikilala na ang Diyos ang Haring namamahala at dapat na mamahala sa buhay natin.
#3: Malawak ang kaharian ng Diyos.
That brings us to our third observation: Malawak ang kaharian ng Diyos. Ibig sabihin, ang pamamahala ay hindi lang sa isang lugar o ilang grupo ng tao, kundi sa kanyang buong nilikha. He is not just the Creator, he is the Creator-King. Hindi binanggit ang salitang “hari” o “kaharian” sa Genesis 1, pero implied ito sa authority God was exercising sa pagpapangalan o pagtawag sa kanyang nilikha, bukod pa sa nakita natin kanina tungkol sa kapangyarihan ng salita ng Diyos.
Prominent ito sa unang tatlong araw, nang nilalagyan ng Diyos ng anyo ang kanyang nilikha:
- Day 1: “Pinagbukod niya ang liwanag at ang dilim” (Gen. 1:4). Siya ang naglalagay ng boundaries kung hanggang saan lang sila, thus exercising authority. “Ang liwanag ay tinawag niyang Araw, at ang dilim naman ay tinawag na Gabi” (Gen. 1:5).
- Day 2: “Langit ang itinawag niya sa kalawakan” (Gen. 1:8).
- Day 3: “Tinawag niyang Lupa ang tuyong bahagi at Dagat naman ang nagsama-samang tubig” (Gen. 1:10).
Si Adan ang nagpangalan sa mga hayop at sa kanyang asawa, na indicative ng authority na galing sa Diyos bilang kinatawan ng paghahari ng Diyos (Gen. 2:19, 20; 3:20). Ang mga tatay at nanay ang nagbibigay ng pangalan sa kanilang mga anak. Sa Ancient Near East, ang pagpapangalan sa isang bagay o isang tao ay senyales na taglay niya ang kapangyarihan at authority sa bagay o taong iyon. Pinalitan ng Pharaoh ng Egypt ang pangalan ni Joseph (Gen. 41:45). Pinalitan ni Pharaoh Neco ang pangalan ni Eliakim na hari ng Judah at ginawang Jehoiakim (2 Kings 23:34). Anghel na galing sa Diyos ang nagpangalan kina John the Baptist at sa Panginoong Jesus (Baker Encyclopedia of the Bible, 1:771). Sa pagbibigay ng pangalan sa nilikha ng Diyos, God was declaring na siya ang Hari at malawak ang kanyang kaharian, sakop ang buong nilikha ng Diyos.
Interestingly, sa huling tatlong araw, nung nilalagyan na ng Diyos ng laman ang nilikha niya, hindi pinangalanan ang araw (sun) at buwan (moon) dito, tinawag lang greater light at lesser light. “Nilikha ng Diyos ang dalawang malalaking tanglaw; ang malaking tanglaw ay upang maghari sa araw at ang maliit na tanglaw ay upang maghari sa gabi. Nilikha rin niya ang mga bituin” (Gen. 1:16). Hindi pinangalanan ang mga dinidiyos ng mga Canaanites—ang araw, ang buwan—at ang mga bituin ay pahapyaw lang. Gayundin sa paglikha sa mga creatures sa dagat, sa himpapawid, at sa lupa (Gen. 1:21, 25). To highlight na siya ang lumikha sa mga ito, at siya lang ang dapat sambahin at sundin bilang Diyos at Hari at hindi ang anumang bagay na nilikha niya.
Theological and Practical Implications
Ibig sabihin, dapat na kilalanin natin ang lawak ng paghahari ng Diyos. Siya ang Haring namamahala sa buhay natin at sa lahat ng bahagi ng buhay natin. Tinawag niya tayo na mga anak niya at mga tagasunod ni Cristo, we must live our lives accordingly. Sumampalataya tayo kay Cristo hindi lang bilang Tagapagligtas kundi Tagapagligtas at Panginoon. “Ang lahat ng awtoridad sa langit at sa ibabaw ng lupa ay ibinigay na” sa Panginoong Jesus (Matt. 28:18 AB). We represent King Jesus sa buong buhay natin. Pangalan niya ang dala-dala natin kaya tayo tinawag na “Kristiyano”—kay Cristo tayo. We must live up to that name sa bawat bahagi ng buhay natin.
Kung ang Diyos ang hari ng lahat, dapat din nating ipakilala sa lahat ang Diyos na hari ng lahat. Kilalanin at ipakilala. Hindi yung para tayong nagmamakaawa at nakikiusap sa mga unbelievers, “Please lang, tanggapin mo na si Jesus, subukan mo lang.” We are ambassadors of the King, maker of heaven and earth. Siya ang Hari, and he demands that you repent of your sins, put your trust in his Son Jesus, and bow down to him as King. ‘Yan lang ang tanging paraan para ang gulo-gulo at sira-sira mong buhay ay mailagay sa ayos at magkaroon ng kabuluhan. Kung hindi, you will face a much greater chaos, hahatulan ng Diyos for all eternity kasama ng lahat ng nagrerebelde sa kanyang paghahari. Let us be bold, then, in our evangelism. We represent King Jesus.
#4: Mabuti ang lahat ng gawa ng Diyos.
At kung ang Diyos ang Hari at malawak ang kanyang kaharian, ibig sabihin, siya rin ang hahatol kung ano ang mabuti at kung ano ang hindi. That brings us sa ikaapat at panghuling observation sa Genesis 1: “Mabuti ang lahat ng gawa ng Diyos.” Kapag sinabing lahat, ibig sabihin lahat, at walang anumang nilikha ang Diyos na hindi mabuti. Bawat araw sa anim na araw, maliban lang sa ikalawang araw, ng paglikha ng Diyos, ganito ang evaluation ng Diyos sa lahat ng kanyang ginawa:
- Day 1: “Nakita ng Diyos na ang liwanag ay mabuti…” (Gen. 1:4 AB). Sa MMB, “Nasiyahan ang Diyos nang ito’y mamasdan.” Mabuti, maganda, at kasiya-siya ang gawa ng Diyos.
- Day 2: Hindi binanggit. Maraming iba-ibang explanations kung bakit. Pero hindi ibig sabihin na hindi approved sa Diyos yung ginawa sa Day 2. Kasi connected naman ‘yan sa Day 1 at Day 3, at sinabi sa dulo na “very good” ang lahat ng gawa ng Diyos (Hugh Ross, The Genesis Question, p. 67).
- Day 3, dalawang beses: “At nakita ng Diyos na ito (ang paglikha sa lupa at dagat) ay mabuti” (Gen. 1:10 AB). At nakita ng Diyos na ito (ang lupa at ang mga halamang tumutubo rito) ay mabuti” (Gen. 1:12).
- Day 4: “At nakita ng Diyos na ito (ang paglikha sa araw, buwan, at mga bituin) ay mabuti” (Gen. 1:18).
- Day 5: “At nakita ng Diyos na ito (ang paglikha sa mga ibon at isda) ay mabuti” (Gen. 1:21).
- Day 6, dalawang beses ulit: “At nakita ng Diyos na ito (ang paglikha sa mga hayop) ay mabuti” (Gen. 1:25); “Nakita ng Diyos ang lahat ng kanyang nilikha (kasama na ang tao) at ito ay napakabuti” (Gen. 1:31).
Hindi lang mabuti, napakabuti. Ang paglikha ng Diyos ay perfectly good, reflecting God’s perfect goodness and beauty. God is so satisfied sa gawa niya—tulad ng isang contractor matapos magawa yung house project niya o ng isang author o book editor matapos maimprenta yung gawa niya after so many years of hard work. Para sa Diyos, hindi yun dahil merong kakulangan sa kanya na kailangang punan ng nilikha niya. No, he is self-sufficient. Yung joy and satisfaction na ‘to ay overflow ng abundance ng goodness niya.
Nag-uumapaw ang kabutihan, kagandahan, at kasaganaan ng Diyos sa kanyang paglikha. Ito yung blessing o pagpapalang ibinigay niya sa mga hayop, “Pinagpala niya ang mga ito at sinabi: ‘Magpakarami ang lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig at punuin ang karagatan; magpakarami rin ang mga ibon at punuin ang daigdig’” (Gen. 1:22). At lalo na sa mga tao, “at sila’y pinagpala niya. Sinabi niya, ‘Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak ang buong daigdig…’” (Gen. 1:28). Maganda ang lahat ng gawa ng Diyos. Mabuti na napunan ang walang laman, at gusto niya na mas dumami pa para makita ng lahat ang perfect goodness ng Diyos na lumikha sa lahat.
Theological and Practical Implications
Merong dalawang implications ‘to: looking and longing. Una, looking, may kinalaman sa pagtingin natin. Kung ganito kabuti ang Diyos, at kung ganito kabuti ang tingin ng Diyos sa kanyang nilikha, hindi ba’t dapat lang na ganito ang pagtingin natin sa Diyos at sa kanyang nilikha? Kapag tumingin ka sa kalangitan, sa kabundukan, sa karagatan, at sa mga tao sa paligid mo, nakikita mo ba ang kabutihan at kagandahan ng Diyos na lumikha sa kanila? “Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan” (Psa. 19:1)! Totoo na hindi na perfect goodness ang nakikita natin ngayon dahil sa epekto ng kasalanan sa nilikha ng Diyos at sa mga paningin natin. Pero meron pa ring nananatiling kagandahan sa nilikha ng Diyos.
Kaya naman yung pangalawang implication ay longing. Nag-iincrease yung pananabik sa puso natin. Lalo na kung nakikita mo yung kasamaan ng mga mundo, yung kahirapan, yung mga pang-aabuso sa nilikha ng Diyos, yung paninira na ginagawa ng ibang tao sa nilikha ng Diyos. Andun yung longing na dumating ang araw na ibabalik ng Diyos ang “very good” goodness ng nilikha niya—at higit pa! At sigurado tayong mangyayari ‘to. Kung paanong naniniwala tayong totoong kuwento (past reality) ang Genesis 1-2 at hindi gawa-gawang kuwento lang, naniniwala rin tayong totoo at mangyayari nga (future reality) ang nakasulat sa Revelation 21-22.
Conclusion: The Nature of True Faith
Ito ang nature of true faith. Tulad ng sabi sa Hebrews 11:3, “Dahil sa pananampalataya, nauunawaan natin na ang sanlibutan ay nilalang sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, at ang mga bagay na nakikita ay ginawa mula sa mga hindi nakikita.” At ito naman ang mga naobserbahan natin sa Genesis 1: (1) Maayos ang paglikha ng Diyos; (2) Makapangyarihan ang salita ng Diyos; (3) Malawak ang kaharian ng Diyos; at (4) Mabuti ang lahat ng gawa ng Diyos. O ayon sa sagot ng New City Catechism sa ikalimang tanong tungkol sa nilikha ng Diyos: “Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng makapangyarihan niyang Salita, at ang lahat ng nilikha niya ay napakabuti; at ito ay nagbunga (flourished) sa ilalim ng kanyang mapagmahal na pamamahala.”
Ang tanong ay hindi basta: Naniniwala ka ba na totoo ang mga statements na ‘yan. Ang tanong ay: Sumasampalataya ka ba sa Diyos na maayos ang paglikha, makapangyarihan ang salita, haring namamahala sa lahat, at nag-uumapaw sa kabutihan? Sumasampalataya ka ba sa mabuting balita (the good news of the gospel of Jesus), sa kapangyarihan nito na iligtas ka mula sa kasalanan, at sa mabuti at mapagmahal na pamamahala ni Cristo sa buhay mo bilang Panginoon? Ang pananampalatayang ito ang natatanging paraan para ma-overcome ang anumang takot sa puso, ang anumang pagdududa, at anumang tukso na bumaling sa mga nilikha ng Diyos para mahalin at pahalagahan nang higit sa Diyos. Dahil ang Diyos lang ang powerful enough, good enough, at loving enough para anumang chaos o gulo-gulo o sira-sira sa buhay natin ay maayos at mapaganda. Do you believe that? “Sigurado ako na yung magandang bagay na inumpisahan ng Diyos sa inyo, tatapusin nya hanggang sa Araw na bumalik ang Panginoong Jesu-Cristo” (Phil. 1:6 PV).
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

